Chapter 18

2411 Words
Tuloy ang buhay Isang araw lang siya nag-absent. Kahit may lagnat pa siya ay pumasok parin siya. Para naman hindi unfair sa ibang empleyado na nagpapakahirap tumayo maghapon habang ako pahiga higa lang eh, pareho parin daw kami ng masasahod. Pumasok ako sa locker room ang daming empleyado doon. Nakita ako ni Rosey, agad akong nilapitan at niyakap. Pero agad din itong lumayo at idinantay ang palad sa noo at leeg ko. "Halla ka, may lagnat ka bakit pumasok ka parin? Sana nagpahinga kana muna baka mabinat ka."nag-aalalang sabi nito. "Ayos lang ako. Lagnat lang naman ito. May dala akong gamot ko."tipid siyang ngumiti dito. "Nastress siguro iyan dahil sa chismis na natatanggap mula sa ibang katrabaho natin. Kaya siya laging nagkakasakit."rinig niyang sabi ng Isang katrabaho. "Kawawa naman kahit siguro ako magkakasakit kapag ganoon mga maririnig kong chismis. Baka magb*gti na siguro ako."Sabi pa ng Isa. "Tsk! deserve niya iyon."sabay tawa Ng isa pa. "Grabe ka naman maka-deserve. Isa ka siguro sa naiinis saknya dahil ganyan ang sinasabi mo!"sabat ni jela sa mga ito. "Bakit nasasaktan ka? Totoo naman eh, deserve niyang machismis dahil napakalandi naman talaga niya!"sigaw na ng babaeng iyon. Gumawa na ito ng eskandalo. "Kayo ang malalandi! Hindi lang malandi, inggetira pa kayo! Nakita niyo lang nakausap niya si Sir Nathan or Sir Waylen, malandi na siya. Ang sabihin mo sobrang inggit niyo lang dahil kahit gaano pa kayo magpaganda o magpapansin sa kanila hinding hindi kayo papansinin. Kaya makachismis kayo wala naman kayong solid na ebidensiya at puro kathang isip niyo lang. Masyado kayong judgemental!"sikmat naman ni Rosey. "Aba, mayayabang na kayo porke nakakausap yang kaibagan niyo ang mga Boss natin. Ano ha! Kumakampi kayo sa babaeng malandi na iyan? Para ano? Para pati kayo maambunan ng kalandian niya?"lakas ng boses nitong sabi. Hindi siya sumasagot dahil wala siya mood at wala siyang oras makipag away sa mga walang kwentang mga tao. Tama ng si Panis na Ulam lang ang problemahin ko. Bahala na ang mga ito kung ano gusto nilang sabihin sakin. Humalaklak ang dalawa niyang kaibagan. Pero tunog sarkastik iyon. "Wala pang chismis noon tungkol sa kaniya ay magkaibigan na kaming tatlo. At for your information miss. Magas, wala kaming paki kung pansinin kami ng mga Boss natin o hindi. Ang pinunta kasi namin dito ay trabaho at hindi ang magpapansin sa mga Boss natin. Gusto niyo lang naman magpaisa kay Sir Waylen, diba? Kase yummy siya, yummilicious pa nga ang tawag niyo diba?"mapang-uyam na sabi ni Jela. "Sumusobra ka na ah! At hindi ako Miss. Magas. Reyes ako!"inis nitong sabi. "Alam ko. Mas bagay kasi ang Miss. Magas sa'yo. Magaspang ang mukha."matapang na sabi ni Jela. Susugurin sana nito si Jela ng sumigaw na din si Rosey. "Sige subukan niyong saktan kami. Baka nakakalimutan niyong may CCTV camera dito. Ayaw niyo naman sigurong mawalan ng trabaho d'ba?"sigaw naman ni Rosey. Gigil itong tumigil sa pagsugod sa mga kaibigan ko. "Magsama sama kayong hampas lupa kayo!"sabay labas ng locker room. "Hampas lupa ka din pareho lang tayo ng mga trabaho uy! Wag kang umastang Reyna dito Miss Magas!"sigaw ni Jela. Nagkatawanan ang ilang katrabaho nila. "Salamat!"mahina niyang sabi. "Alam niyo na kung may masamang mangyari samin sa labas alam niyo na kung sino ang mga gumawa noon."Sabi ni Jela sa ibang katrabaho nila. "Hindi niyo na lang sana pinatulan kasi."sabi niya. "Nako! Hindi lahat ng oras ay pwede silang magsiga-siga dito. Totoo naman ah. Naiinis sila dahil pinapansin ka ng mga Boss natin. Pero alam din namin sa department natin kung gaano mo sila iniiwasan. Alam