1. Coralyn
Chapter One
"Atalanta, ipinatawag mo raw ako?" medyo may alinlangan ako dahil si Lily ang nagsabi. Duda talaga ako.
"Hi, hija! Pasok ka," minuwestra rin nito na maupo muna ako. Katatapos lang ng mission namin ni Cars. Kababalik lang talaga namin dito sa headquarters.
Pagkaupo ko sa couch ay todo ngiti ito. "Hija, tumawag na ba kayo sa mommy mo? Nangangamusta siya."
"M-amaya po. Tatawagan ko po siya."
"Good. Kumusta ang last mission?"
"Okay naman po," magalang kong tugon. Madalas kaming magkasama ni Cars sa mga trabaho namin. Pero ngayon ay mukhang ako lang.
"May ipapatrabaho ako sa 'yo, hija," napaayos ako ng upo. Parang nabuhayan ako ng dugo. Ito talaga ang nagpapagising sa dugo ko. Trabaho.
"Sino pong itutumba ko?" iyon din naman kasi ang palagi kong trabaho.
"Wala kang itutumba ngayon... I mean ang pinakamisyon mo ay protektahan ang taong ito," inilapag nito ang isang folder sa mesa. "Tignan mo," udyok nito sa akin kaya naman dinampot ko't binuklat.
Natigilan ako. Hindi makapaniwalang napatingin sa ginang.
"Kilala mo?" tanong nito sa akin. Mariin akong napalunok. Kilala ko ang taong ito. Nasa isang misyon ako no'ng na meet ko ito. I mean... ako ang lumapit at humalik sa labi ng taong ito. Dare lang iyon habang nasa misyon ako. Nagkataong siya ang mukhang available no'ng gabing iyon.
Nicolai Leo Santorin?
Of course! Kilala ko ito. Connected ito sa pamilya Santorin. Anak ito ni Leo Santorin at kilala ang lalaking ito sa business world.
"I'm asking you, hija? Kilala mo ba?" ulit nitong tanong sa akin. Bahagya lang akong umiling. Hindi naman importante iyon dahil ibang mukha naman ang gamit ko no'ng halikan ko ang lalaki. Hindi magiging issue iyon.
"Hindi ko kilala, Atalanta. Ano bang klaseng trabaho ito?" curious kong tanong.
Umupo ang ginang sa katapat na couch at ngumiti muna sa akin bago nagsalita.
"May banta sa buhay ng lalaking iyan, hija. Sinubukan na nilang alamin kung sino ang nais magpatumba sa kanya ngunit bigo sila. Siya. Ito ang details sa grupong nais magtumba sa kanya. Alamin mo rin kung bakit nila gustong patayin ang binatang iyan."
"Pwede ko namang bantayan kahit hindi ako malapit---"
"No, hija. Kailangan mong mapalapit sa taong iyan. Hindi siya pwedeng maghinala na trabaho ang pakay mo sa kanya. Naintindihan mo ba ako?" tanong nito sa akin. Of course. Gets ko naman. Pero kasi'y kaya kong gawin iyon na nakadistansya ako. "Cors, mahihirapan ka kung nakadistansya ka. Ang ilang attempt na patayin si Nico ay gawa ng malapit na sa kanya. Bodyguard. Kasambahay. Employee sa company niya. Napasok na ang mundo niya ng mga kalaban, hija. Malalaman mo kung sino-sino sila kung lalapit ka rin kay Nico." Mas na-gets ko ang punto nito kaya tumango ako.
"Malaking trabaho ito, hija. Tiyakin mong hindi papalpak," agad akong tumayo at naglahad ng palad sa ginang.
"Tinatanggap ko po, Atalanta." Napangiti naman ito.
Nang tumalikod na ako ay bigla itong nagtanong.
"Masarap bang humalik ang taong iyan?" aliw nitong tanong sa akin. Napalingon agad ako habang ito ay malakas na natawa. Napapadyak ako.
"Atalanta!" reklamo ko rito. Mas lalo itong natawa.
"Ang cute mo, Cors. Sige na. Bigyan mo na ng apo ang nanay mo... I mean sige na at magtrabaho ka na."
Nang lumabas ako'y nakita ko si Lily na chill na chill na naghihintay sa akin.
"Duda ka pa kanina ha," nakangising ani nito. Inirapan ko naman ito saka ako lumakad. Inakbayan naman agad ako nito. "Anong trabaho ang ibinigay sa 'yo, Cors?" tanong nito sa akin.
"May kailangan daw akong bantayan. Ang hirap, Lily," ani ko.
"Mas madaling itumba?" tumango naman ako rito. Mas madali naman talaga. Naa-assign kami sa pagbabantay pero hindi kami 24/7 na nakatututok. Marami na kaming task na gano'n pero mas marami iyong trabahong kailangan itumba talaga.
Saka iyong mga binabantayan namin ay madali lang namang bantayan. Hindi katulad ng trabahong ito.
"So, paano ka makakalapit?" usisa ni Lily.
"Hindi ko alam---"
"Alam ko!" tinignan ko ito. Kakaiba ang titig ko rito. May pagdududa. "Hoy! Jina-judge mo na naman ako. Kailan ba kayo nabigo sa akin?" hindi nabigo pero nakalagay palagi sa kapahamakan.
Dito sa babaeng ito pwede mong ipagkatiwala ang buhay mo pero araw-araw pa ring nasa panganib. Gano'n level. "Trust me. Pakinggan mo ang suggestion ko."
"Fine. Ano iyon?" tanong ko rito.
"Akitin mo siya. Ibigay mo ang katawan mo sa kanya. Habang fina-f**k ka n'ya... proprotektahan mo siya."
"Lily, alam kong anak ka ni Atalanta. Pero huwag mong ubusin ang swerte mo. Lumayo ka sa akin dahil baka masapak kita," inirapan ko ito.
"Bakit? Hindi ba maganda ang idea ko?" tanong nito. Iniangat ko ang kamay ko rito. Saka ko binigyan ng middle finger. Ano ba naman kasing klaseng suggestion iyon? Hindi man lang pinag-isipan.
"Alalahanin mo, Cors. Bilin ni mommy na kailangan mong lumapit sa kanya."
Lintik na babae ito. Nakinig sa usapan namin ng nanay niya.
"Tsk," nilagpasan ko siya.
"Cors! Exciting iyong naisip ko. Subukan mo lang. Masarap iyon... este kaya mo iyon."
"Lubayan mo ako. Alis." Pero inakbayan ako nito at ipinulupot ang braso sa leeg ko.
"Ang pogi no'n, girl---"
"Isusumbong kita sa asawa mo," ngumisi ito.
"Girl, sa tingin mo ba'y maniniwala iyon? Sa gwapo ng asawa ko sa tingin mo ba'y iisipin no'n na nagwagwapuhan ako sa iba?" may point ito.
Hinawi ko siya.
"Ako ang mag-iisip ng dapat kong gawin. Tigilan mo ako," masungit na ani nito sa akin. Tinawanan lang ako nito. Iyong tawa na para bang naniniwala siyang iyong plano niya ang susundin ko.