Hinila niya ako at hindi pinansin ang pagpupumiglas ko hanggang nakarating kami sa parking lot. Hinila ko ang kamay ko noong lumuwag ang pagkakahawak niya roon at pinameywangan siya. Wala siyang karapatang hila-hilain na lang ako na para bang close kami!
"Let me take you home." Humarap siya sa akin. May ngiti pa rin sa labi pero seryoso na ang mukha. "Para naman makabawi ako sa mga atraso ko at sa tulong mo kanina," dagdag pa niya na napakamot sa ulo. Nagpapa-cute yata si Totoy. At mukhang epektibo dahil natutunaw ang inis ko sa kanya.
"Hindi na, ayos lang..."
"Kung natatakot ka dahil inaakala mong totoy pa ako at baka hindi marunong mag-drive, marunong ako kahit sino...este kahit ano ang i-drive ko. Kung iniisip mong manganganib ang buhay mo sa akin!" Tinaaas niya ang dalawang kamay. "Don't worry, I cherish my life the way you do to your own."
Napatitig ako sa kanya. Wala naman akong sinasabi pero bakit parang kinokonsensiya niya ako sa paraan ng pagpapaliwanag niya?
"Get in, I will take you home. Sisiguraduhin kong makakauwi ka ng ligtas at buo," ika niyang binuksan na ang harap ng sasakyan para sa akin.
Muli akong napatitig sa mukha niya. Nang muli siyang ngumiti ay napabuga na lamang ako ng hangin bago tuluyang sumakay. Wala naman sigurong masama, kapwa ko naman siya Pilipino. Parang kapatid ko na siya kung tutuusin kaya ayos lang siguro. Tama, ayos lang Liegh. Huwag kang matakot na sumama. Bata iyan, dapat ito ang matakot. Matanda ka na Liegh, ikaw dapat katakutan.
Agad naman na pumasok ang lalaki sa driver's side at nagsuot ng kanyang seatbelt. Nilingon ko rin ang seatbelt ko at isinuot iyon sa aking katawan.
"Thanks," sabi niyang binuhay na ang makina ng kanyang sasakyan. "Address, please." Nakangiti siyang lumingon muli sa akin.
Ipininid ko ang aking labi. Nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba. Pero kalauna'y wala rin akong nagawa kundi ibigay iyon. Hapon na, dahil rin naman sa kanya kaya hindi ko nakuha ang bus na dapat ay sasakyan ko pauwi para mas maaga akong nasa bahay.
Inilagay niya sa GPS ang address na sinabi ko. Pagkatapos ay pinaandar na niya paalis sa parking lot ang sasakyan.
Tahimik akong nakatingin sa labas at walang balak magsalita, iyon lang hindi makaramdam ang kasama ko. Masayang nagku-kuwento at nagtatanong ng kung ano-ano.
"Anong magandang place ang puwedeng pasyalan dito? Iyong malapit lang?"
Blanko ang ekspresiyon kong tumingin sa kanya. Naroon pa rin ang malawak na ngiti niya sa labi. Boyish talaga siyang tingnan.
Bigla akong nainggit sa saya na nasa mukha niya. Napapaisip ako kung kailan ko kaya magawang ngumiti ng ganoon? Iyong walang bahid ng pagkukunwari. Pakiramdam ko kasi, simula kabataan ko ay pilit ang mga ngiti ko. Ngumingiti kahit nasasaktan sa pinapakitang disgusto ni Mama sa akin.
"Dahil spring na, sabi maganda raw ang Jasper park, Banff, puwede sa Elk Island..." wala na akong maisip pa.
"Sabi raw? So hindi mo pa nabibisita ang mga iyon? Don't tell me, you just work, work, work!" Hindi makapaniwala ang binigay niyang tingin sa akin. Inirapan ko naman siya dahil sa personal para sa akin ang sinabi niya.
"Just mind your own business."
I just want peace sa biyaheng ito, pero hindi ko magawa dahil masyadong madaldal ang lalaking nasa tabi ko. Nagsisi tuloy akong nagpahatid pa. Sa bus kasi tahimik lang akong nakapikit. Minsan ay nakakatulog pa ako dahil kulang isang oras ang biyahe ko.
"Next time, let's go together.
Nakataas ang kilay at hindi makapaniwalang muli kong binalingan ng tingin ang lalaki. Kami talaga? Napaismid na lang akong napailing. Hindi porke't nakumbinsi niya akong maihatid ay mayayaya niya akong sumama kahit saan.
"Iyang tingin mo na naman na iyan," sita niya nang mapalingon siya sa akin saglit bago ititok muli sa kalsada ang mga mata niya. "Boring lang mag-isa, that's why I said, tayo! Hindi mo pa naman nabibisita so why not di ba?"
"Eh, bakit hindi mo ayain ang tinataguan mo kanina? For sure willing iyon sumama kahit saan mo pa dalhin," walang gana kong saad at muling tumingin sa labas.
Sunod-sunod na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya.
"I don't want to. Tapos na kaming maglaro, so I better distance myself."
Lalo akong napaismid sa narinig mula sa kanya. So anong ibig niyang sabihin? Sa akin naman ba siya makikipaglaro? Muli na lang akong napailing at hindi na isinatinig ang laman ng isip ko.
Nang bigla siyang lumiko imbes na tuloy-tuloy.
"Bakit saan tayo pupunta?" Naalarma akong napalingon-lingon. Anong binabalak ng lalaking ito?
"Relax, dadaan lang ako ng foods. Kain muna tayo." Napalingon ako sa paligid. Patungo nga siya sa drive thru area ng Poppeyes Louisiana Chicken.
Gusto kong tumanggi dahil uwing-uwi na ako, pero may magagawa pa ba ako eh, nakikisakay lamang ako.
Muli niya akong nginitian nang pagkalawak-lawak pagkatapos niyang makuha ang in-order. Tuloy ay nagduda ako dahil parang may ibig sabihin ng ngiti niyang iyon.
Hindi nga ako nagkamali, gusto ko nang umalma nang iparada niya ang sasakyan niya sa view-point sa downtown area. Mataas na parte iyon kung saan kita ang kabuuan ng lugar. May makikita ring mahabang hagdan paakyat kung saan marami ang naglalakad para mag-ehersisiyo.
"Tara, kain at relax muna bago kita ihatid," ika niyang umibis nang mabilis sa sasakyan samantalang hindi naman ako gumagalaw. Iyon lang ay pinubtahan ako sa side ko at binuksan ang pinto. "Tara, enjoy and relax muna," muli niyang untag sa akin.
Nanataling nakabukas ang pinto ng sasakyan habang paatras siyang nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. Pagkatapos ay pumikit siya at binuka ang kanyang kamay na parang lilipad. Tumingala pa siyang nakapikit habang dinadama ang hangin ng hapong iyon.
Habang nakatitig ako sa kanya, bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko. Kumalma ang sistema kong kanina pa hindi mapakali dahil sa presensiya niya. Ngayon, ibang damdamin naman ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya.
Malayang-malaya ang pagkatao niya. Parang walang problema. Parang ang gaan-gaan ng buhay niya, sabagay ay mukhang mayaman. Paanong hindi magaan?
Nanatili lamang akong nakatitig sa kabya habang mabagal na nagpaikot-ikot. Nasa kaliwang kamay pa niya ang take-out na pagkain.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Nakangiti akong tumingala sa langit. Nakaupo pa rin sa kanyang sasakyan.
"That's it, smile and be happy. Mas maganda ka kapag nakangiti na hindi pilit."
Naitulak ko siya nang bigla ay nasa harap ko na siya. Hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin at nakadukwang. Halos magkalapit ang mga mukha namin dahil hindi siya natinag nang itulak ko.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kanyang pagkakatitig. Napakagat labi tuloy ako at pinigilang huminga. Maging siya ay napadila sa bibig para basain iyon.
Magkahinang ang aming mga mata at hindi man lang tuminag isa sa amin sa pagkakatitig. Seryoso ang mukha ko habang muling umarko ang nakakalokong ngiti sa labi niya.
Napapikit ako at napaiwas ng mukha nang unti-unti pa siyang lumalapit sa akin.
"Let's go and eat. Hindi na masarap ang chicken kapag malamig na," bulong niya sa tainga ko. Napamulagat ako nang marinig ko ang pag-click ng isang bagay. Napatingin na lamang ako sa seatbelt ko nang unti-unting lumuwag iyon. "Baba na riyan."
Ilang saglit pa akong nanatili sa kinauupuan ko dahil pinakalma ko muna ang sarili ko. Hindi ko malaman kung bakit bigla na lamang akong nakaramdam ng pagbilis ng t***k ng puso. Namamawis pa ang mga palad ko.
"Liegh, halika na!" Napapitlag ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Kilala niya ako?
Mabilis akong lumabas sa kanyang sasakyan. Pagkatapos isara iyon ay tinungo ko agad ang kinaroroonan niya. Sa view point ay may mga mesa at upuan, ginawa ang mga iyon para ma-enjoy ang magandang tanawin habang kumakain.
Nakahanda na ang disposable na lalagyan sa magkabilaang bahagi ng mesa. Hiningi niya kanina iyon nang kuhanin ang kanyang order.
"Makatawag ka sa pangalan ko ah parang mas nakatatanda ka. Call me with respect, parang kapatid lang kita kaya call me, ate." Naupo ako pero iniiwas ang tingin sa kanya. Paano kasi nakangisi siya at tinaasan pa ako ng kilay. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" wala sa.loob na tanong ko.
Muli akong napabaling sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang nasa harap kong lalagyan. Wala sa loob na napanguso ako. Tinawanan naman niya ako dahil sa itsura ko.
"You are so cute para tawagin kong ate. I just want to call you by name. Besides, ganito naman dito hindi ba? They call their bosses by theor names. Even kids with their nannies, so bakit ko gafawin sa iyo na lagyan ng ate?"
Inirapan ko siya. Napakadaming alam! Sila! Pero hindi sa mga Pilipino.
"Here!" sabi niyang inabutan ako ng bottled water. "Panghugas mo ng kamay."
Sosyal! Ang bottled water ay panghugas na lang pala ng kamay. Sabagay, walang hugasan kaya napilitan rin lang akong kunin ang inaabot niya para maghugas at makakain na. Baka lalo lamang kaming tatagal kapag nag-inarte pa ako.
Pinulot ko ang manok na nasa harap ko at kinagatan nang makapaghugas na. Napaangat lamang ako ng tingin sa kanya nang maringgan ko siya ng pagtawa. Nasalubong ng mga mata ko ang mga titig niya. Pinagmamasdan pala niya ako habang ngumunguya at ang mga mata niyang nakatawa ay nakatutok sa akin. Inirapan ko siya para itago ang kabang naramdaman ko bigla.
I hate this feeling! Hindi naman kasi ako sanay na may makasamang lalaki ng matagal na oras.
"Eat more, napakapayat mo!" palatak niya na sa pandinig ko ay sobrang lambing. Ipinilig ko tuloy ang aking ulo dahilan para mapatigil siya at kinunutan ako ng noo. "Ayaw mo?"
"Kumain ka na nga! Gusto ko ng makauwi!" singhal ko sa kanya. Muli kong kinagatan ang pritong manok sa kamay ko at inilihis ang tingin sa kanya. May ibang pagkain pa roon pero tila mahirap kumain na may nakatitig. Sa tuwina kasi ay susulyap siya sa akin. Binabalewala ko pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya lalo na sa tuwing may ikinikilos siya.
"Dito muna tayo saglit!"
Hindi na ako nagprotesta nang sabihin niya iyon at tumingin sa magandang view na natatawan mula sa aming kinauupoan. Bumaling rin ako roon at tumahimik.
"Woohoo!" sigaw niya kaya naman napatitig ako sa kanya. "I am free! free!free! I will live my life the way I want to be until the end!" muli niyang sigaw. Buti na lamang at walang tao sa oras na iyon doon. Kung meron man at napakalayo nila.
Sa muling pagkakataon ay nangiti ako habang nakatitig sa kanya. Napagtanto kong iba ang pakiramdam na kasama ko siya. I was free as well. Para bang gumagaan ang pakiramdam ko sa presensiya niya.
Nang lingunin niya ako, mas nilawakan ko ang ngiti ko sa labi. He maybe a stranger to me, ni hindi ko alam ang pangalan pero masaya akong kasama siya.
Oo, masaya akong nakilala ko siya.
"Raphael, by the way." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Naroon pa rin ang napakalawak na ngiti niya sa labi.
Inabot ko ang kanyang kamay. Alam kong kilala na niya ako pero hindi formal na nagkakilanlan.
"Liegh."