Chapter 10

2661 Words
He punish me again Pagkatapos ng trabaho ay nag-umpukan kami lahat sa function room sa loob din ng Mall. May meeting and announcement para sa anniversary ng Cromwel Mall. Nasa gilid lang siya nakatayo tahimik at ayaw maki pagkwentuhan sa mga katrabaho. Hindi parin kasi mawala wala sa isip niya ang nangyari kanina. Ramdam ko parin ang pangangapal ng labi ko at pananakit nito. Sana hindi mapansin ng mga katrabaho niya ang mukha niya. Ano na lang ang idadahilan niya. Idadahilan niya ba na nasubsob siya sa hagdan noong paakyat siya sa rooftop o nabunggo niya ang pader dahil sa katangahan niya. Napasimangot siya sa inis. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi ng nagsasalita sa harapan. Ang gusto na lang niya ay ang umuwi at magmokmok sa kwarto niya. Hindi parin kasi talaga niya matanggap na gano'n lang siya hinalikan ng lalaking iyon. Inakaw na niya ang first kiss ko sinaktan pa niya ang labi ko. Hindi ko na hahayaan na maulit pa ito. Kung kinakailangan na iwasan ko ito iiwasan ng bongga. Masyado na niya akong nasasaktan ng hindi niya namamalayan. Wala naman akong alam na kasalanan saknya para gawin nito ito sakin. Wala siya sa mood makinig. Magtanong na lang siguro siya sa kaibigan na nasa harapan ngayon para daw mas matitigan nito si Panis na Ulam. Tsk! Sigurado akong wala din naiintindihan ito dahil sigurado na nakapokos ang atensyon nito kay Sir Waylen. Napaangat siya ng tingin sa harapan ng tilian at palakpakan Ang mga tao. Kaya naman pala nag-ingay ang mga tao sa loob mag sasalita na pala sa harapan si Panis na Ulam. Sumimangot siya habang tinitignan ito papuntang harapan. Nagulat pa siya ng magsalita ito. Tsk! Kahit boses nito nakakagulat at nakakatakot na din. Nasa kalagitnaan na ito ng pagsasalita ng biglang may tumunog. Nagtaka siya dahil parang ringtone ng cellphone niya iyon. 'Yong tunog pa naman mediyo maingay. May kapareha ba siya ng cellphone 3310 kasi 'yong gamit kong cellphone de keypad iyon. At ang tunog no'n ay Mozart40 ringtone. Pinagtitinginan na nila ako. Nag-eco ba naman sa loob ng function room 'yong tunog. Kaya kinapa ko sa bulsa ko baka sakin nga iyong tumutunog. At namula siya sa kahihiyan dahil cellphone ko nga ang tumunog. Bakit naka-volume ito. Paanong naka on ng sounds e, vibrate lang ang nilagay ko eh. Tumingin siya sa harapan at pakiramdam niya nakatingin sakin si Panis na Ulam, dahil napatigil din ito sa pagsasalita sa harapan. Rinig ba hanggang doon sa harapan ang tunog ng cellphone ko? Bwesit nakakahiya. Lupa bumuka ka at ibaon mo na ako sa ilalalim mo. Sobrang pinamulahan siya ng mukha at sobrang nakakahiya dahil rinig ko sa iba ang panlalait sa gamit kung cellphone. Pahamak kang cellphone ka. Maipadala na nga kita sa probinsiya. Pinapahiya mo akong cellphone ka. Inis niyang sita sa cellphone niya. Pinatay na niya ng tuluyan at tumingin na lang sa harapan pero pakiramdam niya nakatingin din sa akin si Panis na Ulam. Kinabahan at kumalabog na naman ang dibdib niya sa kaba Dahil pakiramdam niya ay nagtama ang paningin nilang dalawa. Hindi niya sure pero parang sakin nga ito nakatingin dahil ang direksyon ng mukha niya ay sa gawi ko. Nasa gilid lang ako sa dulo. Paanong makikita niya ako dito. At mediyo malayo siya sa stage. Hindi naman siguro niya ako makikita dito. Sa loob-loob niya. Sana matapos na at ng makauwi na siya. "Hey Dora!"pansin saknya agad ni Nathan ng makitang nasa likuran lang ako. Saan ito nanggaling at nakita niya ako dito. Tanong niya sa isipan. "Your alone here? Wala ka bang kaibagan dito?"takang tanong niya sakin. "Bakit mo po ako nakita dito?"tanong din naman niya. Natawa ito. "Because I have a eyes."biro nito. Nangiti siya ng bahagyan. "Kidding."bawi agad nito. "Galing ako doon."sabay turo sa entrance. "At nakita kita dito feeling alone and bored. Asan ang kaibigan mo dito? May kaibigan ka naman siguro 'no?"usisa pa nito. Tumango siya. "Nasa harapan po Sir, gusto niya daw doon dahil mas malapit niyang makita at matitigan si Panis na Ulam...este si S-sir Waylen."paktay na nadulas na naman ang dila ko. Nangunot ang noo nito maya't maya ay humalaklak na naman. Napapatingin na ang ilang sa gawi namin dahil sa ingay nitong si Sir Nathan. Makatawa parang wala ng bukas. "Lagi ka po bang nag-uulam ng happy foods Sir? Makatawa ka kasi parang wala ng bukas. Baka mapahamak pa ako sa'yo?"mahina niyang sabi kay Nathan. Tumatawang napatingin siya sakin. "Why you called Waylen, Panis na Ulam?" "Kunwari na lang po hindi mo narinig Sir. Tsaka kunwari wala akong sinabi baka kapag nalaman ni Sir Waylen, itapon na niya ako sa kumukulong bulkan."sagot niya. Napansin niyang nakatitig ito sakin. Nahiya siya bigla. Pinaglapat niya ang mga labi niya para hindi mahalata ang pangangapal nito at ang sugat sa labi niya. Pero mukhang napansin niya ito. Umiwas na lang siya ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang mukha niya. "What happen to your lips. May kunting sugat pa?"sabay hawak sa mukha ko paharap sa kaniya. Akmang hahawakan nito ang labi ko ng marinig namin mula sa mikropono ang pagtawag sa kaniya ni Sir Waylen. "Nathan Chang, I'm waiting for you to come up here in the front but you're just there flirting in the back."seryosong sabi ni Sir Waylen sa harap. So, tama siya na nakikita nga niya ako dito sa likod. At nakikita niya na nag-uusap kami ni Sir Waylen. Paktay na. Bakit kasi hindi niya maiwasan na umiwas na lang. At bakit kasi sumasagot pa siya kung may kumakausap sakin. Kelan ba ako matotong umiwas para na din sa ikakabuti ko. Pero ang mokong na lalaking ito natawa lang at iiling iling. "Don't mind him."bulong nito. Gano'n din ang ilang sa mga nasa harapan natatawa sa sinabi ni Sir Waylen. Pero ito seryoso at mukhang galit pa dahil sa bawat pagbigkas nito sa mga katagang 'flirting'. Kaya bahagyan na siyang umiwas at mediyo lumayo kunti. "Pumunta kana sa harap Sir. Baka magalit na naman sakin si Sir Waylen."mahina niyang sabi. Matiim siya nitong tinitigan kaya yumuko na lang siya. "You are my friend now, Dora kaya 'wag kang matakot sa mga chismis na wala namang katotohanan ang importante totoo ka sa sarili mo at wala kang nilalandi. Understand!"seryoso nitong sabi at pinarinig pa talaga nito sa mga ilang tao sa likuran namin na mapanoring nakatingin sa amin at nagbubulungan. "Yes sir! Dali na lakad na at akyat na sa harapan magtula ka na doon."Sabi naman niya. Natatawa naman itong umalis na at naglakad na patungong harapan. Siya naman ay palihim na naglakad patungong labasan. Uuwi na lang siya kesa makikita ang matalim na tingin sakin ng ibang katrabaho at isama na rin si Sir Waylen. Nakahinga siya ng nakalabas na siya ng Mall na iyon. Bahala na kapag magalit sila. Si manager Leila nga wala dito eh. Hindi umattend dahil may date iyon sa boyfriend niya. Magtanong na lang siya sa kaibigan niya sa department nila. Naglalakad na siya patungong apartment nila. May kadiliman ang dinadaanan niya pero marami paring mga tao dito sa labas. Tama nga ang kwento ni Tatay na dito sa manila madalas na mas madami ang tao sa gabi na nagtatambay sa labas kesa sa araw. Siguro dahil busy ang mga tao sa araw at sa gabi lang sila may oras magpahinga magkwentuhan sa labas ng mga Bahay nila. Parang gusto niyang kumain ng pares bago siya uuwi. Pero hintayin na lang siguro niya ang kaibigan para sabay na lang sila. Itext na lang niya ito at hihintayin niya ito sa labas ng apartment nila. Maki-chikahan na lang muna siya sa may-ari ng apartment sa baba nila. Nagulat siya ng may humintong sasakyan sa tabi niya. Bumukas ang likurang bahagi ng sasakyan at niluwa si Panis na Ulam. "Get in!"matigas nitong utos sakin. "Uuwi na po a-ako."mahina niyang sabi. Umatras siya ng bahagyan. "Hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin kapag hindi mo ako sinunod."matalim ang mga mata niyang tumingin ito sakin. "B-bakit po ako sa-sasakay diyan?"natatakot niyang tanong. "Papasok ka ba o kailangan pang kaladkarin ka ng mga tauhan ko, para ipasok dito sa loob?!"seryoso nitong sabi. "H-heto na po S-sir p-papasok na."nagkandautal nitong sabi at humakbang na siya papasok. Pero papasok lang siya ay hinakblot na niya agad ang isang braso ko papasok sa loob ng sasakyan nito. Napasigaw siya ng bahagyan at nasaktan sa paghablot sa kaniya ng binata. Nanakit ang braso niya at nauntog pa ang ulo niya sa gilid ng bubong ng kotse nito. Agad nitong sinara ang pintuan at pinaandar na din ng driver nito ang sasakyan. "Sa...s-saan mo po ako d-dadalhin S-sir. P-please po, h-huwag mo po akong s-sasaktan. W-wala naman po a-akong k-kasalanan sa'yo S-sir."naiiyak na niyang sabi. Natatakot siya sa anong gawin nito sa'kin. Hindi ko pa ito lubusang kilala at hindi ko alam kung bakit galit na galit ito sakin ngayong wala naman akong alam na kasalanan sa kaniya. Nagawa ko na at sinunod ang mga pagpapahirap nito sa'kin simula pa noong nilipat niya ako sa iba't ibang branch ng Mall na pag mamay-Ari nila. Ano pang parusa ba ang gusto nito. Wala naman siyang nilabag na bawal sa department nila ah. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng Boss naming ito. Bakit ako pa ang ginaganito niya. Wala naman itong mapapala sakin. Bukod sa hindi naman siya kagandahan, kaputian at mahirap lang na tao. Ano bang kailangan niyang gawin para tigilan na niya ako. Habang lumalayo ang sasakyan domo-double naman ang kaba niya lalo na ng hilain na naman siya nito palapit sa kaniya. Gusto niyang lumayo pero mas malakas ito at napasubsob siya sa dibdib nito. "Susunod ka lang din pala ang dami mo pang kaartehan!"galit nitong bulyaw sakin. Marahas na hinila nito ang buhok ko palikod at agad akong sinunggaban ng marahas na halik sa labi. Napanganga siya sa ginawa nito. Masakit pa nga ang labi ko pero heto na naman ito sinasaktan na naman niya ang mga labi ko. Iniiwas niya ang mukha pero mas hinigpitan naman niya ang paghila sa buhok ko palikod masakit at nasasaktan na ako sa ginagawa nito sa'kin. Napaliyad lalo ang ulo ko at walang sawa nitong hinahalikan ang labi ko. Hindi ko maramdaman ang sarap o kilig na gaya ng sinasabi ng kaibigan niya noong nagkwekwento ito sa kanila ng dating boyfriend nito. Masarap daw ang halik at magugustuhan ko daw kapag once na natry ko ng magpahalik. Parang nasa langit ka daw sa sarap. Pero hindi naman pala totoo iyon. Kung ganito lang din ang sinasabi nitong masarap mahalikan dibale na lang. Sana hindi ko na lang na experience ito dahil hindi naman pala totoong masarap mahalikan. "Hmmm.."ungol niya dahil nahihirapan na naman siyang makahinga. Ibinabaling na rin niya ang ulo niya para makawala sa mapagparusang labi nito. Kaya lang mas malakas ito sakin at wala akong magawa. Ayoko ng ganito na lang ang ginagawa niya sakin. Nasasaktan na siya. Masakit na ang anit niya sa pagkakahila nito sa buhok ko. Nangawit na ang leeg niya at ang kawawa niyang labi nangangapal na naman at baka nadagdagan na naman ang sugat sa labi niya. Ito pa naman ang asset niya ang labi niyang maganda daw, laging pinupuri ng mga katrabaho niya dati sa probinsiya. Kissable lips daw iyon ang lagi nilang sinasabi sakin. Pero ngayon nilalapa na ng gagong lalaki na ito. Hingal na hingal silang pareho ng pakawalan nito ang labi ko. Pero mas lumakas pa ng kabog ng dibdib niya. Hindi pa nga siya nakakabawi sa paghinga sinunggaban niya ulit ako. Hindi siya nakaiwas agad dahil hinihingal pa lang siya at kinakapos pa ng paghinga. Napaungol na naman siya ng kagat kagatin nito ang ibabang labi ko. Masakit iyon dahil may sugat na ito din ang may kagagawan. Maya't maya ay sa leeg ko naman ito humalik pero hindi naman yata halik iyon. Dahil sa bawat pagdila nito sa balat ko sa leeg ay sabay kagat naman nito ang sinunod. Anong ginagawa nito? Aso ba siya na may padila-dila sabay kagat. Baka manananggal naman ang Boss niya at gusto nito ng bagong dugo para lumakas ito. Kinilabutan siya at sobrang natakot. "S-sir tama na po. T-tama na po!"lumuluha na niyang sabi. "Maawa ka po sa'kin. Marami pa akong kailangan gawin para sa pamilya ko. Kailangan ko pa silang matulungan at i-ahon sa hirap. Tama na po. M-masakit."daing niya dahil hindi lang niya dinidilaan ang leeg ko ang ginagawa pa nito ay kundi sipsip at kagat. Masakit iyon. Baka nagka-pasa na ang leeg niya. Dahan-dahan naman itong tumigil at tumingin sakin ng mariin. Hindi niya mapigilan na hindi maiyak. Wala akong magawa para maipagtanggol ang sarili ko. Wala akong magawa dahil kahit anong gawin ko talo at ako parin ang kawawa sa bandang huli. Binitawan na siya nito at inutusan ang driver na agad na bumalik na sa Lugar kung saan nila ako kinuha. Mahina parin siyang lumuluha at nanginginig sa takot na baka kung ano pa ang gagawin niya sa'kin. "I already warning you? Hindi ba at sinabi ko sayong 'wag mong subukan ang pasensiya ko."sigaw nito sa'kin sa loob ng sasakyan. "Mas pinili mo parin na suwayin ako at makipag landian kay Nathan. Do you like him? Gusto mo ba siya?"malakas niyang tanong sakin. Natatakot siyang sumagot baka mali nanaman ang maisagot niya at mas lalong magagalit na naman ito. "Answer me! Damn it!"galit na nitong sigaw ulit sakin. Hinablot nito ulit ang buhok ko. Napadaing siya dahil mas masakit ang paghablot nito sa buhok ko kesa kanina. Umiling iling siya. "H-hindi po. T-trabaho lang po ang pinunta ko po d-dito sa maynila S-sir."natatakot niyang sagot. "Trabaho? Trabaho ba talaga o makipaglandian sa kung sino-sinong tao na lumalapit sa'yo sa pwesto mo."galit nitong binitawan ang buhok ko. Muntik pa siyang mapasubsob sa likuran ng upuan. Mabuti at nakahawak ako agad doon. Lumayo na siya kunti sa binata at nakayukong tahimik na umiiyak. "Jesus Christ, Hindi po ganito ang gusto kong mangyari habang andito ako sa maynila. Alam mo pong wala akong ginagawang masama Jesus Christ. Nakikipag-usap lang ako dahil ayoko naman pong maging bastos at walang galang sa taong kumakausap sakin. At sa mga customer iyon Naman po talaga dapat ginagawa diba po maging palakaibigan sa mga mamimili at hindi bastos. Anong mali sa ginawa ko Jesus Christ. Ayoko na po ng ganito. Hindi ko po deserve ang ganitong pagtrato ng Boss ko. Help me, Jesus Christ!"Pipi niyang panalangin. "Andito na tayo Sir."Sabi ng driver nila. "Get out now!! At wag na wag kang magkakamaling magsumbong sa kung sino-sinong kaibigan mo kung ayaw mong pati sila madamay at tanggalan ko sila ng trabaho dito."diin niyang sabi. "O-opo."sabi lang niya at agad na siyang lumabas ng sasakyan nito. Nanginginig ang mga tuhod niya na halos hindi na niya maihakbang pa. Takot na takot siya sa kung anong mangyayari sa sunod-sunod na may magawa na naman siyang mali. Huminga muna siya ng malalim bago inumpisahan ng maglakad hindi na niya pinansin pa ang sasakyan na hindi pa umaandar hanggang ngayon. Pabilis ng pabilis ang paglakad niya hanggang sa patakbo na siyang pauwi sa apartment nila. Hingal na hingal siya ng makarating doon. Paakyat na siya sa second floor ng biglang bumukas ang pintuan. Nagkagulatan pa kami ng kaibigan ko. "Bakit ngayon ka lang? Pinag alala mo ako ng sobra."sita nito sa akin. Pero niyakap ko lang siya ng mahigpit at umiyak sa mga balikat nito. Naguguluhan naman itong niyakap siya pabalik at inalo-alo ako. Inakay na niya ako papasok sa apartment namin. "Magkwento ka? Anong nangyari sa'yo?"nag-aalalang tanong ng kaibigan. Umiling iling lang ito. Kaagad na pumasok sa kwarto niya at iniwan ang nagtatakang kaibigan nito. Nilock niya ang pinto para hindi siya kulitin ng kaibigan. Gutos na niya munang mapag-isa. Padapa siyang nahiga at binuhos lahat doon ang sama ng loob, galit, inis at lahat lahat na. Hindi niya pinansin ang pangangatok ng kaibigan niya. Kinuha na lang niya ang unan niya at itinakip sa ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD