bc

The Governor's b***h

book_age18+
1.1K
FOLLOW
12.3K
READ
billionaire
revenge
dark
forbidden
love-triangle
contract marriage
family
HE
forced
opposites attract
second chance
arranged marriage
stepfather
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
serious
small town
cheating
disappearance
rejected
affair
addiction
actor
wild
substitute
like
intro-logo
Blurb

Siya ang asawa, pero sa buhay ng kanyang asawa ay siya ang pangalawa. Palaging pabor ang pamilya ni Garrie sa kakambal niyang si Carrie. Si Carrie ang sikat, si Carrie ang nagdadala nang yaman sa pamilya, si Carrie ang the best. Tanggap naman iyon ni Garrie. Suportado rin niya ang kanyang kakambal. Isa sa pinakasikat na artista at singer ng bansa ang kapatid. Pero sa tuwing nakakagawa ng mga hindi magandang bagay ang kapatid ay si Garrie ang sumasalo ng consequences upang hindi masira ang pangalan ni Carrie. Isang malaking iskandalo na naman ang napasok nito... hindi simpleng eskandalo. Lumabas sa publiko ang isang s*x video nito kasama ang isang sikat na gobernador. Sa takot ng kanyang magulang na masira ang pangalan ni Carrie ay lahat nang panghuhusga ay si Garrie ulit ang sumalo. Upang linisin ang kalat ay ipinaako ng kanyang magulang ang lahat sa kanya. Dahil nasa 'hot spot' din ang gobernador na lihim na karelasyong ni Carrie... nagmakaawa ang kakambal niya na pakasalan niya ang lalaki para mabaling sa kasal ang atensyon ng publiko. Dala ng awa at pagmamahal sa kapatid ay pumayag siya. Pero impyerno sa lupa ang nasuungan ni Garrie. Gusto niyang kumawala. Ngunit paano... kasal na siya sa gobernador na pag-aari ng kakambal niya. Makukuha pa nga ba niyang isalba ang sarili?

chap-preview
Free preview
1
"Ako ang asawa pero parang maling mahalin ka dahil ang kakambal ko ang tunay na nagmamay-ari sa 'yo. Sa tuwing katalik kita... alam kong Carrie ang nasa isip mo." Chapter One "Congratulations!" kasabay nang pagbati naming lahat ay ang palakpakan habang papasok si Carrie sa aming bahay. Agad naman nitong iniangat ang trophy, kanina lang ay in-award-an siya bilang isa sa pinakamahusay na singer at pinakamaraming nabentang album. Habang ina-award-an ito ay kami naman ay pinanonood siya sa TV. "I'm so proud of you, Carrie." Lumapit si mommy sa kapatid ko at niyakap ito. Gano'n din si daddy. "Vox Aurora Award ay ang pinakamataas na award para sa mga singer... isa ka sa natatanging taong nakatanggap ng award na iyan. I'm so proud of you, darling." Ang ibang mga relatives namin ay lumapit na rin para batiin ang kapatid ko. Lahat ay galak na galak sa malaking achievement nito. Nang humupa na ang mga relatives na nais mag-congratulate rito ay saka naman ako lumapit kay Carrie. "Carrie," tawag ko rito. Agad na kinuha ni mommy ang trophy na hawak ni Carrie. Gusto ko sanang mahawakan kaso iniutos nang itabi. Ngumiti si Carrie sa akin. Mahigpit akong niyakap nito. "Congratulations." Bulong ko sa kakambal. "Thank you, Garrie. Wala naman iyang award ko kung wala ka." Ngumiti ako. "Gaya ng sabi ni mommy... proud kami sa 'yo, Carrie. Ang galing-galing mo. Deserve mo ang award na iyan." Tumango-tango naman ito. "That's enough. Garrie, kuhanan mo kami ng picture para may mai-post ang kakambal mo sa social media." Utos nito sa akin sabay abot agad ng phone. Hinila na rin nito si Carrie patungo sa couch, habang ang iba naming relatives ay umayos na rin ng post. "Hawakan mo iyon trophy, Carrie." Napabalik tuloy ang kasambahay na inutusan ni mommy. Masayang ngumiti ang lahat. Pagkatapos ng picture taking ay agad ding nagpulasan ang mga tao. May mga nag-serve ng wine. Habang ako ay pasimpleng sumenyas kay Carrie nang hindi na nakatingin ang aming ina. "Nasa study room si Governor Claverra. Ipinuslit ko siya kanina para makita ka at hindi ng mga relatives natin." Gumuhit sa mukha ni Carrie ang excitement pero nabahiran iyon nang takot. "Alam nila mommy at daddy?" ani nito sa akin. "Alam nila pero kapag daw malaman ng mga relatives natin ay ako ang malalagot." Sagot ko rito. Pero kahit ako ang malalagay sa alanganin if ever man na malaman ng mga bisita namin ay willing pa rin akong mag-take risk. Napangiti ito. "Puntahan ko na?" ani nito sa akin. Tumango naman ako rito. "Magdahilan ka na lang sa mga bisita." "Sige." Bakas ang excitement nito. Isang taon na ang lihim na relasyon ni Carrie at ni Governor Rusco Claverra. Gobernador sa lalawigan ng San Carlos ang lalaki. Hindi naman hadlang ang parents namin ni Carrie sa relasyon ng dalawa, lalo na siyempre ako. Kung saan masaya ang kakambal ko ay masaya na rin ako. Itinago lang dahil parehong may iniingatang pangalan. Dali-dali itong nagpaalam sa mga bisita. Nagdahilan na masakit ang kanyang ulo. "Take a rest, Carrie." Malumanay na ani ni Lola. Kumaway pa si Carrie sa mga ito at dali-daling tinawag ang assistant niya para magpasama sa kanyang kwarto. Pinanood naming pumanhik sa hagdan si Carrie. Habang lahat kami ay nakamasid sa kanya ay naging background sounds sa paligid ko ay ang mga papuri ng mga kamag-anak namin sa kakambal ko. Proud din naman ako sa narating nito. Baka nga higit pa akong proud dito kaysa sa mga kamag-anak namin. Naging kamag-anak no'ng sumikat na si Carrie. Dati kasi'y hindi kami pansin ng mga ito. Ngayon ay sobrang linis ng pamilya ko sa mga kamag-anak namin. "Garrie," lapit ng isa kong pinsan. Inabutan ako ng kopita ng alak na may alak. Tinanggap ko iyon. Akmang iinumin ngunit mabilis na naagaw ng aking ina. Ibinalik sa pinsan kong si Kristan. "Hindi umiinom ng alak si Garrie. Huwag kang bad influence, Kristan." Napakamot tuloy sa ulo si Kristan at nilayasan kami. Hinawakan naman agad ako ni mama sa braso at hinila patungo sa kusina. Dahil busy ang mga kasambahay roon ay hindi pansin ng mga ito ang higpit nang pagkakahawak ni mama sa braso ko. "Umiinom ka ng alak?" "Mommy, minsan lang naman po." "Kita mo iyong yelo roon? Malamig iyon, Garrie. Hindi ka nag-iingat. Huwag kang susubok uminom dahil malalagot ka sa akin." Kung gaano ito ka-gentle kay Carrie, kabaliktaran naman sa akin. Madalas iyong frustration nito sa kapatid kong sikat sa bansa, sa akin niya naibubuhos. "Opo, mommy." Tugon ko. "Bitaw na po. Masakit po." Mahinang ani ko. Bumagsak sa braso ko ang tingin niya. Agad naman nitong binitiwan iyon. "Puntahan mo si Carrie. Make sure na walang kalokohan gagawin ang dalawang iyon." "Opo." Tugon ko saka dali-daling iniwan ang aking ina. Nagtungo ako sa kwarto ni Carrie. Nagbibihis na ito at ina-assist pa ng tauhan niya. "Yes, Garrie?" ang lawak ng ngiti nito. Obvious talaga rito kapag excited ito. "B-antayan daw kita, Carrie." Malungkot na ani ko sa kapatid. Alam ko namang gustong-gusto ni Carrie na masolo ang nobyo niya. Iyong sila lang. Pero dahil takot ang aking ina na baka ngayong nasa kasagsagan siya ng kanyang career ay magkaproblema... baka mabuntis or what. Kaya laging ako ang bantay rito at kay Governor Rusco. Alam ko naman may mga pagkakataong nakakasalisi ang mga ito. Hindi ko na lang ipinapaalam kay mommy dahil