Back to normal
Sa ilang buwan niyang nagpalipat lipat ng branch, masasabi niyang nagtagumpay siya sa pag
subok na iyon. At masasabi kong best experience na rin kahit maraming mga hindi magagandang nangyari sa bawat lipat niyang branch.
At kahit nasasayangan siya sa perang nagastos sa pamasahe araw-araw. Mediyo ayos na rin iyon dahil nakapasyal siya sa iba't ibang Lugar dito sa maynila. Hindi man totally nakagala at least napadpad siya sa mga Lugar na iyon.
Kahit naiinis parin ako sa Boss naming si Sir Waylen, gusto ko parin siyang pasalamatan dahil andito na ulit ako sa unang Mall na pinagtatrabahuan ko. Pero nag-alinlangan siya na baka pagsungitan na naman niya ako. Ang layo ng loob niya sakin. Kaagad itong nagagalit kahit na batiin siya sisimangot lang ito. Napasimangot siya.
"Ang aga-aga nakasimangot ka. Nakakamalas 'yan. Kaya ka pinagsusungitan ni Sir Waylen eh."pang aasar sakin ng kaibigan ko.
"Ano na namang konek 'yang pinagsasabi mo?"irap niya dito.
"Aysus! High blood agad. Ngumiti ka na lang dahil sa wakas babalik kana sa dati mong pinagtatrabahuan. Hindi kana magro-ronda sa kung saan-saang branch ng Cromwel Mall."Sabi pa nito.
"Oo, alam ko! Makakapag-ipon na ako. At hinding hindi ko na din talaga papansinin si Sir Waylen. May dala pa namang kamalasan ang lalaking iyon!"ngiwi niyang sabi.
Humalaklak naman ang kaibigan niya.
"Grabe ka! Ikaw lang nakakapagsabi niyan kay Sir Waylen. Kakaiba ka talaga. Kamanhid mo dai!"irap niya sakin.
"Hindi ako manhid. Gwapo naman talaga si Sir Waylen. 'Yon nga lang malas siya kapag malapit lang siya sakin. Lage ako nadidisgrasiya."simangot niya.
"Sanhi 'yan ng pagkakataranta mo kapag dumadaan si Sir Waylen sa pwesto mo. Hallerrrr frenny! 'Wag mo isisi kay Sir Waylen ang katangahan mo 'no! Lampa mo kaya!"halakhak nito.
"Ang harsh naman! At narinig ko na 'yan sa kaniya. Isinigaw pa sa pagmumukha ko!"maktol niya.
"Dalawang beses ka ng pumuntang clinic. 'Wag mo ng dagdagan pa iyon. Mahiya ka naman."natatawa parin nitong sabi sa akin.
Napairap na lang ako sa hangin.
"Ano nga ulit iyong sinabi mo kay Sir Waylen? Sir, pwedeng wag kang pakalat-kalat dito sa pwesto ko, dahil nadidisgrasiya ako kapag nasa malapit ka lang. 'Yon ba 'yon?"halakhak ng kaibigan ko.
"Eh, totoo naman 'yon ah! Mabuti nga naging honest ako. Baka kung ano pa isipin ni Sir."
"Pero ang swerte mo parin frenny, dahil kahit inis o magalit si Sir, sayo nakakausap mo parin siya sa malapitan. At take note, nadaganan ka pa niya. Ang sweet!"kinikilig na sabi nito.
Napangiwi ako sa sinabi niya..Saan banda ang sweet doon. Nadaganan lang ako ng pader niyang katawan sweet na. Nagkanda pasa-pasa at bali ng katawan ko. Sweet ba 'yon? Ang weird ng mga taong nahuhumaling sa Panis na Ulam na 'yon ah. Sa loob-loob niya.
Hindi na niya pinansin ang kaibigan dahil busy na siya sa pagpe-prepared ng baon niya. Back to normal na nga talaga siya. Dahil hindi na niya kailangan na magmadali, gumising ng maaga at bumiyahe sa kung saan-saang lupalop ng kamaynilaan.
Although parang namiss ng katawan niya ang pagbiyahe sa pagsakay ng jeep, bus at train ay mas maganda parin ang maglakad. Exercise na rin iyon sa umaga. Ten o'clock ang bukas ng Mall pero dapat Nine naka pasok na kami lahat.
Naalala niya ang mga naging kaibigan na niya sa last na pinagtatrabahuan niya sa Cromwel Mall sa Divisoria. Noong malaman nilang hanggang sabado na lang ako doon mag duty ay pinabaonan nila ako ng kung ano-ano mga pagkain at gamit na din sa pang araw-araw ko.
Naiyak ako dahil doon ko naramdaman iyong pagmamalasakit at pagmamahal ng ibang tao kahit hindi naman nila ako totally kakilala. Sabi ni Rocel, nag ambagan daw silang lahat sa department nila at ibinili ng mga pagkain at pangangailangan ko pang araw-araw. Hindi ko gustong tanggapin dahil iniisip niyang baka ma-scam siya at pabayaran nila sakin.
Pero ang manager na mismo ang ngsabi na para sakin talaga mga iyon. Pang farewell daw nila sakin iyon dahil last na duty ko na sa branch doon. Sobrang na touch ako at sobrang nagpapasalamat ako sa mga ito. Tatanawin ko ng sobra ang kabutihan nila.
Naniniwala na ako sa kasabihan na maghirap muna bago guminhawa. "Ay, may gano'n bang kasabihan?"tanong niya sa sarili.
"Anong kasabihan niyan!"agad na tanong ng kaibigan na kalalabas lang sa banyo.
"Iyon maghirap muna bago masarapan ay mali."agad niyang bawi. "Maghirap muna bago guminhawa. Ayon."ngiti niya sa kaibigan.
Tumawa ito at tumingin ng nakakaloko sakin. Ano na naman ba ang nasaisip nito.
"Ano ka ba naman!"hagikhik nito. "Saan ka nahirapan bago nasarapan?"nakakalokong tanong pa nito.
"Guminhawa iyon! Lumayas ka na nga dito. Nakakastorbo ka na sakin!"pagtataboy niya sa kaibigan.
Hindi na niya ito pinansin at naglinis na sa kusina bago maligo na din. Tumatawang tinutudyo niya ako bago pumasok ito sa kwarto niya.
Ang luncheon meat na binigay nila Rocel sakin ang niluto niya at babaunin sa trabaho hinati niya iyon para ang iba ay ulam namin ng kaibigan ko. Tatlong delata na luncheon meat iyon. Meron pang meatloaf, sardines, noodles, biscuits, tuna at kung ano-ano pa. Parang tumanggap ako ng relief good pero hindi naman ako binaha. Pero natuyot ako. Natuyot sa pera.
Tinago niya 'yong iba para ipadala niya sa pamilya niya sa probinsiya. Kahit isang karton lang ipick up na lang nila sa bus station. Pwede daw iyon sabi ng kaibigan niya. Ganoon daw ang ginagawa niya noon. Kaya magiipon siya ng mga pasalubong para sa pamilya niya.
*****
Masaya siyang pumasok sa trabaho kasama ang kaibigan niya. Diretso agad kami sa locker room pagkapasok namin sa Mall.
Pero nagulat siya ng sabay-sabay na sumigaw ang mga katrabaho nila. Sobrang takot at kaba niya. Hindi niya iyon napaghandaan. Pero itong kaibigan ko humalaklak lang na nakatingin sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin alam niyang ito Ang may pakana nito.
"WELCOME BAAAAACKKKK!!"sigaw ng mga tao sa loob ng locker room.
Nagtawanan sila ng makitang napatalon ako sa gulat halos tumakbo na ako palabas ng locker room namin. Hawak-hawak ko ang aking dibdib sa sobrang pagkagulat.
"Halla. Natakot natin si Brigitta."natatawang sabi ng kasama niya sa department.
"Makasigaw at welcome kayo sakin akala mo naman galing akong ibang planeta. Sobra akong nagulat at kinabahan. Mabuti na lang wala akong heartbomb."nguso niyang sabi.
"Anong heartbomb?"natatawang tanong ng kaibigan.
"'Yong puso na sumasabog kapag nagugulat pagkatapos namamatay na 'yong tao."paliwanag niya.
Nagkatawanan ang katrabaho nila sa sinabi ko.
"Baka heart attack 'yon. Yung parang hinahabol ka ng maligno dahil sa kaba at sobrang takot hindi kana makahinga hanggang sa matigok ka na."natatawang sabi ng kaibigan.
"Parehas lang naman na may heart kaya pareho lang iyon."simangot niya. 'Yon nga dapat ang sasabihin niya kaya lang hindi agad pumasok sa utak ko 'yong heart attack na 'yan. Heartbomb tuloy ang nasabi niya. Napakamot siya ng ulo.
Natatawa parin ang mga katrabaho nila.
"Si Wenneth ang pasimuno nito. Kailangan daw na i-welcome ka namin dahil sa mga pinagdaanan mong hirap sa bawat paglipat mo sa ibang branch."sabi ng kaibigan niyang batch niya sa trabaho.
"Kumusta naman ang mga kasamahan mo doon? Balita kasi namin na inaapi ka daw sa Makati Cromwell Mall branch. Hindi pala balita iyon. Kwento ulit ni Wenneth, ang kaibigan mong tsismosa."nagkatawanan silang lahat.
"Uy! Hindi 'yon tsismis. Totoo 'yon d'ba Brigitta?"baling niya sakin.
Sumimangot na lang siya. Kahit kailan talaga napakadaldal nito.
"Oo."pag amin niya. "Pinakamaganda sa lahat ng napuntahan ko na branch. Pero pinaka-worst naman na mga empleyado. Magaganda silang lahat pero masasama naman ang ugali nila. Kaya sana 'wag na ako ilipat pa doon ni Sir Waylen."
"Magpakabait kana kasi, Brigitta. Tupakin si Sir kaya iwas na lang sa pagsagot sa kaniya."Sabi naman ng Isa pa nilang katrabaho.
"Baka sa Pluto kana ilipat kapag nagkataon na sagot sagutin mo na naman si Sir."natatawang sabi ng kaibigan ko.
"Maraming alien doon baka do'n muna mahanap ang soulmate mo."pabirong sabi ng Isa pa.
"Pwede mo na rin kaming ireto sa iba pang alien!"nagkatawanan na naman sila.
"Mga loko-loko kayo."Natatawa na rin niyang sabi.
Gumaan ang pakiramdam niya sa mga kalukuhan ng mga katrabaho nila. Pakiramdam ko nakabalik ako sa dating mundo ko. Magaan at maaliwas na ulit ang kapaligiran ko. Sana ganito palagi Jesus Christ.
****
Busy na sila lahat sa trabaho at naga-assist siya ng customers ng dumaan ang Boss nilang si Panis na Ulam.
Nakasimangot itong nakatingin sa akin at masamang tingin na lumingon sa dalawang lalaki na ina-assist ko. Panay tawa ko kasi sa kalokuhan ng dalawang lalaki na nagsusukat ng sapatos. Tumigil ako bigla ng makita ko ang Boss namin.
Ayon at nakapili na din ang mga ito. Nagpakilala pa sila sakin. Wala naman malisiya siyang nararamdaman kaya malugod ko din na tinanggap ang pakikipagkamay nilang dalawa sakin.
Wala ng tao ng mapansin kong dumaan na naman ang Boss namin. Nagpapapansin ba ito. Tanong niya sa sarili.
Ng makatapat ito sa pwesto niya ay agad siyang tumayo ng tuwid na parang sa mga sundalo kulang na lang sumaludo siya. Kinakabahan siya at ayaw niya itong pansinin o batiin man lang. Bahala ng magmukha siyang bastos na empleyado.
"What are you doing?"inis nitong tanong sakin.
Ha? Bakit ba niya ako pinapansin pa. Nakakainis naman itong Panis na Ulam na ito.
"Ah...na..nakatayo po Sir."Seryoso niyang sagot.
"And?"
"Tatayo at mag-assist ng customer Sir."sagot naman niya. Anong trip nito at kinakausap na naman niya ako.
Please malas lumayo kana dito. Nakakapagod din palang tumayo ng tuwid. Sa loob-loob niya.
"Kasama ba sa briefing niyo ang lumandi sa mga customers?"pagalit nitong tanong sakin.
Napanganga siya sa sinabi nito. Lumandi? Sino ako ba? Sinong nilandi ko? Ha? Naguguluhan siyang tumingin sa Boss nila.
Magsasalita na sana siya ng unahan siya nito.
"Huwag mong isama sa trabaho ang paglalandi sa mga customers kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho!"galit nitong sabi at agad siya nitong iniwan.
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Napatulala parin siya at hindi magawang magsalita.
Sinong nilandi kong customer? Kapag ba tatawa lang ako malandi na iyon? Kapag ba friendly sa customer panglalandi na ba iyon? Nakipagkamay lang naman ako dahil ayoko naman na maging bastos sa mga customers ko bawal ba iyon at nilalandi ko na ba sila?
Ang babaw naman ng lalaking iyon. Anong gusto niya sisimangot ako sa mga namimili. Hindi ko sila i-assist at panonoorin ko lang ba sila. Tatayo lang ba ako dito. Nakakainis kang lalaki ka. Takutin ba naman akong tanggalin sa trabaho. Bwesit ka! Gigil niyang tinitiris sa isipan niya ang binata.
Hanggang sa break time niya ay malungkot siya at nag-aalala na baka tutuhanin nito ang sinabi niya. Magpaturo nga ako mamaya sa kaibigan ko kung paano 'yong tamang pag-aasikaso sa mga customers. Para kahit papano magkaroon siya ng idea at magawa niya ng tama ang trabaho niya dito.
Dapat talaga hindi ako masyadong magsasaya ei. Kakambal talaga nito ang kamalasan. Kumbaga masaya ako at malungkot si Panis na Ulam kapag pinagsama kamalasan ang kalalabasan. Hayyy!
Nagtungo na siya sa elevator para sa rooftop siya kakain namiss niya ang lugar na iyon. Gustong gusto niya doon dahil nakakapag isip siya ng mabuti at nakakarelax din sa taas. Mas nakakausap pa niya ng maayos ang pamilya niya sa probinsiya.
Excited siyang pumasok sa loob ng elevator para makarating na siya agad sa taas. Excited din siyang kausapin ang mga parents niya. Nawala ang ngiti niya sa labi ng makitang si Sir Panis na Ulam ang kasabay niya sa elevator. Ang dakilang bugnutin nilang Boss.
Hindi na siya nakalabas dahil agad itong nagsara. Napasiksik na lang siya sa gilid at yumuko. Hinawakan niyang mabuti ang hawak niyang eco bag na naglalaman ng baon niya at blanket na upuan niya mamaya sa taas.
"Where you going?"pasungit na tanong ng boss niya sakin.
Nagulat pa siya ng bahagyan akala niya hindi siya nito papansinin.
"S-sa rooftop po S-sir, kakain po ako doon."mahina niyang sagot na hindi makatingin ng maayos sa Boss niya.
Ang wrong timing naman. Bakit nakasabay ko pa ito sa elevator at ang nakakainis pa kaming dalawa lang dito sa loob. Wala bang magpipindot ng elevator at sasakay dito. Nakakailang at nakakakaba naman ang presensiya ng Boss naming ito. Masyadong nakakatakot kung tumingin.
Nagulat siya ng lumapit ito sakin. Isang dakal nalang ang layo namin sa isa't isa. Kaya mas sumiksik pa siya sa gilid.
"Scared of me?"nakakalokong tanong ng boss nila.
Tinatanong pa ba iyon. Siraulong 'to. Gusto niyang sabihin sana kaya lang mas pinili na lang niyang manahimik at pinanatiling nakayuko.
"Look at me!"bossy nitong sabi.
"Bakit po kita titignan S-sir?"
"Gawin mo kung anong utos ko!"galit nitong sabi.
Kaya agad na siyang tumingala at tumingin sa Boss niya. Mahirap ng masisante. Kaya kahit labag sa bangs niya sumunod na lang siya.
"Kapag nakita ko pang nakikipaglandian ka sa mga lalaking customers, gagawin ko ang sinabi ko! Tatanggalin kita dito sa trabahong ito at gagawin kitang alipin ko sa pamamahay ko."
Kinilabutan siya sa paraan ng pananalita nito sa punong tinga ko. Kaya umusod siya ulit at mas sumiksik pa kahit wala ng masiksikan pa.
Ano bang kasalanan ko sa lalaking ito at ganito na lang kung magalit sakin.
"S-sir, naging friendly lang naman po ako sa mga namimili po. B-bawal po bang ngumiti at makipag usap sa mga customers?"tanong niya nilakasan na lang niya ulit ang loob.
"Iba ang nakikita ko kanina! Makatawa ka wagas kulang nalang ay yumakap ka sa kanila. May pahampas hampas ka pang nalalaman."galit nitong sabi sa'kin.
Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. So pinapanood niya ako habang naga-assist ng customer kanina. Wala namang mali doon. Ang nega naman ng lalaking ito.
"I warning you!"
Nagulat pa siya ng tumunog ang elevator hudyat na nasa taas na kami. Tinulak ko na siya ng hindi parin ito umaalis sa harapan ko. Pero hindi man lang ito natinag.
"Ano bang problema mo Sir? Ganyan ka ba kabored na pati ako na nanahimik ginugulo mo?!"inis niyang sabi.
Mariin itong nakatitig lang sakin at naiilang ako. Nakatitig lang at wala namang sinasabi.
"P-padaan po Sir. Lalabas na po ako."pakiusap niya dahil wala na yata itong balak paalisin siya.
Nagpumilit siyang makaalis sa pagkakatrap niya sa harapan ng binata. Nagtagumpay naman siya. Agad siyang lumabas sa elevator at umakyat siya sa hagdan palabas patungong rooftop.
Nakahinga siya ng maluwag. Ng hindi siya nito sinundan doon sa taas. Nakakainis ka talagang Panis na Ulam ka! Gigil parin siya dito.
Naglatag na siya ng blanket at naupo agad doon. Kumain muna siya bago tinawagan ang mga pamilya niya sa probinsiya.
Kahit papano na wala saglit ang kaba na nararamdaman niya ng makausap na niya ang mga pamilya niya.