Chapter 4

1668 Words
He save me Kasalukuyan akong naga-assist sa isang customer ng dumaan sa pwesto ko si Sir Waylen aka Panis na Ulam. Nakasimangot ito na nakatingin sa akin. Kaya nag-iwas na lang ako ng tingin dito. Lage pa naman perwisyo ang dala ng Boss naming ito sa akin. Everytime na nasa malapit lang ito. Masaya ako sa trabaho ko dahil mababait ang mga kasamahan ko sa men's clothing department. Mga loko-loko din sila. Kaya masaya ang bawat araw ko. Hindi ko nga namalayan na Isang buwan ko na pala dito sa pinagtatrabahuan ko. Lahat hitech na. Pati ang sahuran ay sa ATM nalang inihuhulog. May ibinigay ang nasa HR na credit card sa'min noon para do'n ilagay ang sahod namin kada buwan. Mabuti na lang talaga at nagpaturo ako sa kaibigan ko. Bago lang kasi ang lahat sakin. Nagiging ignorante ako sa lahat ng bagay dito sa maynila. Pasalamat na lang ako at matyagang tinuturo sakin ng kaibigan ko ang ilang sa hindi ko alam. Gaya ng pagpindot ng elevator dati noong unang salta ko dito manila. Pagsakay sa Train. Takot pa ako dati sa escalator na dumaan o umapak. Ganoon ako ka-ignorante pero madali naman ako natuto. May isang Mall naman doon sa amin pero hindi ko pa naranasan umapak doon. Yung pinagtatrabahuan ko dati hanggang second floor lang yun at hagdanan ang daanan hindi escalator o elevator. Sa pag withdraw naman ng pera isinusulat ko na lang sa papel kung ano una pindutin pati password nakasulat din lahat para hindi niya makalimutan. Walang customer kaya nasa mga sapatos ako nag aayos at naglilinis na rin. Nadulas 'yong paa ko sa paglalagay ng sapatos sa hindi naman gaano kataas na lagayan ng sapatos. Nawalan ako ng balanse kaya napahawak ako sa tier shoe rock dahilan para mahulog ang mga sapatos na kalalagay lang niya. Nagulat siya ng may humila sa kaniya palayo sa mga nagkahulog hulog na sapatos. "Tanga ka ba?!"Singhal ng galit na lalaki. Napapikit siya. Kahit kailan malas talaga ang lalaking ito kapag malapit lang ito sa'kin. Parang may sumpa na kasama ang lalaki at ako ang target ng sumpang iyon. Agad siyang kumawala sa pagkakahawak saknya ng boss nila. May kakaiba kasi akong naramdaman sa pagkakahawak niya sakin. May kakaibang kiliti akong naramdaman sa kaibuturan ng katawan ko. Lumayo siya kunti at yumuko. "Alam mong naglaglagan na ang mga sapatos nakuha mo pang tumunganga at hayaan ang sarili na mahulugan ng mga sapatos. Hindi ka lang tatanga tanga! Ang lampa mo pa!"Galit nitong sabi sa akin. Kulang nalang kainin ako ng buong-buo sa paraan pagkakatingin niya sakin. Nakakatakot naman ito magalit. Napayuko na lang siya. "So-sorry po Sir. Nawalan kasi ako ng balanse. Hindi ko naman sinasadya na humawak sa lagayan ng mga sapatos at mahulog ang mga iyan."kagat labi siyang nag yuko ng ulo. "Tsk!"iyan lang narinig niya. Kaya nag angat siya ng ulo at tinignan niya ito. Nandoon parin Ang kasungitan ng mukha nito at kunot na kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Na-conscious siya ng suriin nito ang buo niyang mukha. Kaya yumuko agad siya dahil hindi niya matagalan ang titig ng binata sakniya. Nakakakaba at nakakatakot. Hindi rin niya maiwasan ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Hayyyy! Magkaka hearth attack pa yata ako dahil sa kaniya. Mas mabangis pa sa dinosaur ang mukha. "Go to clinic at ipasuri yang bukol sa noo mo!"masungit parin niyang utos sakin. "Hmp! Napaka-bossy ang Panis na Ulam na ito."bulong niya. "May sinasabi ka?"sikmat niya sa akin. "Wa-wala po Sir."kahit masungit ito may kunting tinatagong kabutihan din pala sa katawan nito. "So! Ano pang tinutunganga mo diyan?! Go to clinic now!"bulyaw niya sakin. Napaigtad siya sa gulat. Bahagyan siyang sumimangot. Ang lapit ko na nga kailangan pa ba niya akong bulyawan. Bwesit na panis na ulam ka! Inis kong bulong sa isipan ko. Tumalikod na siya ng magsalita ulit ang Boss niya. "Wala ka bang balak magpasalamat sa BOSS mo?!"diin pa nitong sabi sa katagang boss. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa hiya. Pinagtitinginan na siya ng mga kasamahan niya sa trabaho. Jesus Christ nakakahiya. "Sorry...So-sorry po! Tanga kasi ako kaya nakalimutan kong magpasalamat."nataranta siya ng gumuhit na naman ang inis sa mukha ng boss nila. "Salamat po."agad niyang sabi. Mahirap ng masabon ako ng boss namin. Pero heto na naman siya makulit at mahilig sumagot. "A-at Sir p-please lang po. P-pwede wag ka pong pakalat-kalat dito sa pwesto ko. Lagi k-kasi akong nadidisgrasiya kapag nasa malapit ka lang."lakas loob niyang sabi sa boss nila. "WHAT!"sigaw nito. "W-wala po. Sige Sir, punta na akong clinic."kumaripas na siya ng takbo patungong clinic. Nasa ground floor lang iyon. Hinihingal pa siya ng makarating sa clinic. Napansin siya ng Isang nurse kaya tumayo siya ng tuwid at ngumiti ng bahagyan. Hindi muna siya kumibo dahil hinihingal pa siya talaga. Dahil sa kaba, takot at pangamba na baka tanggalin niya ako sa trabaho. Isama pa na tumakbo talaga ako hanggang dito sa clinic. Triple ang hingal ko. "Miss Usoro."tawag ng nurse. Nang mahimasmasan ay lumapit na siya sa nurse dahil nakilala niya ito. Ito lang naman ang sumundo sa kaniya sa locker room nila noong bagong pasok palang siya dito. "Hello Miss.Glenda. Magpapatingin lang sana ako sa bukol ko sa noo."sabay turo sa noo niya. Ramdam niyang nangapal ang noo niya at ngayon lang din niya naramdaman ang sakit sa ulo niya dahil ito talaga ang napuruhan kanina. At ang balikat niya ang nasaktan, mga leather na sapatos pa naman ang mga nahulog. "Napano ka na naman?"natatawa nitong tanong. Napangiwi siya. "Nawalan ako ng balanse kanina kaya napakapit ako sa lagayan ng mga sapatos. Kaya ayon naglaglagan ang pinakainiingatan kong mga sapatos." "Lapitin ka talaga sa disgrasya."iling nito. Naalala ko na naman ang lalaking iyon. Tsk! Ang sungit. Napairap nalang siya sa hangin. Napansin naman ng nurse at pag irap at simangot ko sa kawalan. "Oh! What's that face for?"tanong ng nurse. English na naman! Himutok ng utak niya. "Naalala ko lang si Panis na Ulam. Napakasungit niya."simangot niya. "Sino? Sino yang Panis na Ulam na yan na sinasabi mo?"curious na tanong nito at natatawang iginiya na siya sa loob. Feeling close na siya sakin. "Si Sir Waylen!"Wala sa sariling sagot niya. Nagulat siya ng may humalaklak sa tabi niya. Nakalimutan na niya ang pangalan ng nurse na ito. Kaya napakamot na lang siya sa ulo. "Bakit mo siya tinawag na Panis na Ulam si Sir Waylen? Mamaya marinig ka niya, paktay kang Bata ka. Baka bugahan ka niya ng nagbabagang apoy."hagikhik nito. "Eh, Iyong iba nga tawag nila kay Sir Waylen yummy, or yummilicious. Kapag nakikita nilang dumadaan si Sir Waylen sa pwesto nila. Kanin na lang daw ang kulang. Ginawa na nilang ulam si Sir Waylen. Iba't ibang putahe pa. May igado, adobo, menudo, paksiw, afretada etc...Aba pang deningding lang ang kaya ko."bulalas niya. Humalaklak na naman ito. Pati 'yong doctor na tumingin sa kaniya noong first day of work niya ay nakitawa na rin. Iiling iling pa itong nakatingin sakin. "Ikaw ba anong tingin mo kay Sir Waylen?"natatawa parin na tanong niya sa akin. "Panis na Ulam!"agad niyang sagot. Nagkatawanan silang lahat pati yung isang nurse na kapapasok lang din. Tatlo lahat ang nurse na kasama ng doctor dito sa clinic. "Nakakatawa ka talaga."Sabi ng nurse na si Merla. "Bakit tinawag mo na Panis na Ulam si Sir Waylen?"Curious din na tanong ng isang nurse siya si Clari. Tinanong nila ulit ito kanina. Paulit-ulit? "Yummy naman talaga siya. Yung Ulam na alam mong mukhang masarap sa unang tingin pero kapag kinain mo Panis na pala. Parang siya lang din yummy tignan pero matatakot kang kainin dahil baka Panis na at walang kalasa lasa. Baka malason ka pa."walang preno niyang sabi. Napanganga ang tatlong nurse sa sinabi ko. Pero si doc humalaklak lang sa sinabi ko at mukhang natutuwa pa sakin. "Kapag Ikaw narinig ni Sir Waylen, lagot ka!"Sabi naman ni Glenda, na naiiling pero natatawa naman. Hindi sila makapaniwala na gano'n ang sinabi ko."Lage pa akong nadidisgrasiya kapag nasa malapit lang si Sir Waylen. Kaya sinabi ko sa kaniya na wag siyang pakalat-kalat sa pwesto ko kasi lagi akong nadidisgrasiya kapag nasa malapit lang siya. Ayon nagalit at nasigawan ako."kwento pa niya sa mga ito. Feeling close na siya sa mga ito. Mababait naman kasi sila lalo na si doc. Fredo Santana. "Your so impossible."natatawang sabi ni doc. Natawa na lang din siya. Wala silang tigil sa pag halakhakan sa sinabi ko. Aliw na aliw sila sa akin. Ang lakas daw ng loob kong sabihan ng gano'n ang Boss namin. Mabuti at Buhay pa daw ako. Ako palang daw ang sumasagot sagot sa Boss naming si Sir Waylen. Lahat daw kasi sila takot sa binatang boss namin. Ginamot na siya ng nurse na si Merla. Panay parin ang tawa nito dahil sa kainosentihan niya. Hindi makaget over sa bansag kong Panis na Ulam sa Boss namin. Iyon na din daw ang itatawag niya kay Sir Waylen. Nagkatawanan sila na dalawa. Pagkatapos noon bumalik na ako sa pwesto ko. Pero nagulat ako dahil nakakalat parin Ang mga sapatos dahil sa kagagawan ko kanina. "Ikaw daw ang mag aayos niyan sabi ni Sir Waylen. Pinagalitan pa niya kami ng makita niyang ililigpit na namin ang mga nagkalat na sapatos."napakamot pang bungad na sabi ng isang katrabaho ko. "Ayos lang. Pasensiya na kayo dahil napagalitan pa kayo ng dahil sa akin."nahihiya niyang sabi. "Okay lang mag iingat ka na lang sa susunod." "Salamat. Ako na ang bahalang mag ayos ng mga ito. Bumalik kana sa pwesto mo. Baka mapagalitan tayo at bugahan tayo ng apoy pag nakita tayo ni Sir Waylen."natatawa kong sabi na ikinatawa na din nito Grabe naman magparusa ang masungit na Panis na Ulam na iyon. Hmp! Sana lang talaga wag na itong dumaan sa pwesto niya. Hindi parin niya maiwasan na mapangiti dahil sa pagkakahawak nito sakin kanina. Kikiligin na sana ako kaya lang naalala ko kung paano niya ako sigawan kanina. Napakabugnutin nito. Laging seryoso ang mukha, hindi marunong ngumiti at ang sungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD