Chapter 3

2148 Words
First day of work Kinaumagahan masakit ang katawan niya na bumangon. Pero kailangan niyang pumasok dahil may briefing sila. Kailangan pa niyang magtungo sa HR para kunin doon ang uniform niya. Ikakaltas daw iyon sa sahod nila. Kaya Isa na lang muna ang kinuha niya. Pwede naman niya labahan pag uwi. Magdala na lang siya ng pamalit para hindi masyado madumihan. Bibili na lang ulit siya kapag nakaluwag na siya. Naiisip parin niya yung unang in-counter niya sa anak ng boss namin. Napapangiwi siya kapag naaalala ito. Sobrang sungit naman pala nito. Muntik pa akong mawalan ng trabaho, mabuti na lang mabait ang Boss namin. Thank you Jesus Christ talaga. Kaya iiwasan na lang niya na magtagpo ang landas nila ni Sir Waylen, para Iwas sa gulo. Pero in fairness ang bango at ang super gwapo niya. Kahit masakit ang pagkakabagsak ko sa sahig maswerte pa din daw ako sabi ng kaibigan ko dahil nayakap at nadaganan niya daw ako. Kasi wala daw nakakalapit kay Sir Waylen dahil masungit at snob ito. Malakas daw loob kong sagot sagutin ito. First time daw iyon na nangyari. Kaya napangiti na lang ako. "Nako! Ang frenny ko kinikilig! Iniisip mo ba si Mr. Yummilicious ha? Sana kasi hindi ka sumigaw. Dapat kasi umungol ka kahit nasasaktan ka na. Para naramdaman mo ang tigas at yummy nitong katawan."sabi ng kaibigan ko na natatawa ngayon sa itsura ko. Hindi ko sana sasabihin sa kaniya ang nangyari. Kaso hindi niya ako tinigilan. At ayaw niya ako masahiin kaya no choice ako. Napilitan akong magkwento. "Pwede ba! Tigilan mo ako sa panunukso mo! Dahil hindi naman siya nakakakilig, para isipin pa ang nangyari. Mas nakakainis siya dahil ang sungit-sungit niya. Hmpp!"ingos niya sa kaibigan. Humalaklak lang ito. "Pero ang swerte mo parin frenny. Iba ka talaga."kinikilig nitong sabi. Nakatanggap pa ako ng sabunot dahil napakaswerte ko daw na nilalang. Dahil lahat daw ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa Cromwel Mall ay pinapangarap na mapansin sila ng anak ng Boss namin. Kaya sinabi ko na secret lang namin iyong nangyari sa'min ng anak ng Boss namin. Sabay na kaming pumasok ng kaibigan ko. Excited akong magtrabaho dahil sa wakas naging maganda na ang trabaho ko. Malaki din ang sahod na sasahurin ko. Makakatulong na ako sa mga magulang ko at mapag aral ang mga kapatid ko. Maibibigay ko na din ang pangarap ng Nanay ko na magkaroon ng munting tindahan. Kailangan ko lang magtipid araw-araw. Tinuro sa'kin ng kaibigan ko kung saan banda ang HR bago ito nagtungo sa locker room ng empleyado doon. Iba sa locker room ng mga lalaki at iba din sa babae ang locker room nila. Ambongga. Kasi ang pagkakaalam ko kung saan department ma-assign may isang room doon na lagayan ng mga stocks at doon na din ilagay ang mga personal na gamit. Pero dito sa Cromwel Mall nakahiwalay. Naglalakad na siya ng makasalubong niya si Sir Waylen. Ang binansagan niyang Mr. Ulam, pero ngayon dahil ang sungit pala nito. Kaya mas bagay sa kaniya ang pangalan na Mr. Panis na Ulam. Napangiti siya. Pero nawala din agad ang mga ngiti niya ng makita niya ang nakakunot noo ang Panis na Ulam na ito. Hindi sana niya babatiin ng marealise niyang amo parin niya ito. At nalaman ko din mula sa kaibigan ko na ito pala ang nagma-manage ng Mall na ito. Taga final interview lang ang Ina nito. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang batiin ito. "Magandang umaga po Sir. Cromwel."magalang niyang bati at bahagyan pa siyang yumukod. Pero sumimangot lang ito at nilagpasan siya. "Tsk! Ang sungit Ikaw na nga ang binati Ikaw pa Ang may ganang magsuplado!"bulong niya. Napairap na lang siya sa hangin. "May sinasabi ka Miss?!"pasungit na tanong nito. Nataranta siya bigla. Paktay na? Mukhang narinig nito ang sinabi ko. "W-wala po Sir."At agad tumalikod at nag lakad papalayo. Hindi pa siya gaanong magaling dahil masakit parin ang likod at balikat niya. May pasa din siya sa siko dahil Isa sa napuruhan kahapon. Pakiramdam niya parang nakatingin ito sa likuran ko pero hindi na siya lumingon pa. Pinagsalikop niya ang dalawa niyang kamay paharap para hindi mapansin ng binata. Ayos lang iyon sa kaniya ang mahalaga na lang ngayon ay may trabaho na siya. Kaya pagbubutihin na lang niya ang pagtatrabaho para masiyahan naman ang masungit niyang Boss. Nakarating na siya sa HR at andoon na ang ibang kasamahan niyang bago. Ngumiti ako sa kanila at ngumiti din sila pabalik sakin. Mabuti nalang yung mga mababait ang natanggap hindi 'yong dalawang babae na panay irap nila sakin na akala mo may ginawa akong masama sa kanila. Naghintay pa sila sa nahuling mga bagong empleyado bago kami magsimula lahat sa i-briefing lahat. Bago kami mapunta sa mga pwesto na itinalaga sa amin. Sa men's clothing and shoes department ako napunta. Dalawa kaming na-asign doon. May mga kasamahan na kami na matagal na doon. Sila na ang bahalang magturo sa amin kung ano ang gagawin. Pareho din kami ng kasamahan ko na bago na Isa lang din ang kinuhang uniform. Agad din na nakapalagayan ko ng loob ang bagong kasama niya dahil mabait din ito. May pagkamahiyain lang ito. Well, pareho naman kaming mahiyain pero walang mangyayari kung mahihiya na lang ako forever. Nakapagpalit na kami ng uniporme ng may tumawag sa akin mula sa labas ng locker room namin. Isang babae na nakasuot ng damit na pang nurse. Nagtaka siya kaya hindi niya maiwasan na magtanong. "Ano po iyon Miss?"nagtatakang tanong niya. "Ikaw ba si Miss. Brigitta Usoro?"tanong nito. "Ako nga Miss, bakit po?" "Pumunta ka daw sa clinic sabi ni Sir. Nautusan lang ako. Tara sumabay kana sakin papuntang clinic."Yaya nito sa'kin. "H-ha! Anong gagawin ko sa clinic? Wala po akong sakit Miss."nakaramdam siya ng kaba sa dibdib. "Mahirap mapagalitan Miss Usoro. Kung ayaw mong pareho tayong mawalan ng trabaho dito. Kaya sumunod ka na lang."Seryosong sabi ng babae na ikinabahala niya. "Sumunod ka na lang kasi Brigitta. Mamaya niyan mawalan ka ng trabaho na wala sa oras."pagsisingit ng katrabaho niya. Kaya wala siyang choice kundi ang sumama na sa nurse. Pagdating sa clinic iginala niya ang paningin sa loob. Maganda ang loob lahat ng kagamitan mukhang bago at hitech ang mga ito. Wala naman siya alam kung para saan gagamitin ang mga apparatus na mga ito. Kaya umupo na lang muna siya sa mga upuan doon. Maya't maya tinawag na siya at nakita niyang x-ray lab ang kinaroroonan ng babaeng tumawag sakanya. Nagtataka man siya ay tumayo na lang at nagpatianod na lang siya na papasok sa loob. Pagpasok niya may isang nakasuot ng malaking coat na puti na pang doctor. Nasa mid fifty's na din ito. May hawig kunti kay Mr. Ulam. Baka kamag-anak nila ito. "Siguro doctor ito."sa looban niya. "G-good morning po D-doc."nahihiya niyang bati hindi niya alam kung tatawagin niya itong doctor. Pero tinawag parin niya itong doctor. Yun kasi ang sabi ng isipan niya. Nakita niya itong ngumiti sa kaniya. "Are you Miss Usoro?"ngiti nitong tanong sakin. "Yes po doc."tipid siyang ngumiti. "Well, your Boss asking me to x-ray you dahil sa pagkakatumba mo daw sa sahig kahapon sa opisina niya."pahayag nito na may makahulugan nitong ngiti sakin. Naalala niya 'yong nangyari sa kaniya kahapon at pinamulahan siya ng mukha dahil sa pagkakadagan sakanya ng binatang boss nila. "A-ah...e, oh..."a, e, i, o, u..."pagtuloy ng utak niya. "Ah opo. N-nakabangga po kasi ako ng pader dahil po sa katangahan ko kahapon. Sinisi ko pa po 'yong pader dahil sa pagkakabagsak ko sa sahig."ngiwi niyang sabi. Alam na siguro nito ang nangyari kahapon dahil sa lakas ng pagtawa nito. Parang aliw na aliw ito sa kaniyang sinabi. "So, tell me. Saan ang masakit sa'yo, hija?" "Masakit po, ang bulsa ko nabutas po dahil walang lamang pera."piping sabi ng utak niya. "N-napuruhan yata itong balikat ko at balakang, at saka itong siko ko. Nagka-pasa pa po ito."mahina niyang sabi at pinakita ang mga siko niyang may mga pasa at kunting gasgas. "Merla?"tawag nito sa nurse na kasama nila sa loob. "Pakitulungan siya at paki-assist na rin."Sabi ng doctor. "Yes doc."agad na sabi ng nurse. "Halika Miss."tawag niya sakin at agad naman ako sumunod. "E, doc. Pwede po bang utang muna? Sa sahod na lang ako magbayad sa pagpapa-check up ko. Foorest pa po kasi ako ngayon?"alanganin niyang sabi. Baka kasi ibawas na naman nila ito sa sahod ko. Wala pa man ako nakakasahod e, lilipad agad ang pera sa kung saan-saang kaltas. Hay! "Foorest?"tanong ng doctor. "Yung kapatid po doc ni daga, ako 'yon foorest, mahirap gano'n. Mahirap pa sa daga. Pero doc, mas mahirap ang daga sakin ah!"nangiwi siya sa pinagsasabi niya. Nahiya siya bigla ng sabay silang humalaklak ng nurse na kasama nila sa loob. "Baka 'poorest' 'yon Miss Usoro. At saka libre ang check up dito kapag empleyado ka. Kaya no worries."nangingiti parin na sabi ng doctor. Napakamot siya sa ulo. Libre lang pala kung ano-ano pang sinasabi ko. My libreng check up din pala ang mga empleyado nila dito. Ang galing naman sa loob-loob niya. "Ikaw talaga. Pinasaya mo ang araw namin ni doc."natatawa din na sabi ni Merla. Iginiya na siya para masuri sa loob. Tapos na din siyang suriin sa wakas. Wala naman daw nabali na buto sa likod niya. Niresitahan lang ako ng pain reliever para sa masakit kong balakang at balikat. Nilagyan pa ng nurse ng ointment ang may pasa kong siko. Nagpasalamat ako sa doctor at nurse bago ako lumabas ng clinic. Paglabas niya ng clinic masasalubong na naman niya ang Boss niyang si Sir Waylen. "Tsk! Pakalat-kalat ang Panis na Ulam na ito. Mamaya mabunggo na naman niya ako. At ako na naman ang may kasalanan!"bulong niyang sabi. "Hello Sir?"bati niya kahit labag iyon sa kalooban niya. "Bakit ka pakalat-kalat des oras ng trabaho?!"masungit nitong tanong. Salubong pa ang dalawa nitong makakapal na kilay. "Ikaw din naman pakalat-kalat."bulong ng isipan niya. "Eh, kasi Sir, pinatawag ako sa clinic. Wala namang pinagawa si doc, nagchikahan lang kami."ngiti niya dito para mas lalo maasar. Ganti ko na yan dahil lagi niya akong sinusungitan kahit sa simpling pagbati lang dito. "WHAAAAT?!"sigaw nito. Tsk! Eskandalosong Ulam. Makasigaw wagas, hindi na nahiya. Napatingin tuloy ang ibang tao. Mabuti nalang at kukunti lang ang mga tao doon. "Sabi ko po Sir, sinuri lang ako ng doctor. Nagpa-xray na din po ako, baka po kasi may nabaling buto sa likod ko. Pero wala naman daw. Katigas na pader ba naman ang dumagan sa akin malamang mababalian ako."walang preno niyang sabi na mas lalong ikinakunoot ng noo ng binatang boss nila. "Sige, Sir bye!" Agad siyang lumayo sa binata na parang lalapain ako ng wala sa oras. "Pwew! Grabe naman iyon magalit! Mas nakakatakot pa sa dinosaur ang mukha." Dumaan muna siya sa locker room nila para itabi ang gamot na niresita ng doctor sa'kin. Bago siya nagtungo sa third floor kung saan siya na-assign. Kinausap siya ng supervisor nila at tinuro sa'kin ang mga dapat gawin sa department nila. Malawak ang men's clothing and shoes department store na iyon. Marami naman silang empleyado doon. May mga lalaki din silang kasama. Pero bawal makipagchikahan sa oras ng trabaho. May mga oras din sa bawat Isa sa mga break time nila. Malas nga lang dahil hindi sila magkasabay ng kaibigan sa lunch. Ganoon din sa bago niyang kakilalang kaibigan na niya ngayon. Kaya ang ending mag-isa siyang kumain ngayon. Nagtanong siya sa manager nilang si Leila, kung pwede umakyat sa rooftop para doon kumain. Pwede naman daw wag lang magkalat doon. May mga tumatambay din daw doon, wag daw ako mag-alala dahil safe naman daw sa taas may mga CCTV camera din naman doon for safety daw. May baon siya para tipid sa gastos. Dahil noong first time niyang kumain doon sa canteen ay Mahal ang mga bilihin na pagkain. Mabuting magluto na lang ako ng pagkain ko. Ang maganda pa ay walking distance lang din ang apartment nila sa Mall na pinapasukan nilang magkaibigan. Maganda din pala dito sa taas may mga halaman at tanim na palm trees na Isa sa nagpaganda ng kapaligiran. Ang sarap ang simoy ng hangin. May mga upuan din dito. May mga pasadyang silungan para sa mga gustong magtambay dito. "Ang ganda dito."hindi niya mapigilan na hindi maibulalas at maigala ang paningin sa kapaligiran. May dala siyang newspaper at iyon ang ginawa niyang upuan sa sahig. Mas gusto niya kasi maupo sa sahig kesa sa upuan. Mas komportable kasi sa sahig maupo. Hindi naman ako maarte kaya wala siyang pakialam sa mga iilang tao na nakatambay din sa taas na panaka-nakang tumitingin sa gawi ko. Masaya siyang kumakain habang nakikipag-usap sa cellphone sa mga magulang niya sa probinsiya. Binalita niyang may trabaho na siya. At masayang masaya naman Ang mg magulang niya at kapatid. Pinapaalalahanan pa nila ako. Oo na lang ako ng oo sa mga magulang ko na super supportive sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD