Chapter 19

2075 Words
Masaya Pagkatapos ng insedenteng iyon ay naging tahimik na ang paligid ng Mall. Wala ng nagpaparinig sakin pero 'yong kilos at mata nila nagmamatyag lang sila sa ichichismis nila sa group chat nila. 'Yong akala mong okay na ang lahat pero sa tahimik at private ka pala nila pinagchichismisan. Nag upgrade na dati maingay at nakakabingi ang pasaring nila. Ngayon naman tahimik at nakakabinging katahimikan dahil lihim parin nila akong pinagchichismisan. Wala akong pakialam. Wala naman akong mapapala at hindi naman ako yayaman. Mabuti na iyon kesa araw-araw mong maririnig ang masasakit na salitang binibitawan nila. Wala naman akong mapapala kapag sumagot sagot ako sa mga paratang nila. Mabuti ng tahimik na lang ako tatahimik pa ang buhay ko. Sila naman ang nagkakasala hindi ako. Kaya hayaan silang magchismis ng magchismis. Sabi nga ni rufa mae quinto "go go go! todo na to"nailing siya bigla ng parang pumasok sa tinga niya ang boses ng comedian actress. "Ang gaan ng pakiramdam ng wala kang naririnig na chismis ano, Brigitta."Sabi ni Jela. "Aysus maniwala ka diyan. Nasa messenger na sila ngayon doon na sila nagtatambay kada breaktime nila. Inuulam nila sa chismisan itong si Brigitta. Kasi takot silang masesante kapag may naririnig pang mga hindi magagandang salita sa kapwa nating empleyado dito."sagot naman ni Rosey. "Oo tama si Rosey, mararamdaman mo parin iyong mga mata nila. Yong paraan ng pagtingin nila sakin ando'n parin iyong pagkainis, galit, inggit, at kung ano-ano pa. Pero bahala sila sa buhay nila. Ang mahalaga ay pokos lang tayo sa trabaho."baliwalang sabi niya. "Paano mo alam na nasa messenger na sila nagchi-chismis Rosey?"usisa ni Jela. "Syempre narinig ng mala elepante kong tinga ang bulungan ng ilang katrabaho natin dito kanina sa locker room. Kunwari Iwas na sila kay Brigitta para hindi madamay pero sa totoo lang nag upgrade lang sila, doon na sila sa tahimik at walang nakakarinig sa kanila." Natawa sila ni Jela sa mala elepante niyang tinga. Sakto lang naman ang laki noon. "So tuloy parin ang chismis kay Brigitta kung gano'n? Wow malala na sila."bulalas ni Jela. "Hayaan niyo na sila. Mas okay nga iyon dahil hindi ko na maririnig. Masaya na ako doon. Nag upgrade sila. Maingay na naging tahimik. Mas mabuti iyon. Kawawa naman ang tinga ko kapag laging gano'n naririnig ko. Kaumay na!"sagot niya. "Ang bait mo lang talaga friend hindi ko nakikitaan ng galit o inis diyan sa mukha mo kahit inaalipusta ka na nila."Sabi ni Rosey. "Wala naman kasi magbabago kung sasagot sagutin ko din sila o ipagtanggol ang sarili ko. Mas lalo pa lalaki at lumala ang sitwasyon kapag pumatol ako. At saka kahit pumatol man ako o hindi meron at meron parin naman silang sasabihin tungkol sakin. Ide manahimik na lang ako. Basta kilala at alam ko ang pagkatao ko. Tuloy lang ang buhay. Mas masaya ang walang kagalit sa buhay."napatigil siya galit nga pala siya kay Panis na Ulam. Hindi na siguro iyon mawawala pa. "Kaya hindi ako nagdalawang isip na kaibiganin kita dahil napakabuti mong tao."Ngiti ni Jela. "Ako din. Gusto ko din iyong totoong kaibigan na walang halong kaplastikan."Sabi ni Rosey. "Ikaw lang ang plastic sa atin dito."sagot agad ni Jela. Tumawa siya ng makitang lumaki butas ng ilong ni Rosey. Ako din nakikita ko talagang mabuti silang kaibigan and nagpapasalamat ako sa kanila dahil may kaibigan na akong maituturing totoong pamilya ko dito sa manila sila nila Wenneth at si Rocel at Erika. Ang saya siguro kung magkikita kaming lahat at mag-outing sa Lugar namin maganda doon. Malapit kami sa dagat at ilog. Dahil pakiramdam niya wala ng banta sa buhay niya balik na ulit siya sa rooftop. Mas maganda kasi doon at tahimik. Para walang Nathan de Coco na bigla na lang magsasalita sa tabi ko. Para hindi na din kami makita pa ni Panis na Ulam na magkasama at magkausap na dalawa ni Nathan de Coco. At para hindi ko din makita ang lalaking iyon kahit sa lunch time ko man lang. Masaya siyang umupo sa dating pwesto niya at binuksan ang cellphone niya para matawagan ang pamilya niya sa probinsiya. "Hello Nanay."masaya niyang bati sa nanay niya sa kabilang linya. "Oh anak, kumusta ka diyan? Natanggap na pala namin iyon pinadala mo sa'min noong isang araw. Sobrang saya ng dalawa mong kapatid na lalaki may bagong cellphone na daw sila."masayang sabi ng Nanay niya. "At sobrang saya din ang bunso natin sa mga bagong damit na binili mo para sa kanila. Masaya kami sa pinadala mo anak. Sobrang Salamat anak. Hintayin mo mayang gabi at magtetext sayo ang mga kapatid mo. Wala pa daw kasi sila sim card."balita ni Nanay sakin. Napangiti siya sa sinabi ng Nanay niya. Salamat at kahit kunti lang naman 'yong pinadala ko masayang masaya na sila. Masaya na din ako dahil napasaya ko sila. "Ayos lang ako dito Nanay. Masaya ako dahil kahit papano napasaya ko kayo diyan. Sabihan mo silang dalawa Nanay na wag sila masyado magbabad sa cellphone at pokos parin sila sa pag-aaral at sa pagtulong kay Tatay sa bukid po."sagot naman niya. Nagulat nga ako ng makitang dalawang cellphone 'yong binigay ni Sir Nathan de Coco. Imbes na gagamitin ko 'yong Isa or ipalit ko sa luma kong cellphone minabuti ko na lang na ipadala na lahat ito sa probinsiya para sa mga kapatid niya dahil kapag nalaman iyon ni Panis na Ulam baka kung anong iisipin at gawin na naman nito sa'kin. Napabuntong hininga siya. Nakalimutan niyang kausap pala niya ang nanay niya. "May problema ka ba anak?"nag-aalalang tanong ng Ina niya. "W-wala po Nay, namiss ko lang po kayo diyan."pagsisinungaling niya. "Lalaki ba 'yang pinoproblema mo, Anak?" "Hindi po Nay."tanggi niya agad. "Namiss ko lang po talaga kayo. Ang tagal ko na dito halos mag isang taon na. Hindi ko na po kayo nakakasama sa lahat ng oras, ang kumain, magkwentuhan bago matulog dahil wala naman tayong TV, kumain at maglaba sa ilog at kung ano-ano pang bondingan nating lahat diyan. Namimiss ko na kayo pero tiis tiis na lang muna ako dito para lang din naman ito sa ating lahat."pinipigilan niyang wag maluha. "Namimiss kana din namin anak. Request nga pala ng bunso nating si Brigitte, ang TV daw kahit 'yong pinakamaliit na TV lang daw ang bilhin mo, anak. Gusto din daw niya kasi makanood kapag tapos na siya sa pag-aaral niya. Alam mo naman na minsan madamot ang kapitbahay natin. Minsan sinasaraduhan kami ng pintuan ng kapatid mo kapag nakikinood kami."malungkot na sabi ni Nanay. Naranasan ko na din iyon dati noong mga bata pa kami simula noon hanggang radio na lang kami nakikinig ng mga drama. Pati pala ngayon gano'n parin ang mga kapitbahay namin. Napailing siya. "Hayaan niyo po Nanay pag iipunan ko po iyan. Sabihin mo nalang po kay Rodel Nay, na magcanvas sa bayan kapag wala po siyang pasok at pagiipunan ko po iyon." "Sige anak. Sasabihin ko kay Rodel mamaya pag uwi niya. Mag-iingat ka diyan palagi ha." "Opo Nanay, sige po bye na po. Mag-iingat din po kayong lahat diyan. Love you all!"napangiti siya. In-off ulit niya ang cellphone para hindi siya matawagan ng Panis na lalaki. Isinandig niya ang likod sa pader sabay unat ng dalawang paa sa sahig. Tinaas niya ng bahagyan ang ulo niya at pumikit. Napamulat siya ng mata ng pakiramdam niya may nakatingin sa kaniya. Napalinga-linga siya sa paligid. Wala naman siyang nakitang kakaiba dito dahil ang ilang mga taong nakatambay dito ay may kanya-kanya din silang ginagawa sa cellphone nila o nagkwekwentuhan. Pinagkibit balikat na lang niya ito. Guni-guni lang siguro niya iyon. Niligpit na niya lahat ng pinagkainan niya at ang ginamit niyang upuan para makababa na. Naiihi na din kasi siya. Nagmadali na siyang bumaba ng hagdan ng may humila bigla sa kaniya. Nagulat siya parang ganito na naman noong may humila na naman sakin dati. Sa pangalawang pagkakataon heto nanaman ang lalaking ito. Kabisado na niya ang pabango nito. Magsasalita na sana siya ng biglang sakupin ng mapangahas na lalaki ang labi ko. "Uuhmm!"protesta niya. Pero mas pinailalim pa ng lalaki ang paghalik sa kaniya. Natuliro siya..Nalulunod na siya sa paraan ng paghalik nito sakin. Mapusok at malalim halos galugarin na ng dila nito ang loob ng bunganga niya. Malalasahan na niya ang ulam kong pritong galunggong sa bunganga ko. Nakakahiya. Gago kasing lalaking ito basta nalang nanghahalik. Kabisado niya ang labing ito dahil ito lang naman ang gumakagat kagat sa labi ko. Labi ng Panis na Ulam na hindi marunong humalik ng masarap na halik. Sobrang dikit na dikit na din ang mukha ko sa mukha niya dahil nakahawak ito sa batok ko. Halos lamukusin niya ang labi ko. Ito na naman ang halik niyang mapagparusa. Mahilig mangagat. Hanggang sa naging dahan-dahan na ang paghalik sakin at nagugustuhan ko na ang paraan ng paghalik nito. Nagagaya ko na din ang paggalaw ng labi nito at gustong gusto ko 'yong gano'n na galaw ng labi ni Panis na Ulam. Tumutugon na din siya sa halik nito. Parang mas ginanahan naman ang lalaking ito kaya mas lalong pinailalim ang paghalik nito sa'kin. Napayakap na din ako. Habang sumasabay sa galaw nito. Nang marealise ang ginagawa niya ay agad siyang bumitaw at tinulak ito. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Aalis na sana siya at iniisip na tatakbo ng mahawakan siya nito agad sa braso. "Tell me, bakit hindi ko makontak ang number mo? Nagpalit kana ng number mo para makaiwas sakin?"seryoso nitong tanong. "N-nasira po ang cellphone ko!"pagsisinungaling niya. Napakagat siya sa labi. "Liar!"galit nitong sabi. "Narinig at nakita kong may kausap ka sa cellphone mo! Ibig lang sabihin na totoo ang chismis sa mga empleyado na binigyan ka ni Nathan ng cellphone. At iyon ang ginagamit mo ngayon!"galit pa nitong sabi. So tama ang naramdaman niya kanina na may nakatingin sa kaniya. Ito pala ang lalaking nakatingin sakin kanina. Umiling iling siya agad. "Hindi po totoo iyon...I-ibig ko pong sabihin binigyan nga niya ako pero hindi ko po ginagamit. P-Pinadala ko po sa kapatid ko sa probinsiya."Yuko niya. "So anong kapalit ng ibinigay niya ha? Isang gabing magkasama sa kama gano'n ba?"sigaw nito. "Hindi po. Wala pong gano'n Sir."tanggi niya agad. Judgemental na lalaki. "So bakit hindi kita matawagan sa Cellphone mo?"galit na ulit nitong tanong. "Ayoko lang po na kausapin kayo! Hindi ko parin kasi matanggap ang ginawa mo sakin. Ninakaw mo ang lahat sakin. Alam mong wala akong kasalanan sa'yo. Pero basta-basta mo na lang akong ginawang mababang babae. Iyon na lang ang kayamanan na meron ako pero kinuha mo pa. Free pa! Nagagalit ako sa'yo dahil wala kang puso. Wala kang konsensiya. Wala kang....wala kang bayag!"umiiyak kong sabi sa kaniya. "Ginusto mong sumama so it's means gusto mo din ang ginawa ko sa'yo!"mariin nitong sabi. "Sumama ako pero hindi ibig sabihin na magpapagalaw ako sa'yo. Pinagbabantaan mo ako. Tinatakot mo pa ako. Alam kong mayaman ka, na kaya mong gawin lahat ng gusto mong gawin dahil may pera ka. Ako wala na kahit anong gawin ko kailangan ko parin na sumunod sayo dahil boss kita at kailangan ko ang trabahong ito. Sana...sana kahit kunti naging mabuti ka sakin."galit na umiiyak niyang sabi. "Akala mo naman hindi ka nasarapan sa ginawa ko sa'yo. Nag-enjoy ka naman d'ba?"pang-uuyam niya sakin. "Hindi ako nag-enjoy at hindi ka masarap. Nasaktan lang ako sa ginawa mo."sagot ko naman. "Bakit masarap ka ba? Hindi din naman!"inis nitong sabi sa'kin. "Hindi ko sinabing masarap ako. Ang sinasabi ko lang ay hindi ka masarap, malaki lang iyang saging mo pero hindi masarap!"nakita niya itong napanganga sa sinabi ko at nandilim ang anyo ng mukha nito. Natakot ako bigla sa sinabi ko. Nang makakuha siya ng pagkakataon agad siyang tumakbo sa hagdan na siya dumaan pababa. Habang mabilis na naglalakad sa hagdan gano'n din kabilis na tumulo ang mga luha sa mata mga niya. Hindi niya namamalayan na umiiyak na pala siya. Tumigil siya sa third floor nagpahinga kunti sa hagdan naupo siya doon na hapong hapo. Nang mediyo nahimasmasan na ay nagtungo na siya sa locker room nila para ilagay ang gamit at diretso na siya sa banyo. Dapat pala sinampal ko pa ito dahil nagkalakas loob na akong sagutin siya kanina para kahit papano mailabas ko iyong galit ko sa kaniya. Pero mabuti na din 'yong hindi ko ginawa dahil baka mas mahirap ang balik sakin. Baka totohanin nito ang banta niya sakin. Ayoko ng mapasukan Ng saging na mataba nakakatakot baka ikamatay ko na ng tuluyan. Sa loob-loob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD