Chapter 1
Manila
"Hoy! Nasaan ka na?! Nilalangaw na ako dito kakahintay sa'yo?"Sabi niya agad pagkasagot ng kaibigan niya sa tawag niya.
Nasa cubao bus station na kasi siya at hinihintay ang kaibigan na susundo sa kaniya.
"Traffic. At saka hindi ka siguro naligo kaya ka nilalangaw diyan!"natatawang pang aasar nito saknya.
"Tseee! Mabango ako 'no! Alam siguro ng mga langaw na ito na bagong salta ako ng maynila, kaya weni-welcome lang siguro nila ako. Panay halik nila sa mukha ko!"irita niyang sabi.
Narinig niyang humalaklak ito sa kabilang linya. "Amoy kalabaw ka siguro kaya ka hinahalikan ng mga langaw diyan!"tumatawang sabi ng kaibigan niya.
"Bwesit ka!"gigil niyang sabi sa kaibigan.
Humagalpak na naman ito ng tawa at nabibingi siya sa lakas ng tawa nito sa kabilang linya. Lakas nitong mang-asar. Mas lalo na kapag alam nitong naiinis ako.
"Baka naman kasi nag-ulam ka ng pinapaitan bago ka lumuwas pa maynila. Tapos hindi ka nagmumog o kaya'y nag toothbrush. Eww!"lalo siyang inaasar nito.
"Ewan ko sa'yo bruha ka!"sikmat niya. "Asan kana ba ha?"
"Ito na. Malapit na! Traffic lang talaga kunting tiis ka na lang muna diyan."
"Nagugutom na talaga ako. Nahihilo pa ako dahil sa biyahe. Sobrang layo at nakakapagod."tuloy-tuloy naman ang pagreklamo niya.
"Lapit na po! Makipag usap ka nalang muna sa mga langaw diyan!"tumatawang sambit pa ng kaibigan.
Napaikot na lang siya ng mga mata bago pinatay ang tawag. Wag na lang niya pansinin ang pang aasar niya sakin. Mas lalo lang ako maimbyerna kakahintay.
Naghintay pa siya ng ilang minuto bago ito makarating sa bus station. Masaya itong sinalubong siya ng yakap. Sumimangot lang naman siya bago ginantihan din ng yakap ang kaibigan.
Kumain muna sila sa malapit na kainan do'n bago sila umuwi sa apartment ng kaibigan.
Umalis na daw 'yung kasama niyang nangungupahan sa apartment na 'yon kaya nireserve niya ang kwarto na 'yon para sakin. Ako na ang titira sa kabilang kwarto. Sumang-ayon na lang siya kesa maghanap pa siya ng ibang matitirhan. Mabuti na 'yong magkasama sila ng kaibigan para matulungan pa niya ako sa mga bagay na bago lang sakniya dito sa maynila.
Malapit lang din ito sa pinagtatrabahuan ng kaibigan. Walking distance lang din sa Mall kaya bawas gastos din.
****
Kinabukasan sinamahan siya nito na mag apply sa agency na pinag-aplayan nito noon. Marami daw hiring kaya pina-apply na niya ako agad.
Panalangin niya na sana matanggap siya agad kahit impossible 'yon. Para hindi na siya mahirapan pang mag-aply sa iba at para mabudget niya ang pera niya. Nakakahiya naman sa kaibigan niya kung iasa niya lahat ang gastusin dito sa apartment.
Ito din ang nagbayad muna sa magiging kwarto niya. Para daw may gagamitin ako sa pag apply ng trabaho dito.
"Alam mo frenny, kapag sa Mall ka na pinag tatrabahuan ko Ikaw ma-assign kung sakali lang. Nako, lage mong makikita Ang anak ng boss namin kagwapong nilalang. Ang sarap niyang tignan. Kulang na lang kanin at si Sir Waylen ang ulam. Minsan wrong timing na dadaan siya sa pwesto ko na wala akong hawak na kanin. Kaya pinapapak ko na lang siya sa tingin kahit wala akong kanin."halakhak nito.
"Nako, kawawang nilalang."iling ko naman.
Hindi niya ako pinansin. "Busog na ang mga mata ko sa masarap niyang katawan kakatingin ko saknya. Pero mas lalo na 'yong maumbok niyang pwetan, sold na sumaya pa ang araw ko."kagat labi pa nitong sabi.
Loka-loka itong babaeng ito. Iiling iling na lang siya na natatawa sa kalukuhan ng kaibigan niya.
"Kaloka ka! 'Wag muna ako isama sa kabaliwan mo. Trabaho ang hanap ko hindi lalaki. Saka na ako lalandi kapag masarap nga siyang titigan."natatawa niyang sabi. Mabuti nalang talaga at walang nakakarinig sa usapan namin.
Nag-grocery muna sila bago umuwi. Wala na kasi silang stock na pagkain at mga importanteng bagay na kailangan sa loob ng apartment namin. May dala naman siyang mga gulay at bigas. 'Yon na lang muna ang ambag niya sa apartment nilang dalawa.
Natawa pa siya ng maalala kung paano sila nahirapan sa pagbuhat ng bigas na 'yon papasok sa pangalawang palapag ng tinutuluyan nitong apartment. Idagdag pa ang dalawang karton at ang malaki niyang bag na dala. Panay reklamo niya e, makikinabang din naman ito sa dala niyang mga gulay at bigas.
Cromwel pala ang name ng Mall na pinapasukan ng kaibigan. Isa daw ito sa pinakamalaking Mall sa bansa. Marami din namang naglalakihang mga Mall sa bansa pero hindi rin daw papatalo ang Cromwel's Mall. Ganoon kayaman ang Boss ng kaibigan niya. May mga branch din pala ito sa Asia. Yayamanin.
****
Dalawang araw siya nag hintay ng tawag mula sa agency na pinag-aplayan niya noong Isang araw. Ang saya-saya niya dahil Isa siya na may chance na makapag trabaho sa Cromwel Mall bilang saleslady.
Ang ikinakaba niya ay ang interview, sana makapasa siya. Hinala niyang ipinasok ako ng kaibigan ni Wenneth, isinama ako sa mga qualified na maging saleslady. Sana mabait ang mag-interview samin.
Isang interview lang daw iyon at ang head ng department ang mag interview sa amin. May ipapa fill up daw sila sa amin at interview'hin. Tatawagan na lang daw kung makapasa sa interview o hindi. Ganun daw yun sabi ng kaibigan ko.
Kaya kinahapunan pagdating ng kaibigan niya sa apartment ay binalita niya kaagad ang good news. Masayang masaya naman ito sa binalita ko.
"Wow! Congratulations Brigs."masaya nitong sabi sa'kin.
"Hindi pa nga sure kung makakapasa ako sa interview e."
"Kaya mo yan. Tiwala ka lang sa sarili mo at sa panginoon. Makakapasa ka."pagpapalakas sakin ng kaibigan ko.
"Salamat frenny."yakap niya sa kaibigan. "Magbihis kana muna at kakain na tayo. Nakaluto na ako ng hapunan natin."
"Yay. Sige mabilis lang ako."Sabi nito at agad pumasok sa kwarto nito.
Nag lagay na siya ng mga Plato at kutsara sa lamesa pati na din ang kanin at ulam. Naupo na siya at hinihintay na lang ang kaibigan.
"This is it."English 'yon ah. Puna niya sa sarili. "Kaya ko 'to."pagpapalakas niya sa sarili.
"Yes, fighting Brigitta Usoro! Kaya mo yan frenny. Kain na tayo para makapag beauty rest ka ng maaga. Para maganda at fresh ka bukas sa interview."masaya nitong sabi. Mas excited pa ito sakin e.
Mabuti na lang may kaibigan akong walang sawang tumutulong sa akin at higit sa lahat ay laging nagpapalakas ng loob ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya.
"Maraming salamat frenny. Salamat sa lahat ng tulong mo sa'kin. Salamat din sa kaibigan mo dahil isinama niya ako sa mga natanggap at mainterview na magiging empleyado sa Cromwel Mall. Hulog talaga kayo ng langit sa'kin."madamdamin niyang sabi.
"Hay nako! Ito na naman tayo napakadrama na naman ang tema ng usapan natin. Kain na nga tayo. Baka mag-iyakan pa tayo dito!"
Napangiti siya. Ayaw talaga ng kaibigan ko ang madramang usapan.
Masaya silang kumakain. Panay kwento niya sa anak ng Boss na soon kapag matanggap ako magiging Boss ko na din kapag makapasa ako sa interview. Kaya curious din siya sa lalaking iyon. Parang mas excited pa akong makita niya ang lalaki kesa pagtatrabaho. Hindi maganda ito. Dapat pokos lang ako sa trabaho para sa pamilya niya.
"Ano nga ulit pangalan ng nakakapagpabusog sa mga mata mo?"tanong ko. Iyon kasi ang laging sinasabi niya.
"Uy! Curious na siya."tudyo ng kaibigan niya.
"Lagi mo kasing binabanggit! Mukhang inuulam mo na nga siya palagi sa isipan mo e. Malala kana!"natatawang sabi niya.
"Masyado na ba akong obvious?"natatawang tanong naman nito.
"Halatang halata. Baka magiging katulad na kita kapag nakita ko ang ulam mong iyon."hagikhik niya.
Ulam tuloy ang tawag niya sa lalaking kinahuhumalingan ng kaibigan niya.
"Nako! Ngayon pa lang i-welcome na kita. Welcome to the yummy syndrome!"nagtawanan silang dalawa.
"Lahat na yata ng mga kababaihan na nagtatrabaho doon yummy Ang tawag sa anak ng Boss namin. Ikaw naman tinawag mo siyang Ulam!"natatawang sabi ng kaibigan.
"Hindi mo ba ako aawayin kapag naging kasintahan ko si Ulam?"nabatukan tuloy niya ako. "Aray naman! Parang nagtatanong lang e!"simangot niya.
"Taas mo naman mangarap Inday!"irap nito kunwari. "May pila 'te! Wag kang mag over da bakod, hindi lang ako ang sasabunot sa'yo."taas kilay nitong sabi sa'kin.
"E, hindi niyo naman siya pagmamay-ari. At saka kung sakali lang naman. 'To naman maka-react wagas. Hindi ko pa nga nakikita si Ulam at hindi ko din alam ang pangalan. Ayaw mo lang yata sabihin. Hmp! e'di suluhin mo!"pa-irap din niyang sabi.
"Sinasabi ko sa'yo frenny marami kang makakaaway kapag nilandi mo si Sir Waylen. Syempre kapag naging kasintahan mo siya, ako ang unang masaya para sa'yo. Pero kung maaari lang ay umiwas ka nalang. Para walang gulo at tatahimik pa ang buhay mo."makahulugan nitong sabi.
"Gano'n sila ka agresibo? Ina-angkin nila ang hindi naman nila pagmamay-ari? Wow huh! Amazing!"
"English 'yon ah!"puna ng kaibigan at nagkatawanan sila.
"Ah, basta frenny hanggang tingin lang tayo. Napaaway na din ako noon, dahil lang binati ko si Sir Waylen. Hindi ko naman alam na bawal pala ang bumati kay Sir, dapat sila lang daw. Tsk! Kaartehan nila hindi naman sila kagandahan na akala mo mapapansin sila ni Sir Waylen. Mga ambisyosa!"natatawang sabi ng kaibigan.
"So, Waylen pala ang pangalan ng anak ng Boss mo. My Wayleng Ulam."hagikhik niya.
"Pilingira!"irap nito. "Pero honestly talaga frenny, as in super duper gwapo niya. Mas gwapo pa si Sir Waylen, kesa sa mga artista dito sa Pinas. Maswerte ka frenny kapag napansin ka ni Sir Waylen. May gandang taglay ka naman Morena beauty."
"Nako frenny 'wag mo ako bolahin dahil alam kong hindi ako kagandahan. Let see na lang. Magsamyupsal tayo kapag napansin niya ako. Pero KKB ha."agad niyang dagdag.
"Kuri nito! Excited pa naman ako. Hindi naman pala manlilibre. Tse!"
Natawa siya. "Wala pa ako sahod 'no! Tsaka mahirap lang ako ganda lang meron ako. Kaya wala akong maipanlibre sayo."ingos niya.
"Dalawa tayo maganda 'wag mo suluhin."nagtawanan na naman sila.
Natulungan muna sila naglinis ng kusina bago maglinis ng katawan. Kailangan maaga matulog para fresh siya tignan bukas sa interview.
Kaya dapat presentable siya at confidence siya sa pag sagot sa mga tanong ng mag interview sa kanila. Para makuha na siya agad sa trabaho. Salamat sa kaibigan ko dahil pinahiram niya ako ng damit na susuotin ko bukas. Para mas presentable ako tignan.
Sabi pa nito madali lang daw 'yong mga tanong. Nakaya nga daw niya kaya paniguradong kakayanin ko din. Salamat talaga dito dahil pinapalakas talaga niya ang loob ko.
God guide me tomorrow. Sana matanggap ako at makapasa sa interview. Panalangin niya bago matulog.