Raph's POV Hindi ako umuwi agad pagkatapos kong maihatid si Liegh sa tinitirhan niya. Natatawa pa rin ako sa tuwing maalala ko ang itsura niya kapag tinatawag ko siya sa pangalan na walang kasamang pagtawag ng ate. I'm not rude, I just don't want to. Lalo ko lang siyang patatandain. Sa tingin ko naman ay hindi gaanong malayo ang agwat namin. Maybe, 4 to 5 years? Dumaan ako sa mall dahil.may sadya ako. Malapit na silang magsara pero may time pa ako para bumili ng regalo. "Hello, Sir may I help you?" bati sa akin ng sales associate habang tumitingin ako sa paninda nila. Spence diamond and panagalan ng store kung saan sikat ang mga paninda nilang pangkasal na singsing. May iba rin naman silang paninda like earrings, bracelets at necklaces na sadya ko. Necklace lang ang sadya ko ngunit na

