Wrong number
Excited ang kaibigan niya na mamili ng isusuot na damit sa party. Nandito sila ngayon sa Divisoria para magtingin ng susuotin nilang bistida. Nag text din siya kay Rocel at Erika sinabi na nasa divisoria siya kasama ang kaibigan niya.
Nasabi kasi ng kaibigan niya na every branch ay may party at sabay-sabay iyon sa sabado. Maagang magclose ang Mall, seven thirty daw ito magclose at eight PM ang start ng party. Pero hindi pala nila day off ngayon kaya hindi niya nakita ang mga ito.
May ganito palang party-party ang Mall. sa loob-loob niya.
Hapon na ng makauwi sila sa apartment nila. Simple lang ang bestida na nabili niya. Itong kaibigan niya ay super revealing ang damit na pinili. Ewan ko sakaniya bakit kailangan pa niyang magpasexy. Hindi porke Aattend din si Anton eh kailangan na niyang mag suot ng kaeksing damit. Parang porn star na ito eh. Dapat daw mag paempress sa manliligaw niya kaya dapat maganda at seksi siya.. E'di siya na ang may manliligaw. Pwe!!
Hindi siya sigurado kung makakapagsaya siya sa party since parang pakiramdam niya dumadami ang nagchi-chismis sa'kin na ibang nagtatrabaho doon sa Mall.
Hindi na sila friendly na gaya dati. 'Yong ibang kasamahan niya sa department nila ay parang pakiramdam niya mediyo lumayo sila sa'kin. 'Yong kabatch lang niya at 'yong Isa pa ang close parin sakin at wala sila paki sa chismis na kumakalat sa buong department dito.
Nalulungkot siya sa nangyayari. Kasalanan 'to ng lalaking iyon. Kung sana hinayaan na lang niya ako. Dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ginagawa ni Sir Waylen ito sa akin.
Hindi ko makakalimutan 'yong huling halik niya sakin sa banyo ng mga lalaki. Kakaiba iyon at nagustuhan ko talaga. Tama ang kaibigan niya. May iba't ibang klase pala talaga ng halik at parang tatlong klase na ang naranasan ko kay Sir Panis na Ulam.
Kailangan na alisin ko sa isipan ko na hindi tamang magpahalik sa lalaking hindi mo naman nobyo o Asawa. Hindi ako pinalaki ng magulang ko na basta-basta na lang babastusin ng kahit na sino. Sana Jesus Christ, tumigil na ang boss ko sa ginagawa niya sa akin.
Ginagawa ko naman na maayos ang trabaho ko. Hindi ko naman siya pinapansin na at iniiwasan ko na talaga siya. Pero bakit nagagalit parin kapag iniiwasan ko. Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko Jesus Christ.
****
Araw na ng selebrasyon nila sa Mall, dinala na nila iyong mga damit na susuotin nila para hindi na sila umuwi pa sa apartment nila.
Naiilang siya dahil sa mga mapanoring tingin ng ilang mga katrabaho nila sa akin. Wala naman akong ginawang masama ah. Alam naman ng nasa department namin na todo Iwas ako sa boss namin. Anong ikinaiinis nila sakin. Isa lang naman akong hamak na probinsiyana para pag aksayahan nila ako ng inis.
Sabi ng kaibigan kong si Wenneth, hayaan ko lang daw sila dahil inggit lang ang mga 'yan dahil hindi daw sila pinapansin ni Sir Waylen.
Hindi naman kasi importante sakin kung pansinin ako ni Panis na Ulam o hindi dahil hindi ko naman pinangarap na pansinin ako ng lalaking iyon.
Ewan ko nga kung bakit panay lapit nito. Noong pinapansin ko at binabati ito. Sisimangot siya sakin, ngayong iniiwasan at hindi ko pinapansin naiinis at nagagalit parin. Malala na, may saltik na siya Jesus Christ.
Mag simula na ang party
Bawat department pala ay may mga lamesa na nakalaan. Kaya hindi kami magkasama ng kaibigan ko sa iisang lamesa. Pero ayos lang dahil malapit lang naman ang lamesa nila sa pwesto namin. Okay, na 'yon.
Dalawa lang ang nakakausap ko sa grupo namin. Na kahit ang mga lalaking kagrupo nila ay parang lumayo na din ang loob nila sakin dahil siguro sa tsismis. Pati 'yong dalawang bakla sa grupo namin ay panay irap nila sakin. Peborit ko pa naman sila dahil nakakaaliw sila kasama. Hindi na lang ako kumikibo.
"Alam mo frenny, napapansin kong panay irap nila sa'yo dito sa grupo mo? Ganyan ba ang sinabi ng ibang department sa mga kagrupo mo ang irap irapan ka?"Inis na sabi ng kaibigan niya na hindi niya namalayang nasa lamesa na pala nila ito.
"Iyon nga din ang nasa isip ko eh. Kalalaki pa man din nila makairap sila halatang halata ang inis na ipinapakita pa talaga nila kay Brigitta."sabat naman ng Isang kaibigan niyang si Jela.
"Imbes na magsaya sana kami dito hindi na kasi parang nasa lie detector kami na kung magkamali kami ng isasagot ay kukuryentehin nila kami."simangot namang parinig ni Rosey.
"Matanong ko nga kay manager Leila at sa management kung required ba iyong mga ganitong ugali na imbes magsaya eh, parang sasabak sila sa giyera dahil hindi napapansin ni Sir Waylen."parinig pa ni Wenneth.
"Umasta kasi sila akala nila pagmamay-ari nila si Sir Waylen, lalo na iyong nasa mga ibang department. Naalala ko Wenneth, noong bumati ka kay Sir Waylen, inaway ka. D'ba kwento mo iyon dati. Mga mapag angkin nilalang na kala mo sa kanila Ang Mall at si Sir Waylen."natawa ang tatlong kaibigan niya.
Pero ako tahimik lang na kumakain habang nakikinig sa sinasabi nila malakas ang boses nila dahil mediyo may kalakasan din ang tugtog sa loob.
"Hoy Brigitta, pakain kain ka nalang diyan. Ichichismis na naman iyan Ng mga kagrupo mo na patay gutom ka!"pasaring pa ng kaibigan ko sa kagrupo namin.
"Wala akong pakialam libre naman ang pagkain kesa masasayang at itapon lang e'di kainin na lang."balewala niyang sagot.
"That's my frenny. Basta wala kang ginagawang masama sa mga kagrupo mo tuloy lang ang pagkain inom din ng tubig pag may time."halakhak nito.
Pati mga kaibigan niya natawa na din sa kalukuhan ni Wenneth.
"Tama siya Brigitta. Ako nga malaki ang bag kong dala para makapagtake out ako ng pagkain."bulong naman ni Rosey.
Kamuntik pa siyang mabulunan sa ibinulong nito. Bwesit na ito. Humagikhik lang ito at sinimulan na din ang kumain.
Hindi na nila pinansin ang kagrupo nila at silang tatlo lang ang nagkukwentuhan. Binaliwa na din niya ang mga pasaring nila. Naging comfortable siya dahil walang Panis na Ulam ang dumalo dito sa party namin.
May mga awarding pa pala at palaro pero hindi ako sumali. May mga pa-raffles pa sila. Kaya doon siya sumali. Libre naman iyon at isulat lang ang pangalan.
Excited silang tatlo kasi naman ang laki ng grand winner sa raffle draw lang iyon. Twenty thousand pesos ang mapanalunan. Ang first prize ay Ten thousand pesos, second prize ay refrigerator, third prize ay TV naman na twenty four inches. Fourth and Fifth ay both brand new cellphone.
Jesus Christ kahit ano lang diyan ang mapanalunan ko ayos na sakin. Pwede din kahit cellphone na lang. Sa loob-loob niya.
Inuna na nila ang mga awarding at pa-raffle draw bago ang kasiyahan ng lahat. Hanggang Eleven lang ang party dahil may trabaho pa kinaumagahan.
Lahat ng nabigyan ng parangal na mga empleyado ay pinalakpakan niya lahat. Pati ang kagrupo niyang may award din ay tudo suporta parin siya dito. Nag-congrats pa siya sa katrabaho niya kahit dedma siya nito. Ayos lang dahil hindi naman ako galit sa kanila.
"Friend ito na. Pa-raffle na, excited na ako. Kahit cellphone lang."excited na sabi ni Jela.
"Oo, ako din kahit cellphone lang ayos na."sagot ko naman.
"Ako sana kahit ten thousand pesos lang o kaya'y twenty thousand pesos."hagikhik ni Rosey. Nagkatawanan silang tatlo.
"Ayan na, cellphone na ang itatawag nila. Sana naman God ibigay mo na samin ang libreng pa-raffle na ito."malakas na panalangin ni Jela.
Wala silang pakialam sa mga kasamahan dahil may kanya-kanya din silang retwal para mabunot sa raffle.
"Ang maswerting makakakuha sa brand new phone ay......Rosey Macayan... Congratulations!"
Napasigaw kaming tatlo dahil sa pagkatawag ng pangalan ng kaibigan namin.
"Wow... congratulations. Tayo na ng makuha muna ang bagong selpon mo."tulad pa sa kniya ni Jela.
"Huwag mo akong itulak."saway naman nito. Natatawa na lang siya.
Medyo nawawalan na ako ng pag-asa dahil Ten thousand pesos na ang sunod na ipamimigay. Mahina siyang nanalangin kahit pera na lang Jesus Christ. Pero nagulat siya ng sumigaw ang kaibigan niyang si Wenneth.
Ang saya naman siya ang nakakuha ng first prize na Ten thousand cheque. Pinalakpakan niya ang kaibigan.
"Pakain ka mamaya!"sigaw naman ni Jela. Congratulations naman ang isinigaw ko sa kaibigan.
Ayon hindi na siya umasa na mabubunot siya last na raffle na kasi iyon. Inatupag na lang namin ang bagong cellphone ng kaibigan namin. Ang ganda ng phone na napanalunan nito.
Tumahimik ang buong venue ng nagsimula ng itawag ang nabunot nilang makakakuha ng grand prize. Ang swerte ang mananalo kung sakali.
Nagulat ako ng yugyugin ako ng dalawa kong kaibigan.
"Ikaw...Ikaw ang nabunot Brigitta. Omaygad!"tili ng dalawang kaibigan niya..
"Miss. Brigitta Usoro. The grand winner of Twenty thousand pesos cheque. Congratulations."palakpakan Ang mga tao.
Masayang masaya ang pakiramdam niya ng siya ang nabunot. Niyakap pa siya ng kaibigan niya. Bago pumuntang harapan. Hindi na niya inalinta ang mga bulongan ng ilang empleyado. Basta masayang saya siya at Siya ang nabunot.
Nag congratulations lahat ng nasa harapan at kinamayan ako. Nagulat pa siya ng yakapin siya ni Ma'am Cromwel. Bumulong ito ng congratulations. Yumukod siya bilang pag galang at pasasalamat na din bago bumaba na sa stage.
Dali-dali siyang naglakad palapit sa lamesa nila.
"Congratulations friend ang swerte mo. Ikaw pala ang dapat magpakain."natatawang sabi ni Jela. "Parang ako lang ang hindi nabunot ang pangalan ah."maktol pa nito.
"Ayos lang iyan may nobya ka namang mayaman eh."Sabi naman ni Rosey.
"Hoy anong mayaman. Mayaman lang siya sa hotdogs at itlog. Nakakaumay na din kaya."simangot niya.
"At least 'no may natitikman ka kesa sa amin ni Brigitta."sagot naman ni Rosey.
"Dibale pwede mo hawak hawakan ang cellphone ni Rosey. At tara sa Starbucks hindi pa ako nakaranas nagkape doon."mahina niyang sabi sa mga kaibigan.
"Ako din. Isama niyo ako ah."hirit pa ni Rosey.
"Kaming dalawa lang."sabat ko naman.
"Ay madaya."nguso ni Rosey
"May cellphone ka na. Diyan ka nalang magkape sa cellphone mo."pabalang naman na sagot ni Jela.
"Sama nito."
"Tatlo tayo para walang tampororot. Basta 'yong mura lang. Ang alam ko kasi pang-rich kids lang ang Starbucks eh."para silang baliw na nagbubulungan na tatlo. Para walang makarinig sa amin.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasaya ng mag alok si Wenneth ng alak sa amin. Mahina ako pagdating sa alak. Madali akong mahilo kahit anong klase ng alak. Pero pinilit nila ako. Kaya hindi na ako nakatanggi pa.
Naiihi siya kaya nagsabi siyang magbanyo muna siya. Pinahawak niya kay Wenneth ang bag niya dahil nandoon ang cheque niya sayang iyon kapag nawala.
Kabisado naman na ang toilet dahil ang dalawang kaibigan ay nauna na kisa sakin nagbanyo. Nasalubong ko sila sa malapit sa toilet. Nagtanong sila kung hihintayin nila ako sabi ko 'wag na at mauna na sila.
Cellphone lang niya ang hawak at nilagay niya iyon sa may loob ng bra niya. Maliit lang naman kaya hindi mahahalatang may cellphone doon sa dibdib niya.
Nagulat siya ng paglabas niya ng toilet may tumakip sa bunganga niya at hinila siya sa gilid. Nagpumiglas siya pero malakas ang taong dumakep sakin. May mga kasama itong mga babae. Dahil naririnig ko ang boses nila hindi lang niya mabosesan ang mga ito.
Kinakabahan siya sa ano mang mangyari sakanya at kung ano ang gawin nila sakin. Sana pala nagpahintay na lang ako sa mga kaibigan ko.
Jesus Christ please Ikaw na po ang bahala sakin. Nanlaban ako pero sinuntok ng isang kasamahan ng dumukot sakin ang aking tiyan halos mawalan ako ng hininga sa ginawa nito. Namilipit siya sa sakit. Mag asawang sampal pa ang ginawad nila sa akin at napadaing ako sa sakit. Nalasahan pa niya ang dugo sa labi niya at halos mabingi siya sa lakas ng pagsampal sa kaniya.
Hindi ko sila maaninag dahil may kadiliman at ang flashlight na hawak nila ay hindi nakatutok sakin. Pinaghandaan ba nila ito? Pero sa anong dahilan at ginagawa nila ito sakin.
Kinaladkad nila ako pababa ng hagdan at hindi niya alam kong saan siya dadalhin ng mga ito. Sobrang natatakot at kinakabahan siya sa anoman ang masamang gawin nila sakin. Please Jesus Christ iligtas mo po ako sa kapahamakan.
"Please po wag niyo po akong saktan. Nagmamakaawa po ako sainyo."pagmamakaawang sabi niya sa mga ito.
Pero humalaklak lang sila at sige parin ang hila nila sakin. Hindi niya alam kong saan siya dadalhin ng mga ito.
Akala niya ang Boss lang niya ang masama pero pati pala ang ibang tao na nakapaligid sakin ay masasama din at handang gawan ako ng hindi maganda kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Saan kaya nila ako dadalhin? Please po Jesus Christ maawa ka po sa'kin wala po akong alam na kaaway o nasaktan para gawin nila ito sakin. Mabuti po akong tao at wala po akong ginawang masama sa kapwa ko.
Napaluha na lang siya ng mas hilahin pa nila ako at nasasaktan na ang braso ko sa paraan ng paghila nila sakin. Kunti na lang matatanggal na ang braso ko.
May naririnig siyang tunog na parang may binubuksan silang pintuan na bakal dahil sa tunog. Ikukulong ba nila ako? Pero bakit? Paraan saan at sino sila bakit nila ginagawa ito sakin. Please Jesus Christ tulungan mo po ako parang awa mo na po. Ayoko pa pong mamatay.
Napasigaw ako ng tinulak nila ako papasok sa napakadilim na kwarto. Ewan niya kung kwarto ito. Mabaho at marami siyang nakapa na kung ano anong mga bagay sa sahig. Bumangon ako agad kahit masakit ang balakang para habulin ang papasarang pintuan.
Pinilit niyang hilaing ang busol ng pintuan pero mas malakas ang nasa labas at agad nila itong nilock sa labas. Kinalampag ko ang pintuan pero wala akong napala. Hanggang sa napagod na lang ako sa kakalampag ng pintuan. Natatakot siya na baka kung anong meron dito at baka dito na rin ako mamamatay kapag walang tutulong sakin.
At paano ako makakahingi ng tulong at kanino kung nandito ako sa napakadilim na lugar at nakakatakot sobrang baho pa. Napasigaw siya ng may naririnig siyang kaluskos sa loob at mga huni. Tumigil siya sa kakasigaw at kakaiyak para hindi ako mapansin ng kung ano mang meron dito sa loob.
Pakatatag ka Brigitta. Kaya mo 'yan. Wag kang papatalo sa emotion at kahit anong bagay. Magpokos ka para makagawa ka ng paraan at makaalis ka dito sa mabahong Lugar na ito. Pagpapalakas niya sa sarili.
Ilang oras na siyang nakatayo at nag iisip kung anong dapat kung gawin ng maalala niya ang cellphone sa may dibdib niya. Doon pala niya nilagay kanina. Agad niya iyong kinuha at hinanap niya 'yong number na bigay sakin ni Sir Nathan. Mas sure na matutulungan siya nito agad kesa sa kaibigan na mauuna muna ang dada at pagtatanong ng kung ano-ano bago ka matulungan. Dagdag stress lang iyon..
