Meet Mr. Ulam
Kinakabahan siya. Hindi matapos tapos ang pagdadasal niya habang naglalakad siya patungong opisina kung saan sila mai-interview. Ang may-ari pala ng Cromwel Mall ang mag interview sa amin. Whoah! Nakakakaba. Kaya ko 'to.
"Sana mabait ang mag-interview samin. Sana Jesus Christ makapasa ako. Matanggap ako sa trabaho. Ikaw na lang pag asa ko Jesus Christ, para makapasa ako sa interview. Kailangan na kailangan ko po talaga ang trabaho para may maipakain ako sa pamilya ko sa probinsiya."bulong niyang panalangin.
Wala kasi akong kausap at hindi rin nila ako pinapansin. Kaya si Jesus Christ na lang ang kinakausap ko. Wala man sagot sa mga panalangin ko. Ang importante alam niyang nakikinig ito sa kaniya.
Mas lalong kinakabahan siya ng magsimula ng magtawag ang secretary para sa interview isa-isa.
Mga sampu yata kaming mahigpit lahat na andun. Ayaw niyang bilangin dahil kapag binilang niya ay baka hindi siya matanggap sa trabahong inaplyan.
Ganoon kasi palagi ang nangyayari kapag nag aapply siya. Kapag nagsimula na ang interview binibilang niya kung Ilan sila lahat. Para tama ang bilang niya tumatayo pa siya at bibilangin isa-isa ang kasama niya sa interbiyo. Kaya ngayon nakaupo na lang siya at nananalangin. Nawewerduhan sila sa'kin dahil bumubulong-bulong ako. Tse! Lakumpake sa kanila.
Siya ang huli na natawag dahil sa apelyedo niya. By alphabet kasi sila tinawag.
Huminga muna siya ng malalim. Nag-inhale exhale pa siya ng ilang beses. Nilabas muna niya ang katamtamang laki ng salamin sa loob ng bag niya. Para sipatin ang mukha kung maayos pa ba ang make up niya na nilagay kanina ng kaibigan niya.
"Hmm...medyo maganda pa rin naman ako. Hindi pa masyadong lusyang ang mukha ko."kausap niya sa sarili.
Nagulat pa siya ng tawagin siya ng babaeng nag-aassist sa kanila. Ngumiti ito sa kaniya ng makitang nagulat siya sa pagtawag nito sa akin. Agad niyang itinago ang mahiwaga niyang salamin bago tumayo agad.
"Yes Miss. Ako na ba ang ma-iinterview?"agad niyang tanong. "Ahm Miss, Maayos ba ang itsura ko? Hindi ba ako mukhang basahan?"alanganin pa niyang tanong. Natawa naman ito sa tanong niya.
"Maayos naman Miss Usoro. Pasok kana sa loob hinihintay kana ni Boss."ngiti pa niya sa'kin.
Mabuti pa ito mabait. Laging nakangiti. Hindi kagaya ng kasamahan niyang nainterview puro sila piling maganda. Meron pala dalawa mukhang mabait at tahimik lang na kagaya ko kanina.
Nag sign of the cross muna siya bago pumasok sa loob. Hinahaplos niya ang ulo niya at taimtim na nanalangin ulit. "Kaya mo 'to Brigitta Usoro. Laban lang!"pagpapalakas niya sa sarili niya.
Tinignan niya ang orasan. Whew! Tanghali na pala. Apat na oras siyang naghintay sa labas at ako ang pang huling mai-interview. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko. Whoah! Buga niya ng hangin sa bunganga niya. Mukhang amoy panis na rin ang hininga ko.
Kumatok muna siya bago niya binuksan ang pintuan.
"Magandang tanghali po ma'am."magalang na bati niya.
Mediyo may katandaan na ang ginang at mukha itong istrikta ng mag angat ito ng ulo at seryosong tumingin sa akin. Nasa mid-fifties na ito. Napakaganda at elegante parin ito tignan.
Tumango lang ito. "Maupo ka Miss Usoro."at itinuro ang upuan na nasa harapan nito. Agad naman siyang lumapit doon. Yumuko muna bago umupo.
"You are Brigitta Usoro? Twenty three years old. From la union? Right?"simula ng ginang.
"Yes po ma'am."sabay tingin ulit nito sa resume ko na parang may mali doon dahil kumunot ang noo nito.
"Jesus Christ, hindi ko po binilang kung ilan kami lahat kanina. Hindi ko din sila tinapunan ng tingin at kahit ang kausapin man lang sila ay hindi ko ginawa. Gano'n din po sila sa'kin. Please lang naman Jesus Christ, sana matanggap ako at makapasa sa interbiyo. Nagmamakaawa ako."mahina niyang panalangin.
"Miss Usoro, are you listening?"seryosong sabi ng nasa harapan ko.
Halla lagot na. Umupo siya ng tuwid. Pokus Brigitta pokus. Huwag kung ano-ano ang iniisip. POKUS. Sita niya sa sarili.
"S-sorry po ma'am. Kinakabahan lang po kasi ako."napapikit siya. Nahihiya siyang kinagat ang labi at bahagyan pa siyang yumuko.
"Okay, relax Miss Usoro! Ang tanong ko ay 'ano ang huling trabaho ang pinasukan mo'?"mata man itong nakatitig sa akin.
Naalala niya 'yong kaibigan ni Wenneth na Isa sa manager ng department store sa Cromwel Mall. Dapat daw tumingin ng diretso sa nag-iinterview sa'kin. At dapat may confidence din siya sa pag sagot sa mga tanong sa kaniya.
"Ang huling trabaho ko po ay nagtinda po ako ng mga gulay sa palengke sa bayan namin. At sa gabi naman ay nag-extra ako sa Isang karinderya sa tabi din po ng palengke na pinagtatrabahuan ko."nahihiya niyang sabi.
Tumitig siya sa akin. Hindi ko alam kung naaawa o nabibilib siya sakin.
"Bakit dalawa ang trabaho mo dati? Hindi ka ba nahihirapan sa dalawa mong trabaho? Bakit umalis ka sa pinagtatrabahuan mo?"sunod sunod nitong tanong sakin.
"Kasi po mababa lang ang sahod. Tapos kulang pa ang sahod ko sa pambayad ng upa ng bahay. Isama pa ang pagkain ko at mga importanteng bagay na nagagamit pang araw-araw. Kahit nag-extra ako sa karinderya sakto lang din. Wala din ako naipapadala sa mga magulang ko. Mediyo malayo po kasi kami sa bayan. Sayang lang din ang pamasahe kapag uuwi pa ako sa bahay namin pagkatapos ng trabaho."tumigil siya kunti.
Nagpatuloy siya ng maramdaman na hinihintay siya nito sa idudugtong pa niya.
"Kaya mas pinili ko nalang na umuwi at tumulong na lang sa bukid. Kesa nagtatrabaho sa bayan ng wala naman akong naiipon at naipapadala sa magulang ko. Kaya kung may anihan ng mais, Mani, Tabako at palay samin ay pumupunta ako at nakiki-ani. Para kahit papano may maitulong ako sa pamilya ko. Mahirap lang po kasi kami. Kaya noong inalok ako ng kaibigan ko na sumubok na mag-apply dito. Hindi ko na pinalagpas pa. Mahirap po ang malayo sa pamilya ko pero kakayanin ko para sa kanila."mahaba niyang sagot.
Bumuntong hininga ito. Bakas sa mukha nito ang awa sakin. Pero sa ngayon hindi ko kailangan ang awa ng kahit na sino. Trabaho ang kailangan ko. Kaya sana tanggapin niya ako sa trabaho. Pipi niyang sabi sa sarili.
"Why do you think I should hire you to work here in Cromwel Mall?"tanong nito.
"God English."bulong niya. "A-ahm may experience naman po ako sa pagiging saleslady. Nagtrabaho po ako sa bayan namin na Isa sa sikat na bilihan ng mga damit at sapatos. Magagampanan ko naman po siguro ng maayos ang trabaho ko kapag natanggap po ako. Magtatrabaho po ako ng maayos at mapagkumbaba. Magiging maunawain at hindi papatol sa mga masasamang ugali ng mga ibang mamimili. Hindi magrereklamo at maging palakaibigan sa katrabaho at sa mga mamimili. Magtyaga at maging masipag po sa trabaho. Iyon lang po."nahihiya niyang sagot. Hindi niya sigurado kung tama ang mga sagot niya. Napapikit siya ng mariin.
"Kaya mo bang nakatayo ng anim na oras at mahigit pa? Wiling ka bang mapunta sa ibang Branch ng Cromwel Mall?"
"Kaya ko po ma'am. Kahit saan branch po basta may trabaho, Keri lang po ma'am. Lahat kakayanin ko para sa pamilya ko. Kung matatanggap po ako malaking karangalan na 'yon sa akin. Malaking tulong na din po iyon para sa pamilya ko. Pagbubutihin ko po ang pagtatrabaho ma'am."magalang niyang sabi.
Nakita niya itong ngumiti. Marami pa itong mga tanong. Ang iba ay personal ko ng buhay. Lahat ng 'yon malugod ko naman sinagot lahat ng totoo at walang pagkukunwari. Sabi nga sa quotes na nabasa ko 'Honesty is the best policy'.
Nagkwento din ito sa buhay niya dati noong hindi pa niya nakikilala ang napangasawa niya. Kaya naiintindihan daw siya nito. Dahil kahit ito nakaranas din daw ito ng sobrang kahirapan sa buhay noon. Nagpursige makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho. Nagsipag hanggang sa nakilala niya ang lalaking napangasawa niya ngayon. Kaya pala mediyo related sa kwento ko.
Nagulat pa siya ng mag-congratulations ito sa akin. Napanganga siya na hindi makapaniwala. Totoo ba yung narinig ko 'congratulations'. Ibig sabihin tanggap na kaya ako?
"Yes, Miss Usoro. You are hired."nakangiti nitong sabi sa'kin.
"Halla! Talaga po? Talaga po ma'am tanggap na ako?Oh eem geee, may trabaho na po ako Jesus Christ, Yessss!"tili niyang sigaw. Hindi na nahiya sa magiging Boss niya.
Napatigil lang siya ng mapagtantong nasa harapan siya ng Boss niya. Kaya agad yumuko at humingi ng pasensiya. Bahagyan naman itong natawa sa kaniya.
"Pagbutihin mo ang trabaho mo hija. Maasahan ba kita?"
"Opo ma'am. Pagbubutihin ko po ang pagtatrabaho ma'am. Maraming salamat po. Maraming maraming salamat po talaga."maluha luha niyang pasasalamat.
"Tinaggap kita hindi dahil sa mahirap ka at kailangan mo ng trabaho. Tinanggap kita dahil naging totoo ka sa sarili mo. Hindi mo ikinahiya ang estado ng pamumuhay niyo. Kailangan namin dito ang masipag sa trabaho. Muunawain sa lahat ng bagay lalo na sa mga costumer natin. Higit sa lahat totoong mapagkakatiwalaan na empleyado."pahayag nito.
"Nakikita kung mabait at masipag ka. Alam kung kaya mo ang trabaho dito. Bukas kana mag simula sa trabaho. Pumunta ka lang sa HR para kunin ang uniporme mo. Hanapin mo si Miss. Leila Madrid. Siya ang mag-briefing sa inyo at siya na din ang bahalang mag lagay kung saan kayo pwesto ma-assign. Again congratulations Miss Usoro."tumayo ito at kinamayan siya. Malugod naman niyang tinanggap agad.
Masaya siyang nagpaalam. Yumukod muna bago excited na lumabas sa pintuan. Bubuksan na niya sana ang pintuan pero nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan din. Nagkabongguan sila ng taong papasok din sa loob ng opisina ng Boss niya.
Napahawak siya agad sa leeg ng taong nakabungguan niya ng alam niyang matutumba na siya. Na-out balance din ito dahilan para matumba silang dalawa sa sahig. Napailalim siya at nakadagan saknya ang taong nakabungguan niya.
"Araaayyy!"sigaw niya dahil nasaktan talaga siya. Idagdag pa na mabigat ang taong nakadagan sakin.
Narinig din niyang napasigaw si ma'am Cromwel.
Agad naman na tumayo ang nasa ibabaw niya at tinulungan siyang makatayo. Napangiwi siya dahil sa sakit sa katawan niya.
"Next time tumingin ka sa dinadaanan mo!"pagsusungit ng lalaking nasa harapan niya.
Tumingala siya para makita ang mukha ng nagsasalita. Gano'n na lang ang gulat niya ng makitang si Sir Waylen ang nakabanggaan niya. Napanganga siya sa gulat. Pinakita kasi ng kaibigan niya ang mga litrato nito na nakasave sa gallery ng cellphone ng kaibigan niya. Shems! Mas super gwapo pala ito sa personal. Lalo na sa malapitan.
"Mr. Ulam!"naibulalas niya bigla. Napatutop siya sa bunganga.
"What did you say?!"inis nitong tanong.
"Wala po ako sinasabi Sir. Nabingihan niyo lang po siguro."mahina niyang sagot.
"What!"mas lalo pa yata nainis ito.
"Ang sungit mo po Sir. Hindi ka man lang ba magso-sorry sa pagkakadagan mo sakin? Ang bigat-bigat mo kaya. Nabali pa yata ang mga buto ko."mahinahon niyang sabi.
"At ako pa ngayon ang mag-sorry! Kung hindi ka lang tatanga tanga, e'di, sana hindi ka natumba. Dinamay mo pa ako!"masungit na paninisi pa nito sa akin.
Sumimangot na lang siya. Sasagot pa sana siya ng maunahan na naman siya nito sa pagsasalita.
"Anong ginagawa mo dito sa opisina ng Mama ko?! At bakit mo ako tinawag na Ulam?!"
"Wala ak----"Aapila sana siya ng nagsalita ulit ito. Wala ba siyang balak na pagsalitain ako.
"Mukha ba akong pagkain?!"inis nitong tanong sa akin.
Sasagot sana ulit ng unahan siya ng ginang.
"Calm down hijo! It's just an accident. Pareho kayong nagbukas ng pintuan. She is just excited to go out. Dahil tanggap na siya sa trabaho."paliwanag nito sa anak niya.
Nagulat at napahakbang siya patalikod ng balingan siya ng lalaki. Tinignan niya ako ng masama. Lagot! Bakit hindi sinabi ng kaibigan ko na subrang sungit pala ni Mr. Ulam na 'to. Kinabahan siya sa uri ng tingin nito sa akin.
"You're fired!"malakas na sabi nito sa harapan ko. "Ayoko sa tatanga tangang empleyado ko!"galit nitong sabi.
Para siyang binuhusan ng sobrang napakalamig na tubig sa sinabi nito. Nanubig din bigla ang mga mata niya. Nagpapasaklolo siya sa ginang. Nakita niya itong iiling iling.
"M-ma'am, tinatanggal na po niya ako. H-hindi pa nga po ako nagsisimulang magtrabaho e."mangiyak-iyak niyang sabi sa ginang.
"Huwag mong pansinin ang anak ko. Ako ang nag-hire sayo. Ako lang din ang may karapatan na tanggalin ka. You may go now, Miss. Usoro."mahinahon nitong sabi sa'kin.
"Tsk!"rinig niyang sabi ng lalaki. Pero hindi na niya ito pinansin pa.
"Maraming salamat po ma'am."sabay yukod niya.
Hahakbang na sana siya ng maramdaman niya ang sakit sa balakang niya. Ito yata ang napuruhan. At sa siko niya.
"Are you okay, Miss Usoro?!"may pag-aalalang tanong ni ma'am Cromwel.
"A-ayos lang po ako ma'am. Sige po ma'am, labas na po ako."sabay talikod at hindi na niya pinansin ang panis na ulam na 'to.
Kaya naman pala hanggang tingin lang sa malayo ang mga empleyado dahil sobrang sungit naman pala ang anak ni Mrs. Cromwel. Paika-ika siyang lumabas ng opisina ni Ma'am Cromwel. Hindi na din niya pinansin pa ang pagtawag ng anak ni Mrs. Cromwel sakin. Baka mainis pa lalo sakin kapag mali maisagot ko.
Paglabas niya ay umupo muna siya saglit sa upuan do'n sa waiting area. Napangiwi siya ng minamasahe niya ang balikat at balakang niya.
"Ang sakit!"daing niya. Nagulat siya ng tumunog ang cellphone niyang de keypad.
Agad niya itong nilabas sa shoulder bag niya na pinahiram lang sa kaniya ng kaibigan. Wala siyang pakialam kung de keypad lang ang cellphone niya na hindi gaya ng iba na lahat puro touchscreen at sosyalin ang cellphone. Ang mahalaga may pantawag siya sa pamilya niya sa probinsiya.
"Hello frenny. Lunch break mo na ba?"tanong niya agad.
"Oo kalalabas lang. Kumusta ang interview? Natanggap ka ba? Saan ka?"sunod-sunod nitong tanong sa akin.
"Nandito pa lang ako sa labas ng opisina ng Boss natin. Hintayin mo ako pababa na ako."Sabi niya. Nilagay na niya sa bag niya ang cellphone niya at dahan-dahan siyang tumayo patungo na siya sa elevator.
Napapikit siya sa sakit. Bwesit na panis na ulam na iyon. Ako pa talaga ang sinisi niya. Hindi man lang siya nag-sorry sa'kin. Napasimangot siya.
Nasa tapat ng elevator ang kaibigan at hinintay talaga siya nito. Napansin siya nito na paika-ikang naglalakad. Ayaw niya sabihin ang dahilan kung bakit paika-ika siya. Mas mabuting sa apartment na lang niya ito sabihin.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka ganyan maglakad? Magkwento ka dali."sabay yugyog sa balikat ko.
"Aray naman! Ano ba. Masakit ang balikat ko. Ang balakang at likod ko. Napuruhan yata ako ng panis na ulam na iyon. Ako pa ngayon ang tatanga-tanga. Hindi ko naman alam na may papasok sa opisina ni ma'am Cromwel. Bwesit siya!"mahaba niyang lintiya.
"Ano?! Linawin mo para maintindihan ko. Bruha ka!"naguguluhan nitong tanong sakin.
"Pweding paupuin mo muna ako!"pagsusungit niya. Masakit na masakit talaga ang balakang niya iyon yata ang napuruhan.
"Tara sa canteen. Doon tayo kakain."yaya nito.
"Wag na. Sa apartment na lang ako kakain. Magluluto na lang ako doon. Nagtitipid kasi ako."tanggi niya.
"Maya kana umuwi. Samahan mo na muna ako kumain libre na kita. Libre mo rin ako next time. Kapag may pera kana. Para hindi ka nanaman makonsensya diyan na wala kang naitutulong sa apartment. Kahit meron naman."ngiti nito.
Kaya hindi na siya nakatanggi pa. Malugod na lang niya itong sinamahan na kumain. Babawi talaga ako saknya someday.
"Kalahating oras ang break time ko. Kaya may oras pa tayo para mamasyal dito sa loob ng Mall."sabi pa nito.
Naghanap sila ng pwesto na medyo malayo sa ibang kumakain dun. Sa dulo sila nakahanap ng mauupuan. Hinayaan ko na ang kaibigan ko na siya na din ang mag-order ng para sakin. Nagmuni-muni siya sa loob ng canteen. Marami ang empleyado na kumakain do'n. Iba-iba ang mga uniform nila. Excited na akong isuot ang magiging uniform ko din.
Pinagsalikop niya ang dalawa niyang palad. "Maraming salamat Jesus Christ, the best ka talaga. Gabayan mo po sana ako ngayon sa bagong kapaligiran ko. Sana madami akong maging kaibigan dito. Gabayan mo sana ako sa bagong trabaho ko. Sana makayanan ko ang bagong yugto ng buhay ko dito sa maynila. Salamat Jesus Christ. Amen!"napangiti siya ng tapos na siyang nanalangin.
"Hoy! Anong nginingiti mo diyan?!"nawewerduhan na tanong ng kaibigan ko.
"Nagpasalamat lang ako kay Jesus Christ, dahil hindi niya ako pinabayaan sa interview ko. Parang hindi nga tama mga sagot ko, pero tanggap parin ako."masaya niyang pagbabalita.
"Oh my God!"tili ng kaibigan niya. Nakaagaw pa siya ng pansin sa ilang mga kumakain dun. Sinaway niya ito agad.
"Sorry naman frenny. Masaya ako para sa'yo. Congratulations frenny!"masaya nitong sabi at niyakap ako.
Kaya Mahal ko itong kaibigan kong ito dahil napaka supportive niya sakin. Niyakap ko siya pabalik.
Masaya silang nagkwekwentuhan. Pero hindi niya sinabi ang nangyari sakniya. Kung bakit paika-ika siya naglalakad. Sa apartment na lang nila sasabihin mas safe dun kesa dito. Baka may makarinig at mahusgahan nila ako agad at sabihan ng kung ano-ano.