naming hindi ka nagpapapansin o lumalandi sa mga Boss natin. Kami ang nakakaalam dahil kagrupo ka namin. Ewan ko ba sa ibang kagrupo natin na kinain na din ng chismis utak nila."parinig niya sa mga katrabaho nila. "Bunganga mo Jela. High blood ka masyado."Natatawang sabi ni Rosey. "Gigil nila ako eh! Akala mo sila ang boss kung makaasta sila. Tara na ngang department natin. Oh, ilock mong mabuti ang kabinet natin Brigitta baka maglagay pa sila ng patibong diyan sa mga bag natin."natawa nalang siya sa sinasabi nitong si Jela. **** Naantok siya sa trabaho. Ang bigat bigat pa ng pakiramdam niya at ang katawan niya gusto na niyang mahiga sa kama at matulog. Muntik pa siya matumba kanina mabuti at nakahawak siya sa pader. Nanghihina pa ang mga tuhod niya kaya parang walang lakas na nakatayo at magtrabaho. Nasa tabi siya nakasandig sa pader dahil pakiramdam niya matutumba siya. Nagulat pa siya ng may nagsalita. Bumuntong hininga siya. Magugulatin na talaga ako. "Hey Dora, are you okay?"bungad ni Nathan de Coco. Tumingala siya at nakita niya ito at bahagyan pa siyang napanganga ng makitang kasama nito si Panis na Ulam. Matiim itong nakatitig sakin. Kaya imbes na sumagot ako mabilis akong umalis doon at nagtungo sa stock room. Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito sa'kin. Ayaw ko itong makita muna galit pa ako sa lalaking iyon. At Iwas na din ako kay Sir Nathan. Sumilip siya sa labas kung wala na sila ng makitang wala na sila ay agad na din siyang lumabas. Nagkagulatan pa sila ng Isa niyang katrabaho. "Sorry."Sabi niya at tumalikod na. Kailangan na niyang mag-out. Kaya nagtungo na siya sa locker room. Lihim siyang napasimangot ng andoon ang mga Magas. Nagaya ko na si Jela. Kaya imbes na umalis ay nagdiretso siya sa lagayan ng bag nila ng mga kaibigan niya at kinuha ang baon niya. Hindi niya pinansin ang pasaring ng mga ito. Aalis na sana siya ng harangan siya ng Isa sa kanila. Ito ang siga-siga dito kanina na makasigaw akala niya pagmamay-ari niya ang Mall. "Umiiwas ka?"mapang-uyam nitong sabi sa'kin. Pero hindi ko pinansin. Hindi rin ako sumagot. Hahakbang na sana siya ang harang ulit siya. "Ano bang problema mo sa'kin? Kita mong umiiwas ako sa gulo d'ba?"mahinahon niyang sabi. "Oh, wow marunong ka palang magsalita."halakhakan sila sa loob. Ang malas ko naman ngayong araw na ito sa loob-loob niya. "Natural may bunganga ako. Hindi lang ako pumapatol sa mga kulang sa aruga ng Nanay nila."sagot niya. Nagulat siya ng itulak siya nito na out balance siya kaya napaupo siya. Idagdag pang mahina pa ang katawan at may sakit pa siya. Natural na wala akong lakas. "Napaka lampa mo naman pala!"tumatawang sabi nito. Dahan-dahan siyang tumayo pero tinulak ulit siya nito at akmang sasabunutan siya ng may nagsalita sa pintuan. Gulat itong tumayo ng maayos at lumingon sa pintuan. "S-sir W-waylen."mahintakutin nitong bigkas. "I said what happening in here?"galit nitong tanong. "W-wala po S-sir. T-tinutulungan ko lang p-po siyang t-tumayo."kandautal nitong sabi. Sumama agad ang timpla ng mukha ni Sir Waylen, pagkarinig nito sa sinabi ng katrabaho niya. "Alam niyo ang ayaw na ayaw ko d'ba? Ayaw ko ng mga nang-aapi ng kapwa katrabaho niyo. Ayoko ng sinungaling at higit sa lahat ayoko ng mga empleyadong kinukunsinti ang ibang katrabaho na gumawa ng masama. Now you all fired!"sigaw ni Sir Waylen. "Hindi na kayo natoto. Ang titigas ng ulo niyo. Now that my Dad give me a permission to fire employee, tatanggalin ko lahat ang mga empleyadong alam kong hindi nila deserve magtrabaho dito. Now get out!"sigaw niya. "I said get out now. Take all your things and out!"sigaw niya. Nataranta ang mga ito at natakot sa sigaw ng demonyong ito. Ngayon may sisingilin na naman siya sakin. Dahil ano? Dahil na naman sa niligtas ako. Pero dapat lang naman na pagalitan niya ang mga ito pero sana hindi niya tinanggal. Pakiramdam ko ako ang may dahilan na naman ng pagkakatanggal nila gaya sa nauna. Ngayon andami nilang natanggal. Pito yata sila lahat. Iba't ibang department pa iyon. Naririnig kong umiiyak 'yong iba dahil biglaang ang pagtanggal sa kanila. "You!"turo niya sakin. "Alam mong may sakit ka bakit ka pa pumasok?"sikmat nito. "M-maayos po ako kaninang umaga, pero bumalik lang iyon lagnat ko kanina."mahina niyang sabi na hindi tumitingin sa Boss nila. "Tsk! Go home. Never comeback until you get well. Kapag hindi mo sinunod ang utos ko baka pati Ikaw tatanggalin ko din!"malakas nitong sabi sa'kin. Lagi na lang nakasigaw. Nakakabingi na. Hindi na naawa sa lalamunan niya. Sumimangot siya. Nakita niyang lumapit si Wenneth, tinulungan niya akong tumayo. "Ayos ka lang? Deserve nila ang matanggal wag ka ng makonsensya."bulong niya sa akin. "Salamat. Uwi na muna ako. Rinig mo naman ang sinabi ni Sir Waylen." "Oo, hatid na kita baka anong gawin nila sayo sa labas. Out ko naman na. Kunin mo na ang mga gamit mo at tara na."tumango naman siya. Umiiyak ang mga itong umalis sa locker room. Wala naman siya magawa. Bakit kasi kailangan nilang manakit eh, umiiwas na nga ako. Ayan tuloy ang napala niyo. Hindi ko na iyon kasalanan pa. Wala na si Panis na Ulam sa pintuan. Siguro bumalik sa opisina nito or sa opisina ng Ina niya para ibalita ang nangyari or ibalita ang mga tinanggal nitong mga empleyado. Magpapahire na naman ito ng bagong empleyado. Kaya kailangan na magpagaling siya para maging maayos niya ng mabuti ang trabaho niya dito. Tama si Wenneth nasa labas nga ang mga empleyado na tinanggal ni Panis na Ulam. Nakatambay sila sa waiting shed sa de kalayuan dito sa Mall. "Teka tawagan natin si Anton para may kasama tayong dalawa. Madami sila dalawa lang tayo. Just in case na baka may gawin silang hindi maganda o baka sundan nila tayo. Ayokong malaman nila ang tinutuluyan natin. Mukhang makakagawa pa naman sila ng masama sa itsura palang nila."Sabi nito. Tumango na lang siya. Dahil wala siyang lakas tumanggi o ano pa man ang gusto na lang niyang mangyari ay makauwi na siya sa apartment nila. Naghihintay sila kay Anton ng biglang may sumabunot sakin kaya napasigaw ako. Ang lakas ng pagkakahila nito sa buhok ko. "Nang dahil sa'yo kaya kami natanggal. Ito na lang ang paraan para kahit papano makaganti ako sa'yong malandi ka!"sigaw nito. "Wala akong kasalanan saiyo! Binatawan mo ako."pilit niyang inaalis ang kamay nito sa buhok ko. Tinutulungan din ako ni Wenneth pero malakas talaga ang babaeng ito. "Guard, guard tulong!"sigaw ni Wenneth. "Tulungan mo kami!" "Hoy babae tama na iyan. Kasalanan niyo kaya kayo natanggal wag mong isisi kay Brigitta." "Dahil saknya kaya kami natanggal kung magsinungaling na lang sana siya na natumba at tinutulungan ko maayos Sana ang lahat. Kaya ito ang dapat sa babaeng ito."sabay hila nito ng malakas ang buhok ko at napasigaw na ako sa sakit. Si Wenneth naman ay tinadyakan nito ang tiyan ng babae kaya nabitawan niya ang buhok ko dahil paniguradong nasaktan ito. Nakita niyang nagsisugudan na din ang kasamahan nitong natanggal. Iyong Isa agad na sumugod sakin mabuti at nakaiwas ako. Pero nakalmot nito ang braso ko. Napangiwi siya sa hapdi ng nakalmot nitong braso ko. Nagsitigil lang sila ng may nagpito. Nagsitakbuhan ang mga ito pero naharang sila ng mga tauhan ni Sir Waylen. "May araw ka din sakin malandi ka!"masamang tingin ang iginawad niya sakin. "May gana kapang magbanta Gaga ka. Hindi niya kasalanan kung bakit kayo natanggal dahil bully kayong magkakaibigan sa loob. Salamat nga kami dahil natanggal na ang mga bully. Deserve niyo yan!"galit na sabi ni Wenneth. "Sinaktan mo na nga siya sa loob pati ba naman dito sa labas. Bakit saknya ka gaganti kung si Sir Waylen naman ang nagtanggal sa'yo. Nakita niya ang ginawa mo. Kung hindi lang kayo tanga nakalimutan niyong may CCTV sa loob and everywhere."dagdag pa ni Wenneth. "Wenneth tama na yan.Tara na."pagsasabat niya. "Kaya tama ako na may masama kayong binabalak kay Brigitta. Mabuti na lang talaga at nandito pa kami kung hindi baka kinuyog niyo na kaming dalawa habang naglalakad sa daan." "Ayos na kayong dalawa?"bungad agad ni Anton. Nag-aalala itong nakatingin kay Wenneth. "Ang tagal mo. Sinabi ko na ngang emergency. Ide sana hindi nasaktan ang kaibigan ko."inis niyang sabi kay Anton. "S-sorry Wen, may emergency meeting kasi kami kanina."apologetic nitong sabi. "Palinis mo muna 'yang kalmot mo sa clinic."Sabad ni Sir Waylen na kanina pa pala ito nandito. Ngayon lang niya napagtanto iyon. Nadampot na nila ang mga ito at naisakay na sa sasakyan ng mga pulis. Hindi niya namalayan na nandito din pala ito. Baka ito din ang tumawag ng pulis para ipadampot ang mga tinanggal nitong empleyado "Opo."sagot niya agad para wala ng maraming sasabihin at para maiwasan pa niya ito. "Samahan mo ako Wenneth."sabay hila kay Wenneth sumunod naman si Anton samin. "Araw-araw na lang laging may masamang nangyayari sakin.Malas ba ako dito sa Mall?"tanong niya sa mga ito. "Hindi ah! Parang salamat nga sayo dahil natanggal na ang madalas ireklamo ng ibang empleyado dati. Kaya hindi ka malas. Ikaw ang nagpapaalis sa mga malas na empleyado dito sa Mall."natatawang sabi ni Anton. "Nakokonsensiya ako. Ayoko naman na matanggal sila. Ako na Ang umiiwas pero nilalapitan parin nila ako para asarin at pagsabihan ng hindi magaganda."simangot niya. "Kaya deserve nilang matanggal. Wala kang kasalanan at wag kang makonsensya diyan!"sagot naman ni Wenneth. "Yes she is right!"Sabad naman ni Anton. "And sorry na late ako. Hindi ka sana nasabunutan at nakalmot. Iyan oh, pwede ng tulugan ng mga ibon 'yang buhok mo."biro pa nito. Agad naman niyang hinaplos ang buhok niya at magulo nga iyon. Nahiya siya bigla. Tumawa naman si Wenneth. "Puro ka kalukuhan."natatawang sabi ni Wenneth. "Magulo naman talaga 'yong buhok ko. Masakit pa ang ulo ko. Parang bumaon ang kuko ng babaeng iyon sa anit ko." "Patingin mo mamaya sa nurse."sagot naman ni Anton. "Hi Miss Usoro. Long time no see."masayang bati sakin ni Glenda, pagkadating nila sa clinic. "Oo nga Miss Glenda."tipid niyang ngiti. "Ipapagamot namin 'yong kinalmot ng babae sa kamay niya paki-check na din kung may sugat sa ulo niya dahil sa pagsabunot ng babae sa buhok niya."Sabad ni Anton. "Kailangan ba sabihin mo pa iyan lahat."simangot ni Brigitta. "Syempre para wala nang maraming tanong at ng makauwi at makapagpahinga kana. Mahalaga ang kalusugan natin. Kaya kung alam mong masama ang pakiramdam mo wag ka ng pumasok pa."seryoso nitong sabi. "Opo Lolo."mahina niyang sabi. Humalaklak naman si Wenneth sa sinabi ko. Matapos siyang gamutin ay hinatid muna siya ng mga ito. Nasayang ang baon niya natapon sa loob ng eco bag at naghalo na ang mga laman ng nasa loob ng bag niya. Kaya nagtake out na muna sila ng pagkain niya bago umuwi sa apartment. Agad din silang bumalik sa trabaho dahil marami pa daw gagawin si Anton at late na si Wenneth. Nagpasalamat muna siya sa mga ito at hinatid sa pintuan bago ko iyon isinara ng mabuti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD