Sunod sunod ang krimeng nagaganap sa loob ng Campus. Habang tumatagal mas nagiging delikado ang aming pananatili. Nagsisimula nanaman akong mangamba at pangunahan ng takot. Bakit hindi? Isang guro ang patay matapos makitang nakabikti ito sa mismong office at may nakalagay pa na..Walang kwentang guro, huwag tularan. Napagtanto ko na hindi lang iisa ang pumapatay halos marami rin talaga. May mga estudyante talaga ang RD na sobrang nakakatakot at magaling magtago ng kanilang sungay. I sighed. May isa pang biktima, isang taga canteen ang namatay nasa bibig niya ang tsansi na sinadyang ipalunok sa kanya. Nalaman naman nila Aikee kung sino ang may gawa noon. Minsan kasing namahiya ng normal na tao iyong taga canteen kaya ginantihan siya ni Garl. Dahil tinapak tapakan daw nito ang dignidad ni