Sana Jesus Christ may signal please. Pinindot niya ang cellphone at tinignan ang mga number sa contact list niya. Mabuti na lang talaga at na-isave niya 'yong number bago siya umattend ng party. Kung sana mas pinili na lang niyang wag na umattend ng party at hindi nalang nakinig sa kaibigan ay hindi sana ito mangyayari sa akin. Ayos lang na hindi ako nanalo, mas importante naman ang buhay at kaligtasan ko.
Mediyo mahina ang signal pero nagriring naman ang cellphone nito. Ring lang ng ring ito. Tulog na kaya ito. Pero bahala na ito lang naman ang number na pwede niyang tawagan sa ngayon.
Nakailang tawag na siya ng biglang may sumagot sa kabilang linya kaya ito na ang pagkakataon niyang magsalita kahit na mukhang nasasaktan kasi umuungol ito sa kabilang linya. Nadisgrasiya din ba ito. Napanganga siya ng may umungol din na babae pareho silang umuungol na parang nasasarapan ang naririnig ko sa kabilang linya. "May pa oh yes yes darling aah ahh oohh!"ang naririnig niya, so maykasex ang Nathan na iyon. Hindi naman siya inosente sa ganoong bagay.
Pero kailangan niya ng tulong bahala na kung ano ang mangyayari basta need niya ng tulong. Kung nag-uungulan sila ng babae di sana hindi na lang nito sinagot. May pavirgin virgin pang nalalaman may kaungulan naman pala ito sa kabilang linya.
"Sir...sir Nathan."Sigaw niya sa kabilang linya."Tulungan mo po ako. Si Brigitta po ito.. please Sir Nathan nagmamakaawa ako sa'yo please tulungan mo ako. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama para ikulong nila ako dito sa mabahong Lugar na ito. Hindi ko po alam kung saan ito pero sigurado akong dito lang din po sa loob ng Mall. Please Sir Nathan. Tulungan mo po ako."mahaba niyang sabi.
Umiiyak na naman siya. Hindi na naman niya mapigilan ang sarili na umiyak. Sana tulungan niya ako. Wala na akong pakialam kung mabitin man sila kailangan ko ng tulong niya.
"F*ck!"nagulat siya sa sunod-sunod na mura sa kabilang linya.
Napatigil siya ng mapagtantong hindi si Sir Nathan ang kausap niya sa kabilang linya kundi si Sir Waylen aka Panis na Ulam. Mali ba ang number na tinawagan ko. Ito ang number na binigay ni Sir Nathan sakin eh. Wrong number ba ako. Pasaway na lalaking iyon ah.
"Where the f*ck exactly you are right now?! Sabihin mo ng mapuntahan kita agad."matigas na sabi nito sa'kin.
"H-hindi ko po alam Sir, nasa party po ako dito din sa Mall nag Cr lang po ako ng may tumakip sa bunganga ko at hinala nila ako. Hindi ko alam kung saan pero sa hagdan po nila ako idinaan at may Isang pintuan silang binuksan at dito ako kinulong."kinakabahan niyang kwento dahil si Sir Waylen naman pala ang number na binigay ni Sir Nathan.
"Wala silang ginawa sayo? Namukhaan mo ba sila? Bakit hindi ka humingi agad ng tulong? Sinaktan ka ba nila?"sunod sunod nitong tanong sakin.
"S-sinuntok po nila ako sa tiyan ng nanlaban ako at sinampal sa mukha."mahina niyang sabi at nagulat nanaman siya ng magmura ito.
"Stay there! Wag kang gumawa ng kahit anong bagay na ikakapamahak mo diyan. Don't call anyone. Naiintindihan mo ako?!"
"Y-yes sir."ayon lang at binabaan na niya ako ng tawag.
Siraulong Nathan de coco na iyon. Number naman pala ni Sir Waylen ang binigay sakin. Wala kasing name iyong calling card, number lang at 'yong logo ng Mall dito. Pinahamak niya ako dahil sa kaniya nagalit si Panis na Ulam sakin. Nasaktan at pinarusahan pa niya ako sa vacuum nitong labi.
Panay tawag ng mga kaibigan ko. Ayoko na madamay sila dito okay ng si Sir Waylen na lang ang magligtas sakin dito. Pero nakokonsensiya siyang hindi sila nirereplayan dahil baka nag-aalala na ang mga ito sakin.
Mahigpit kasing bilin sakin ni Sir Waylen na wag akong tatawag kahit na sino. Ipapaliwanag ko nalang sa mga ito ang nangyari sakin bukas.
Tinignan niya ang oras at ala una na ng madaling araw nangangawit kakahintay ng tulong mula kay Panis na Ulam. Naantok na rin siya idagdag pa ang mabahong lugar na iyon natatakot siyang umupo baka may mauupuan siya na mga daga. Naramdaman niya kasing may dumaan na daga sa ibabaw ng paa niya kanina.
Napatili na naman siya ng may kumagat sa hinlalaki ng paa niya nakasandal lang kasi siya. Nagtatalon siya sa takot na parang may naapakan pa siyang daga. Walang tigil siyang nagtatalon dahil pakiramdam niya madaming daga ang namamahay dito. Eh takot siya sa daga.
Asan na ba si Sir Waylen. Ang tagal naman. Mahihimatay na ako dito sa baho at takot sa mga daga. Bilisan niyo naman please. Kinalampag niya ang pintuan para malaman nilang andito ako. Kung sakaling hinahanap nila ako.
"Tulong! Uubusin na ako dito ng mga daga!"sigaw niya dahil kanina pa ako dito wala naman yatang may alam sa Lugar na ito dito sa loob ng Mall.
Sigurado siyang nandito lang siya sa loob ng Mall na ito. Dahil hindi naman nila ako sinakay ng sasakyan. Kinaladkad lang nila ako pababa ng hagdan.
Napagod na siya kakatalon dahil pakialam niya kapag hindi niya gagawin iyon susugurin siya ng mga daga nakakatakot ang tunog nila. Parang ang dami nila. Baka makakakuha ako dito ng sakit dahil napakabaho dito at hinala niyang sobrang dumi. Kapag nakagat pa ako ng daga dito hindi ko na alam pa.
May mga dala pa naman Ang mga daga na bacteria at virus baka mahawaan ako. "Please Panis na Ulam kahit bwesit na bwesit ka sakin at gano'n din ako sa'yo sana mahanap at matulungan mo ako. Huwag ka sanang tumigil sa paghahanap sakin. Tatanawin ko itong utang na loob sayo." Mahina niyang sambit sa sarili.
Ang ginagawa niya ay parang nagmamartcha siya taas baba ang kaliwa't kanan niyang mga paa dahil ayaw niyang lapitan siya ng mga daga. Ito na lang ang paraan para hindi ako lapitan. Mukhang Ang lalaki pa naman nila.
Napatalon na naman siya sa gulat ng may nahulog at dumapo sa ulo ko. Sumigaw naman siya sabay pampag sa ulo niya. Namutla na naman siya dahil hindi niya alam kung ano iyong dumapo sa ulo niya may nahawakan kasi siyang buntot. Ganito na lang ba ako pahirapan ng mga taong hindi ko naman ginawan ng masama. Parang torture ito sa akin.
Katapusan ko na yata ito. Hindi ko na kaya. Napapagod na ako. Pero kapag ramdam niya may lumalapit at dadapo sa paa ko napapatalon ako. Awang awa na siya sa sarili at hindi niya mapigilan na mapahagulhol. Akala niya ang Boss lang siya nakaranas ng pagpapahirap sakniya may mga ibang tao din pa pala na gagawin nito sa'kin.
Nakahinga siya ng makarinig ng tunog sa labas ng pintuan. Ibig lang sabihin na may tao na sa labas. Napatili na naman siya ng may kumapit na kung ano sa bistedang suot niya. Kaya nagtatalon at hinawasiwas niya ang laylayan ng damit niya. Napasandal siya sa hamba ng pintuan sa takot.
Hindi na siya makahinga at kanina pa siya kakasigaw at talon. Namamaos na ang boses niya at pagod na pagod ang pakiramdam niya. Ang tagal naman ng lalaking iyon. Hinahanap ba niya ako? Pwede naman siya tumawag dahil kanina ko pa naman hinihintay Ang tawag nito.
Nilabas niya ulit ang cellphone at tinignan ang oras. Mag alas dos na ng umaga ganito na siya katagal nakakulong dito. Napanganga pa siya ng makita ang mga miscalled. Apat na miss call kay Sir Waylen. Tumatawag na naman siya. Kaya agad niyang sinagot.
Hindi pa nga siya nakaka-hello. Sinigawan na siya nito agad sa kabilang linya. Kahit kunting pag-alala man lang sa boses niya sana para sakin pero wala. Aasa pa ba ako na maging mabait siya sakin syempre hindi!
Kakalampagin na ulit sana niya ang pinto ng bigla bumukas iyon. Akala niya mapasubsob na siya sa sahig ng may sumalo sakin.
Nakita niyang sa Panis na Ulam 'yong sumalo sa kniya hanggang sa nawalan na siya ng malay...