Sick
Waylen POV
Hindi niya alam kung bakit naiinis at nagagalit siya sa empleyado niyang si Brogitta? Brigotta? Brigatta? Whatever her name is nakakatangina! Kahit pangalan ng babaeng iyon nakakabwesit!
Simula noong pinagsabihan akong wag ako pakalat-kalat sa pwesto niya. Doon ako nainis sa saleslady na iyon. Sino siya para pagsabihan ako ng gano'n? Bilib ako sa lakas ng loob ng babaeng iyon. Huh!
Kaya para madesiplina siya at mabigyan ng leksyon, inilipat niya ito sa iba't ibang branch ng Mall. I know, na sobra 'yong ginawa ko knowing na first time niya lang daw dito sa manila. That was Mom said to me. Pero mas nanaig parin ang pagkainis ko sa lampang babaeng iyon.
Even though Mom always say to me na be good to our employees, pero minsan nakakainis na din sila. Mas inaatupag pa nila ang pagpapapansin sakin kesa ang magpokos sa trabaho nila.
Well, this girl Miss.Usoro was different. Ibang iba sa lahat. Ang weird niya. So brave and vocal to her words. Innocent yet so irritating. Palasagot at mahilig magdahilan doon siya naiinis.
Dahil may kunting awa naman ako sa saleslady na iyon. Noong nagkwento ito na kung gaano na siya nahihirapan sa palipat-lipat niyang trabaho at tinitipid ang sarili niya kahit ang kumain wala itong pambili. I'm a little bit guilty, kaya naisipan kong ipermi na lang siya sa dating pinapasukan na Mall.
Pero sobrang naiinis ako at galit sa babaeng iyon ng hindi niya alam ang dahilan. Nang makitang masaya itong nakikipag usap sa dalawang lalaking customers nito. Mga nasa early twenty's ang dalawang binata na iyon. Game na game ang babaeng iyon sa kalukuhan ng dalawang lalaki.
Makatawa ito wagas. May pahampas hampas pa itong nalalaman sa balikat ng lalaki. You can be friendly pero sobra naman yata iyong may pahawak hawak pa. Pahampas hampas pa! Nagtatawanan na parang nasa tambayan lang.
Nagagalit ang kalooban niya ng makitang nakipag kamay ito sa dalawang lalaki. Hindi niya maiwasan na mag-init ng ulo sa nakita. Kaya kinumpronta ko ang babaeng lampa ng makitang mag Isa nalang ito sa pwesto niya.
Nadagdagan na naman ang pagkainis niya ng makasabay namin siya sa elevator at pinuri siya ni Nathan ang kaibigan niya. Mukhang kinikilig ito sa pagpuri sa kniya ni Nathan na ikinainis ko. Kaya sinabi kong wag niya iyon paniwalaan.
Sinabihan ko na siya pero matigas ang ulo niya at mas pinili nitong suwayin ako. Na akala niya nagbibiro lang ako. Masyado niyang sinusubukan ang pasensiya ko.
When I corner her in the rooftop. I know natakot ko siya. But I didn't regret of what I did to her. I savagely kiss her lips. I punished her for not obeying me.
Kahit alam kong hindi na siya makahinga I still can't stop to kiss her. Kung hindi ko lang nalasahan ang tubig na dumaloy sa labi naming dalawa I won't stop to kiss her. Natigilan ako ng makita ko siyang lumuluha na. Kaya binitawan ko na siya at iniwan.
I don't know the feeling noong hinahalikan ko siya. Her lips was so addicted. Ang lambot at ang sarap halikan. Pero dahil sa galit at inis ko hindi ako naging maingat sa paghalik sakaniya. Iyon ang punishment ko saknya ang mapagparusang halik ang kailangan na ipalasap ko sakniya.
I know, I hurt her but I don't care, if she always not obeying me, she better not to show up anymore dahil hindi ko na siya pakakawalan pa kapag naging matigas at suwail na empleyado parin ito. Alam nila ang ayaw na ayaw ko ay ang hindi marunong sumunod sa patakaran ko sa Mall.
I remember may tinanggal ako na ilang mga saleslady dati dahil sa kakulitan at pasaway ng saleslady na iyon. I already told them na wag na wag nila akong kukuhanan ng picture kung saan man nila ako makita dito sa loob ng Mall. Putsa! Hindi sila nakinig. Nalaman ko pang ibinibinta pala nila ang mga picture ko at ilang mga kuha kay Mommy at Daddy, sa mga reporters na gustong mag-invade ng privacy ng pamilya ko.
Imbes na kasuhan ko pa ang ilang sa tinanggal ko sa trabaho hinayaan ko na lang. Tama na ang natanggal sila sa trabaho bilang parusa sa kanila.
Palapit na siya sa pwesto ni lampang babae ng hindi ko ito makita sa pwesto niya. Napatingin siya sa relo niya kung anong oras na. Maaga pa para sa lunch break nito.
Nakikita ko ito madalas na nagpupunta sa rooftop tumatambay kapag break time nito. Malapit lang sa penthouse ko sa dulo ng Mall na ito sa taas lang din. Mas pinili niya dito mamalagi kesa sa mansion nila. Maiingayan lang siya sa grandparents niya na kada uwi niya sa mansion lage silang excited magtanong kung kelan ako ikakasal.
Although nagpropose na nga siya sa girlfriend niya. Hindi niya alam kung bakit parang hindi siya masaya na engaged na siya. Eh, iyon naman ang gusto niya ang pakasalan ang long time girlfriend niya na naka-base ngayon sa Paris.
Supposed na Isang buwan siya doon pero naging dalawang linggo lang ang mapapalage niya sa Paris. Hindi naman siya pinilit ng girlfriend na mag stay doon ng matagal dahil marami daw itong event na dadaluhan at busy siya. Nagkibit balikat na lang ako noong sinubukan kong tanungin kung gusto niyang sumama sakin pauwi ng Pilipinas.
Nagtungo siya sa elevator paakyat sa taas baka maaga itong nag-lunch. Bihira lang ang tao doon at ang palaging tinatambayan ng lampang babae na iyon ay malinis at walang tao doon.
Nangunot ang noo niya. Nag-absent ba ito? Bakit wala siyang natanggap na letter or text mula sa manager nito. Kaya agad na siyang bumaba ulit.
Well, kasalanan naman niya kung bakit ito nag absent. Kagat kagatin ba naman niya ang labi nito isama pa ang leeg. Natural na magmamarka iyon. Na kapag pumalag ito ay mas dinidiin naman niya ang pagkagat at pagsipsip sa leeg nito. Napangisi siya.
***
Brigitta pov
Late na siya nagising kinaumagahan alas otso siya nagising at kanina pa may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Nakakainis.
Masakit ang katawan at mukhang magkakasakit siya. Mabigat ang katawan niya na pakiramdam niya magkakasakit talaga siya. Masakit pa ang lalamunan niya dahil sa sobrang pag-iyak kagabi. Mugto din ang mga mata niya. At alam niyang nagkamarka ang pagkagat at pagsipsip sa leeg niya ang Panis na Ulam na 'yon.
Bumangon na siya para magtungo sa pintuan.
"Bakit ba? Hindi ako papasok ngayon dahil may sakit ako. Pakisabi nalang sa manager natin salamat. "sabay sara ulit ng pintuan niya.
Ayaw niya muna ng maingay. Gusto lang muna niya ang magpagisa. Ayaw kong usisahin ako ng kaibigan ko kung ano ang nangyari. At ayokong makita niya na ganito ang itsura ko. Hindi pa ako handang magkwento saknya.
Sariwa pa kasi ang nangyari at sobrang nasasaktan siya sa ginawa sa kaniya ni Sir Waylen.
Mahihiga na lang siya ng kumakatok na naman ang kaibigan niya.
"Hoy! Brigitta kapag hindi mo ito binuksan sisirain ko ang pintuan mo!"sigaw nito sa labas ng kwarto ko.
Napakakulit. Hindi ba niya naiintindihan na gusto ko muna mapag-isa?.
Kaya lumapit siya doon sa pintuan at sumigaw din.
"Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Pumasok kana sa trabaho at Iwan mo na ako dito ayos lang ako!"sagot niya.
"Buksan mo ang pinto Brigitta! Hindi ako papasok kapag hindi ko nasisigurong maayos ka!"sagot naman ng kaibigan.
"Iwan mo na muna ako. Pwede!"
"Hoy Brigitta, wag kang umakting na Ikaw si Elsa at ako si Anna. Buksan mo ang pinto."sigaw parin niya sa labas ng pintuan.
Baliw na babae. Napakaingay kay aga-aga. Baka may nabulabog na itong mga tao sa kapitbahay na natutulog pa sa ngayon. Eskandalosang babae.
"Please, Wenneth. Wag mo muna akong kulitin ngayon. Masama ang pakiramdam ko. Nilalagnat ako. Wag mo na akong alalahanin pa."sagot niya.
"Bakit ayaw mo buksan ang pinto?"sagot naman nito. "May tinatago kaba sakin ha?"sigaw nito sa labas.
Nainis na siya ng sobra sa kakulitan nito. Hinampas niya ang pintuan dahil sa inis.
"Tangina naman Wenneth Ganaden! Hindi mo ba ako naiintindihan na gusto ko munang mapag-isa. Mahirap bang intindihin iyon ha! Mahirap bang intindihin ang sinabi ko? Nakakainis ka na! Isang sabi mo pa na buksan ko ang pintuan aalis na ako dito sa apartment na ito. Hindi ba pwede hayaan mo muna ako kahit ngayon lang. Mahirap bang intindihin iyon."umiiyak niyang sigaw sa kaibigan.
Napaiyak na siya dahil sa frustration sa sarili at sa kaibigan at sa nangyayari sa kaniya ngayon.
"I'm sorry, okay bye!"sagot nito sa labas.
Hindi na siya sumagot at tumungo agad siya sa kama at nahiga ulit doon. Wala siyang pakialam kung nasaktan ko man ang kalooban ng kaibigan ko. Ang kulit lang kasi nito. Hindi nito maintindihan na gusto muna niyang mapag-isa.
Wala na din siyang pakialam kung papasok man ito o hindi. Hindi ko na problema iyon. Ang gusto lang niya ngayon ay ang mapag-isa.
Tanghali na ng maisipan niyang lumabas ng kwarto niya. Mukhang pumasok ito sa trabaho. Mabuti naman para walang maingay dito.
Nagugutom na siya at talagang nilalagnat nga siya. Hindi sana siya babangon pero need niya kumain at uminom ng gamot. Mabuti at may gamot siyang binibili pang emergency kapag may sakit ako. Iyon kasi ang laging bilin ni Nanay sakin. Dahil mag-isa lang ako dito sa maynila at walang tutulong sakin kapag nagkasakit ako. Mabuti na lang din at sinunod ko si Nanay.
Pagpasok niya sa kusina may nakita siyang mga natakpan sa ibabaw ng lamesa. Lumapit siya doon at tinignan sabay bukas na rin kung ano ang mga laman noon. May sabaw na malunggay na may sahog na papaya. Pritong itlog at may gisang ampalaya na may kamatis.
May nakita siyang nakaipit sa plato na papel at binasa niya ito.
Dear Elsa,
Inipit ko na lang sa ilalim ng Plato ang liham ko dahil wala naman tayong refrigerator."naparoll eyes siya. Bago niya itinuloy ang pagbabasa ng sulat ng kaibigan.
"Sorry, kung nakulitan ka sakin kanina. Hindi mo alam kung gaano ako nag alala sa'yo noong nakita kitang umiiyak sa harapan ko. Sobrang worried lang ako sa'yo. Magpahinga kana muna. Hindi na kita pipilitin pa na magkwento. Nandito lang ako na kaibigan mo kung hindi mo na kaya. Love you.
Ako na bahalang magsabi na may sakit ka sa manager natin.
Love Anna.
Napaluha siya. Kahit papano naguilty siya sa inasta niya kanina. Frustrated lang kasi ako at nakulitan sa kaibigan ko kaya ganun ang nasabi ko. Hindi niya naisip na nag-alala lang ito sakin.
Dahil masakit ang lalamunan niya 'yong sabaw na lang ng malunggay ang pinainit niya at iyon lang ang kinain niya at kunting kanin para makainom na siya ng gamot.