Chapter 33

1817 Words

"HINDI mo dapat hinahayaang pagsalitaan ka ni Trisha ng kung anu-ano. Kung hindi pa ako dumating hindi ka niya tinigilan sa kaiinsulto sa iyo. Mamimihasa na naman iyon kung hindi mo labanan," sermon ni Rain pagkalapit nito. Nagpapasalamat si Mia dahil madalas siyang ipinagtatanggol ni Rain lalo na kapag napagdiskitahan na naman siya ni Trisha. Malapit nang matapos ang practice game ni Renny. Ni hindi na niya nasubaybayan ang naging laro nito dahil sa panggugulo ni Trisha. "Salamat ulit, Kuya Rain. Hindi ko na talaga siya masyadong pinatulan. Huwag lang dumampi ang kamay niya sa ano mang parte ng katawan ko dahil lalabanan ko siya kahit ikamatay ko pa. Kapag natalo ako, mumultuhin ko na lang siya," aniya. Napangisi pa si Renny sa huling sinabi niya. May isang metro ang distansiya nito s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD