bc

ABELARDO: BUILDING LIES, BUILDING LOVE (DMBS2)

book_age18+
89
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
one-night stand
family
HE
second chance
arranged marriage
arrogant
badboy
heir/heiress
bxg
campus
office/work place
small town
lies
rejected
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

BlurbTindera sa pag-aaring canteen ng pamilya si Odessa. Ang mga suki nila ay ang mga construction worker na nagtratrabaho sa ginagawang mall sa kanilang bayan. Maraming nagpapapansin sa kanya, ngunit isang lalaki lang ang nakaagaw ng atensyon niya, si Abelardo. Sabi ng nanay niya ay wala raw siyang magandang kinabukasan kung sa isang construction worker lang siya mapupunta. Pero paano kung sa unang kita pa lang niya sa construction worker na si Abelardo ay nakita na niya ang future niya kasama ito? Ayaw ng nanay niya. Pero ginawa ni Odessa ang lahat mapansin lang ng gwapong lalaki. Ultimo ang sumama sa inuman para lang makuha ang atensyon nito ay ginawa na niya. Sa labis na kalasingan niya ay nagising na lang siya na nasa tabi na ng lalaki. Pareho silang walang saplot. Sa gano'n akto sila inabutan ng kanyang magulang. Dalawa lang ang ibinigay na option ng mga ito sa lalaki, kasal o kulong. Hindi na minor si Odessa, pero kaya raw palabasin ng kanyang magulang na pinagsamantalahan siya. Alam niyang galit na galit ang lalaki lalo na sa kanya... parang pikot na ito. Pero magpapapikot ba ang lalaking pinapantasya ni Odessa?

chap-preview
Free preview
1
Chapter One "Hi, Miss beautiful!" bati ng construction boy na lumapit sa akin. Tinignan ko ito. "Lista o bibili?" tanong ko agad sa lalaki. Nandito ako ngayon sa canteen namin, sa amin ang pinakamalaking canteen sa construction site na ito. May mall na itinatayo at isa kami sa nabigyan ng pirmit para magtinda rito. Isang araw pa lang akong nakauwi ng San Guillermo ay sinabihan na ako ni nanay na magtrabaho na muna rito. 300 ang bayad sa araw ko, malayong-malayo sa sinasahod ko sa siyudad na iniwanan ko dahil sa mga nakakaputanginang mga katrabaho at ex-boyfriend na manloloko. Okay na rin ito kaysa wala. "Utang, Miss Beautiful." "ID." Tipid na ani ko at nang ipinakita nito ay agad kong isinulat ang pangalan nito sa listahan ko pati na ang mga order nito. Ako na rin ang naghanda ng mga order nito kaya naman ngiting-ngiti ang lalaki. "Ako'y kinikilig. Parang misis naman kita kung asikasuhin mo ako." "Hoy!" ani ko saka namewang sa harap nito. "Alangan namang asikasuhin mo ang sarili mo... Anong tingin mo sa canteen namin, self service? Buffet?" si nanay na napadaan ay tinapik ang pwet ko. "Ang sungit naman ni Miss Beautiful. Makaalis na nga." Tatawa-tawang ani nito. Saka kinuha ang mga in-order niya. Ipinagpatuloy ko ang trabaho. Mabilis ang kilos ko dahil sanay rin naman ako sa ganitong gawain. Sa ganito kami binuhay at pinag-aral ni nanay at tatay. Mulat kami ng kapatid kong si Odette sa ganitong gawain. "Anak, bawasan ang katarayan." Bulong ni nanay sa akin nang nakakuha ito nang pagkakataon. "Pero kung may manglalandi sa 'yo ay ilabas mo ang pagiging tigre mo." Bilin nito sa akin. "Akala ko ba gusto mo na akong magka-jowa, nay?" nanunudyo ang tinig ko rito. "Kung dito ka makakahanap ng 'jowa' ay huwag na lang, anak. Marami sa mga lalaki rito ay pamilyado. Madalas kapag malayo sa pamilya ay nagiging single. Kaya mag-ingat ka." Bilin nito sa akin. Saktong may lumapit na lalaki. Naagaw agad ang atensyon ko. Biglang nakalimutan ang inang kausap. "Hi, pogi!" agad kong bati sa lalaki na medyo nagsalubong ang kilay dahil sa akin. One of a kind ata ang poging customer namin dito sa canteen na ito. Siya lang iyong pawisang willing kong tanggapin... as in open arms pa. Kahit basa ng pawis ang suot nitong shirt na may tatak na De Magiba Construction ay parang ang bango-bango pa rin nito. "Isang sinigang na hipon at dalawang kanin." "Hindi mo ba ako o-order-in, pogi?" si nanay na tumabi sa akin ay siniko ako. "Umayos ka, Odessa." May pagbabanta sa tinig ng aking ina na tinawanan ko lang. Saka ako nagsandok ng kanin at iniabot sa gwapong customer. Sunod ay ang order nitong sinigang na hipon. "Tubig o soft drinks?" "Tubig." Tipid na ani nito. Agad naman akong kumuha at iniabot iyon dito. "Ako na d'yan, Odessa. Tumulong ko roon sa ibang customer. Ligpitin mo na rin iyong mga kalat sa mga mesa." Gusto ko pa sanang magpa-cute kay pogi kaso tinaboy na ako ng aking ina. Panaka-naka pa rin naman akong sumusulyap sa lalaki. Gwapo naman nitong taong ito. Ano kayang pangalan niya? "Psst!" sitsit ko sa tauhan sa canteen. "Te?" ani ni Cress. "Kilala mo ba iyan?" pabulong kong tanong dito. "Nakikita-kita ko, 'te. Pero hindi ko kilala. Pogi 'no?" agad akong tumango at parang kinilig na muling sinulyapan ang lalaki pero nang nakitang tumingin ito sa akin ay umakto akong parang wala lang. "Single kaya iyan?" "Hindi ko alam, ate. Pero kung ganyan kagwapo ay tiyak kong meron at meron iyan." For sure habulin ito. Ang gwapo kasi talaga, tapos iyong shirt na suot nito ay parang puputok na dahil sa laki ng katawan nito. Iyong braso niya... s**t! Ang sarap sigurong ma-headlock ng ganyang lalaki. "Ate, iyong laway mo." Natatawang ani ni Cress kaya naman agad akong sumeryoso. "Kapag iyan single, Cress. Liligawan ko iyan." Buo ang loob na ani ko. "Grabe si ate! Nakalimutan mo yatang babae ka---" "Bawal bang manligaw ang babae? Sobrang gwapo kaya niya." "Gusto mo bang alamin ko?" curious ako kaya naman tumango ako. Iniwan ako nito, ako naman ay ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap na naglilinis ng mesa. "Excuse me po. Water pa po?" tanong ni Cress sa lalaki. "Yes, please." Tugon ng lalaki. Pagbalik ni Cress dala ang tubig ay agad niyang iniabot iyon sa lalaki. "Kuya, may nagpapatanong lang po. Ano pong pangalan ninyo at kung single raw ba kayo." Grabe si Cress. Malakas ang loob at makapal ang mukha. Walang hesitation na nagtanong ito. "Who?" nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Secret po muna, Kuya. Pero sobrang ganda po niya. Hindi po kayo mabibigo sa gandang babae niya." Aba'y sa pagkakabuhat ni Cress sa kagandahan ko ay parang gusto ko na lang ibigay ang sahod ko rito ngayong araw. "Not interested." Kinuha nito ang wallet at kumuha roon ng bayad. Saka niya inilapag sa mesa. "Keep the change." Akmang aalis na ito kaya dali-daling humabol ako rito. "Sandali lang!" ani ko. "Ako iyong magandang sinasabi ni Cress. Ako si Odessa. Ikaw? Anong pangalan mo?" tinignan ng lalaki ang kamay kong nakalahad. Pagkatapos ay nilagpasan ako nito nito na nanatiling nakalahad ang kamay. Aba'y gago at hindi man lang pinansin ang beauty ko. "Abelardo ang pangalan niya, ineng." Nangingiting ani ng matandang napadaan sa tabi ko. Ibinaba ko na lang ang kamay na hindi tinanggap ng lalaki. "Aba'y kaya pala ayaw sabihin ang pangalan... Abelardo? Ang bantot pala." Natawang ani ko. "Saan nahugot ang pangalan niya? Sa baul?" natawa na rin ang matanda. "Single rin siya, ineng." "Totoo po? Sa gwapo niyang iyon ay single talaga siya?" "Oo nga. Single siya." "Salamat, manong. Dahil sa information na ibinigay mo ay may libre kang sabaw." Napakamot sa ulo ang matanda. "Libre naman talaga sa canteen ninyo ang sabaw. Pasaway kang bata ka." Umalis na rin ito. Bumalik ako sa tabi ni Cress na malawak ang ngisi. "Anong pangalan, 'te?" "Abelardo raw." "Grabeng pangalan naman iyan. Old na old." Same kami ng opinion ni Cress tungkol sa pangalan ng lalaki. "Tuloy sa trabaho!" pasigaw ni nanay nang nakita niya kami ni Cress na nagbubungisngisan. Kaya tuloy kami sa trabaho. Sa araw na ito ay dalawang beses ko lang nakita si Abelardo. No'ng nananghalian siya sa canteen namin, at no'ng bumili siya ng yosi at candy. Pero sa dalawang beses na nakita ko siya... sure na agad ako. Crush ko na siya. Parang teenager ang atake. Parang hindi brokenhearted. Parang hindi niloko ng dating nobyo at ng best friend. "Ate, sure na sure na ako. Single talaga siya." Bulong ni Cress sa akin. Narinig ko silang nag-uusap no'ng foreman niya. Ipakikilala raw siya roon sa anak na babae lalo't single naman." "Anong sagot ng future husband ko?" tanong ko rito. "Wala raw problema sa kanya." "Aba'y gago ginugusto rin." Napasimangot na ani ko. "Hala! Si Ate Odessa, daig pa girlfriend." Natawang ani nito. "Hehe! Testing lang iyon, Cress. For sure iibig din sa akin iyan. Itaga niya sa bato. Akin siya." Nailing na lang si Cress na nilayasan na ako para magligpit. "Nay, alis na po ako." Paalam ko kay nanay na busy sa kaha. "Deretso sa bahay, Odessa." Bilin nito sa akin. Tumango lang naman ako. Saka lumakad na paalis. Pero nang naaalala ang bag na gamit ay binalikan ko iyon. Nang nakuha ko na ay tuluyan na akong umalis. Labasan na rin ng mga construction worker. Doon ako sa mga palabas sumabay, sa kabilang side kasi'y may mga papasok din. Medyo siksikan at tulakan dahil unahan din sila sa mga bus na sasakyan na nasa labas. "Aray!" malakas na sigaw ko. Agad lumingon ang mga kalalakihan na nagsisiksikan at nang na realize na babae ako ay binigyan nila ako ng space. Pero unahan pa rin siyempre sa bus. No'ng nakalagpas na sa gate ay para nang nagkakagulo. Huminto na ako dahil alanganin na ako. Naramdaman ko na lang na may kumabig sa akin na wari'y pinoprotektahan ako. "Alam mo nang siksikan pero ipinilit mo pa rin." Masungit na ani ng lalaki na agad kong nakilala. Nang nag-angat ako ng tingin ay hindi ako nagkamali. Si Abelardo nga ito... iyong crush kong construction worker.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
699.9K
bc

The Pack's Doctor

read
482.5K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
286.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
488.0K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
230.3K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
203.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook