bc

APOLINARIO: THE FARMER'S SECRET MUSE (DMBS1)

book_age18+
141
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
bxg
campus
small town
friends with benefits
wild
like
intro-logo
Blurb

Hindi maunawaan ni Calliope kung ano ang mali sa ginagawa nila sa buhay nila. Masipag ang kanyang ama, gano'n din ang ina. Tulong-tulong silang lahat sa pamilya. Pero wala siyang nakikitang progress. Hindi sila makaahon sa kahirapan. Kasambahay siya sa siyudad ngunit dahil sa hirap ng trabaho ay pinauwi na siya ng kanyang magulang sa kanilang bayan. Sa kanyang pag-uwi ay nakilala niya si Apolinario. Ang magsasaka sa Poli's farm kung saan nakahanap ng bagong trabaho ang kanyang magulang. Gwapo, maganda ang pangangatawan... pero mahirap lang. Nilalandi siya ng lalaki pero sa isip ni Calliope ay wala na siyang balak magpasok ng taong kasing hirap niya sa kanyang buhay. Friend? Pwede naman. Okay rin naman kasi ito. Pero friend pa bang matatawag kung lihim na silang nagtatagpo sa tubuhan o kaya sa batis para lang magkasama? Friend pa bang matatawag kung ibinigay niya ang sarili rito at nais pa niyang paulit-ulit na ibigay sa lalaki ang kanyang sarili?Paano kung malaman ng kanyang magulang? Paano niya ipaliliwanag na nagtatalik nga sila... pero magkaibigan lang sila.

chap-preview
Free preview
1
Chapter One Pinagmamasdan ko ang sugat-sugat kong kamay na bahagya pang nanginginig dahil sa matinding pagod. Kasambahay ako sa pinsan ng nanay ko. Three thousand ang sahod sa isang buwan. Kasama sa libre ang kakarampot na pagkaing ibinibigay nila sa akin at ang tirahan na parang mas malaki pa ang dog house nila. Pagod na pagod ako pero hindi pa tapos ang trabaho sa araw na ito. Gumawi sa orasan ang tingin ko. Mag-11 na ng gabi. Tulog na ang mga tao sa bahay na ito. Pero gising na gising pa ako dahil kailangan kong tapusin ang labahan ko at may mga hugasin pa na hindi pwedeng maabutan ni Tiya bukas ng umaga. Nang tumunog ang cellphone ko na de keypad ay dali-daling kinuha ko iyon sa charger at sinagot ang tawag. "'Day, pasensya ka na kung ganitong oras ako tumawag sa 'yo. Kararating ko lang kasi rito sa bahay ninyo." Paliwanag ng kaibigan kong si Yuki. "A-yos lang iyon. Pakausap ako kina nanay." "Ito. Ito. Nanay, kausapin daw kayo ng dalaga ninyo." "Anak?" biglang napawi ang pagod ko nang narinig ko ang tinig ni nanay. "'Nay, nadaanan n'yo ba kina Lola iyong sahod ko?" kay lola pinapadala ni Tiya ang tatlong libo. Hindi na ako bumabawas doon dahil nakakakain naman ako rito. Mas higit na kailangan iyon ng pamilya ko sa San Rafael. "Anak, Salamat. Nakuha ko na kanina. Ibinigay ng Lola mo iyong 2500." "Ho? Bakit 2500 lang, 'nay? Tatlong libo po iyon." Napakuyom ang kamao ko. "Fee raw, Calliope. Hindi ko alam kung a anong ibig sabihin no'n. English kasi, 'nak. 500 daw ang fee." Iyong pagod at sama ng loob ko ay hindi na nagpapigil pa. Napaiyak na ako. "Anak, bakit?" ani ni nanay. "N-anay, pagod na pagod na po ako rito." Iyak ko saka napasalampak sa sahig ng kusina. "Ano? Ang sabi ng lola mo ay magaan lang ang trabaho mo d'yan... may hindi ba kami alam, Calliope?" Ayaw ko namang mag-alala ang aking ina. Pero sobrang hindi ko na kaya pa. Pinagtatakpan ko ang katotohanan dahil magagalit ang tiyahin ko sa akin pero hindi ko na talaga kaya pa. "Ako ang katulong nila rito, 'nay. Paggising ko sa umaga ay kailangan kong magluto, linis ng bahay, at asikaso sa mga anak ni Tiya. Ako rin ang naglalaba at naglilinis ng sasakyan nila. Lahat po... lahat po nang gawain dito ay ako ang gumagawa." Parang batang sumbong ko sa aking ina. "Diyos ko! Bakit ngayon mo lang sinasabi iyan? Anak, naman! Nakakapag-aral ka ba d'yan?" natigilan ako. Buong akala ng mga magulang ko ay pinag-aaral ako ng aking tiyahin dito. Pero ang totoo ay hindi. "Hindi po, nanay. Ginawa po ako nilang katulong dito pero hindi pinag-aral gaya ng pangako nila." Umiiyak na rin ang nanay ko sa kabilang linya. "Nanay, sobrang sakit na ng kamay ko. Pagod na pagod na po ako." "Umuwi ka. Umuwi ka na rito sa amin ng tatay mo. Apat na taon ka na d'yan. Ang buong akala namin ay gra-graduate ka na sa kolehiyo. Diyos ko! Bakit ginawa ng Tiya Mameng mo iyan." "Calliope, si tatay ito. Naririnig mo ba ako, 'nak?" ani ni tatay. "Opo." Lumuluhang sagot ko. "Uwi na rito, Calliope. Kami na ng nanay ang bahala. Natanggal kami sa trabaho namin sa sakahan pero nakahanap na kami ng nanay mo nang lilipatan. Alam mo ba iyong Poli's farm? Doon. Doon kami natanggap. Uwi na rito, 'nak. Kami na ng nanay ang bahala." "Opo, tatay. Kahit d'yan na lang din po ako maghanap ng bagong trabaho." Parang naalis ang bigat sa dibdib ko. At least nasabi ko na sa kanila ang matagal ko nang nais sabihin pero hindi ko nagawa noon dahil sa takot ko kay Tiya Mameng. Gumawi ang tingin ko sa mga hugasin sa lababo. Kung ipipilit ko pang gawin iyon ngayon ay baka makabasag ako at mas lalong magalit si Tiya. Kaya hindi ko na lang itinuloy. Pati ang pagbabanlaw ng mga damit ay ipinagpabukas ko na lang. Aagahan ko na lang ang paggising. -- MALAMIG na tubig ang gumising sa akin na ibinuhos sa mukha ko. Parang kaiidlip ko lang pero ito't ginising na ako. "Tita Mameng!" gulat na ani ko at agad na napabalikwas. "Sinabi ko sa 'yo na ayaw na ayaw ko na may nakatambak na hugasin sa lababo." Sigaw nito sa akin. "P-asensya na po. M-asakit na po kasi ang kamay ko." Ipinakita ko pa rito ang sugat-sugat kong kamay. "Nagdadahilan ka pa? Bwisit kang bata ka! Iyon pang mga labahan mo roon ay nakatambak. Ano at tatamad-tamad ka na? Binabayaran kita rito, Calliope. Hindi ka prinsesa rito." Hinaklit ng tiyahin ang buhok ko at hinila para ilabas. Agad akong tumayo dahil makakaladkad talaga ako kung hindi ako kikilos. "A-ray ko po, Tiya." Iyak ko habang sinusubukan alisin ang kamay nito sa buhok ko. "Sa lahat nang ayaw ko ay tamad, Calliope. Tangina ka! Binabayaran kita pero napakatamad mo." Mura pa nito sa akin. Binitiwan nito ang buhok ko kaya agad akong umatras upang hindi na nito muli pang masaktan. "A-yaw ko na po, Tiya. H-indi ko na po kaya." "Anong sabi mo? Ayaw mo na? Gusto mo bang bumalik na sa San Rafael at magbungkal na lang ng lupa kagaya ng pamilya mo?" gigil na sigaw nito. Hindi ako nakasagot. Takot na ako sa tiyahin kong pinandidilatan pa ako ng mata. "Shoot!" malakas na ani ng pinsan ko na biglang sumulpot at ibinato sa akin ang bola. Para akong nahilo sa lakas ng impact no'n. Pero hindi ako nagkumento. May problema ang binatilyo sa pag-iisip at ganito ang sinasapit ko palagi rito. "Lumayas ka rito. Sige, Calliope! Alis dito sa bahay ko kung ayaw mo na." Confident na ani ng ginang. Palagi namang nangyayari ito. Iyong pinapalayas niya ako at ang palagi kong ginagawa ay nagmamakaawa ako na huwag akong paalisin. "Mag-impake ka't umalis na." Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang braso ko at hinila pabalik sa silid kong masikip. Noon ilang oras ako sa labas ng gate at naghihintay na papasukin muli nito. Pero ngayon ay iba na ang plano ko. Desidido na akong umuwi sa amin. Pagkatapos mailagay ni Tiya ang mga damit ko sa bag ay hinila na naman niya ako palabas. Ibinato sa kalsada ang bag ko. "Lumayas ka rito! Hinding-hindi na kita tatanggapin, Calliope. Pasalamat ka nga't kinupkop pa kita rito. Tapos tatamad-tamad ka? Tangina ka!" Nang may humintong jeep ay agad kong dinampot ang bag ko. Wala akong pera pero sumakay ako ng jeep. Nang tignan ko si Tiya ay nanlaki ang mata nito. "Calliope! Calliope, saan ka pupunta?" ani nitong hiyaw. Pero habang umuusad ang jeep ay mas gumaan pa ang pakiramdam ko. "Ayos ka lang, ineng?" tanong ng matandang katapat ko. Agad kong pinunasan ang pisngi kong basa ng luha. "O-po." "Sino iyon? Nanay mo?" "Tiya ko po. Ginawa po niya akong kasambahay sa kanila kaso malupit po." Saka ko ipinakita ang kamay ko rito. "Diyos ko, bakit naman ganyan ang kamay mo?" nalokang ani ng matanda. "May pera ka ba? Saan ka pupunta?" "Uuwi na po sa San Rafael. Ayaw ko na po rito." "Ito, neng. Baka makatulong." Inabutan ako ng matanda. Gano'n din ang iba pang pasahero. "Libre na ang pamasahe mo sa akin, hija." Sagot naman ng driver. Mas naiyak tuloy ako. "Salamat po. Maraming salamat po." Iyak ko sa mga ito. Nakaipon ako ng pamasahe. Hindi sapat iyon pero makikiusap na lang ako para lang makauwi sa amin. Ang cellphone kong de keypad ay tumunog. TIYA MAMENG: Nasaan ka na, Calliope? May klase ang pinsan mo mamaya. Hindi siya pwedeng ma-late. TIYA MAMENG: Iyong mga labahan banlawan mo pagbalik mo. I-dryer mo ha. TIYA MAMENG: Pumunta ka rin sa kapitbahay. Linisan mo raw iyong garden nila. Kapag binayaran ka ay ilagay mo sa drawer ko ang bayad. Tumawag pa ito pero hindi ko na sinagot. "Maraming salamat po." Paulit-ulit kong sinabi iyon habang pababa ako ng jeep. May nagpahabol pa't binigyan ako ng isang daan. Nang nakababa na ako ay yumukod pa ako sa mga ito at saka kumaway. Nang nakaalis na ang jeep ay gumawi ang tingin ko sa terminal ng bus. May biyaheng San Rafael pero hindi ko tiyak kung magkano ang pamasahe. Pero lumakad pa rin ako patungo sa bilihin ng ticket. "Ate, magkano po ang pamasahe sa San Rafael?" ani ko habang nagsisimula na ring ayusin ang perang ibinigay sa akin. "1050, ma'am." "1050 po?" ani ko na parang biglang nanlumo. "Pwede po bang 640?" mahinang tanong ko. "Wala po kasi akong pera. Ito lang po." Napansin yata ng babae sa counter ang itsura ko. "Lapit ka roon sa driver. Kausapin mo siya." Tinuro nito ang lalaking may kausap na babae at nagtatawanan ang mga ito. "Sige po." Dali-dali ko namang binuhat ang bag ko at lumapit sa itinurong driver. "Excuse me po." Parehong napatingin sa akin ang dalawa. "Manong, pwede po ba akong sumakay sa bus sa San Rafael po ang tungo ko. Pero 640 lang po ang pera ko." Saglit na natigilan ang driver. Napabuntonghininga pa ito. "Akin na. Sumakay ka na." "T-alaga po? Salamat po!" galak na ani ko saka dali-daling sumakay sa bus. Kaso wala naman palang bakanteng upuan kaya naman sa hagdan na lang ako naupo. Okay lang iyon. Basta makauwi ako. Ilang saglit lang ay sumakay na rin ang driver at ang kasama nito. Umusad na rin naman agad ang bus. Sa wakas... apat na taon ding hindi ako nakauwi ng San Rafael. Ngayon ay makakauwi na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
699.9K
bc

The Pack's Doctor

read
482.5K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
286.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
488.0K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
230.3K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
203.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook