1. Cars
Chapter One
"Cara, anong nangyari sa 'yo at bigla ka na lang nagpa-pull out sa misyon mo sa Vegas?" kararating ko lang ng headquarters at hindi pa man nakarating sa unit ko pero sinalubong na ako ni Cors. Nagtatanong na agad ito sa akin.
"Pwede bang tulungan mo muna ako sa mga gamit ko bago ka magtanong?" ani ko sa kapatid na agad namang tumalima at kinuha ang isang maleta ko. Nauna pa itong nagtungo ng elevator habang hila ang maletang kinuha niya sa akin.
Paglulan ko sa elevator ay napasandal ako. Hindi ko maiwasang matulala.
Sobrang tanga ko kasi talaga. Kung kailan malapit na akong matapos sa misyon ko ay nakagawa pa ako ng isang malaking katangahan.
"Hoy! Nandito na tayo," bukas na ang elevator at nakalabas na pala si Cors. Agad ko namang hinila ang isa pang maleta para sumunod na rin dito. Ito na ang nagbukas ng unit ko at pumasok na kami sa loob.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Cors ang problema ko pero tiyak namang hindi ako titigilan ng kapatid ko.
Pagpasok sa loob ay agad niya akong hinarap. Sabihin ko man o hindi ay tiyak kong malalaman pa rin naman nito. Mas magandang sa akin na nga manggaling.
Umupo ako sa couch na para bang pagod na pagod sa biyahe. Well, pagod naman talaga. Pero hindi makakapaghintay si Cors na ngayon ay angat na ang kilay.
Iniangat ko ang kamay ko kung saan ay suot ko pa ang singsing... Yes! Singsing. Napamulagat ang kapatid ko at dali-daling umupo sa tabi ko at hinawakan nag kamay ko kung saan ay naroon ang suot kong singsing.
"Cars, ano ito? Bakit ka bumili ng singsing tapos biglang uwi?" Ngek! Hindi nito na gets kung ano o para saan iyon.
"Cors, hindi ko ito binili." Hinubad ko iyon at nagpasyang ilagay na lang muna sa kwintas para gawing pendant.
"Hindi mo binili? Gago! Nagnakaw ka kaya ka umuwi agad? Cars, marami tayong pera. Gusto mo bang isumbong kita kay daddy?" napakamot ako sa batok ko.
"Nagpakasal ako sa Las Vegas---"
"Bakit ka nagpasakal? Sayang naman ang training mo? Bakit ka pumayag na magpasakal?" nakatikim tuloy ito ng pitik sa noo. Parang tanga naman kasi.
"Cors, hindi makakatulong ang pagkalutang mo ngayon."
Napakamot ito sa noo niyang pinitik ko.
Saka tinitigan ako. "Anong ginawa mo, Cars?" deretsahan na nitong tanong.
"Nalasing ako habang may binabantayang target. Masyadong nag-enjoy sa kaiinom. May hinilang lalaki at kumuha kami ng marriage license tapos nagpakasal na."
"What? With ring? Hinila mo lang pero ready ang lalaking iyon at may singsing pa talaga?" tanong nito sa akin.
"Actually... bakit nga ba siya may singsing?" takang ani ko. "Tanda ko namang inilabas niya iyon no'ng kinakasal kami. Hindi ko rin alam. Basta no'ng nagising ako ay tinakasan ko na siya."
"Nag-s*x kayo?" tanong nito sa akin.
"No! Of course not. Bumagsak kami sa isang hotel. Pareho kaming lasing kaya nakatulog kami. Ako ang unang nagising kaya naman nakaalis agad ako."
"So, paano mo ipaliliwanag sa magulang natin ito? Cars, inuudyukan tayong mag-asawa at bigyan na sila ng son-in-law pero hindi sa ganitong paraan. Makakatay ka ni mommy at daddy. Alam mo naman siguro iyon 'di ba?" napahilot ako sa sintido ko.
"Alam ko... hindi ko alam ang gagawin ko, Cors. What if ipahanap nila mommy ang lalaking iyon tapos pilitin kaming magsama? Hindi ko kilala ang taong iyon. My gosh! Ano ba itong napasok ko?" problemadong tanong ko rito.
"Naku! Labas ako d'yan, Carabelle. Malilintikan ka kay mommy. Hindi ko gugustuhin madamay sa problema mong iyan," sinimangutan ko ito.
"Should I hide it?"
"Malalaman pa rin naman nila kahit itago mo. Mas better na sabihin mo na lang at pakinggan mo ang magiging advice nila." Umiling agad ako.
"At alam ko na ang magiging advice nila. Tiyak na sasabihin nilang subukan kong i-workout. Hindi ko kaya, Cors. Anong gagawin ko?" problemado talaga ako. "Ayaw ko pa naman talagang mag-asawa. Damn! Sino bang gustong mag-asawa sa panahon na ito? Siyempre wala!" frustrated na napasabunot ako sa buhok ko.
"Hindi talaga kita matutulungan at wala rin naman akong maitutulong talaga."
"What if hanapin ko iyong lalaki tapos ipa-divorce namin ang kasal namin?"
"Pagkatapos mong takasan? Wow, Carabelle. Nakakaloka ka. Sobrang pogi ba no'ng lalaki para pakasalan mo agad?" nanlulumong napapikit ako nang mariin. Sinubukan kong alalahanin ang mukha ng lalaki. Pero sumuko rin at nagmulat ng mata. Inilabas ko na lang ang phone ko at ipinakita ko rito ang larawang kuha ko kanina bago ako tumakas.
"Iyan siya? Kingina! Sobrang pogi naman pala, Cars. Pwede na iyan. Ipakilala mo na kina mommy."
Napasimangot ako. "No way! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay mommy at daddy? Ang tanga-tanga ko, Cors. Hindi ko talaga alam ang ginagawa ko no'n. Damn it."
"Legit ba iyong kasal?" nanlulumong tumango ako.
"Yes," sagot ko rito.
"Congratulations and best wishes!" dinampot ko ang unan at ibinato rito.
"Kausapin mo sila mom. Huwag mong hintayin na sa iba pa nila malaman iyang kagagahan mo."
"Hindi ko alam... hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tanga-tanga ko, Cors."
"Oo. Tanga. Nandoon ka na. Inasawa mo na tapos hindi mo pa tinikman. Mukha pa namang yummy."
"Ulol!" asik ko rito.
"Handa ka na bang harapin si Atalanta?" agad akong napangiwi. Isa pa iyon. Lagot talaga ako roon. Napaka-reckless nang ginawa ko.
"Natatakot akong harapin siya. Lagot ako roon." Napasapo pa ako sa dibdib dahil sa kaba.
"Talagang lagot ka rin doon. Napakalaki ng mission mo tapos bigla kang nagpa-pull out? Reckless, Cars." Napabuntonghininga ako. Aminado ako na napakalaking pagkakamali ko iyon. Pero kung hindi ako magpapa-pullout ay mas lalong mae-expose ang identity ko.