Calling card
Malungkot na masaya siyang nagising kinaumagahan. Malungkot dahil kailangan na naman niyang magtudo ingat sa galaw, kilos at pananalita.
Ang sama na naman ng tingin niya sakin kahapon. Lalo na noong pinuri ako ng kaibagan niya. Sumingit agad ito at sinabing hindi iyon totoo na wag ako maniwala sa sinabi ng kaibigan niya. Expect ko naman na hindi ako kagandahan. 'Wag na lang sana nito ipaalala pa. Nangalumbaba siya sa lamesa.
Naalala ko na naman 'yong nanliligaw sa'kin dati sa amin. Hindi naman pala talaga niya ako gusto pero nililigawan ako. Ayon pala pinagpustahan ako ng mga gagong tambay sa barangay namin. Sobrang galit na galit noon ang Tatay ko. Ginawa ba naman akong laruan na pwedeng pagpustahan.
Hayyy...Pwede kaya ako mag-absent ngayon? tanong niya sa sarili. Parang nakakaramdam na naman siya ng takot na baka makagawa na naman siya ng mali. Baka kung saan na niya ako ilipat ng tuluyan.
"Good morning frenny! I'm happiness today!"malakas na bati ng kaibigan ko.
"Hmm.."
"Freeennnyyy!"tili pa nito kay aga-aga eh.
"Hindi mo na kailangan sumigaw nasa harapan mo lang ako 'no! Magmumog ka nga muna. Kadiri ka tumalsik na ang Panis mong laway sa mukha ko!"inis kong sabi.
"Gaga ka! Kagagaling ko lang banyo. Hindi mo ako na pansin dahil nakayukyok ka diyan sa lamesa."
"What eber!"sagot niya.
"Frenny, pwede kaya akong mag absent ngayon?"tanong niya.
Napatingin naman agad ito sakin. Nagtataka at agad akong sinalat sa leeg at noo ko.
"Wala ka namang sakit. Bakit mag-absent ka?"
"Pakiramdam ko lang na ayoko na muna pumasok ngayon. Nainis na naman kasi sakin si Sir Waylen kahapon."mahina niyang sabi.
Pero nagulat na naman siya ng sumigaw ito. Nakakainis naman. Anong nakakagulat sa sinabi ko. Kahit kailan talaga overacting itong babae na ito.
"Nakita mo na pala siya kahapon bakit hindi mo man lang sinabi sakin. Hindi siya nagronda sa mga bawat department eh. Pero may ilang mga empleyado ang nakakita kay Sir Waylen. May kasama daw na yummy din. At heto pa mas lalong gum-gwapo si Sir Waylen. Nagpagupit daw at nagshave ng balbas sa mukha niya."Kinikilig na sabi ng kaibigan.
"Hindi naman mahalaga na sabihin ko pa sa'yo. At hindi siya magandang topic maiinis lang ako."simangot niya.
"So gwapo ba iyong kasama niya kahapon?"usisa nito.
"Oo, gwapo. Mas yummy pa kay Sir Waylen. Mas masarap at mas nakakabusog titigan."pero deep inside mas gwapo parin si Panis na Ulam. Mas yummy at masarap. Sorry Jesus Christ lumalandi na ako.
"Nakausap ko siya kahapon at parang mas mabait din siya kay Sir Waylen. Mas pala ngiti at palabiro."dagdag pa niya para mas lalo maiinggit ang maingay na kaibigan niyang ito.
"Talaga?"bulalas na tanong nito. "Napakaswerte mo namang babae ka. 'Yong walang pakialam sa mga lalaki pero nilalapitan ng mga yumming lalaki. How to be po?"sarkastiko nitong sabi sabay ikot sa mga mata nito.
"Sira. Nagkataon lang naman na sasakay din sila ng elevator kaya nakasabay ko sila."
"Kahit na. Pero kay Sir Waylen parin ako. Excited na akong makita siya mamaya, ang gwapo niyang mukha, ang katawan niyang kay sarap hawakan, ang pwetan niyang kaytambok ang sarap lamasin at ang nasa gitna ng pantalon niyang kay umbok din sigurado akong malaki iyon."bulalas na kinikilig pang sabi ng kaibigan.
"Ang manyak mo!"ngiwi niyang sabi.
Humalaklak lang ito na parang baliw. Tumigil lang ito ng may maalala.
"Oo nga pala. Nasabi na ba ng kasamahan mo sa department na malapit na ang anniversary ng Cromwel Mall?"
"Wala pa naman silang sinasabi sakin baka mamaya siguro. Pero balak ko talaga mag absent ngayon eh."nguso niya.
"Mababawasan ang masasahod mo. Sayang naman iyon kapag tamad kang papasok ngayon. At saka parang may announcement na mangyayari para sa gaganapin na anniversary ng Mall."sabi nito.
"Nararamdaman ko na naman kasing mapapagalitan na naman ako ng Boss natin. Alam kong hindi pa siya tapos na pagalitan ako dahil sa nangyari kahapon. Bakit ba pasulpot-sulpot siya na parang kabute talaga."
"Anong nangyari kahapon dali magkwento ka. Huwag mong suluhin share share din pag may time."usisa na agad ng kaibigan.
"Pero wala akong time magkwento."baliwalang sabi niya. Nabatukan tuloy niya ako.
"Bwesit ka talaga! Pabitin eh!"gigil nitong sabi sa'kin.
"Aray ko naman! Ang hilig mong manakit eh, 'no?!"sikmat niya agad.
"Paano kulang-kulang kung magkwento ka.So, naglilihim kana sa'kin na kaibagan mo ha?!"kunwari'y nagtatampo nitong sabi.
"Ang drama mo! Pinapatunayan mo lang na tsismosa ka talaga!"
"Curious lang naman ako. Hmp!"simangot nito.
Para matigil na ito sa kadramahan niya nagsimula na siyang nagkwento. Panay irit nito na kinikilig. Napatigil ito ng may tinanong siya sa kaibigan.
"You mean virgin pa 'yong kasama niya kahapon na lalaki. At ano nga ulit iyon?"tanong pa nito.
"Iyong hindi pa daw niya naipapasok ang kamay niya sa mga butas. Naisip ko lang hindi pa siya nangungulangot may butas din naman ang ilong natin, ah. Hindi ba siya naglilinis ng tinga na wala pang napapasok ang mga daliri niya?"nakakunot noo niyang sabi.
Humalaklak ang kaibigan ko. Tawang tawa na parang wala ng bukas. Halos gumulong na sa sahig kakatawa. Baliw lang talaga. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Tsk!
"Sumakit tyan ko sa katatawa. Iba 'yong ibig niyang sabihin. Gusto mo ba malaman?"nakakalokong ngumiti ito. Hindi parin matigil sa kakatawa.
"Eh, ano ba iyon?"
"Ibig niyang sabihin hindi pa siya nakakafinger ng kweba nating mga kababaihan. Gets mo?"natatawang sabi ng kaibigan.
"H-ha? Gano'n ba ibig niyang sabihin. Kaya pala galit na galit si Sir Waylen kahapon dahil sa pinagsasabi ng kaibigan nito."pinamulahan siya bigla.
"Eh, 'yong hindi pa siya nakakapasok daw hindi gaya ng ibang mga kalalakihan na pasok lang ng pasok sa mga butas makapaputok lang?"
Nakita niya ang kaibigan na napanganga sa sinabi ko. Gano'n ba ako kainosenti na hindi ko gets ang sinabi ng kaibigan ng Boss namin.
"OMG... gano'n ang sinabi ng lalaki iyon? Baka ako pwede niyang pasukan."bulalas ng kaibigan na tumatawa. "Joke lang."biglang bawi nito at nagseryoso.
"Ibig niyang sabihin wala pa siyang nakasex na babae. Kung totoong virgin pa ang lalaking iyon. Saludo ako sa kaniya. Dahil bibihira na lang ang mga lalaking hindi pa nakatikim ng talaba."bungisngis ng kaibigan niya.
"Talaba?"takang tanong niya.
"Talaba. Tahong. Kuhol. Perlas ng kababaihan. Kepyas, Kweba, bilat at kung ano-ano pang tawag nila sa p********e natin."nailing siya sa sinabi ng kaibigan. Yon pala iyon. Parang ang inosenti ko naman at hindi alam ang mga iyon.
Tumayo na siya para maligo. Papasok siya sa trabaho dahil sayang ang mababawas na sahod sakin. Hindi dapat ako tamarin at matakot sa Panis na Ulam na iyon. Magtago na lang siya kapag makitang paparating sa pwesto ko o sana hindi siya magronda ngayon.
****
Habang naglalakad na sila papasok sa trabaho. Kweninto niya sa kaibigan ang narinig niya mula sa mga katrabaho sa mall.
"Search mo kaya 'yong social media ng babae na girlfriend ni Sir Waylen. Total hindi ka naman naniniwala. At least 'yang cellphone mo touchscreen. May internet ka pa."Sabi niya.
"Anong i-search kong name? Hindi ko naman kilala 'yong sinasabi ng katrabaho natin na long time girlfriend ni Sir. Kasi ang pagkakaalam ko matagal ng single si Sir last na naging girlfriend niya ay umalis ng Pinas, at sa ibang bansa na ito nanirahan at nagtatrabaho."sagot naman ng kaibigan niya.
"Hindi ko alam. Wala akong alam tungkol sa kanila kaya bahala kana diyan. Share ko lang ang narinig ko sa loob ng locker room."Sabi naman niya.
"Makikichismis ako mamaya sa kaibigan ko sa ibang department."Sabi nito.
Ayan ba ang hindi chismosa. Nailing na lang siya.
Panalangin na lang niya na sana busy ang Boss nila at hindi makabisita sa bawat department. Sana po Jesus Christ please. Taimtim niyang bulong.
****
Mukhang wala masyadong tao ngayon. Sa loob-loob niya. Mabuti naman para Iwas pag-aasist sa mamimili. Baka mamaya biglang sumulpot na naman si Panis na Ulam.
Nagmuni-muni siya ng may nagsalita sa likod niya.
"Tangina kabalaw!"bigla niyang naisigaw.
Humalaklak ang nagsalita sa likuran niya. Nilingon niya ito. Si Sir Nathan pala. Anong ginagawa niya dito.?
Yumuko siya bigla. "S-sorry, po Sir. Nagulat lang ako. Busy kasi akong nananahimik dito kaya hindi ko po kayo napansin."
"It's okay."natatawa parin nitong sabi. "How's your day. Hindi ka ba pinagsusungitan ng Boss mo?"tanong pa nito.
"Araw-araw po masungit iyon. Mas masungit pa sa dinosaur, sir!"ngiwi niyang sabi.
Humalaklak na naman ito. "Your funny."amuse na sabi nito.
"Hindi naman po, Sir. At saka bawal po kami makipagchikahan Sir. Nakakatakot pa naman magbigay ng punishment Sir Waylen."nguso niya.
"Punishment? Like what?"nangingiti nitong tanong.
"Ililipat niya ako sa iba't ibang branch po ng Mall na ito. Baka sa susunod na nainis ko na naman siya baka sa planetang Jupiter na ako ilipat ni Sir Waylen. Eh malaki 'yong planetang iyon baka magkanda ligaw-ligaw ako."simangot niya.
Napahalakhak na naman ito. Ang gwapo din nito tumawa. Nawawala ang mga mata nito kapag tumatawa siya. Sana ganito na lang si Sir Waylen. Iyong laging nakatawa at nakangiti baka mainlove pa ako kung sakali. Pero malabo na iyon dahil engaged na pala ito.
"Your so cute beautiful Dora."Sabi nito. "Tama lang pala na Dora ang ipangalan ko sa'yo. Dora the funny explorer."dagdag pa nito.
"Hola, I'm Dora's backpack Sir!"biro naman niya. Tumawa na naman ito.
Swerte ang babaeng makakasama nito habang buhay. Mukhang matinong lalaki naman ito at mabait. Masiyahin pa.
"What time your break time? Let's have a lunch together, treat kita dahil pinatawa mo ako ngayon."ngiti nito. "Take this message me if you are free."sabay abot ng calling card nito.
Kinuha ko naman agad iyon at binulsa.
"Pero Sir, pasensiya na hindi ako pwedeng sumama sayo na kumain. Bukod sa ayoko ng pagtsismisan nila ako dito ng mga katrabaho ko. Ayoko din na magalit si Sir Waylen. Ayokong isipin niya na lumalandi ako sa oras ng trabaho ko."paliwanag niya.
"Nonsense!"sabi nito. "Tawagan mo ang number na binigay ko just in case na may emergency, okay?"Sabi nito.
Nakita kong kakaiba yong ngiti niya ngayon parang may hindi magagandang binabalak o baka imahinasyon ko lang iyon. Kaya tumango na lang ako.
"Bye Dora. See you around."kaway pa niya sakin. Ngumiti lang ako.
Hindi ko napansin ang mga kasamahan kong mapanuring tumingin sa akin. Bigla siyang nahiya at yumuko na lang. Ano na lang ang sasabihin nila. Sana hindi nila ako pagchismisan.
***
Hindi niya alam kung aakyat ba siya sa rooftop para kumain o dito na lang sa Locker room. Kapag kasi dito maingay at madami din nakatambay dito nagchikahan sa breaktime nila. Ayoko naman sa canteen. Gusto ko 'yong tahimik lang talaga.
Nagpasiya na siyang lumabas ng marinig niyang nabanggit ang pangalan ko at si Sir Nathan. Hindi ko na lang pinansin at lumabas na ng locker room.
Jesus Christ hindi ko po nilalandi si Sir Nathan. Ito ang lumapit sakin at kumausap sakin hindi ako. Hindi porke kinuha ko 'yong calling card na ibinigay sakin hindi ibig sabihin noon na tatawagan o itetext ko 'yong tao. May hiya naman ako sa sarili ko kahit papano.
Tahimik siyang sumakay sa elevator at pasalamat siya dahil siya lang ang sakay noon hanggang level six. Nakahinga siya ng maluwag dahil walang Sir Waylen na nagpakita at nagronda sa bawat department namin.
Ewan ko lang mayang hapon baka magronda iyon. Pero sana wag na lang po Jesus Christ. Magtambay na lang siya sa opisina niya.
Paliko na siya sa pasilyo at paakyat sa hagdan patungong rooftop ng may biglang humablot sa kanya at dinala siya sa exit na katabi lang ng hagdan palabas ng rooftop.
Sobrang kinabahan siya at natakot na baka saktan ako ng taong humila sakin. Pero naamoy niya ang pabango nito at mas lalong natakot siya ng mapagtantong si Sir Waylen ang humablot sa kaniya.
"I already warned you na 'wag na 'wag kang nakikipaglandian sa oras ng trabaho mo!"mariin at galit nitong bulong sakin.
Hindi siya makapagsalita dahil tinakpan nito ang bunganga niya gamit ang malaki nitong palad. Nakapidig din ako sa pader kaya hindi ako makakilos. Mahigpit ang hawak ko sa eco bag na lagayan ng baon ko.
"Did he asking you to go out together?"galit nitong tanong. Agad siyang umiling.
"Ano 'yong binigay niya sa'yo? Calling card ba ha?"mariin nitong sigaw sakin.
Sobrang kinakabahan siya sa susunod nitong gawin sakin. Paano ako makakasigaw na humingi ng tulong kung nakatakip naman ang kamay nito sa labi ko. Nakakatakot naman itong magalit.
Ano na naman bang ginawa ko at galit na galit na naman ito. Kinausap lang naman ako ni Sir Nathan ah.
Nakahinga siya ng alisin nito ang kamay sa labi ko.
"Where's the calling card? Give it to me!"
Umiling siya. "N-nilagay ko po sa b-bag ko Sir. Hindi ko naman po siya itetext at.....uhmmp!"napamulagat siya ng bigla siya nitong halikan sa labi.
Mapusok, May gigil ang bawat paghalik niya sakin. Napabuka pa ang labi niya ng kagatin niya ito ng mariin. Napadaing siya sa sakit. Hindi maari ito. Bakit niya ako hinalikan? Ganito ba talaga ang halik? Parang kinakain niya ang buong labi ko. Masakit at parang nalalasahan ko na rin ang dugo sa labi ko. Nagkasugat na yata ito sa paraan ng pagkakahalik nito sa'kin.
Nabitawan na din niya ang hawak na eco bag. Humawak siya sa braso ng binata para itulak ito. Hindi na siya makahinga. Wala ba itong balak na pakawalan na ang labi ko. Ganito bang paraan niya ako papatayin. No. Ayoko pang mamatay.
Kaya nagpumilit siyang ibaling ang mukha at itulak ito pero hindi niya kaya.
"Uuhmm!"ungol niya. Pilit na kumakawala sa pagkakayakap at pagdiin nito sa'kin sa pader.
Please tama na. Hindi na ako makahinga. Bulong ng isipan niya. Pinapalo ko na siya sa braso at kamay. Dahil panay parin ng lakumos nito sa labi ko. Nasasaktan na ako.
Napaluha na lang siya ng hindi niya ito mapatigil sa pagpaparusa sa labi niya. Maya't maya ay tumigil na ito sa paghalik sakin. Habol naming pareho ang paghinga. Halos matumba siya ng pakawalan nito ang mga labi ko.
"Yan ang nababagay na gawin diyan sa labi mo. Mahilig kang sumagot sagot. Magdahilan at lumandi."galit nitong sabi.
Hindi siya umimik napayuko na lang siya at tahimik na lumuluha.
"Hindi lang 'yan ang gagawin ko sa'yo kapag patuloy mo akong sinusuway sa mga sinasabi ko sa'yo...Tandaan mo iyan! Iba ako magalit wag na wag mong sinusubukan ang pasensiya ko!"
Pagkasabi niya iyon ay iniwan na siya nito mag Isa doon. Napatulala at napaluha nalang siya. Dahan-dahan siyang naupo sa sahig at hinaplos ang nananakit niyang labi. May sugat na yata ang labi niya.
Gago kang lalaki ka. Hindi ko alam kong bakit ka nagkakaganyan. Wala ka naman dapat pakialam sa ginagawa ko dahil wala namang mali doon. Hindi ko naman nilalandi si Sir Nathan. Ito ang lumapit kinausap ako mahirap bang intindihin iyon.
Tahimik siyang umiiyak hanggang sa hindi na siya nakakain. Wala na din siyang oras dahil ang tagal pala niyang umiiyak sa pinag-iwanan saknya ng Boss nila.
Agad siyang nagtungo sa banyo at naghilamos at tinignan ang labi niya. Namaga ito at may maliit na sugat sa ibabang labi niya. Kakapalan na lang siguro niya ang paglagay ng lipsticks at pagpulbo para hindi halata na umiyak siya..