RD 20

1317 Words

Kasama ko sila Hershey at Shin na nakain sa holoseyo. At hanggang ngayon kahit isang linggo na ang nakalipas matapos ng mangyari kay Temari ito parin ang laman ng bulung-bulungan ng mga estudyante. Hindi parin namamatay ang usapan patungkol sakanya. Kung ako si Temari, Ang sakit isipin na winalanghiya na nga ako at pinatay wala pang naawa sakin. Pero sabagay sobrang sama ng ugali ni Temari kahit nung nabubuhay pa siya. Halos lahat nakatanggap ng pagiging maldita niya. "nakakatakot yung marka ng ahas no? As in ahas talaga yung kumagat sa batok! Shet!"kinikilabutang saad ni Shin. Tumango nalang kami ni Hershey. Kailangan ko ding mag ingat nakakatakot makulong sa paaralang ito. Kahit na sobrang taas ng estado ng pagtuturo nila hindi ko naman alam kung hanggang kelan lang ako mabubuhay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD