Party
Dalawang araw siyang absent sa trabaho. Dahil hindi maalis alis ang mga pulang marka sa leeg niya. Hindi niya alam kung paano ito takpan o mabura.
Kaya pagdating ng kaibigan niya kinagabihan ay nagpatulong siya kung paano matakpan o mawala ang pulang bakat sa leeg ko.
Mapanuring tingin ang iginawad niya sakin. Bati naman kami ng kaibigan ko kaya lang naiilang ako at nahihiya sa inasta ko noong Isang araw sakniya.
"Bakit may pantal-pantal kang ganyan sa leeg mo? May allergy kaba o nakain kaya may mga pula sa leeg mo?"tanong nito.
"A-ano...ano kasi.."napakamot siya ng ulo. Nahihiya siyang magkwento sa kaibigan. Hindi naman sa takot siya mahusgahan, natatakot lang ako na baka mag iba ang turing nito sa'kin since patay na patay siya sa Boss namin.
May kadaldalan din ito na siyang ikinakatakot niya talaga. Pero bahala na nga. Matagal ko na itong kaibigan kaya alam kong hindi niya ako ipapahamak. Ito na lang ang nag-iisa kong kaibigan ipapahamak pa ba niya ako.
"Anong ano kasi? Sabihin mo para alam ko ang gagawin ko diyan sa pulang marka diyan sa leeg mo..Ang dami pa naman, oh!"sabay titig nito sa may leeg niya.
Nakita niya itong nangunot ang noo.
"Mukhang hindi naman iyan pantal eh."duda nitong sabi.
"Eh, ginagat kasi ako ni---"
"Ginagat ka? Nang ano bampira ba? Manananggal? Kapre? Aswang? Multo?Ano? Sabihin mo?"mahintakutin na tanong ng kaibigan niya.
Napakamot siya sa ulo at napairap siya sa inis. Hindi pa kasi ako patapusin eh. Simangot niya.
"Uy! Ano nga?"kulit nito.
"Patapusin mo pa kasi ako bago ka magtanong ng kung ano-ano diyan!"simangot niya.
"Oh dali na."
"Kinagat kagat ako sa leeg ni S-sir Waylen. At..."
"What si S-sir Waylen? Seryoso ka? Paano ka niya kinagat kagat. May lahi bang manananggal si Sir Waylen?"gulat na gulat ito sa sinabi ko.
"Kung patapusin mo kaya ako... nakakainis ka talaga. Wag na nga lang bahala nang makita nila itong mga pulang marka sa leeg ko.."tatayo na sana siya at pumasok na lang ito sa kwarto ng pigilan siya nito.
"Sorry na...Nakakagulat naman kasi 'yang sinasabi mo? As in, hindi ako makapaniwala. Sige na, kwento na."
Kaya sinimulan na niyang nagkwento mula noong kauuwi lang ang Boss nila galing ibang bansa hanggang sa gabing may announcement at nagkumpulan sila sa loob ng function room hanggang sa tumakas siyang umalis doon.
Nakita niyang napapanganga ito at hindi makapaniwala sa kwenikwento ko.
"Hinalikan ka pa? Ano? Sabihin mo masarap ba siyang humalik? Mabango ba ang hininga? 'Yong lasa ng laway niya matamis ba? Magkwento ka pa dali!"kinikilig na nitong tili.
Sumimangot siya. Kung ano-ano na lang ang tinatanong ng babaeng ito. "Hindi naman totoo na masarap ang halik. Sinungaling ka!"
"What? Masarap kaya lalo na kapag mahal niyo ang isa't isa. Malulunod ka sa sarap."nag-iimagine pa nitong sabi.
"Hindi 'no! Papatayin naman niya ako sa paraan ng paghalik niya sakin. Pati labi ko kinagat kagat pa niya. Halos mawalan ako ng hininga ng binatawan niya ang labi ko. Hindi masarap ang halik. Masakit iyon at kinapusan pa ako ng hininga. Kaya no to halik para sakin."ingos niya.
"Sabi mo nga parusang halik iyon. So it means pinarusahan ka ni Sir Waylen ng halik sa labi."
"Pero hindi ako nasarapan period. Nasaktan ako. May pahila-hila pa sa buhok ko para lang mas lalo niya akong maparusahan. Hindi ako nasiyahan sa first kiss ko. Kawawa ang labi ko."dismayado niyang sabi.
Humalaklak ang kaibigan niya. Tsk! Anong nakakatawa doon.
"Parusa kasi iyon. Kapag nahalikan ka na ng taong magmamahal sa'yo ng totoo doon mo marerealise na tama pala ako. Maniwala ka sakin. Masarap mahalikan. Kahahalik nga lang sakin ni Papa Anton kanina. Halos bumigay na ako kanina kaya lang wag daw ako excited."ngiwi ng kaibigan niya.
Siya naman ang natawa sa kalukuhan nito.
"So, kayo na ni Anton kung gano'n?"tanong niya.
"Hindi pa. Pakipot muna ako!"nguso niyang sabi.
"Pero nakipaghalikan kana?"nawiwirduhan niyang tanong sa kaibigan.
"Hinalikan niya ako bigla eh! Tatanggi pa ba ako. Eh, alam mo naman na matagal ng tigang ang labi ko."
"Paano na lang ako. Hindi pa naman ako nahalikan ng totoong halik. Makatigang ka akala mo naman may karanasan na ang kausap mo!"irap niya.
"Huy meron naman na d'ba?! Nahalikan ka parin. Naglapat parin ang labi niyo sa isa't isa. Tumagal nga hanggang sa hindi kana makahinga dba? My iba't ibang halik kasi sa labi katulad nalang ng french kiss, torrid kiss, smack kiss, peck kiss at kung ano-ano pang kiss diyan. 'Yong sa'yo ay vacuum kiss kasi hinala ko na para niyang hinihigop ang dumi sa nguso mo. D'ba parang gano'n?"daldal pa ng kaibigan.
"Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam!"
"Pero balik tayo sa iyo. Kaya ka ba umiyak dahil sa ginawa niya?"tanong ng kaibigan.
Tumango siya. Paanong hindi matatakot kay Panis na Ulam kung ganoon ang aura ng mukha niya kulang nalang ay talagang pagbubuhatan na niya ako ng kamay. Parang may dual personality.
"Iyon nga. Hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko. Wala naman akong nilabag sa mga rules na brinifing namin ah. Natatakot talaga akong makita siya."
"Paano 'yan sunod na linggo na ang party. Alangan na hindi ka dadalo. Isang beses lang iyon sa isang taon mangyayari frenny, sayang naman."Sabi ng kaibigan.
"Hindi ko pa alam at saan ba iyong party gaganapin. Wala akong isusuot eh. Nakakahiya."tanggi niya.
"Dito sa Mall na malapit sa Bahay natin. Ito kasi ang may pinakamalawak na function room sa lahat ng Cromwel Mall. Ngayon linggo na ang party ng mga nasa management kasama do'n si Papa Anton ko."
"So, ang empleyado ang sa sunod din na linggo. Pwede kayang 'wag na ako dumalo.?"tanong niya.
"Nako! Hindi pwede. Dadalo ka babaita ka! Isang beses nga lang sa Isang taon ito gaganapin. Sayang naman kung hindi ka dadalo. Para maexperience mo naman ang dumalo sa party, nandito naman akong kasama mo. Tara mag uk-uk sa divisoria madami mura doon at magagandang damit."pangungumbinsi pa nito sakin.
"Para sana Iwas kay Panis na Ulam. Ayokong makita siya sa party."mahina niyang sabi.
"Hindi dadalo iyon. Ngayon linggo siya dadalo sa party. Ang parents nito ang makakasama natin sa sunod na okasyon ng Cromwel Mall."sagot nito.
"Sigurado ka ba?"nagdududa niyang tanong.
"Oo peks man, mamatay pa man ang mga kuko mo sa daliri!"nahampas tuloy niya ito at nagkatawanan silang dalawa.
"Pero frenny...sana sekreto lang natin ang ginawa sakin ni Panis na Ulam ha. Please?"sumamo niya.
"Yes, syempre kaibigan kita eh. Ipapahamak pa ba kita. Kung magkagustuhan man kayo ni Papa yummilicious ako ang unang susuporta sainyo. Kaya panalangin natin na hindi matutuloy ang pagpapakasal niya sa fiancee niya."natatawang sabi pa nito.
"Bad ka!"
****
Pumasok na siya kinaumagahan tinulungan din siya ng kaibigan na takpan ang pulang marka sa leeg niya. Concealer daw ang tawag sa nilagay niya sa leeg ko. Pasalamat siya at meron itong ganito ang kaibigan niya. Mabuti na lang dahil polo shirt ang damit nila kaya natakpan ang ilan sa pula sa leeg niya. Hickey daw iyon sabi ng kaibigan ko.
Pagdating palang niya sa department nila ay sinalubong na siya ng mga kaibigan niya doon.
"Uy, napano ka bakit nag-absent ka ng dalawang araw?"tanong ng Isa.
"Nilagnat ako."simpling sagot niya.
"Bakit wala ka sa function room noong nakaraang araw?"usisa din ng Isa pa.
"Umalis na ako noon. Hindi ko tinapos ang meeting dahil masama ang pakiramdam ko. Tumakas na lang ako."ngiwi niyang sabi.
"Pero alam mo ba iyong tsismis ha?"daldal pa ng katrabaho niya.
"Anong chismis?"takang tanong niya.
"Chismis tungkol sa'yo. Chismis iyon ng ibang department. Nakikipaglandian ka daw kay Sir Nathan."
"Kaibigan ko lang si Sir Nathan, nakikipag-usap lang ako nilalandi ko na agad. Ayoko naman na maging bastos sa harapan ni Sir Nathan."simangot niya.
Sabi ko na nga na ichismis nila ako dahil sa pakikipag usap ko kay Sir Nathan.
"Pero may iba pang kwento eh."
"Anong kwento ba?"
"May nakakita daw sa'yo na lumabas ka sa sasakyan ni Sir Waylen?"mahinang sambit ng kaibigan niya sa department nila.
Natahimik siya pero hindi siya nagpahalata. Medyo namutla siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Kinabahan siya bigla may nakakita sa'min? Paano? Eh, gabi na kaya iyon at mediyo madilim pa sa parti ng pinagbabaan niya sakin.
"Hindi ah!"kaila niya. "Nagsasalita pa lang si Sir Waylen, sa harapan umalis na ako sa loob."kabado niyang dagdag.
"Naiinis lang siguro sila sa'yo dahil kinakausap ka ni Sir Nathan at napapansin ka ni Sir Waylen, kahit na lagi kang pinapagalitan ayos lang kasi napapansin ka niya."Sabi naman ng Isa.
Ngumiwi siya. Pareho sila ng kaibigan niyang si Wenneth, mga siraulo.
"Bahala silang ichismis ako. Ang importante 'wag lang nila akong saktan o siraan sa manager natin. Dahil hindi ko na iyon mapapalampas pa!"sagot niya.
"Tama, Kaibigan ka namin kaya nandito lang kami sa lahat ng oras."sabi sa'kin ni Rosey ang kabatch ko sa trabaho.
"Salamat."ngiti niya.
Nagsibalikan na sila sa pwesto nila.
Tinuon niya lahat sa trabaho ang atensyon niya todo Iwas siya kay Panis na Ulam. Kapag nakikita na niyang papalapit sa pwesto niya agad siyang papasok sa stock room nila kunwari may kukunin na stock na wala sa display o kaya'y kukuha ng damit kunwari may dumi o punit at ipapasok sa stock room.
Umiiwas siya ng sobra kahit ang mapatingin o tumingin dito iniiwasan niya. Pero hindi niya ipinapahalata ang kaba na nararamdaman kapag malapit lang ito sa akin.
Kapag lunch break ko naman ay umuuwi siyang apartment nila. Doon siya kumakain agad din itong babalik sa Mall kung malapit na matapos ang breaktime niya.
Isang linggo siyang gano'n. Mainit maglakad sa tanghali pauwing apartment pero wala siyang choice kundi ang gawin iyon para umiwas kay Panis na Ulam.
Naglalakad na siya pabalik sa trabaho. Dumiretso siya sa toilet. Nagulat siya paglabas ng toilet ng mabungaran niya sa labas si Panis na Ulam. Tsk. Hindi ako magsasawang ipangalan iyan sa'yo. Bwesit ka! Sa loob-loob niya.
Hindi niya alam kung iiwas siya at babalik sa loob ng toilet o lalabas na siya magkunwari na lang na hindi niya ito na kita. Pero paanong magkunwari ako ng paglabas ko palang eh, ang mga mata namin agad ang nagtama. Magkukunwari ba akong bulag bulagan gano'n?
Sumimangot siya. Wala siyang ibang choice kundi ang maglakad na lang dahil malapit na Ang time break niya.
Bakit parang sinadya na walang taong magba-banyo ngayon. Kahit sa pagpasok ko kanina sa toilet eh, ako lang mag-isa. Wala din 'yong taga linis doon na nakabantay. Sinadya ba ng magaling na lalaking ito na paalisin ang mga tao?
No..sino naman ako para gawin niya iyon. Ano na naman bang nagawa ko at heto na naman siya ginugulo na naman niya ako. Ano pa bang parusa na naman ang gagawin niya sa'kin ngayo'y wala naman akong nilabag na bawal sa trabaho.
Dirediretso lang siya ng lakad pero ito sinasalubong niya ako at agad na hinaklit ang braso ko at ipinasok siya sa loob ng panlalaking toilet.
Nagulat siya ng sakupin niya agad ang labi ko. Malalim iyon at maalab. Kakaiba sa unang halik na iginawad niya sakin dati. Ito ba yung sinasabi ng kaibigan ko na parang vacuum kiss. Kasi iba ang paraan ng paghalik niya sakin eh.
Nakakarami na ito kaya iginalaw galaw niya ang ulo para patigilin ito sa pag halik sa kaniya.
Nanlalambot na Ang mga tuhod niya sa paraan ng pagkakahalik nito sa'kin. Kakaiba at parang nagugustuhan ko ang halik niya..Pero hindi tama ito. May fiancee na ito at hindi niya dapat ginagawa ito sa akin o sa kahit sinong babae dahil pagtataksil ito sa girlfriend niya.
"Iiwasan mo pa ako at hindi lang ito ang gagawin ko sa'yo."paos nitong sabi sa'kin.
Sinunggaban siya ulit ng halik at kinagat na naman nito ang pang ibabang labi niya. Napadaing siya sa sakit. Gago talaga ang lalaking ito. Pasalamat siya at binitawan na niya ang labi ko. Akala ko kakapusin na naman ako. Hingal na hingal siya at hindi makatingin ng maayos sa Boss niya.
Bakit niya ito ginagawa sakin. Ako na nga ang umiiwas bakit pa siya sunod ng sunod sakin. Nakakainis na siya. Mag-resign na kaya ako? Pero sayang naman ang trabaho ko. Hindi ko pa natupad ang pangako ko kay Nanay na maliit na tindahan. At wala pa akong isang taon dito eh.
Kaya ko to. Pakatatag na lang ako basta wala siyang masamang gagawin sakin magtitiis ako dito para sa pamilya ko.
"Go now!"Sabi nito agad naman siyang kumawala at patakbong umalis doon.
Nagtungo siya sa ibang toilet para tignan ang mukha at labi niya. Hilig niyang mangagat. Bampira talaga. Una matandang mangkukulam ang bansag niya pero mali pala siya. Manananggal pala, siguro pangit ito sa kampo nila sa kadilim. Gwapo lang sa araw at pangit sa Gabi..
Kung ano-ano na lang ang naiisip niya. Mukhang mabait naman ang Ina nito at hindi halatang mukhang mangkukulam. Maamo ang mukha ng Ina nito at may pagkamahinhin kumilos kaya bakit ko ito pinag-iisipan na mangkukulam..
Umiling iling siya. Malala na ang utak ko...