deserve rin naman ni Carrie at Governor Rusco na magkasama ng sila lang. Sikat ang kapatid ko, sobrang laki na ng fan base nito. Sa Pilipinas man or outside the country. Kahit saan ay nare-recognize siya. Sa part lang na iyon ako nahihirap. Kambal kami kays madalas akong napagkakamalang si Carrie. I hate crowds. Pero wala silang pakialam kung dumugin ako. Sinasabi ko namang hindi ako si Carrie. Pero ayos lang daw kahit copycat Daig ko pa tuloy ang anino ng kapatid ko. "Hays, ano ba naman si mommy? Anong tingin niya sa akin... sa amin... gagawa ng milagro sa study room kahit maraming tao sa sala?" napasimangot na ani nito. "Ayaw mo ba? Magtatago na lang ako at kunwari'y binabantayan kayo---" "Tapos ikaw naman ang lagot kay mommy? Alam ko na iyan, Garrie. Lagi kang napapahamak dahil sa akin. Sige, bantayan mo kami. Wala rin naman kasi kaming gagawing masama." 24 years old na kami ni Carrie. Pero pagdating dito ay bantay sarado talaga ni mommy. Gets ko rin naman si mommy. Iniingatan lang nito si Carrie lalo't sikat. Pero madalas sobrang nakakasakal na ang kahigpitan nito. Nagtungo kami sa study room. Nang pumasok ako ay malawak agad ang ngiti ni Governor Rusco. "Hindi ako." Mabilis na ani ko saka hinila papasok si Carrie na agad tumakbo sa kanyang nobyo at yumakap. Tahimik ko namang hinila pasara ang pinto at in-lock iyon. Saka ako kumuha ng libro at tahimik na nagtungo sa swivel chair. Sa couch sila pumwesto. "Rusco, I'm sorry kung nandito si Garrie. Alam mo naman si mommy---" "No need to explain, love. Ayos lang sa akin kahit nandito si Garrie." Sumulyap ako sa mga ito at saktong nakatingin din pala sa akin. Parehong ngumiti ang mga ito. Balewalang binuklat ko ang libro at nagpanggap na nagbabasa roon. Pero panakanakang sinusulyapan ko ang mga ito. May mga pagkakataong nahuhuli ko silang naghahalikan pero binalewala ko na lang. Nandito ako para mapatanag ang aking ina. Mga nasa legal na edad na ang mga ito. Walang ibang taong tinatapakan sa relasyon nila. Pero ingat na ingat sila dahil nga sa mga karera nila. Hindi pwedeng masangkot si Governor Rusco sa anumang issues lalo na't napakahalaga nang malinis na pangalan sa politics, habang si Carrie naman ay hindi pwedeng ma-involve sa kahit na sinong lalaki dahil hindi lang naman babae ang fans nito. Marami ring lalaki. Oras na malaman ng mga fan na may nobyo siya ay possible na makaapekto sa career niya iyon. Nang muling gumawi ang tingin ko sa kanina ay saktong magkalapat na naman ang labi nila. Mas aggressive si Carrie, obvious naman sa kilos nito. Pero medyo ako pa ang nahiya. Nakita ko kasi na habang naghahalikan ang mga ito ay nakatingin si Governor Claverra sa akin. Hiyang-hiya ako kaya naman tinakpan ko ang mukha ko ng libro. Nakarinig ako nang bungisngis. Huminto rin naman ang mga ito at nagkwentuhan na lang. "Congratulations, Carrie, sa tagumpay mo ngayong gabi." Dinig kong ani ni Governor Rusco. "Thank you, love. Hindi ko lang achievement ito. Kasama ko sa tagumpay na ito ang team na bumuo ng album. Isa ka rin. Inspiration kita habang sinusulat ko ang kantang iyon. Hindi ko naman akalain na magiging nation team song ng mga magkasintahan na lihim ang kanilang relasyon." "Hayaan mo, darating ang time na pwede na nating ipagsigawan iyong atin. For now, itago muna natin. For your safety na lang din at ng career mo. Masyadong messy ang politics madawit ka. Mahihirapan ka lang." Tumango-tango ito. "Thank you rin sa pang-unawa, Rusco. Magulo rin ang showbiz. Kung sino-sinong inili-link na kahit kahit wala naman talaga. Ikaw lang kaya ang lalaki sa buhay ko." Nagpatuloy sa lambingan ang mga ito. Nakaidlip pa nga ako dahil anong oras na rin naman kasi. Sumilip pa si mommy at nagsabi na matutulog na siya. Sumenyas pa ito sa akin na pagbutihin ang pagbabantay ko. Pero nang nakaalis na ito ay muli ko lang ding ipinagpatuloy ang pag-idlip. Naalimpungatan lang dahil sa halinghing ni Carrie. Ako ang nahiya. Private moment nila iyon pero ito ako't nasa isang silid kasama sila. "Ughh, bilisan mo pa." Mahinang ani ni Carrie. Nagpanggap na lang akong tulog. Pasimpleng sumilip, saka ko napansin na nakapatay pala ang ilaw. Pero may kaunting liwanag mula sa buwan. Hindi naman sila nakahubad. Pero nakita ko ang kamay ni Governor Rusco sa loob ng pajama ng kapatid ko. Nakasandal si Carrie sa dibdib ng lalaki habang mariing nakapikit. Bakit ba ako narito? Gusto ko nang lumabas dahil ako na itong nahihiya. Pero mas lalo yatang nakakahiya kapag tumayo ako at makita nila ako. Muli akong pumikit. "You're so wet, Carrie." Dinig kong ani ni Governor Rusco. Damn! Kailangan kong takpan ang tenga ko. Parang kasalanan na marinig ang mga ito sa intimate moment nila. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagtulog-tulugan. Tinapik na lang ako ni Carrie. Nagsabi ito na uuwi na ang gobernador. "Akyat na ako sa kwarto ko." Antok na ani ko. Hindi ko makuhang tignan ang gobernador. Hiyang-hiya talaga ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
699.9K
bc

The Pack's Doctor

read
482.5K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
286.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
488.0K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
230.3K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
203.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook