Chapter 10

1519 Words
"Salamat sa paghatid, Raph," sabi kong dumukwang sa kanyang bintana pagkababa ko. Hindi ko na rin gustong yayain pa siya sa loob ng tinitirhan ko. Gaya ng dati, malawak na naman ang ngiti niyang sumulyap sa akin. "Goodnight, Liegh, take care and reat well. Thanks for this wonderful night," sabi niyang may pakindat pang ginawa. Hindi ko maiwasang mapanguso sa pagbanggit niyang muli sa pangalan ko na wala man lamang respeto. Parang kasing wdad ko lang kung makatawag ng pangalan. "Goodnight," sagot ko na lang at umayos na ng tayo. "Ingat ka." Nang paandarin niya palayo ang kanyang sasakyan ay kumaway pa ako. Hinintay ko pang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako tuluyang pumihit papasok sa apartment. Papasok pa lamang ako sa pinto nang madatnan ko roon si Kristel.  Nakasandig sa may dingding, nakapameywang ang isang kamay at nakataas ang kilay. May hinuha na ako kung ano ang ibig sabihin  ng reaksiyon niya at kung ano ang dahilan, siguradong nakita niya ako na inihatid ni Raphael. "Sino iyon?" punong puno ng kuryosidad ang tninig niya. Nagtuloy-tuloy lamang ako at hindi siya pinansin. Alam kong aalis siya batay sa suot niyang mini-skirt at tube top na pinatungan niya ng denim na jacket. "Hoy, bruha! Sino iyon?" muli niyang tanong. Nagpaharap ako sa kanya dahil hinawakan niya ang braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan siya mula ulo hanggang paa, pabalik muli sa kanyang ulo. "Umalis ka na nga, baka ma-late ka pa sa date mo," pagtataboy ko sa kanya. Tila naman siya nataranta at sinipat ang relong suot saka binitiwan ang braso ko. "Mag-uusap tayo mamayang pagdating ko. Parang ang dami-dami mong sikreto na hindi sinasabi sa akin! Marunong ka ng maglihim." Inirapan ko siya saka papasok na sana sa aking kuwarto nang muli siyang magsalita. "Nanay mo, tumawag, iyong wini-withdraw daw sa iyo, asan na? Akala ko ba nabigyan mo na?" Nakaismid niyang sabi at sinabayan pa ng tanong. Alam ni Kristel kung gaano ang hirap ko para mapunan ang perang hinihingi nila sa akin. Pilit ko lamang nginitian si Kristel. Dire-diretso ako sa kuwarto ko at pabagsak na naupo sa kama. Gusto ko na namang maiyak ngunit pinigilan ko iyon. Wala rin namang mangyayari kahit umiyak pa ako ng balde-baldeng luha. Kahit siguro dugo na ang iluha ko, ang gusto pa rin naman nila ang masusunod. Nagawa ngang maglong distance call para lamang muling humingi ng perang kinakailangan muli nila. Bumuntong hininga ako nang pagkalalim-lalim, alam.kong mag-uusisa na naman si Kristel pagkabalik. Hindi lang sa lalaking kasama ko kundi tungkol sa pera at sa pamilya ko. Bakit kasi tumawag pa si Mama. Hindi na lang makapaghintay na tumawag ako. Napaismid ako. Ako pa ba ang hihintayin niyang tumawag? Madalas lang naman niya akong tawagan at sagutin sa tuwing nangangailangan sila ng pera. Tumayo ako at kumuha ng pantulog. Ayaw kong madatnan pa ako ni Kristel na gising dahil kung nagkataon, para siyang si Mike Enriquez na hindi ako tatantanan ng kakausisa. Pagod na ako sa kakaisip, mapapagod pa ako sa pagpapaliwanag kung bakit? Hindi rin naman niya ako maiintindihan at alam kong panay lang sermon ang aabutin ko sa kanya. Pagkatapos mag-ayos ng sarili para matulog, nasagi ng mga mata ko ang aking laptop nang maupo ako sa gilid ng kama. Ilang araw ko na rin iyon hindi binubuksan, iniiwasan ko rin kasing lalong masaktan. Alam kong ang mga chat lang ni Mama ang mababasa ko roon at ang masasakit niyang mga salita. Pinigilan ko ang aking sarili, nahiga na lamang ako at pumikit para kuhanin ang antok. Ngunit, bigla na lamang lumitaw sa aking isipan ang mukha ni Raphael na nakangiti kaya muli akong napabangon. Ipinilig ko ang aking ulo dahil kahit nakamulat na ako ay parang nakikita ko pa rin ang lalaking iyon. "Ano bang nangyayari sa akin?" Napakagat ako sa aking labi, hindi ko akalaing ganoon kalakas ang dating niya sa akin. Bumangon na ako nang tuluyan at nagtungo sa kusina. Inilabas ko ang gatas mula sa refrigerator at nagbuhos sa cup para ipainit sa microwave oven. Malalim akong napabuntong hininga habang nakasalumbaba sa harap ng microwave. Napapalabi ako dahil nakapagkit pa rin sa isip ko ang mukha niyang nakangiti. Nananaig siya sa isipan ko kesa sa problema ko sa pamilya. Alam ko kung ano itong nararamdaman ko. I am attracted to him, hindi man ako nagkarelasyon, may iilan naman na hinahangaan ko. Kakikilala man o hindi. Kahit sa mga artista ay nagfa-fan girl ako, lalo na noong nag-aaral pa ako. I even imagined myself that I am in a relationship with those men, wala eh, hanggang imahinasyon na lamang talaga ako. Pantasya. Nang tumunog ang microwave hudyat na tapos na ang minutong ni-set ko ay agad kong kinuha ang baso at dinala sa aking kuwarto. Naupo ako sa harap ng maliit kong mesa malapit sa bintana. Nilapag ko ang baso at tumanaw sa labas. Muli akong napabuga ng hangin. Ngayon ay talagang napapaisip na ako kung ano ba talaga ang ginagawa ko sa sarili ko sa loob ng taong nakalipas. Sa pagkakakilala ko kay Raph, marami akong na-realize sa aking sarili. Should I start to love myself more? More than anyone else? Kasama na doon sila Mama na hindi naman pinaramdam sa akin na mahal ako. Iniangat ko ang baso ng gatas saka ako sumimsim doon. Itinaas ko ang aking paa sa upuan at ipinatong ang baba ko sa aking tuhod habang patuloy kong pinagmamasdan ang liwanag ng gabi. It's already 9 pm at maliwanag pa sa labas. Kung dati ay tulog ako agad sa ganitong oras dahil sa pagod sa walang humpay na pagta-trabaho, ngayon ay ni hindi ko maramdaman ni pagod o antok. Kailangan ko na rin yatang ihanda ang tainga ko kay Kristel dahil paniguradong pagkadating niya ay masasabon at alam kong kukusutin pa niya ako ng husto. Hinayaan ko ang sarili kong magmuni-muni habang inuubos ang gatas. Isang oras rin akong nakamasid lang at tulala sa labas, alas-diyes na noong tumayo ako dahil sa pangangawit ng paa at para hugasan ang basong pinag-inuman ko. Lumabas ako ng kuwarto at hindi nagawang isara ang pinto ko dahil babalik rin naman ako agad. Patungo na ako sa kusina nang mahagip ng mga mata ko ang isang eksenang akala ko ay sa movie o sa malalaswang panoorin ko lang makikita. Pareho kaming nanlalaki ang mata ni Kristel habang halos hubad na ang kalahati ng kanyang damit. Nakayakap ang braso sa leeg at nakasabunot ang isang kamay niya sa buhok ng kasintahan niyang si Brad. Ang lalaki ay nakasubsob sa isa niyang dibdib habang nakasandig siya sa may pinto. "Get a room!" sigaw ko nang makahuma ako sa gulat sa ginagawa nila. Siya namang paglingon agad ni Brad sa gulat sa pagsigaw ko. Agad akong muling pumasok sa kuwarto ko at padabog na sinara ang pinto. Mabibikis ang ginawa kong paghinga dahil sa parang ako ang nahihiya sa ginagawa nila. Doon pa talaga inabutan ng libog! Hindi ba nila naisip na may kasama sila roon. "Liegh!" Pumikit ako at hindi gumalaw mula sa pagkakasandig sa pinto habang kumakatok si Kristel. "I'm sorry, okay? Medyo groggy kami kaya hindi namin napigilan...a-akala ko rin kasi tulog ka na." Hindi ko pa rin siya sinagot kahit anong paliwanag niya. Mas gugustuhin kong tumahimik. Alam ko naman na may ginagawa silang kababalaghan sa tuwing pupunta ang boyfriend niyang Canadian sa bahay. Ngayon ko lang talaga nahuli at nakita kahit naman magkatapat ang kuwarto namin. Tahimik rin lang naman sila kapag magkasama sa kuwarto. "Usap tayo bukas," ika ni Kristel at narinig ko ang yabag niyang papalayo. "You are going tomove out as soon as possible, Kristel! I want our privacy!" saad ni Brad na kahit mahina ay nakarating pa rin sa pandinig ko bago tuluyang sumara ang pinto ng kuwarto ni Kristel. Napakagat labi ako. "Privacy my ass! Kung nagpigil sana at sa kuwarto naglandian 'di sana hindi huli!" Nakasimangot akong naglakad patungong kama ko. Alam kong mas hindi na ako makakatulog dahil sa nasaksihan ko. "Puwede naman kasi sa bahay niya, dito pa talaga!" Inis akong nahiga. Alam kong si Kristel ang namimilit na umuwi. Hindi niya ako maiwanan mag-isa rito sa bahay. Alam niyang matatakutin ako mag-isa sa gabi. Kaya nga lalabas man, uuwi rin agad. Kaya kampante akong nakakatulog dahil alam kong darating siya. "Zombie mode na naman ako panigrado nito bukas!" inis parin na bulalas ko. Kinuha ko na lamang ang CP ko at earphone. Ini-scroll ko iyon papunta sa mga kantang kinaaaliwan ko,l. Korean love songs na kahit hindi ko maintindihan ay tumatagos sa puso ko. Lalo na ang mga team songs ng mga paborito kong K-dramas. Tumagilid ako sa aking kaliwa habang pumikit para mas ma-enjoy ko ang pakikinig. Na mawala sa aking isipan ang problema at ang mga pangyayari ngayong araw. Ngunit sa aking pagpikit, kumawala ang butil ng luha. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagbagsak nila. Hinayaan kong gupuin ng antok dahil sa pag-iyak. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa kanta at sa kalungkutang unti-unti akong nilulunod. Alam kong ang kaisa-isang kaibigan ko ay mawawala na sa tabi ko. Magiging mag-isa na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD