Liegh's POV Akala ko, ako lang ang zombie mode sa umagang iyon. Mas zombie pa si Kristel na halatang hindi pinatulog ni Brad kagabi. "Gusto mo ng kape?" alok ko sa kanya nang maupo siya at napasalumbaba habang pinapanood ako sa lababo at nagtitimpla ng kape. Tumango siya kaya kumuha pa ako ng isang tasa para ipagtimpla siya. Tahimik kaming dalawa. Saka lamang siya nagsalita nang makaupo na rin ako kaharap niya. Tapos na rin ako magluto dahil hindi talaga ako nakatulog kagabi, kaya amaga akong bumangon at inabala na alamng ang sarili sa kusina. "Liegh..." Sumimsim ako sa aking kape bago siya hinarap at tiningnan. Kahit alam ko na ang sasabihin niya ay nagkunwari pa rin akong interesado. "Gusto ni Brad na umalis na ako rito, magsasama na raw kami." Tumitig ako sa mga mata niyang bigl

