Sad
Isang linggo siyang nagtiis sa Makati Cromwell Mall. Ang nakakainis pa kasi parang nananadya ang lalaking iyon na pasulpot-sulpot sa pwesto ko. At kada lapit ng Boss namin nakakagawa ako ng mali, nadidistrak ako. Minsan nagugulat na lang ako kapag bigla itong nagsasalita sa likuran ko. Para siyang kabute.
Kaya mas lalong nang gagalaiti naman ang mga katrabaho niya dahil sa Boss namin. Mas lalo pa nila akong pinapasaringan ng mga ito. Panay irap ng mga ito sa'kin. Kahit sa ibang department ay naiinis na din sa akin dahil sa pinapakalat ng kasamahan niya sa department nila. Na keso nilalandi ko ang Boss namin, nagpapapansin ako at kung ano-ano pa. Bwesit sila! Mamatay sila sa inggit. Kahit nakakamalas at nakakainis ang Boss namin, maswerte parin daw siya dahil pinapansin siya ng Boss namin sabi ng kaibigan ko.
Akala niya tapos na ang kalbaryo sa trabaho niya. Akala niya makakabalik na siya sa dati pero nagkamali siya.
Sa iba't ibang branch siya itinapon ng siraulong Panis na Ulam na Boss namin. Sa bawat sulok ng manila. Ang lalayo pa naman din. Ilang buwan siyang palipat-lipat ng branch. Ngayon naman ay sa malapit sa divisoria siya na-assign ngayon.
Lahat ng branch na napuntahan niya ay ang Makati Cromwell Mall ang pinakamaganda, pero pinaka-worst na empleyado naman. Doon siya nakaranas ng panlalait, panghahamak sa pagkatao ko, pangmamaliit at pangkukutya sa'kin. Minsan hindi lang katrabaho ko kundi pati ang ilang customer narin. Binaliwala niya iyon lahat.
Natoto na siyang sumakay ng train dahil na din sa tulong na kaibigan niya. Sinamahan siya noong nag day-off ito. Tinuro niya sa'kin kung paano ang gagawin sa pagsakay at paglabas ng train. Sinamahan siya noong papasok siya sa trabaho hanggang sa pag-uwi ko. Kaya talagang tinandaan niya lahat ng iyon. Kinaya naman niyang mag-isa sumakay sa train.
Hindi ko alam kung sinasadya ba ng Boss nilang si Panis na Ulam na 'yon o sadyang ganito lang talaga niya tratuhin ang mga mahihirap na kagaya ko? Na parang walang karapatan na gumaan ng kunti ang trabaho niya. Hindi ko alam kung anong trip ng siraulong Waylen na iyon. Nakakagigil siya. Ang sarap niyang tirisin na parang kuto!
Kinailangan pa talaga niyang mag-double tipid araw-araw. Dahil mahal ang pamasahe.
Hindi niya maiwasan na malungkot na naman, dahil parang ganito na naman ang mangyayari kapag ganito palagi ang gagawin ng Boss namin sa akin. Mapupunta lang sa pamasahe at bayad ng renta sa apartment at sa pang araw-araw na pagkain at sa importanting gamit pansarili niya ang masasahod niya.
Hindi ko na lang siguro papansinin pa ang siraulong Waylen na Panis na Ulam. Gagong iyon! Crush pa naman sana kita pero pinahihirapan mo ako ng ganito! Malalim siyang bumuntong hininga.
"Ang lalim naman 'yon?"rinig niyang sabi ng katrabaho niya.
Umiiwas na din kasi siyang makihalubilo sa mga katrabaho niya. Kahit sabihin pang okay naman ang pakikitungo ng iba sa ibang branch. Ayaw ko na lang magtiwala agad. Plastic din naman ang mga ito.
"Eh... Hello."nahihiya niyang bati. Mukhang mababait naman ang mga naka-assign dito.
"Taga saang probinsiya ka?"friendly nitong tanong.
"Ah...sa la union."tipid niyang sagot.
"Ano ka ba. Huwag kang mahiya, mababait ang mga katrabaho natin dito. Hindi sila pwedeng magmaldita dahil pare-pareho lang naman tayo ng trabaho. Masasabunutan ko kung sino mang mag-mamaldita dito!"maangas nitong sabi.
Natawa siya at nakahinga sa sinabi nito.
"Salamat. Kung saan-saan kasi ako napadpad na branch ng Cromwel Mall. Madami na kasi akong na-experience na hindi magagandang pag-uugali ng mga nagtatrabaho doon sa ibang branch. Kinakaya ko na lang dahil kailangan ko ng trabaho."malungkot niyang sabi.
"Grabe naman sila. Bakit hindi ka magsumbong sa manager? Na-briefing naman siguro sila 'no! Ang feeling naman nila, e, pareho lang naman tayo ng trabaho!"
"Minsan ako pa ang masama at hindi ako kakampihan ng manager dahil baguhan lang ako."sumbong niya sa katrabaho.
Pakiramdam niya nakahanap siya ng kakampi. At kampante siya sa kausap.
"Siraulo pala ang mga iyan eh! Saan branch ba 'yan at maisumbong natin sa management."gigil nitong sabi.
"Lahat naman ng branch na napuntahan ko plastic sila makitungo sakin. Pero ang pinakamalala sa Makati branch. Tadtad ako ng masasakit na salita at pasaring. Kahit iyong ibang mga nagsho-shopping makatingin sila sakin akala mo basura ako."nalulungkot siya sa mga nararanasan niya dito sa maynila.
"Ganito ba ako kapangit at kadugyot tignan para pandirihan nila?"dagdag na tanong niya sa katrabaho.
"Hindi ka dugyot tignan at hindi ka pangit. Maganda ka. Napakaganda mo day! Inggit ang dahilan kaya ka inaapi doon."singit ng Isang katrabaho nila na nakalapit na sa pwesto nila.
Wala naman customer kaya ayos lang makipagchikahan minsan.
"Tama siya. Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Brigitta."nahihiya niyang sabi.
"Ako naman si Rocel. Magkababayan tayo taga la union din ako."ngiti niya sakin.
"Ako naman si Erika. Taga Quezon province."masaya nitong pakilala sa sarili niya.
"Huwag kana mahiya sa'min. Hindi kami gaya ng mga taga ibang branch. Welcome lahat dito. Walang pabonggahan o inggitan, lahat pantay-pantay."Sabi ni Rocel.
"Truth! Pabonggahan lang kami sa kapal ng lipstick sa labi."nagkatawanan silang tatlo.
"Salamat sainyo. Pakiramdam ko may kaibigan na ako. Iniisip ko na nga na magre-resign na lang dahil nahihirapan ako sa lahat. 'Yong palipat-lipat ako kung saan niya gustong i-assign ako. 'Yong nasasahod ko napupunta lang din sa pamasahe ko. Ang Mahal ng pamasahe hindi lang naman isang sakayan bago marating ang Cromwell Mall kundi dalawa minsan tatlong sakay pa. Nagtitipid na ako sa lahat lalo na sa pagkain ko. Hindi ko alam kung anong mali sakin, bakit ako pinaparusahan ng Boss natin."hinaing niya sa mga katrabaho.
"Ganito siguro kapag mahirap lang hindi pwedeng gumaan ang trabaho. Kailangan paghirapan lahat dahil 'yon lang siguro ang nararapat sa kagaya kong mahirap, ang maghirap lalo. Unang pasok ko pa lang sa trabaho gusto na niya akong tanggalin. Naki-usap lang ako kay Mrs. Cromwel, kaya hanggang ngayon andito parin ako nagtatrabaho."kwento niya sa mga bago na niyang kaibigan ngayon.
"Grabe naman 'yan. Deserve natin lahat ang pantay-pantay na pagtrato. Kasi pare-pareho lang din naman tayong mga tao. Ang pinagkaibahan lang ay mayaman sila tayo hindi." nakiki-sympatiya na sabi ni Erika.
"Tama kaya magtyaga ka nalang muna. Huwag kang padalos-dalos sa disisyon mo. Baka may dahilan lang si Sir Waylen, kaya niya ginagawa ito. Kahit sobrang sungit ni Sir, may maganda parin naman 'yon na kalooban."sabi naman ni Rocel.
