Story By mis_annie
author-avatar

mis_annie

ABOUTquote
FACEBOOK : Mis Annie FACEBOOK GROUP: DREAME - YUGTO - mis_annie FREE AND COMPLETED 1. Barbara - The Player 2. Islah - The Broken Girl 3. Tatiana - The Seducer 4. Tori - Teri - The Twins\' Game 5. Pluma - The Cheater 6. TBBS 4 - Gage : Mirror of Pain 7. Memories of Carmela THE BAD BILLIONAIRE SERIES PTR OWNED BY SHADE CAYDE - LOVE AND LIES L.A - LOVING YOU, WIFE ABE\'S POSSESSION HENDRIX - THE MAFIA PRINCESS LANDON - GREATEST DOWNFALL ABRAM - SURRENDER SOUL\'S LOVE KARMA Yko - Behind Closed Doors
bc
BITUIN ANGELES - THE MYSTERIOUS MAN
Updated at Apr 16, 2024, 06:02
Blurb Pokpok. Isa siyang babaeng mababa ang lipad ayon sa mga tsismosa. Pero kahit naman ayaw ni Bituin Angeles sa trabaho n'yang iyon ay wala siyang magawa. Kailangan n'yang makaipon ng pera para sa kapatid n'ya. Ang pagsasayaw n'ya sa club ang dahilan kung bakit patuloy itong humihinga. Pero habang nagtatampisaw siya sa putikan para magkapera ay may isang misteryosong lalaki na dumating sa buhay n'ya. Isang customer na nakatago ang mukha sa isang maskara. Lalaking handang gumastos ng libo-libo para lang mapanood siyang sumayaw sa harap nito. Sayaw lang ang kaya n'yang i-offer sa customer n'ya. Ngunit paano kung hangarin na nito ang katawan n'ya? Pero may iba palang balak ang lalaki. Hindi lang katawan ang nais nito. Nais nitong maging asawa siya. Katawan at kasal kapalit ng salapi. Kaya n'ya nga bang tanggapin iyon para tuluyan nang makaalis sa putikan?
like
bc
VEE MORIETTA - HIDDEN PAST
Updated at Apr 14, 2024, 06:35
"Kailangan mo ng pera? Kailangan ko ng asawa. Marry me, Vee. I'll pay you." Blurb Pagod na si Vee na pasanin ang lahat ng responsibilidad bilang ate. Pero para sa pamilya ay handa n'yang gawin ang lahat maiahon lang sa kahirapan ang magulang at mga kapatid. Nag-abroad siya para makatulong sa kanila. Ngunit pagkatapos ng ilang taong pagdurusa sa ibang bansa ay kinailangan n'yang umuwi sa Pilipinas. Walang ipon. May baon pang trauma pag-uwi. Pero nakilala n'ya si Fifth Zimmer. Ang gwapong lalaki na umangkin sa kanya sa isang hotel dala nang kalasingan nilang dalawa. Nang magising siya sa tabi ng gwapong lalaki ay agad pumasok sa isipan n'ya na tumakas. Sa ginawa n'yang pagtakas at pagbalik sa probinsya ay akala n'ya ay pwede na siyang magsimula muli. Pero magulong buhay pa rin ang dinatnan n'ya roon. Pagod na si Vee... pero biglang sumulpot ang lalaki sa kanyang harap habang pagod na pagod na siyang lumaban. Inaalok siyang sumama sa siyudad. Inaalok siya ng kasal. Ito na nga ba ang pagkakataon n'ya para tuluyang piliin ang sarili? Paano kung maungkat ang nakaraan n'ya na may kinalaman sa isang lihim na pinakatatago-tago niya at ng kanyang ina? Matatanggap kaya siya ni Fifth?
like
bc
THE GOVERNOR'S ILLICIT AFFAIR
Updated at Apr 3, 2024, 07:23
"Mali ito, Governor Tiago. Asawa ako ng iyong ama." "Walang mali rito, Luna Magdaline. Matanda na si papa. Isipin mo na lang na tinutulungan kita na gawin ang mga bagay na hindi na niya magawa sa 'yo." The Governor's Illicit affair Mali sa mata ng mga taong nakapaligid kay Luna, pero para sa kanya ay walang mali sa pag-ibig na nararamdaman n'ya kay Dimas Luvier. Kung siya ay dalawampung taon, ang lalaki naman ay limampu. Malaki ang agwat ng edad. Pero sa mata ng dalaga. Walang mali roon. Walang asawa ang lalaki, wala siyang relasyong tinapakan. Nang alukin siya nito ng kasal ay walang pag-aalinlangan na tinanggap n'ya iyon dahil mahal n'ya ito. Sumama siya sa kanyang asawa sa Santo Claro, ang lalawigan kung saan isa ang mga Luvier sa pinakamayaman. Akala n'ya ay magiging normal ang buhay n'ya roon. Akala n'ya ay magkakaroon ng katahimikan ang kanilang pagsasama. Ngunit nang makilala n'ya si Governor Santiago Dimas Luvier, ang gwapong anak ng kanyang asawa. Mas lalong naging magulo ang lahat para kay Luna. Paano na ang pag-ibig na ipinaglalaban n'ya kung ang batang Luvier ay isang malaking hadlang sa pagsasama nila ng kanyang asawa? Paano kung matukso siya? Takot na takot siyang magkasala. Pero paano kung nanaig ang tukso at tuluyang siyang magpatukso rito? Paano na ang kanyang asawa na ama nito?
like
bc
ATALANTA - WANTED : SUGAR DADDY
Updated at Mar 15, 2024, 02:54
Isang misyon ang naiatas kay Atalanta. Iyon ay alamin kung saan napupunta ang mga babae na nagtratrabaho sa isang bahay aliwan na sikat na sikat at dinarayo ng mga mayayamang kalalakihan. Para mas maunawaan n'ya at makapag-imbestiga nang mabuti, pinasok n'ya ang Angel's Heaven. Ang club kung saan isang lalaki ang agad n'yang naging parokyano. Sa pagsasaliksik n'ya, ang hot daddy na madalas sa club ay ang magiging susi n'ya sa misyon n'yang ito. Pero paano n'ya ipagpapatuloy ang kanyang misyon kung ang lalaking lulong na sa kanyang ganda ay ma-in love sa kanya? Willing siyang ialis sa club, bigyan nang magandang buhay, at literal na gawin siyang sugar baby nito. Ayaw pa naman n'ya sa oldies... pero paano s'ya tatanggi kung halos makalimutan na n'ya ang lahat sa tuwing pareho silang nasa ibabaw ng kama at sinasamba ang isa't isa?
like
bc
VICTORIA CABRENA: THE BOSS AND THE WIFE
Updated at Feb 21, 2024, 18:30
Blurb Anak ng kriminal. Pagod na si Victoria na tawagin siyang ganyan ng mga kababayan n'ya. Wala na ang kanyang angkan, pero gano'n pa rin ang tingin ng lahat sa kanya. Tumakas siya. Sinubukang magpakalayo-layo para magkaroon na ng katahimikan. Pero gano'n pa rin. Anak pa rin siya ng kriminal. May isang lalaking dumating sa buhay n'ya at nagbigay ng second chance para sa tahimik na buhay na nais n'ya. Si Anshil Macbeth. Ang lalaking pinakasalan siya no'ng labing-walong taong gulang pa lang siya. Ito ang nagbigay ng buhay na nais n'ya. Ngunit sa papel lang sila mag-asawa. Habang nag-aaral at binubuo ang pangarap n'ya sa isang malayong probinsya akala n'ya ay magtutuloy-tuloy na ang buhay na iyon. Ngunit dumating si Anshil, ang asawa n'ya. Ito naman ang nanggulo sa buhay n'yang iyon. Kailangan na raw nito ng asawa. Siya. Handa ba siyang magpakaasawa sa lalaking nagbigay sa kanya ng second chance sa buhay o mas piliin ang buhay na malayo sa mata ng publiko?
like
bc
THE GOVERNOR'S KEPT WOMAN
Updated at Feb 21, 2024, 03:47
"Gusto mong lumaya ang iyong ama? Handa ka bang ibigay sa akin ang gusto ko?" "A-nong gusto mo para lang palayain ang ama ko?" "Katawan mo, Lucinda." Walang pag-aalinlangan na sagot nito.--Sanay si Lucinda na nakukuha ang lahat ng gusto. Laking siyudad at mas sanay sa maingay na mundo na nakasanayan n'ya. Bilang lang sa daliri ang pag-uwi niya sa probinsya ng kanyang ama. Ang masaya at kinaiingitan na buhay ng dalaga ay nagbago nang makatanggap siya nang tawag mula sa abogado ng kanyang ama. Nakakulong ang nag-iisang pamilya na mayroon siya at malabo raw manalo dahil sa mga ebidensya laban dito. Si Lucinda na handang gawin ang lahat para sa ama ay dali-daling umuwi ng probinsya para gumawa nang paraan na mailabas ang kanyang ama. Isa sa paraang naisip ay lumuhod sa malupit na gobernador na siyang kalaban ng kanyang ama. Maging sapat kaya ang pagmamakaawa n'ya sa gobernador para lang makalaya ang ama? Paano kung siya mismo ang hingiin nitong kapalit sa kalayaan ng kanyang ama? Kaya nga ba n'yang ibigay ang kanyang katawan lalo't alam n'yang may kasintahan ang lalaki?
like
bc
SAVING HAPPINESS
Updated at Dec 26, 2023, 18:45
Brokenhearted si Happiness dahil sa panloloko ng nobyo at pinsan n'ya kaya siya naglayas. Pero sa pagtakas n'ya sa poder ng Lolo at Lola n'ya ay nakilala n'ya ang isang gwapong resort owner sa bayan ng San Ildefonso. Dala nang kalasingan ay may nangyari sa kanilang dalawa ng gwapong lalaki na iyon. Hindi lang isang beses. Dahil kahit wala nang impluwensya ng alak ay paulit-ulit nilang pinagsaluhan ang mga sekretong sandali na sila lang dalawa. Ngunit kinailangang umalis ni Happiness para bumalik sa siyudad. Ang lalaking ilang linggo n'yang nakasama ay iniwan n'ya. Pero sa pagbalik sa siyudad... nalaman n'yang ang lalaking iyon ay karelasyon ng kanyang ina na nang-iwan sa kanya pagkatapos siyang ipanganak. Labis siyang nagulat sa nalaman, na ang lalaking natutunan n'yang mahalin kahit na sandaling panahon pa lang na nagkakilala ay step-father pala niya. Step-father na handang piliin siya, pero paano naman ang kanyang ina? Inang kahit kailan ay hindi naging ina sa kanya? Magagawa ba n'yang agawin ang lalaki o mas piliin n'yang gawin ang tama? Maling mahalin ito. Bawal. Alam n'yang kasalanan iyon. Pero unti-unti siyang sa tukso. Tukso na mas lalong sisira sa kanilang mag-ina. TITLE: SAVING HAPPINESS AUTHOR: mis_annie
like
bc
ONE HOT NIGHT WITH ROJAN
Updated at Nov 26, 2023, 05:26
Single mom si Andrea o mas kilala ng lahat na Andeng. Namatay nang maaga ang nobyo n'ya, kaya naman siya lang ang kinamulatang magulang ng kanyang anak na si Elio. Wala na siyang balak pang mag-asawa o magpapasok ng lalaki sa buhay n'ya. Ngunit biglang dumating sa buhay n'ya si Rowan at Rojan. Si Rowan na siyang maayos na niyaya siya ng date, at si Rojan na naka-one night stand n'ya pagkatapos n'yang makipag-date kay Rowan. Dala lang iyon ng kalasingan n'ya. Ngunit kinabukas pagkatapos n'yang makipagtalik sa estranghero na kamukha nang naka-date n'ya ay niyaya agad siya nito ng kasal.Paano pa matatakasan ni Andeng ang pamimikot nito kung pursigido ang lalaki at sinamahan pa nang pananakot na isusumbong siya sa gobernador n'yang ama? Makakatakas pa kaya siya, o mapapasang-ayon na lang sa kasal na inalok ng lalaki?
like
bc
BITHIAH'S WISH
Updated at Nov 2, 2023, 03:32
"Sa lahat ng lalaki rito sa The Alpha's Town, iyong anak ni Uncle H ang mukhang masarap. Kaya kukunin ko siya . . . sinong siya? Walang iba kung 'di ang Ninong Uno ko." Namulat si Bithiah sa marangyang buhay. Buhay na kahit kailan ay hindi naging problema ang pera. Lumaking spoiled, nakukuha ang ano mang hilingin at gustuhin. Nang mag-debut, witness ang lahat nang sabihin at ipagsigawan nito kung ano ang hiling nito. "Ngayong 18 na ako, legal age. Ang hiling ko'y mapasaakin ang panganay na anak ni Uncle Hendrix." Ang gano'n klaseng hiling ay hindi basta-bastang tinutupad ng Diyos. Kaya naman pagkatapos n'yang ideklara ang kahilingan, sinimulan n'yang guluhin ang buhay ng Ninong Uno n'ya, proxy lang naman ito noong binyag, pero sa namulat s'yang karugtong ng pangalan nito ang Ninong. Magwawagi kaya sa puso nang masungit na binata ang dalagang labing dalawang taon ang agwat ng kanilang edad? O maranasang mabigo ni Bithiah dahil matigas ang puso ng binata para papasukin ang makulit na dalaga? THE BAD BILLIONAIRE SERIES - II GENERATION
like
bc
Secrets of Anais
Updated at Oct 7, 2023, 20:30
Isang malaking pagkakamali ni Anais na nagpatangay siya sa tukso ng lalaking taga-siyudad. Bakasyonista lang, alam n'yang hindi magtatagal. Ngunit hinayaan n'yang mapalapit ang loob n'ya rito. Isang gabing sila lang dalawa sa talon, ang paborito n'yang lugar lalo na sa gabi, nagpadala siya sa tukso. Saksi ang lugar na iyon sa mainit na sandali sa pagitan nilang dalawa. Nagtiwala siya sa lalaki. Paulit-ulit n'yang ibinigay ang kanyang sarili sa lalaking minahal n'ya sa maiksing panahon pa lang. Ngunit pagkatapos n'yang ibigay ang sarili, at mahalin ito, naglaho lang itong bigla. Naiwan siyang wasak. Sinalo n'ya ang panghuhusga ng lahat dahil sa sinapit n'ya. Nang muling magtagpo ang landas nila, ang ilang taong lihim ng dalaga ay biglang nabunyag. May dalawa lang siyang sagot sa problema n'ya, ang tumakas o harapin ang lalaking dahilan nang pagkasira ng kanyang pangalan sa kanilang bayan.
like
bc
TABITHA: HER BIGGEST LIE
Updated at Sep 24, 2023, 01:16
THE BROKEN VOW SERIES 2 Dinukot si Tabitha ni Atlas dahil sa isang mabigat na paratang. Pinatay raw n'ya ang mag-ina nito. Galit na galit ang lalaki sa kanya at nais maghiganti. Umaasa si Tabitha na ililigtas s'ya ng kanyang pamilya sa demonyong lalaki. Ngunit wala s'yang tulong na nakuha mula sa kanyang pamilya. Ang hindi n'ya alam, nakuha nang agawin ng kanyang kakambal ang buhay na mayroon s'ya. Paano n'ya pa kaya maitatama ang lahat, kung ang bintang ni Atlas laban sa kanya ay isa pa lang lihim ng kakambal n'yang si Matilda na tiyak na ikapapahamak nito kapag lumabas ang katotohanan? Kakayanin ba n'yang isakripisyo ang sarili n'ya o hahayaang manaig ang tama laban sa kanyang kakambal?
like
bc
DECEPTION (R-18)
Updated at Sep 21, 2023, 01:22
WARNING: MATURE CONTENT "Corey, bawal mong mahalin ang babaeng Villa Ruiz. Kasalanan iyon. Kasalanan sa mga ninuno natin. Kasalanan sa pamilya Monte Del Rio iyon." Ilang henerasyon na ang alitan sa pagitan ng mga Villa Ruiz at Monte Del Rio. Hindi na mabibilang gamit ang daliri ang buhay na nasawi dahil lang sa alitan na iyon. Si Corey Monte Del Rio, ang tagapagmana ng organization na binuo ng kanilang pamilya, ang tagapagmana ng legal at lahat ng illegal na negosyo ay nabigyan ng isang misyon ng kanyang amang naghihingalo. Misyong tapusin na ang mga Villa Ruiz. Inosente man o hindi, basta kabilang sa pamilyang iyon. Nang mawala ang kanyang ama, sinimulan n'ya ang plano dala nang labis na galit sa pamilyang iyon. Planong balak n'yang simulan sa nag-iisang tagapagmana ng kasalukuyang namumuno sa pamilya Villa Ruiz, si Alegra Cordelia Villa Ruiz. Ang inosenteng babae na walang kaalam-alam sa magulong mundong kinabibilangan ng kanyang angkan. Manaig kaya ang masamang balak ni Corey sa dalaga at sa pamilya nito, o manaig ang pagmamahalang tututulan ng lahat dahil sa alitan ng dalawang pamilya.
like
bc
LUPITA : THE MASTERMIND
Updated at Aug 31, 2023, 08:40
WARNING : R-18 Isang masaker ang nangyari sa bayan ng Apolina. Ang tanging witness ay si Wolf, ang pitong taong gulang na batang lalaki na tagapagmana ng angkan ng mga De Rama. Bago po s'ya makuha ng mga taong may gawa, bigla na lang s'yang nawala. Naglaho at walang iniwang bakas upang matagpuan s'ya. Maraming tao ang nais s'yang mahanap, dahil s'ya ang itinuturong susi upang mahanap ang limpak-limpak na kayamanang pag-aari ng mga De Rama. Isa ang ama-amahan ni Lupita sa nagnanais na makuha ang kayamanang iyon. Iniatas sa kanya ang misyon na iyon; ang hanapin si Wolf De Rama. Ngunit sa kanyang pagdating sa Apolina, ibang misyon ang plano n'yang gawin. Sinimulan n'yang paglaruan ang buhay ng mga naghahangad ng yamang nais din ng kanyang ama-amahan, hindi lang isa o dalawa ang manlalaro, kung 'di lahat ng prominenteng pamilya sa Apolina. Larong ang tanging paraan mo lang para manalo ay manatiling buhay. Pero para kay Lupita, sa larong iyon... lahat sila'y mamamatay. Lahat ng mga taong umasam ng nakatagong yaman ng mga De Rama ay nakatakdang mamatay. Ngunit may isang lalaki na nagngangalang Nimrod ang dumating din sa bayan ng Apolina, hindi tiyak ang pakay. Isa kaya itong kakampi, o s'yang sisira ng kanyang mga plano?
like
bc
AURELIA : THE HIDDEN QUEEN (SPG)
Updated at Jun 30, 2023, 03:17
My Dangerous Lovers 1. Inosenteng matinong dalaga X mapang-abusong mafia boss (kinuha sa pamamagitan ng pwersa) WARNING: MATURE CONTENTTanging pagtakas lang sa poder ng ama ang naisip ni Aurelia na gawin para hanapin ang kapatid na si Alatheia. Pero sa ginawa n\'yang pagtakas, isang panganib ang nasuong ng inosenteng dalaga. Dinukot siya, ibinenta at ginawang bihag. Ang malala pa roon ay ginawa siyang premyo sa isang laban. Laban kung saan matira ang matibay. Halos lahat ng kalalakihan ay naulol sa kanyang ganda. Halos mawalan na ng pag-asa ang dalaga, pero dumating si Leander. Ang lalaking kinatatakutan sa underground world, ang lalaking nagkukubli sa itim na maskara. Kinalaban nito ang mga lalaking nais siyang makuha. Nanalo ito. Akala ni Aurelia ay ligtas na siya, akala lang pala niya iyon. Dahil mas malupit ang lalaking nakakuha sa kanya. Paano pa nga ba ipagpapatuloy ni Aurelia ang paghahanap sa kanyang kapatid , kung bihag na siya ng demonyong inakala n\'yang anghel na mag-aalis sana sa kanya sa impyernong lugar na iyon? Ang masaklap pa roon, bihag na nga siya, nais pa nitong pakasalan siya.
like
bc
The Brat Bride
Updated at Mar 18, 2023, 00:08
Alam ni Mace na kapag nag-settle s'ya sa Pilipinas ay muling manganganib ang buhay n'ya. Ayaw n'yang maging pabigat sa Ate Jas n'ya, kaya naman pinalabas n'yang sumama s'ya sa kanyang magulang paalis ng bansa. Tinanggap n'ya ang alok na mapabilang sa organization ng mga kababaihan na wala man lang pangalan, trinatrabaho nila ang mga masasamang tao na hindi kayang salingin ng batas at gobyerno. Walang kamalay-malay ang mahahalagang tao sa buhay n'ya na pinasok n'ya ang magulong mundo na iyon. Nang bumalik s'ya sa Pilipinas, may isa s'yang misyon na naiatas sa kanya na kailangan tapusin. Pero magagawa lang n'ya ang misyon na iyon kapag mas inilapit pa n'ya ang sarili kay Macario Ecov Satte, ang lalaking maglalapit sa kanya sa babaeng pinakaiingatan ng kanyang target. Pero sa pagbalik ni Mace sa Pilipinas, may ibang plano pa pala ang tadhana na hindi n'ya inasahan. Hindi kasama ang pag-ibig sa plano n'yang iyon, pero namalayan na lang n'yang umiibig na pala siya sa taong kailangan lang n'yang protektahan.
like
bc
MY SISTER'S HUSBAND - R-18
Updated at Jan 29, 2023, 02:33
WARNING ⚠️ MATURE CONTENT ⚠️ Bakit sa dami ng pwedeng magustuhan ay asawa pa ng kakambal ko? Iyon ang tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko ngunit hindi ko naman masagot-sagot. Pansamantala akong nakikituloy sa bahay nilang mag-asawa. Mabait si Meridette, ang kakambal ko at si Timothy na asawa n'ya. Hindi gusto ni Meridette na mag-isa ako sa apartment ko after kong masangkot sa isang car accident. Malaking parte ng alaala ko ang nawala. Kaya labis ang pag-aalala n'ya, lalo't wala akong kasama sa bahay ko. Inalok nila akong manatili sa bahay nilang mag-asawa. Noong mga unang linggo ay ayos pa naman ang pananatili ko roon, ngunit napadalas ang pag-alis ni Meridette. Palagi kaming naiiwan ni Timothy, na walang ibang ginawa kung 'di maging mabuti sa akin. Nagkalapit kami ng lalaki na unang kinaawaan ko dahil pakiramdam ko'y napapabayaan na ng kapatid ko dahil sa trabaho. Dumating ang panahon na nagbago ang pakikitungo ni Timothy sa akin, umabot sa puntong bina-blackmail na ako nito para lang makipaglaro rito. Ang mabait na lalaki ay naging demonyo ang tingin ko kalaunan. Pero sa demonyong tingin ko rito hindi ko namalayan na nahuhulog na ako. Iyong pagkahulog na hindi ko napigilan. Ano ang dapat kong gawin? Paano ko isasalba ang sarili ko at ang relasyon nilang mag-asawa? Paano ko rin nga ba lilimutin ang mga bawal na sandali sa piling ng asawa ng kakambal ko, kung ang bawat sandali na iyon ay ang pinakamasasayang sandali sa buhay ko?
like
bc
Yko - Behind Closed Doors
Updated at Nov 27, 2022, 17:37
Bible Vera is an independent woman. She knows how to play her own game. She doesn't believe in marriage. Ayaw man sisihin ni Bible Vera ang magulang pero sila lang naman ang nakikita n'yang dahilan kung bakit nang alukin s'ya ng lalaking mahal ng kasal ay mabilis s'yang tumangi. But Yko is persistent, the bad boy also knows how to tame her. She's so confident in everything, but when Zaynel came everything changed. Ang babaeng malayong-malayo ang estado ng buhay sa kanila. Maging matapang kaya si Bible Vera na ipaglaban ang lalaking mahal, o mas piliing lumayo dahil sa takot na matulad sa kanyang magulang?
like
bc
LUCILLE : THE MISTRESS
Updated at Sep 29, 2022, 01:39
Isang mapait na nakaraan sa kamay ng angkan ng ama ni Lucille ang dahilan kung bakit nagpakalayo-layo s\'ya. Misyon n\'yang balikan ang mga ito at pagbayarin silang lahat sa kasalanan nila sa kanya. Bukod doon, target din n\'yang wasakin ang pinakaiingat-ingatan nilang babae sa pamilya. Si Coleen, ang pinsan n\'yang pinakamamahal ng lahat. Magagawa lang n\'ya iyon kapag nakuha na n\'ya ang asawa nito. Sa kanyang pagbabalik, handa s\'yang maging kabit para lang maisakatuparan ang kanyang plano. Lucille The Mistress mis_annie
like
bc
DEAL BREAKER
Updated at Aug 29, 2022, 20:53
Hindi s'ya tutulad sa kanyang ina na masyadong magulo pagdating sa pagdedesisyon sa buhay nito. Pero nang makilala n'ya si William Agassi Apolinario ay nagbago ang lahat. Pumayag s'ya na magpanggap na kasintahan nito. Pumayag s'ya sa malaking kalokohan nito. Ngunit nang maramdaman n'yang unti-unti s'yang nahuhulog dito ay nakiusap s'yang tapusin na ang kanilang usapan. Ngunit hindi ito pumayag. Hindi nga s'ya pumayag, ngunit bago pa man sila makapagtapos ng high school ay bigla na lang itong naglaho. Walang dahilan, walang kahit na anong salita. May pag-asa pa kayang masagot ang lahat ng bakit sa bigla n'yang pagkawala. O, muling masasaktan sa kanyang malalaman?
like
bc
Soul's Love Karma
Updated at Jul 28, 2022, 17:58
Misteryosang dalaga ang umagaw nang atensyon ni Soul. Nabighani ang binata sa angking ganda nito. Kaya kahit alam n'yang delikado ang sumunod sa dalagang papasok ng gubat ay hindi s'ya nag-alinlangan. Ngunit isang pangyayari ang naglapit pa sa kanya rito.  Makukuha kayang pukawin ng binata ang puso ng dalagang buong buhay ay nanirahan sa kagubatan o mas piliin pa rin n'yang balikan ang buhay niya sa siyudad.
like
bc
The Bad Billionaire Series 8: Abram - Surrender
Updated at Jul 8, 2022, 00:42
"Surrendering doesn’t mean you’re weak, sometimes you just need to rest or maybe accept the fact that it's not meant for you." - Batsy Buenaventura Lahat na yata nang ginusto ni Batsy nakuha na n'ya. Isinilang sa mayamang pamilya, sunod lahat ng luho n'ya, mahal na mahal din s'ya ng halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Pero may isang taong kahit anong gawin n'ya, hindi n'ya talaga makuha at iyon ay si Abram Cleaven. Matalik na kaibigan ng kanyang kapatid. Mahilig sa babaeng mas matanda sa kanya at kahit anong gawing effort ni Batsy ay 'di sapat para mapansin ng gwapong binata. Nang mapagod s'ya sa kahahabol dito, kusa na rin s'yang huminto. Muntik na rin kasi n'yang nakalimutan na tao rin pala s'ya, napapagod. Kaya habang kaya pa n'ya, sumuko na s'ya.
like
bc
PLUMA : THE CHEATER
Updated at Jun 7, 2022, 04:00
Isang kasinungalingan ang dahilan kung bakit tinapos ng ina ni Pluma ang sariling buhay. Naulila s'ya sa edad na sampu, naging mahirap ang buhay n'ya. Isang organization ang nagsalba sa kanya sa putikang pinag-iwanan sa kanya ng ina. Sa kanyang huling misyon, kailangan n'yang alamin kung ano nga ba talaga ang puno't dulo ng kasinungalingan iyon.  Kinailangan n'yang magtrabaho sa isang Isla kung saan matatagpuan ang bayan ng Garalla. Ang planong paghahanap ng hustisya para sa ina ang nagtulak sa kanya na magtrabaho bilang lifeguard sa sikat na resort ng Garalla.  Ngunit may isang lalaki na manggugulo sa lahat ng plano n'ya. Lalaking s'yang magiging daan upang malaman n'ya ang totoong dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kanyang ina.
like
bc
The Mafia Princess
Updated at May 28, 2022, 17:45
The Bad Billionaire Series 6: The Mafia Princess Noon pa man alam na ni Keia na ampon lang s'ya, pero sinubukan n'yang ilapit sa pamilyang umampon sa kanya ang sarili. Pero bigo s'yang makuha ang loob ng mga ito. Na-kidnap ang tunay na anak ng Mama Rose and Papa Lucien n'ya, kahit mga awtoridad ay walang nagawa para tulungan ang mag-asawa kaya naman gumawa sila ng isang mabigat na desisyon. Kapalit ng pagbawi nila sa kanilang anak, kailangan nilang ibigay si Keia para sa kalayaan ng kanyang kapatid na si Mary. Hinasa sila ng organization na maging mahusay na babae. Babaeng hinding-hindi matatanggihan ng kahit sino. Para silang puppet na sumusunod sa bawat utos ng organization. Isang misyon ang napunta sa kanya, ang pabagsakit ang lalaking nagngangalang Hendrix Zimmer, nang makilala ito, hati ang puso ni Keia sa planong sirain ang lalaki at ang protektahan ito. Kahit pa, mababa ang tingin sa kanya ng lalaki at itinuring na isa lamang sa mga babaeng maaari nitong hilain sa kama. Umibig si Keia kay Hendrix, kahit pa kapalit no'n ay ang buhay n'ya. Para sa kanya, kung mahal mo ang isang tao, kahit kamatayan pa ang humarang babalewalain mo.
like
bc
TORI/TERI: THE TWINS' GAME
Updated at Apr 10, 2022, 06:57
Namulat si Tori at Teri sa piling ng isang matandang tindera sa palengke. Ito ang nag-alaga sa kanila hangang sa mag-trese silang dalawa. Ngunit dahil sa isang sunog sa palengke, nawala sa kanila ang taong tumanggap sa kanila kahit hindi naman sila kadugo nito.  Parehong nawalan ng direksyon ang kanilang buhay.  Isang organization ang kumupkop sa kanila. Ang organization din na ito ang tumulong sa kanilang dalawa.  Ngunit sa pagpasok sa grupo, nalaman nilang ang sunog na tumapos sa buhay ng kanilang nanay-nanayan ay hindi basta aksidente.  Kaya naman itinatak nila sa isipan na aalamin ang lahat. Ngunit sa paghahangad na matapos ang kanilang huling misyon sa grupo, nakilala nilang magkapatid si Demetrius Zalazar.  Ang lalaking tauhan ng dating mayor ng kanilang lugar.  Isa ba itong kalaban o posibleng maging hadlang sa kanilang misyon?
like
bc
THE BILLIONAIRE'S CRAZY SEDUCER (COMPLETED - R-18)
Updated at Apr 2, 2022, 08:25
ROMCOM Naglayas si Belle ng malamang ipinagkasundo siya kay Paris Kiefer El Frid. Ang lalaking binansagan nila ng kaibigan si Cara na Mr. Stalker. Dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa responsibility walang nagawa ang kuya niya kundi akuin ang tinakasan niyang kasal. Mabilis na naka hanap ng babaeng pwedeng makapareha nito. Pero ng malaman niyang buntis ang kasintahan nito at tunay na mahal na bago ang lahat. Nangako siya sa kapatid na gagawin ang naudlot na kasal sa pagitan nila ni Paris. Ang kaso ayaw na ng binata. Choosy ang gago. At ang naisip niyang plano. Seduce him. In a crazy and wild way. Char paano ba yung wild?
like
bc
SHE'S BACK FOR REVENGE
Updated at Mar 29, 2022, 01:54
Girl Power - Ang paghihiganti ng babaeng sawi. The Broken Vow Series 3 Kapatid n'ya ang kaagaw n'ya sa lalaking mahal n'ya. Pero dahil kasal sila ni Dane ay malakas ang loob n'ya na hindi ito magwawagi. Pero sa pag-aakalang malabo nito iyong magawa ay naging kampante s'ya. Umabot na lang sa punto na unti-unting na wala ang lahat sa kanya. Sa pagiging ganid ni Audrey ay umabot sa puntong pinagtangkaan nito ang buhay n'ya. Ngunit hindi ito nagwagi, at sa pagbabalik ni Lorielle, buo ang loob na pagbayarin ang kapatid at asawang nagtaksil sa kanya. She's back, not the old Lorielle they've known. But, a new persona who will make her biggest revenge on all of them. #yugtowritingcontestGirlPower
like
bc
TATIANA : The Seducer
Updated at Feb 5, 2022, 02:59
FREE LANG PO ITO. Kitang-kita n'ya kung paano pinahirapan ng mga demonyo ang kanyang pamilya. Binugbog, pinahirapan at sa huli'y sinunog. Sa edad ni Tatiana na pito ay tumatak na sa kanyang isipan ang masakit na pangyayaring iyon sa kanyang buhay. Sa kanyang pagtakas sa lugar nang Santa Estrella baon n'ya sa alaala ang masamang alaala, na ginamit n'ya upang buuin ang katauhan katatakutan ng lahat. Nabuo ang isang plano para sa pamilyang dahilan kung bakit nawala ang kanyang pamilya. Isang paghihiganting aabot sa puntong gagamitin n'ya ang katawan magawa lang ang paghihiganting inaasam.
like
bc
Landon : Greatest Downfall
Updated at Jan 28, 2022, 23:00
Galit na galit si Landon Sebastian Aiden sa dalagang dahilan kung bakit nasira ang kanyang pamilya. Kaya naman gusto n'yang gumanti, at ang naisip n'yang paraan upang magawa iyon ay ang paibigin ito at iwan pagkatapos, pero kabaliktaran ang nangyari. S'ya ang umibig, at sa araw ng kanilang kasal, s'ya ang iniwan. Naglahong parang bula ang dalaga, parang nawalan ng lakas ang binata na mabuhay pa. When Hearty Rein left, he lost his sanity. He even begged God to save him from pain. Kaya ba s'yang isalba ng pagmamahal n'ya sa dalaga, o maging dahilan pa lalo sa kanyang pagbagsak?
like
bc
Abe's Possession
Updated at Dec 28, 2021, 18:57
"Minahal ko s'ya pero si Zoey ang Mahal n'ya. Anong laban ko roon? Sa papel lang kami mag-asawa!" Dahil sa pakiusap ng kapatid ni Quinn na si Zoey kinailangan n'yang pakasalan ang kasintahan nitong si Theodore Abe Mcfline. Nangako itong sa pagbalik nito aayusin nito ang lahat at kailangan lang raw n'yang tulungan ang kasintahan nito sa problema nito. Nangako si Quinn na hindi iibig sa lalaking mahal nito. Pero isa iyong malaking kabiguan sa parte n'ya. Nahulog s'ya sa lalaking hindi n'ya dapat mahalin. At malaking gulo ng bumalik si Zoey at binabawi na ang lalaking simula pa lang pag-aari na nito. The Bad Billionaire : THEODORE ABE'S POSSESSION
like
bc
Islah : The Broken Girl
Updated at Dec 16, 2021, 03:06
FREE LANG PO ITO, NEVER MAGIGING PTR BAKA BILHIN MO PA SA MAGNA ANG SC HA. SAYANG PERA. Two birds with one stone. Iyon ang itinanim ni Islah sa kanyang sarili nang sumang-ayon s'ya sa misyong ibinigay ni Lady A sa kanya. Kailangan n'yang maging lihim na bodyguard ng client at tapusin ang huling misyon n'ya sa mga taong nagkaroon ng kasalanan sa kanya.  Kristof De Lucca, the handsome client na fiance ng isa sa kanyang misyon.  Wala sa plano ang umibig dito. Dahil parte lamang ito ng kanyang plano. Pero nakita na lang n'ya ang sarili n'yang umiibig dito. Umiibig sa taong walang ibang mahalaga kung 'di ang yamang mayroon ito. Isang malaking pagkakamali ni Islah, dahil nakita na lang n'ya ang sariling tumatakbo na palayo. Palayo sa lahat para lang muling buuin ang sarili na akala n'ya ay malabo nang matibag pa.
like
bc
THE BADASS QUEEN OF THE BILLIONAIRE (COMPLETED)
Updated at Aug 30, 2021, 03:30
Magulo na ang buhay ko pero mas gugulo pa pala dahil sa kanya. Sa lalaking nangako na proprotektahan ako sa abot ng kanyang makakaya. Ginulo niya ang sistema ko na natural ng magulo. Ginising niya ang mga emosyong matagal ng natutulog pero ang gago proteksyon lang pala ang kayang ibigay sa akin hindi ang puso. Tinamaan din ng magaling ang kupal.
like
bc
Laurence Allen - LOVING YOU, WIFE
Updated at Aug 29, 2021, 00:02
Rom-com Dahil sa hirap ng buhay napilitan si Jas na sumang-ayon sa gusto ng kanyang tatay. Kailangan n'yang pakasalan ang taong pinagkakautangan nito, sa isang judge idinaos ang kasal nila ng lalaking tanging ang alam lamang n'ya ay ang pangalan nito, Laurence Allen Santorin. Nakaitim itong maskara na nagkubli sa mukha nito upang hindi n'ya makilala, at dahil sa galit na nararamdaman sa lalaki ay hindi na n'ya pinagkaabalahan pang kilalanin ito. Sa edad na 23 may isang lalaking umagaw ng inosenteng puso n'ya. Nagpakilala itong L.A, ang gwapong lalaki na bago nilang kapitbahay. Maling umibig rito dahil sa s'ya ay naka tali na sa isang kasal sa lalaking hindi kilala. Pero paano n'ya pipigilan ang sarili kung ang lalaking kapitbahay ay di lang puso n'ya ang pinasok pati ang silid n'ya ay inakyat bahay na nito.
like
bc
Memories of Carmela (Tagalog)
Updated at Aug 9, 2021, 03:59
ROM-COM Madami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula ng mawala ang babaeng minahal. Then he met Lila Arguilla, same face with the woman he loves. Single mom sa kambal na anak. Kahit anong tangi ng isip, parang baliw naman ang puso na humabol sa babae na paulit-ulit na iginiit na hindi ito ang babaeng mahal niya. Makukuha kaya niyang mahulog sa babaeng kapareho ng mukha ng kanyang mahal o igigiit pa rin ng puso na ito talaga ang babaeng matagal ng pumanaw.
like
bc
The Bad Billionaire Series 4: Gage - Mirror of Pain
Updated at Jul 3, 2021, 02:03
Simula ng mamatay ang kanyang magulang gumulo na ang mundo ni Nazneen. Mula sa mga mapanghamak na kamag-anak sa mother side at sa mga taong gusto s'yang mapahamak tulad ng sinapit ng kanyang magulang. Para maprotektahan s'ya humanap ang Lolo Jako n'ya ng taong maaaring promotekta sa kanya. Saka n'ya nakilala si Gage, ang lalaking napili ng abuelo para alagaan s'ya. Isang lalaking matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo pero may mapait na nakaraan---nakaraan na may kinalaman ang kanyang ina. Paano pa s'ya proprotektahan nito kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang paningin mukha ng kanyang ina ang nakikita nito. Paano rin kaya niya proprotektahan ang puso mula sa lalaking may pusong bato at may mapait na nakaraan. At paano nga ba ilalayo ni Gage ang sarili sa dalagang nagpapaalala sa kanya ng sakit ng nakaraan, pero ginugulo naman ang puso't isip n'ya dahil sa labis na ka-inosentihan ng dalaga.
like
bc
CAYDE: LOVE AND LIES
Updated at Jun 27, 2021, 21:00
Tumakas s'ya sa kanilang bayan para makalayo sa panganib at lupit ng mga tao sa lugar na iyon. Pero nagkandaletse-letse ang buhay ni Catalina Adoracion ng maloko s'ya ng bading na nakilala at pwersahang pinasok sa isang club. At doon nakilala n'ya sa unang pagkakataon si Cayde ang lalaking 'malandi'. At ng gabi ding iyon sinubukan n'yang tumakas sa club na iyon. Pero sa pagtakas n'ya nabanga s'ya ng isang babae na nagngangalang Batsy. Ang babaeng tumulong sa kanya para sa panibagong buhay---buhay na kasama sa iisang bubong ang lalaking malandi. Makakaya n'ya kayang iwasan ang tulad nito na waring nabihag ang puso ng babaeng nakilala nito sa club? O baka ito pa ang umiwas pag nalaman nito ang totoo niyang katauhan? The Bad Billionaire Series: Cayde, Love and Lies ©mis_annie
like
bc
BARBARA : THE PLAYER
Updated at Jun 27, 2021, 01:29
Romance-action Myembro si Barbara ng isang grupo na walang pangalan. Isang samahan na nabuo noong sila'y nasa edad trese - kinse. Mga babaeng inihanda upang maghiganti sa mga taong hindi kayang salingin ng batas at gobyerno. Dahil sa isang misyon, kinailangan n'yang mamasukan sa isang club upang hanapin ang isang grupo ng mga negosyante na may personal na kasalanan sa kanya. At nakilala n'ya sa lugar na iyon si Zander, ang lalaking may lihim na motibo rin sa lugar na iyon. Mapaamo kaya ng pag-ibig ang matigas na puso ng dalaga o mas piliin nito ang paghihiganti na matagal na nitong ninanais.
like
bc
Owned by Shade (TAGALOG-R-18)
Updated at Apr 28, 2021, 00:01
Dahil sa apat na taong paghihintay ni Danny na umabot sa next level ang relasyon nila ni Shaun madami s'yang nasayang na pagkakataon sa buhay n'ya. Sa sobrang pagmamahal niya rito ay nakalimutan n'ya ang sariling kasiyahan then Shade came, Shaun's Twin brother who hates Shaun to the core. To the point that Shade force Danny into marriage. Then everything changed to Danny's life especially when she fell for the bad Billionaire Shade Santi Baniez.
like
bc
MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)
Updated at Mar 8, 2021, 05:05
RATED SPG! BAWAL SA BATA! HUWAG NA PONG ITULOY kung hindi ganitong genre ang inyong hanap. Salamat po. THE BROKEN VOW SERIES 1 Maayos naman ang pagsasama ni Melisse at Brent. Mahal na Mahal nila ang isa't isa simula pa noong college, nagpakasal at nagkaroon ng anak. Pero 'yong masayang pamilya na binuo nilang dalawa ay nagbago dahil sa isang hinala. Hinala na nauwi sa pagkabuhay ng curiosity ni Melisse na magsiyasat. At nang makumpira ang hinala kahit pa gustuhin n'ya ng isang pamilya unti-unti iyong nawasak. Lalo pa nang nalaman n'ya ang tunay na sekreto ng kanyang asawa. "Revenge is not just a word for me, it is definitely an action towards those cheaters!" Melisse Sandres
like