bc

EMILIO: HIDDEN ON THE SHELF (DMBS3)

book_age18+
50
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
family
HE
stepfather
single mother
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
serious
office/work place
small town
love at the first sight
addiction
wild
like
intro-logo
Blurb

BlurbSingle mother si Jenny. Hirap makahanap ng trabaho sa kanilang lugar kaya naman isinama niya ang ina at ang kanyang anak patungo sa kabilang lalawigan. Nakahanap naman siya ng trabaho, sa isang supermarket na pag-aari ni Emilio De Magiba. Alam at nararamdaman ni Jenny na kakaiba ang tingin at trato ng lalaki sa kanya kaysa sa mga kasamahan niya. Wala siyang planong pansinin iyon dahil pagtratrabaho ang pakay niya sa EDM. Ngunit biglang kinailangan niya ng pera naaksidente ang sinasakyan tricycle ng kanyang ina at ng kanyang anak. Critical at malaking pera ang kinakailangan para maisalba ang mga ito. Dahil hindi na alam ni Jenny ang dapat gawin ay nagpasya siyang lumapit kay Emilio. Inalok niya ang katawan niya kapalit ang perang kailangan. Bibigay kaya si Emilio sa pagmamakaawa ng babae?

chap-preview
Free preview
1
Chapter One "Nag-resign iyong dating kasama ko dahil na in love kay Mr. De Magiba. Hindi kinaya ang rejection kaya umalis na lang." Kasalukuyan kaming abala sa pag-aayos ng stock ng mga noodles sa shelf. Nag-apply ako kahapon dito sa EDM. Nagbakasakali lang at sabi ko'y kahit anong trabaho na lang. Saktong may nag-resign na stocker kaya naman dito ako napasok. Kahapon nag-apply, tapos tanggap agad. "Iyong boss kasi natin ay sobrang gwapo, Jenny. Kaya mag-ingat ka roon. Baka masilo rin ng kagwapuhan niya ang puso mo." Napabungisngis ako't umiling. "Malabo iyan, Joyce. Priority ko ang trabaho at anak ko." Confident na ani ko. "At bakit naman malabo? May anak ka pero single ka, 'di ba? Ang daming nahuhumaling sa boss natin. Kung ayaw mong masiraan ng bait ay mag-ingat ka sa kanya." Napatango-tango naman ako. "Hindi talaga. Nandito ako para magtrabaho. Hindi para ma-in love sa taong hindi dapat ibigin. Saka langit si Mr. De Magiba, lupa lang ako. Ang layo ng level." "Hays! Salamat naman at ganyan ka mag-isip. At least hindi na ako magwo-worry na baka magbago na naman ang kasama ko rito." "Tatagal ako rito, Joyce. Promise ko iyan sa 'yo." Nagtaas pa ako ng kamay na parang nangangako rito. "Mabuti naman, Jenny." Napahagikhik pa ito tapos biglang tumayo at bahagyang yumukod sa bandang likod ko. "Good morning po, Mr. De Magiba." Mabilis na ani ni Joyce kaya lumingon agad ako. Hindi ko pa kilala si Mr. De Magiba dahil bago pa lang ako rito. Pero nagulat talaga ako nang mapagmasdan ko ang mukha ng boss namin. Gwapo. Hindi nakapagtataka na nagsisipag-resign ang mga tauhan nitong nai-in love rito. "Good morning po, sir." Yumukod din ako katulad nang ginawa ni Joyce. "Morning." Tipid na sagot nito saka ito lumakad paalis. Napasunod na lang ang tingin namin dito. "Iyan ang boss natin. Ngayon alam mo na kung bakit nasisiraan ng bait ang mga tauhan niya sa kanya?" "Gwapo nga siya." Sang-ayon ko. Hindi lang mukha ang panlaban ng lalaki. Matikas din ang pangangatawan nito. Agad akong siniko ni Joyce. Hindi naman masakit. Parang kinuha lang nito ang atensyon ko. "Huwag kalimutan, Jenny. Bawal ibigin iyan." Ngumiti ako kay Joyce. "Bawal talaga. Nandito ako para sa trabaho, para may kita, at nang may maiuwi sa anak ko." "Good girl!" ani nito sa akin. Nagpatuloy kami sa ginagawa. Tulong kaming dalawa sa paglagay ng stocks sa mga shelves. "Pero nasaan ba ang tatay ng anak mo, Jenny?" Ang personal naman ng tanong nitong babaeng ito. Sa pagkakatanong pa niya ay sobrang casual na casual lang na akala mo'y close na close na kami agad. Ngayon pa nga lang kami nagkasama nito. Pero nasaan nga ba ang ama ng anak ko? Wala. Kasi wala pa naman akong naging asawa o nobyo. Hindi ko talaga anak si Troye pero nakapangalan sa akin at pinalabas naming anak ko siya para lang hindi makuha ng dating kasintahan ng kakambal ko. Namatay si Lenny after niyang nanganak kay Troye. Nagtago ang kakambal ko no'n para hindi mahanap ng abusive nitong partner. Hindi rin naman alam ng ng dati niyang partner na may anak sila. Kaya naging instant nanay ako ng pamangkin ko. Ako ang nakalagay na nanay niya sa birth certificate, at ako rin ang kinamulatan niyang ina. Wala itong idea tungkol kay Lenny at mananatiling wala itong alam sa mga tunay nitong magulang. Masyado pa itong bata para maunawaan ang naging sitwasyon. "Hoy! Tinatanong kita tapos bigla kang natulala." "P-atay na." Mabilis na sagot ko rito. "Naaksidente no'ng time na buntis ako kay Troye." "Ah, solo ka pala ngayon sa lahat ng responsibility sa anak mo?" "May katuwang naman ako---" "Boyfriend?" ani nito sa akin. "Nanay ko, Joyce. Wala na akong planong mag-boyfriend o asawa. Okay naman ako na walang lalaki sa buhay ko." Napasinghap ito sa narinig. "Hoy! Seryoso ka ba d'yan? Sayang ang ganda, girl! Lumandi ka pa. Pwede pa iyan. Mukha ka pang fresh. Para ka pa ngang walang anak, eh." Alam ko naman na maganda ako. Sadyang wala lang sa plano ko ang mag-boyfriend o asawa. NBSB ako. May dahilan ako kung bakit ayaw ko, kung bakit ayaw kong sumubok. Masyadong malalim na dahilan. "Hindi na, Joyce. Tahimik ang buhay ko at wala akong balak guluhin." "Hays! Kung ganyan ako kaganda... ta-target-in ko ang pinakamayayamang lalaki rito sa San Guillermo." "Talaga?" natawang ani ko. Agad naman itong tumango. "Oo. Una sa listahan ang De Magiba boys. Isa si Mr. De Magiba roon." "Pasaway ka." Natawang ani ko saka gumawi ang tingin ko sa daang tinahak ni Mr. De Magiba. Sakto namang bumungad ito at naglalakad na ngayon patungo sa direction namin. Nagbusy-busy-han kami ni Joyce. Si Mr. De Magiba naman ay nilagpasan kami. Mukhang chine-check nito ang store. Bawal uupo-upo kasi iyong boss ay naglalakad-lakad. Hindi nauubusan ng customer ang malaking store na ito. Kaya naman pagkatapos sa mga shelves ay sa backroom naman kami. Tapos pagkatapos doon ay balik sa mga shelves para maglagay ulit. Abala kami sa paglalagay ng tags nang napadaan na naman ang boss namin sa aisle kung saan kami nakapwesto. Sa sobrang busy namin ay hindi na rin namin namalayan ang oras. Buti na lang may nag-aanunsyo ng oras sa buong store. "Kain na tayo, Jenny." Yaya ni Joyce sa akin. Agad ko namang iniayos ang mga ginamit namin at saka tumayo na rin katulad ni Joyce. Pagkatapos naming ilagay sa backroom ang mga gamit sa paglalagay ng tags sa mga paninda ay dumeretso na kami sa locker. "Tara na sa canteen." Yaya nito sa akin. "Ah, pwede bang dalhin iyong baunan ko roon? Nagbaon kasi ako." Ipinakita ko pa ang paper bag na may lamang lunch box ko. "Oo naman. Tara na." Sumama naman ako rito. Sa tuwing may mga madadaanan kaming katrabaho ay napapatingin sila sa amin. Siguro'y dahil bago lang ako rito. "Joyce, ipakilala mo naman kami sa bago." Hirit ng isang lalaki na may katangkaraan. Hindi gwapo, pero tao naman. "Hoy! Kabago-bago nito didiskarte ka na naman?" ani agad ni Joyce. "Masyado namang advance ang utak mo. Kikilalanin lang eh." Saka lumapit ang lalaki sa akin. "Ako si J-col." "Ikaw si?" ani ko na parang mali ang pagkakarinig. "Jay Col." Sagot naman ng lalaki na napakamot pa sa ulo. "Jakol lang pinaarte mo pa." Tawang-tawa naman si Joyce na nasa tabi ko. Saka hinawi si J-col. "Gago naman itong si Joyce. Panira ng diskarte." Himutok ng lalaki. Ngumiti lang naman ako rito saka sumama na kay Joyce. "Huwag kang magpapalandi sa lalaking iyon, Jenny. Tengene! Kapag naging mag-asawa kayo ay magiging Jenny Col ka na." Natawa ako sa naging combination ng pangalan namin ni J-Col. "J-col talaga ang name niya?" takang ani ko. "Oo, Jay Col. As in J-A-Y tapos Col." Naupo kami sa bakanteng pwesto. Maliit lang ang canteen. Sakto lang para sa empleyado ng malaking store na ito. "Kain na tayo. Mabilis lang ang oras tapos back to work ulit." Tumango naman ako rito. Saglit itong umalis at nag-order ng pagkain niya. Pagbalik ay kumain na rin kami agad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
699.9K
bc

The Pack's Doctor

read
482.5K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
286.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
488.0K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
230.3K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
203.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook