Peaceful day
"Mukhang masaya ka ngayon frenny."puna sakin ng kaibigan ko.
Paanong hindi ako sasaya. Isang linggo ng wala dito sa Pilipinas ang binatang bugnutin nilang Boss. Kaya pakiramdam niya nakawala siya sa hawla.
Malayang nakikipag-usap ng nakangiti sa mga customers. Malayang nakatayo, nakikipag-kwentuhan at naglilinis sa pwesto niya na walang pasulpot-sulpot na kabuteng lalaki sa tabi niya.
Walang sisita o pupuna sa ginagawa niya. At higit sa lahat walang mukhang dinosaur na laging galit kapag tumingin sakin.
"Syempre masaya talaga ako. Walang kabute na pasulpot-sulpot sa pwesto ko. I hate kabute na talaga. Ayoko ng mag-ulam ng kabute."bulalas niya.
Hindi naman talaga na siya nag-uulam ng kabute. Noon kasi nag-luto ako ng kabute na nakuha pa ng kapatid ko sa kabukiran. Lahat kami nagsuka at sumakit ang tyan namin at nagtae noong nag-ulam kami noon. Ang hinala ng Tatay ko hindi ko iyon naluto ng maayos kaya parang nalason kami. Pasalamat na lang kami dahil walang masamang nangyari sa'min lahat. Simula noon hindi na kami nag-uulam ng kabute.
"Habang kami namimiss namin ang yummilicious namin, Ikaw na babae ka masaya ka pa. Wala kang puso!."simangot nito.
"My puso ako. Heartburn pa nga eh. Nagbabagang puso."bulalas niya.
"Ang dami mong alam. Noong nakaraang linggo, heartbomb ngayon naman heartburn. Sa susunod heartbroke or heartbreak na. Lahat ng kasunod ng heart may letrang B. Lahat may bomb, burn, sunod na ang broke at break ano pa magdagdag ka pa!"simangot nito mukhang hindi masaya. Natawa siya ng lihim.
"Mukhang hindi ka masaya today frenny?"puna niya. At binalik niya ang tanong nito sakin.
"Makakapagsaya ba ako kung may namimiss akong nilalang na kabute at Panis na Ulam, at malas sa buhay mo?"pasaring nito sakin.
Paktay. Ganito pala ang epekto kung wala dito si Panis na Ulam kapag wala ito sa Mall na palakad lakad. Hindi sila gaganahan sa pagtatrabaho. Yay! Malala na sila. Iiling iling siya.
"Bakit nawalan ba kayo ng ulam ng Isang linggo dahil walang nagrorondang masungit na nilalang? Namayat na ba ang mga mata niyo dahil wala kayong nakikitang Yummy na palakad lakad sa pwesto niyo. Mabuti naman iyon. Sana hindi na siya uuwi ng Pilipinas."bulalas niya.
Napasigaw siya ng sabunutan siya nito bigla. Nahampas ko tuloy ito sa braso. Sakit kaya ng sabunot nito. Nakakainis eh!
"Ano ba! Ang bayolente mo naman. Kaya naman pala tumigil na nanligaw 'yong lalaking sinasabi mo na taga HR kasi ipinapamukha mo sa kaniya na mas yummy si Boss kesa sa manliligaw mong iyon. Kawawang nilalang."iiling niyang sabi sabay haplos sa buhos niya.
"Hmp! Sinungitan ko lang naman, naging kuhol agad ayon, natakot. Bakla yata 'yon eh. Gwapo pa naman at balita ko nga kamag-anak iyon ng mother ni Sir Waylen. Kaya lang tumigil na talaga siya sa pagpapapansin sakin dahil busy na sa work at pokos siya doon."may nabanaag akong lungkot sa boses niya. Pero hindi na lang ako nagtanong pa.
"Paano nakapokos ka kay Sir Waylen. Nakikiagaw ka pa sa ibang katrabaho natin akala mo naman papansinin ka!"
"Hoy! Walang pakialamanan! Hindi porket pinapansin ka ni Sir Panis na Ulam ganyan kana makapagsalita sakin!"sansala naman nito agad.
"Hoy! Mukhang nagkapalit tayo ah?"
"Nang alin?"takang tanong ng kaibigan.
"Tinawag ko si Sir ng 'Sir Waylen' Ikaw naman tinawag mong 'Panis na Ulam'. Ako lang dapat ang may bansag kay Sir ng ganyan."natatawa niyang sabi.
"Sinabi ko ba na Panis na Ulam si Sir Waylen?"sabay tutop sa labi ng kaibigan niya. Tumango naman agad siya.
"Nahawa na ako sa'yo lukaret ka!"nagtawanan silang dalawa.
"Lalabas na ba tayo para mamasyal o tara ng mamasyal na? O mayang hapon nalang kain tayo ulit ng pares diyan sa kanto."tanong ko sa kaibigan ko.
"Hapon nalang siguro magpahinga nalang muna tayo ngayon at matulog saglit. Mag-grocery na rin tayo mamaya."sagot naman ng kaibagan.
Sumang-ayon naman siya agad. Kailangan din niya ng pahinga kahit papano. Dahil katatapos lang din niya naglaba kanina. Mabuti na lang din at nagsabay sila ng day off ngayong Sabado. Dadaan nalang siguro sila mamaya sa simbahan para kahit papano makapag pasalamat sa panginoon sa araw-araw na pag gabay niya sa'kin dito at sa mga pamilya ko sa probinsiya.
Hindi kasi natataon na linggo ang pahinga niya. Karamihan kasi ng tao sa Mall ay linggo. Kaya lahat kami walang off kapag linggo.
****
Dalawang linggo na wala parin si Panis na Ulam ang nagpaparamdam at nagroronda sa bawat department. Masaya siya dahil naging peaceful ang bawat araw niya. Malaya niyang nagagawa ng maayos ang trabaho ng walang pumupuna at sumisita saknya ng walang dahilan.
Pero may isang bahagi sa puso ko na parang namimiss niya ang presensiya ng Boss niya. Aminin man niya o hindi. Parang hinahanap hanap niya ito. Huh! Hindi maari ito. Inalis na niya sa isipan niya ang paghanga sa Boss nila noong nagsimula siyang ilipat ng branch. Ang malala pa kung saan-saang branch siya itinapon. Kaya 'yong lihim na paghanga niya ay napalitan ng pagkainis sa Boss niya.
Kaya No. Ekis. Wrong. Mali na magkagusto ako sa Panis na Ulam na 'yon. No way, high way, my way. Kulang na lang baril at pagbabarilin ako. Napatampal siya sa noo. Ano na namang kabaliwan ang nasa isip ko.
Lunch break na niya at nasa locker room siya para kukunin ang baon niya. Gaya ng dati sa rooftop parin siya kumakain. Hindi naman sa ayaw niya makisabay sa ibang empleyado at kakain sa canteen, mas gusto lang niya kasi ang tahimik na lugar at presko kaya sa taas siya kumakain.
Ayaw naman ng kaibigan niya sa department nila na kakain sa taas dahil bukod sa hindi iyon nagbabaon at sa canteen kumakain ay hindi daw siya makakakita ng mga gwapong lalaki kapag sa taas siya kakain. Kaya hinayaan ko na lang ito. Mas maganda parin ang mag-isa Iwas tsismis na rin.
Lalabas na sana siya ng marinig niya ang tsismisan ng ilang mga empleyado sa loob ng locker room. Sa ibang department sila nagtatrabaho.
"Narinig niyo naba iyong balita?"
"Anong balita naman iyan?"
"Nako, kaya naman pala wala si Sir ng ilang linggo dito sa Pilipinas. Pinuntahan daw pala ni Sir Waylen ang girlfriend niya sa France kung saan ito nagtatrabaho. And take note."kinikilig nitong kwento sa mga katrabaho nila.
"Ano?"agad na tanong nila.
"Nagpropose na daw ng kasal si Sir sa long time girlfriend niya sa Paris sa mismong Eiffel tower daw sa Paris siya nagpropose."kilig ng babae habang binabalita ito.
"Ang sweet naman pala ang Boss natin na iyon akala ko talagang napakasungit niya eh."Sabi pa ng Isa.
"Nakakakilig naman."
"Saan mo nabalitaan 'yan?"tanong ng Isa pa.
"Sa TV. Sikat na Modelo 'yong babae. Nakita ko din sa social media ng babae may post siya kahapon eh. Avid fan niya ako kaya alam ko."masayang kwento ng Isa.
"Wow! Patingin nga."
Lumingon siya at nakita niyang nagkukumpulan sila sa Isang lamesa doon at tinitignan nila ang ipinapakita ng Isa nilang katrabaho ang mga picture daw ni Panis na Ulam at ang girlfriend nito.
Hindi na niya tinapos na makinig at agad na siyang umalis doon sa loob. Agad siyang nagtungo sa elevator magko-close na ng may humabol at ihinarang ang kamay sa papasarang elevator.
Nagulat siya ng ang Boss nila ang humarang noon. Lumakas bigla ang t***k ng puso niya pagkakita niya sa binata. Mag Isa lang ito. Dumako agad ang mga mata niya sa kamay nito kung may singsing. Pero wala siyang nakita doon. Kahit sa right finger nito wala.
Napaisip siya. Kung bakit wala itong singsing na suot. Kamuntik na niyang matampal ulit ang noo ng marealise na hindi pala kasal iyon. Nagpropose palang siya sa babaeng girlfriend daw nito. Kaloka.
Gumilid siya ng makitang pumasok na ito sa loob. May sumunod sa Boss nila Isang lalaki din. Akala ko mag-isa lang ito may kasama pala.
"Good afternoon Sirs."Yuko niyang bati sa dalawa. Akmang lalabas na siya ng elevator ng hawakan siya sa kamay ng kasama ng Boss niya.
"That's fine, you can stay here Miss. This is not a private elevator."ngiti nito sa'kin. Ngingiti din sana siya ng magsalita ang Boss niya.
"Bitawan mo ang kamay niya. Madumihan mo siya!"seryosong sabi ni Sir Waylen sa kasama nito.
Nakita niyang napanganga ang lalaki sa sinabi ni Sir Waylen. Binitawan nito agad ang kamay ko na hawak niya.
"Malinis at mabango ang kamay ko kahit amoyin mo pa!"sabay lapit ang kamay nito sa mukha ni Sir Waylen.
"F*ck!"sabay tampal sa kamay ng kasamang lalaki. Natatawa naman itong naiiling.
Gusto niyang matawa pero pinigilan niya at sumiksik siya sa gilid at yumuko na lang. Manahimik ang mabuting paraan ng hindi mabaling sakin ang nakasimangot na mukha ni Sir Waylen.
"Makadumi ka diyan eh. Wala pa kayang butas ang napapasok ng kamay kong ito. Hindi katulad mo."natatawa parin na sabi ng kasama nito.
"Bakla ka naman kasi. Ang arte mo na nga hindi ka naman kagwapuhan. Tsk!"inis na sabi ng Boss ko.
May itsura din naman kaya ang kasama niyang lalaki. Sa loob-loob niya.
"Mahal ko ang sarili ko. Ayaw ko din maging easy to get na katulad ng mga ibang kalalakihan. Pasok lang ng pasok sa mga butas makapaputok lang."bulalas pa nito.
"Nathan Chang bunganga mo! Baka gusto mong itapon na kita agad sa Singapore! F"ck!"galit nitong sabi.
Nathan pala ang pangalan nito. Bagay sa kaniya. Pero wala akong clue kung ano 'yong mga butas at pasok pasok na iyan na sinasabi ng lalaking kasama ni Sir Waylen. Pero bakit mukhang galit ang boss niya. Tsk! Makwento nga sa kaibigan ko mamaya ito.
"Sorry naman. Alam mong virgin pa ako eh, makasabi ka ng madumi diyan!"kumamot ito ng ulo.
"I said stop your f*cking mouth! Gago ka ba! May babae tayong kasama dito sa loob ng elevator!"inis nitong sabi.
Saka lang natigil ito at tumingin sa gawi ko. Napaatras siya saglit at mas lalong yumuko. Bakit parang ang bagal naman tumaas ang elevator na ito. Kinakabahan siya na hindi mawari. Bakit parang biglaan naman ang pagsulpot ng Boss niya. Nagkataon lang ba ulit na magsabay kaming sumakay ng elevator.
"Hoy puso 'wag ka sasabog ha? Ayaw ko pa mamatay."sabi ng isipan niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
"I'm sorry Miss. Beautiful."humarap pa siya sakin. "You have a nice bangs. You look like Dora. But beautiful Dora."sabi pa nito.
Pinamulahan siya ng sa sinabi nito.
Hahawakan niya sana ang bangs ko ng tampalin na naman ito ng Boss niya. Hudyat naman na tumigil ang elevator. Dito sa level five sila bumaba. Ako sa six pa at akyat ako sa rooftop.
"Your blushing, kinikilig ka naman! Wag mong paniwalaan ang sinabi niya dahil hindi iyon totoo!"mariin na bulong ni Sir sakin.
Napatingin ako sa kaniya at nagtama ang mga mata nila. Nakita ko ang galit nitong mga mata na nakatingin sakin. Habang ako naman ay malakas na kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa kaniya.
"Tsk! Kaya naman pala galit na galit eh. May pagnanasa pa yata ang lalaking ito kay beautiful Dora eh."bubulong bulong ang kasama nito bago palabas na ng elevator.
May katagalan din pala na nagkatitigan sila ng Boss niya ng hindi niya namamalayan. Namiss niya ito at mukhang nagpagupit at nagshave ng buhok sa baba nito. Mas lalo pa itong gum-gwapo.
Natural lang na magpagwapo ito kasi ikakasal na kaya siya. Sabi ng isipan niya.
"Shut up will you! Lumabas kana nga. Parang hindi ka lalaki. Napakadaldal mo!"sabay tulad sa kasama at matalim muna siya nitong tinignan bago sumunod na sa natatawang kaibigan nito.
Kumaway pa iyong nagngangalan ng Nathan sakin at kumindat. Yumuko na lang siya agad ng makitang lumingon ang Boss niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng magsara na ang elevator. Pwew! Kalbaryo na naman ang abot niya sa Boss niya. Two weeks na wala ito at ngayon parang kabute talaga na biglang sumulpot ng Wala man lang pasabi.
Tsk! "Sino ka para magsabi sayo na uuwi na siyang Pilipinas. Nobya ka ba niya? Engaged na iyong tao Kaya wag kang pelinggira diyan?!"sikmat ng utak niya.
Whatever. Kailangan ko na naman paghandaan ang pagsusungit nito sa'kin. Ang Iingay pa naman ang mga fans nito. Para na naman silang mga bulateng inasinan. Kabuteng amo at mga bulateng mga fans niya. Kapag pinagsama ang mga ito. Magiging kitikiti na sila.
Ano ba yan. Kung ano-ano na namang naiisip. Maktol niya at pasalampak na umupo sa sahig nawalan tuloy siya ng ganang kumain. Pero kakain siya dahil masarap ang ulam niya. Pinaghalong hiniwahiwang hotdog at itlog. May pritong talong pa na kasama.
Hindi ko magets kong bakit tinatawanan ng kaibigan ko ang baon kong ulam. Eh, masarap kaya ito. Tsaka iyong pritong talong peborit ko ito eh.