"Pakiramdam ko nga parang sinasadya ni Sir, na lapitan at pagalitan ako. Pagtapos na akong pagalitan, susunod naman ang mga kasamahan ko sa trabaho na magparinig ng kung ano-ano. Para lang silang mga bubuyog na nagkakaisa. May teamwork sila para saktan ang kalooban ko. Kaala nila robot ako na walang pakiramdam!"malungkot niyang simangot.
"Kunting tiis kana lang muna. Sayang naman itong pagkakataon na nakapasok ka sa trabahong ito. Huwag ka na muna agad-agad magdidisisyon ha. Kunting tiyaga at tiis pa. May awa ang diyos!"pangungumbinsi pa ni Rocel.
"Baka mag-apply na lang akong katulong. Mas bagay ako doon. At least doon kahit maghirap ako ayos lang. Hindi ako gagastos ng malaki. Hindi ako itatapon kung saan-saang branch. Hindi ako palaging late uuwi galing trabaho at hindi magmamadaling pumasok kinaumagahan. Kapag kasambahay na ako, magtatrabaho lang ako sa loob ng bahay. Iyon lang. Makakalibre pa ako ng tulugan at pagkain ko."Wala sa sariling sabi niya sa mga ito.
"Hay nako! Hindi bagay sa'yo ang magkatulong. Maganda ka para magkatulong lang. May dahilan ang lahat kung bakit mo yan nararanasan ngayon. Instead na malungkot ka dahil wala ka naiipon. Gawin mo nalang na motivation para magpursige ka sa pagtatrabaho."Sabi naman ni Erika.
"Nag-aply ka ng trabaho dahil kailangan mo ng trabaho, ngayong na natanggap ka sa trabaho magre-resign ka lang. Tapos hanap ka ulit ng bagong trabaho at resign ulit gano'n?!"painis pang dagdag ni Rocel.
"Tama siya day! Maging matatag ka na lang at wag mag isip ng mga negatibong bagay. Basta enjoyin mo lang ang trabaho mo. Kasi hindi naman habang buhay kang palipat-lipat ng branch. May dahilan lang siguro talaga si Sir Waylen. Pasalamat ka na lang kay Sir, dahil Ikaw lang ang bukod tanging lahat na yata ng branch napasukan mo at napasyalan mo pa."pangungumbinsi ni Erika.
"Dahil kay Sir Waylen, natoto ka sa lahat ng bagay na hindi mo pa nasusubukan at bago lang sa'yo. Kaya laban lang hangga't kaya pa natin ang magtrabaho. Pagsubok lang ito sa'yo. Wag susuko agad. Talo ka kapag susuko ka agad. Lalaban araw-araw pero hindi susuko. Kaya mo 'yan Brigitta!"Payo naman ni Rocel.
Napangiti ako sa kanilang dalawa. Hindi ko mapigilan na hindi maluha. Nagpasalamat ako sa motivations at ang pagpapalakas nila sakin.
Pero sa totoo lang hindi ako masaya sa palipat-lipat ko ng branch. Mahalaga ang bawat sentimo sakin, dahil kailangan namin iyon sa katulad kong mahirap lang. At nasasayangan ako sa mga pinapamasahe ko araw-araw. Mas malaki pa sana ang naipapadala ko kung hindi ako lagi itinatapon sa iba't ibang branch ng amo naming kabute.
"Oh, tama na ang drama. Malapit na ang lunch break. Anong pagkain niyo?"masayang tanong ni Rocel.
"Hindi ako magla-lunch. Wala akong baon eh. Wala din ako pambili ng pagkain ko. Pamasahe ko na lang ang meron sakin. May tinapay naman ako na baon kaya ayos na iyon sakin."balewala niyang sagot.
"Hindi pwedeng hindi ka kumain day! Magkaka-ulcer ka. Kailangan din natin ng lakas na katawan dahil maghapon tayong nakatayo."agad naman na sabi ni Erika.
"Sanay naman na ako kahit noon pa. May tubig at tinapay naman ako. Ang importante may laman parin ang tiyan ko kesa wala."sagot niya.
"Hindi pwede yan uy!"
"Huwag niyo na ako alalahanin. Hindi lang talaga ako nakapagbaon dahil nagmamadali ako. Na-late ako ng gising, ayoko na kasi ulit ma-late sa trabaho dahil automatic absent na daw iyon kapag late sa pagpasok sa trabaho."paliwanag niya.
"Ibili na lang kita mamaya. Mas mauna naman ang lunch break ko kesa sa'yo d'ba?"tanong ni Rocel.
"Huwag na. Wala akong pambayad sa'yo. Salamat na lang Rocel."nahihiya niyang tanggi.
"Wag kana tumanggi pa dai! Minsan lang naman manlibre yan. Kuripot kaya 'yan!"simangot ni Erika.
Natawa ako sa sinabi niya. Gano'n kadalasan ang naririnig ko sa ibang tao. Basta ilocano kuripot daw. Hindi naman lahat.
****
POV Waylen
Wala silang kamalay malay na nakikinig pala ang Boss nila sa de kalayuan sa pwesto nila.
Agad siyang umalis ng nagsibalikan na sa mga pwesto nila ang mga empleyado niya.
"Mali ba 'yong ginawa ko, bro?"tanong niya agad ng nakapasok na siya sa loob ng opisina ng pinsan niya sa loob lang din ng Mall na ito.
"Ano bang ginawa mo?"takang tanong naman nito at napatingin agad sakniya.
"Yong bagong hired lang na saleslady sa main branch ng Mall sa Pasig. Every one week ipinapalipat ko siya sa iba't ibang branch natin. Nainis lang kasi ako sa inasta niya sa'kin."simangot niya ng maalala na naman kung paano ako sagutin ng babaeng iyon.
Natawa ang pinsan ko sakin. "Like what?Nilandi ka ba? Hinarass? Ano?"sunod-sunod nitong usisa sakin.
"Sinasagot sagot lang naman ako ng empleyadong babae na iyon everytime pinupuna ko ang ginagawa niya."inis niyang sabi.
"She's unbelievable! Sinabihan ba naman akong 'wag akong pakalat-kalat sa pwesto niya dahil nadidisgrasiya daw siya kapag nasa malapit lang ako."dagdag pa niya.
Humalaklak naman ang pinsan niya.
"Na-curious tuloy ako sa babaeng iyon. Susuportahan ko siya sa pagsagot sagot sa'yo."natatawa parin nitong sabi sa'kin.
"Baliw!"simangot niya sa pinsan. "Kaya deserve niyang magdusa sa pagsagot sagot niya sa'kin. Hindi na niya ako ginalang na Boss niya."inis pa niyang sabi.
"Para kang natalo sa jueteng. Mabuti nga at may naglakas loob na sagutin ka. At least hindi siya kasama sa mga babaeng nagpapantasiya sayo ng palihim. Kulang nalang hubaran ka sa tingin eh. Nakakainggit ka, bro!"halakhak nito.
Makapagsalita naman ito kala mo naman hindi siya pinagkakagulahan ng mga babae. Ang kaibahan lang kasi nilang dalawa ay namamansin ito, ako hindi. Ayoko ng atensyon, lalo na ang mga tilihan ng mga babae. Nakakairita.
"Grabe ka, bro. Maawa ka naman sa empleyado mo. Para kang Bata na hindi nakaganti sa kaaway mo."tumatawang sabi ng pinsan niya.
"Hindi pwede 'yong basta na lang ako sagot sagutin ng empleyado ko! Baka pamarisan pa ng iba. Mabuti na 'yong madisiplina siya. Magpasalamat na lang siya dahil hindi ko siya tinanggal trabaho!."pero deep inside nakokonsensiya din siya. Narinig niya kasi lahat 'yong usapan nila ng mga katrabaho nito.
Hindi naman talaga niya ako actually sinasagot sagot. Naging vocal lang ito sa sinasabi nito. Hindi ko din alam kung bakit naiinis ako sa babaeng iyon.
Patapusin ko nalang din siya dito ng Isang linggo. Pagkatapos noon balik na siya sa dati. Kahit papano naawa din naman siya sa babaeng iyon. And honestly i admire her for being so brave and vocal to her words. Walang pagkukunwari at totoo.
Hindi ko nga napigilan ang hindi matawa sa harapan nito dahil sa mga sinasagot niya sakin. Mas bagay pa nito 'yong bagong hairstyle niya na naka bangs at napakaganda niyang tignan sa bangs na iyon. Mabuti na lang nabukolan. Nailing siya sa naisip.