Assign to another branch
Pagkapasok palang niya sa locker room para ilagay ang gamit niya ay sinalubong na siya ng manager nila sa men's clothing and shoes department. Bigla siyang kinabahan.
"Jesus Christ 'wag naman sana bad news"taimtim niyang dasal.
"Miss Usoro. Nakalimutan kong i-inform ka kahapon na sa Makati Cromwell Mall ka ma-assign ngayon."
"H-ho? E, hindi ko pa po kabisado ang pasikot sikot dito sa Manila ma'am."sabay kamot sa ulo niya.
"Utos ni Sir Waylen, Ewan ko ba sa amo natin na iyon. Biglaan kong makapag-utos."naguguluhan din na sabi nito.
"E, ma'am baka naman pwede pang mapakiusapan si Sir Waylen?"
Umiling ito. "That's final Miss Usoro. Mahirap baliin ang amo na may isang salita lang. Kaya sumunod ka na lang baka matagal ka pa sa trabaho kung panay reklamo mo."
Ito ba ang laging panakot nila dito 'baka matanggal ka sa trabaho' ilang beses ko na 'yan narinig dito ah. Pero naisip din niya 'yong sa interview kung willing ba akong ma-assign sa ibang branch. Nag-oo ako noon. Kumamot nalang siya sa kilay niya.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko ma'am. Patulong na lang po ma'am iyong saktong location po, para hindi ako maligaw. Salamat."malungkot niyang sabi at malalim siyang bumuntong hininga.
"Sabihin ko na lang kay Sir Waylen na bukas ka na lang mag duty doon. Mamaya ibibigay ko 'yong address para hindi ka mawala. Kaya mo yan! Kapag naligaw ka tawag ka lang sakin agad. Iga-guide kita."ngiti ng manager nila.
"Maraming salamat po ma'am."ngumiti siya sa manager nila at yumuko muna siya ng bahagyan bago nagtungo na sa department nila.
Pumayag naman ang Boss nila na bukas na lang ako mag duty doon sa Makati Cromwell Mall. Parang ang layo pa naman ang Makati dito. Isa na naman ba itong parusa o pagsubok lang sakin.
May mga bagong stock Ng mga damit na dumating kaya sa sobrang busy niya ay nakalimutan na niyang mag-lunch. Namalayan na lang niyang alas-tres na pala. Ganoon siya kabusy. Kaya agad siyang nag break at nagtungo sa locker room para doon na lang kumain. Sayang 'yong niluto niyang baon kapag hindi niya makain at masira lang. Sayang kung mapapanis lang. Hindi pwedeng magsayang ng pagkain ang isang mahirap na katulad ko.
"Oh Brigs. Late ka na kumain, ah. Anong ginawa mo bakit late kana kumain?"usisa ng kaibigan niyang nadatnan siya sa loob ng locker room na kumakain.
"Nakalimutan kong nag-lunch sa sobrang dami ng mga bagong damit na idi-display kaya pati kumain nakalimutan ko na din."napakamot pa siya ng kilay. Mannerism na niya ang pagkamot sa ulo o kaya ay sa kilay niya.
"Next time 'wag mo na 'yan uulitin pa ha. Mapapagalitan ka kay Sir. Napakasungit pa naman niya. Nakakatakot magalit."paalala ng kaibigan.
"Bakit naman siya magagalit?"inosenting tanong niya habang binibilisan na ang pagkain sa baon niya dahil fifteen minutes lang ang break time sa hapon.
"Kasi ayaw na ayaw ng Boss natin na nagpapagutom ang mga empleyado nila. Ayaw nilang masabihan na pabaya silang Amo. Ayaw din nila na magkasakit tayo dahil lang sa pagtatrabaho natin ng sobra sa Mall na ito. Naiintindihan mo ba?"Sabi pa ng kaibigan niyang nanlalaki ang mga mata.
"Yes ma'am."sabay saludo sa kaibigan.
"Mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo."ingos nito.
Inirapan na lang niya ito ng may maalalang itanong sa kaibagan.
"Uy frenny. Alam mo ba sa Makati Cromwell Mall?"tanong niya sa kaibigan.
"Yep. Huway?"maarte nitong sabi.
Kahit kailan talaga ang hilig nitong magsalita ng pang alien na salita. Hay nako. Umirap siya sa hangin.
"E, kasi doon daw ako ma-assign bukas. One week ko daw yata doon."hindi sigurado niyang sabi sa kaibigan.
"Huwaaattt?!"malakas nitong bulalas.
"Tsk! Ayusin mo nga pananalita mo! Para kang alien e!"irita na siya.
"Bakit daw doon ka ma-assign?"
"Ewan ko."simangot niya.
Naalala niya 'yong sinabi niya kay Panis na Ulam noong mga nakaraang araw. Iyon siguro ang dahilan ng pagkakalipat niya sa ibang branch.
"Pagkakaalam ko hindi sila nagkukulang ng mga empleyado doon. Kaya nga nag hired sila ng iba pang empleyado kasi kulang ang tao dito. Tapos i-assign ka doon!"naguguluhan niyang sabi sa'kin.
"Okay lang naman sana sakin. Kaya lang hindi ko alam kung paano pumunta doon. Alam mo naman bagong salta lang ako dito sa maynila."
"May tupak na naman siguro ang Boss nating iyon. May nagawa ka ba o nasabi sa Boss natin kaya ka ipinapadala doon?"mapanuring tanong nito.
Umiwas siya ng tingin.
"At 'yang bukol sa noo mo na hindi parin nawawala hanggang ngayon. Anong nangyari diyan? Hanggang ngayon hindi mo parin sinasabi sa akin kung napano 'yan. Nagawa mo na din na magpabangs para lang matakpan lang ang bukol mo sa noo. Pero in fairness, bagay sa'yo frenny lalo ka pang gumanda."hagikhik nito.
"Tse! Tigilan mo ako."masungit niyang sabi. "Tapos na ang break time kaya 'wag ka ng tanong ng tanong d'yan!"
"Sabay tayo uuwi mamaya ha!"sabi nito at agad na itong lumabas sa loob ng locker room.
Bumalik ulit ito sa loob ng locker room. "Magkwento ka mamaya bruha ka!"
Hindi na niya ito pinansin pa.
***
Palabas na sila ng Mall ng matanaw niya si Sir Waylen papasok sa loob ng sasakyan nito. Ang gara naman ng sasakyan nito. Ano kaya ang pakiramdam na makasakay ng ganoong kagandang kotse. Ang bango siguro sa loob ng sasakyan lalo na kapag si Panis na Ulam ang katabi sa loob ng sasakyan.
"Tsk! D'ba naiinis ka sa amo mong 'yan tapos pinagpapantasiyahan mo siya?!"siya niya sa sarili.
"Ang gwapo ni Sir Waylen 'no?"sabi ng kaibigan niya na nakatingin din pala ito kung saan siya nakatingin.
Kinikilig pa ito habang nakatingin sa Boss naming masungit.
"Ewan ko!"Sabi na lang niya at pinagpatuloy na lang niya ang paglalakad.
"Killjoy naman nito! Walang masama kung aamin kang gwapo si Sir Waylen. Kasi totoo naman talaga na gwapo ang Boss natin!"
"Gwapo sa panlabas na anyo pero pangit ang kalooban niya. Walang silbi ang kagwapuhan niya kung masama naman ang ugali niya!"ingos niya sa kaibigan.
"May pinagdadaanan yan?"natatawang sabi ng kaibigan.
"Ewan ko sa'yo! Bilisan mo d'yan. Tama na ang kakatitig sa Panis na Ulam na 'yan."
"Ay, grabe siya kay Boss. Hindi siya Panis na Ulam. Yummy siya, yummilicious si Boss. Busog na ako kakatitig sa gwapong yummilicious na 'yan."kinikilig pa nitong sabi.
"Bakit kasi hindi pa pumasok sa loob ng sasakyan niya. Sinasadya ba niyang ibalandra ang sarili niya dahil alam niyang uwian na ng mga empleyado niya? Ayos din siya eh, 'no?"inis niyang sabi.
Humalaklak lang ang kaibigan niya. Na siyang nagpalingon sa gawi namin ang aming Boss. Makatawa kasi ang kaibigan niya eh, mas malakas pa sa tilaok ng Manok sa umaga.
Kunot noo itong nakatingin sa aming direksyon. Umiwas siya ng tingin baka iisipin nitong siya ang topic namin. Ang lakas pa naman ng radar nito. Parang mangkukulam na matandang lalaki. Gwapong mangkukulam. Nailing siya...Kung ano-ano na lang niya ikinukumpara ang boss nila.
"Frenny, nakatingin siya sa atin."kilig na kilig nitong tili. Tsk. Maharot.
"Dahil sa malakas mong pagtawa kaya siya napatingin dito sa gawi natin. Naiingayan siya sa malakas mong pagtawa na parang Manok. Nakakairita kaya 'yang tawa mo!"ngiwi niyang sabi.
"Huwaaattt?!! Talipandas kang bruha ka! Kapag narinig 'yan ni Boss nakakahiya!"
Natawa siya ng makitang lumaki ang dalawang butas ng ilong ng kaibigan.
"Tara na. Gusto ko ng humilata sa kama. Pagod na pagod ako ngayon araw. Need ko pa magising ng maaga bukas dahil sa ibang branch na ako ma-assign. Kaya tama na 'yang pagpapacute mo sa Boss natin."irap niya sa kaibigan.
"Kahit kailan talaga wala kang pakiramdam. Hindi ka marunong makilig at humanga sa kagwapuhan ng mga lalaki. Ang boring muna nga ang KJ mo pa. Promise!"irap din sakin ng kaibigan ko.
"Walang pakialamanan!"hindi na niya ito pinansin at tuloy-tuloy na siyang naglakad.
Napatingin ulit siya sa Boss nila. Nagulat siya ng magtama ang mga mata naming dalawa. Sumikdo agad Ang puso niya. Kikiligin na sana siya ng maalalang ito ang dahilan ng pagkakalipat niya sa ibang branch. Palihim siyang inirapan ito at agad naglakad papalayo.
*****
Maaga siyang nagising kinaumagahan para maaga din siya na makaalis dito sa apartment na tinutuluyan niya. Mabuti na lang dahil malapit sila sa Mall, pati sakayan ng Jeep, Taxi, at bus malapit din. Ito ang kagandahan ng apartment na naupahan ng kaibigan niya. Kaya lang mediyo Mahal ang Renta.
Pero ang sabi naman ng kaibigan ko ay ayos lang daw iyon dahil walking distance naman ang Mall kung saan sila namamasukan. Mas magastos daw kapag palaging nagko-commute sa pagpasok sa trabaho at pag-uwi sa apartment. Wala ng maiipon na pera dahil napupunta lang din sa pamasahe araw-araw. Isama pa ang bayad sa apartment, tubig at kuryente. Idagdag pa ang pagkain sa araw-araw at mga importanteng gamit pang araw-araw.
Kaya tama ang kaibigan niya. Sobrang nakakatipid talaga. Pero sa lagay kong ito mukhang magigipit ako, kung patuloy lang na doon ako ma-assign, dahil malayo daw ito at Mahal ang pamasahe.
"Jesus Christ, sana hindi ako maligaw. Gabayan mo po sana ako sa aking biyahe, sana safe akong makarating sa Makati. Tulungan mo po akong mahanap agad at i-guide ako sa tamang direksyon ng aking pupuntahan, Jesus Christ. Amen."taimtim niyang dasal.
Hawak-hawak niya ang papel na binigay ng manager niya sa kaniya kahapon. Iyon ay ang address ng Mall sa Makati at pangalan ng manager na hahanapin. Kung saan siya sa Makati bumaba at
kung ano-ano pa.
Hindi siya marunong sumakay ng train kaya nag bus na lang siya. Naki-usap na lang siya sa conductor na ibaba siya sa lugar na sinabi niya.
Whooo! Buga niya sa hangin. Nagpasalamat siya dahil hindi siya naligaw. Mediyo malayo lang talaga ang biyahe at traffic pa.
Namangha siya dahil napakaganda naman pala dito sa Makati. Naglalakihang mga building ang mga nakikita ko dito. Napakagandang kapaligiran parang nasa ibang bansa na ako. Bulong niya sa sarili.
Hindi siya matapos tapos na purihin ang kapaligiran hanggang sa may bumusina na sasakyan sa harapan niya. Napatalon siya sa gulat. Napahawak pa siya sa dibdib niyang malakas ang pagkabog ng puso niya dahil sa sobrang gulat.
Lumingon siya at humarap sa sasakyan na tumigil sa tabi niya. Nakabukas ang bentana ng sasakyan kaya kita niya ang tao sa loob. Napanganga siya ng makitang si Sir Waylen aka Panis na Ulam ang nasa loob ng sasakyan.
Ito na naman ang never-ending nitong pagsimangot kay aga-aga eh. Hindi ba ito marunong ngumiti kahit pilit lang na ngiti sana? Yumuko lang siya ng bahagyan pero hindi siya nagsalita. Ayaw niyang batiin ito dahil susungitan lang din niya ako.
"Why are you still standing here?"masungit nitong tanong sa akin.
"A-ahm....K-Kabababa ko lang po sa bus Sir. S-Sige po pasok na po ako."tumalikod na siya agad at hindi na niya pinansin pa ito.
Ano na naman ba ang ginagawa niya dito? Kala ko ba doon lang siya sa main branch naglalagi? Nagroronda ba ito bawat branch. Sana hindi na lang ito pumunta dito. Sigurado akong perwisyo na naman ang abot ko nito sa amo kong pinaglihi sa palaka. Napangiwi siya sa sinabi. Gwapong palaka. Napahagikhik siya ng wala sa oras.
Kahapon lang sinabihan mo siyang matandang magkukulam ngayon palaka naman. Nailing siya. 'Huwag naman sa palaka mo ihambing ang boss mo inuulam kaya natin yan sa probinsiya.'bulong ng isipan niya.
****
Men's clothing parin siya na-assign. Nakakapanibago dahil seryoso ang mga mukha ng katrabaho niya parang sa amo nilang hindi marunong ngumiti. Hindi sila friendly kaya naiilang ako. Kapag nagtanong ako parang napipilitan lang na sagutin nila ang tanong ko. Kaya tumahimik na lang ako. Ginawa na lang niya ang trabaho niya.
Kapag customers super friendly at magiliw silang mag-assist pero kapag bagong katrabaho masyado silang mailap at sisimangotan ka pa ng mga ito. Ganito ba sila na-briefing dito? O, baka naman nahalata nilang mukha akong taga bundok kaya nandidiri sila sa'kin at ayaw siyang makasalamuha. Napabuntong hininga siya. Anong mali kung taga probinsiya ako. Mas healthy pa nga kinakain namin doon lahat fresh.
Tumahimik na lang siya at mas pinagtuonan ng pansin ang pag aayos at pag-aasikaso sa mga namimili.
"Jesus Christ, sana hapon na ng makauwi na akong maaga sa apartment namin. Ayoko dito. Mga nakakatakot kasalamuha ang mga tao dito."piping dalangin niya.
"What are you doing?!"napamulagat siya bigla ng mata ng marinig ang boses ni Sir Waylen.
"W-wala po Sir."Yuko niyang sabi. Sana umalis na ito agad sa harapan ko. Malas pa naman ito kapag nasa malapit lang ito.
"Bakit may papikit pikit ka pa? Aren't you happy with your work here?"kunot noo nitong tanong na mataman na nakatitig sa akin.
Nahiya siya sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Na-conscious siya bigla sa mukha niya. Aminado siyang hindi makinis ang pisngi niya kumpara sa lalaking ito na nasa harapan ko.
"A-ah....na... nanalangin lang po na sana hapon na. Para makauwi na ako agad."napangiwi siya sa sinabi niya.
"A-ang ibig ko pong sabihin wala pong masamang pumikit kapag nasa malapit ka lang po....I mean..ah...eh.."pinamulahan siya bigla ng mukha dahil sa kahihiyan. Ano na namang katangahan 'yang sinasabi mo sa Boss mo? Sita niya sa sarili.
Narinig niya itong mahinang tumawa. Napanganga na naman siya dahil sa pagtawa nito ng bahagyan. Nakita niya ang mukha nitong nakangiti. Napakurap pa siya. Baka namalikmata lang siya pero hindi narinig niyang tumawa eh. Titig na titig siya sa mukha nito. Ang gwapo naman pala nito kapag nakangiti bakit nito tinatago iyon.
"Your weird."sabi nito sabay talikod na sa'kin.
Nasundan na lang niya ito ng tingin. Nabaling lang ang paningin niya sa katrabaho niya ng mag salita ito ng pagalit.
"Tutunganga ka nalang ba d'yan dahil kinausap ka ng Boss natin?!"masungit na sabi ng katrabaho niya.
Katabi niya ito sa pwesto at kanina pa niya napapansin ito na laging naka-irap sa akin. Pero dedma ko lang ito. Trabaho ang pinunta ko dito hindi ang makipag away sa mga katrabaho.
"Malandi!"mahinang sabi pa nito sakin.
Papatulan ko sana pero naisip niya na baka ito pa ang dahilan ng pagkakatanggal ko sa trabaho. Kaya palalampasin niya ito. Hindi na lang niya ito pinansin pa.
Nakita niyang lumapit ito sa isa pa naming katrabaho. Nagbubulungan ang mga ito pero naririnig parin naman niya ang mga bulungan nila. Napasimangot na lang siya.
"Iyan ba 'yong bagong nanlalandi kay Sir Waylen?"tanong ng Isa.
Hindi niya naman alam ang mga pangalan nila kaya bahala na silang pagtsismisan ako. Ang importante kilala ko ang sarili ko.
"Oo, akala mo maganda! Hindi na nahiya sa inasta niya sa harapan ng Boss natin. Literal na tumunganga siya sa harapan ni Sir Waylen."painis na kwento nito sa kasamahan sa trabaho.
"Yaksss! Buti nakaya ni Sir na lumapit diyan. Mukhang basura. Mas nakakadiri pa sa basura ang itsura!"panglalait ng isa at nagkatawanan ang mga ito.
Masakit sa pandinig pero ipinagsawalang bahala na lang niya ang lahat. Basta 'wag lang siya saktan physical ayos lang. Sanay na ako sa ganyang panglalait. Immune na nga ako eh. Pero tao lang din naman ako nasasaktan parin ako kahit papano.
Nalungkot siya bigla. Ayaw niyang matulad sa'kin ang mga kapatid ko. Kaya gagawin niya ang lahat makapagtapos lang sila sa pag-aaral. Tama na iyong ako nalang ang nilalait, binabastos at inaapakan ang pagkatao. Ako na lang wag lang ang pamilya ko.
Napakuyom ang dalawa kong kamay ng patuloy parin silang nag-uusap ng tungkol sa akin. Kaya ang ginawa ko umalis ako sa pwesto ko. Lumipat ako sa walang taong nagbabantay. Maganda na 'yong umiwas kesa pakinggan ang mga hindi kanais-nais na salitang ibinabato nila sakin.
Malalim siyang bumuntong hininga. Kinalma ang sarili bago sinimulan na mag assist ng customer. Pero pati yata customer nandidiri saknya. Dahil pansin niya ang paglayo ng babae at hinila ang boyfriend nito paalis sa pwesto ko.
Ganito ba talaga ang ibang tao? Napatingin siya sa suot niya. Wala namang mali sa suot niyang damit. Pare-pareho naman kami ng suot na damit. Hindi naman luma ang damit na suot niya. Malinis at mabango naman ito. Bago lang din naman ang sapatos ko. Nag-ayos naman siya ng mukha. Naglagay din naman siya ng make up sa mukha dahil required iyon bilang Isang saleslady. Para mas mukhang presentable sa pagharap sa mga mamimili.
May itsura naman siya para pandirian nila. Maraming nagsasabi na maganda daw siya at maganda ang katawan. Morena siya. Hindi maliit hindi rin matangkad nasa Five Four in half ang height niya. Medyo matangkad na iyon kunti. Minsan nakakawala ng self-esteem dahil na din sa panlalait ng kapwa ko mga babae.
Hanggang sa uwian na naging malungkot siya sa first experience niya sa Makati Cromwell Mall branch na iyon. Ilang araw pang pagtitiis at balik na siya sa dati. Pati pag uwi pahirapan din dahil oras ng uwian na at madami din ang nagmamadali makasakay makauwi lang ng maaga sa kani-kanilang mga tahanan.