Chapter 15

2469 Words
Very thankful Brigitta Pagkapasok palang niya sa loob ng apartment sinalubong siya agad ng yakap na mahigpit ang kaibigan niya. Pero kumalas siya agad. Dahil alam niyang napakadumi niya. "Huwag mo muna akong yakapin madumi pa ako. Maliligo lang ako saglit."at agad ng umalis sa harapan ng kaibigan na nagtataka. Mamaya na lang siya magkwento dito. At Jesus Christ, maraming salamat sa pinadala mong tutulong sakin kahit ibang tao ang may ari ng number na natawagan ko. Salamat parin at niligtas niya ako. Kahit hindi pa siya maayos sinabi naman ng nurse na pwede akong maligo. Kaya agad akong kumuha na ng mga damit at agad nagtungo sa banyo para maligo. Guminhawa ang pakiramdam niya ng matapos na siyang maligo. Lumabas na siya ng banyo at nakitang nakaupo sa kusina ang kaibigan tahimik na parang ang lalim ng iniisip. Pagkakita sakin ay agad itong lumapit at ininspeksyon niya ang mukha ko katawan at sa iba't ibang parte na ng katawan ko. Pero natigil siya sa mukha ko. "Anong nangyari sa'yo? Sobra kaming nag-aalala kagabi sa'yo. Hindi halos ako makatulog at ayaw pa sana namin umalis sa Mall dahil baka ando'n ka lang. Kung saan-saan ka namin hinanap nila Rosey at Jela kasama na si Anton. Hanggang sa palabasin na kami ng security guards dahil kami na lang ang tao doon sa loob."naluha na ito sa sobrang pag-alala sakin. Naguilty siya na hindi niya ito kinuntak ng oras na iyon baka kasi mas lalong magkagulo. Kilala ko siya kaya tamang si Panis na Ulam na lang ang natawagan niya. Kahit ang alam niya noong una ay si Nathan de coco. Pinagbintangan ko pa nga ito. Si Sir Waylen lang pala iyon. Nangiwi siya ng maalala 'yong ungol nito. Gago iyon iparinig ba naman sakin. Bahagyan pa siyang namula. "Sorry at napag-alala ko kayo ng sobra."nanubig ang mga mata niya dahil kahit papano may nagmamahal parin at nag-aalala saknya na hindi niya nakita sa Boss nila. Imbes maawa siya sakin mas lalong nagalit pa siya sakin. Kaya lumapit siya dito at niyakap ito ng mahigpit at humingi na naman siya ulit ng pasensiya. "Saan ka natulog kagabi at sino kasama mo?"usisa nito. Umiling siya. "Hospital ako natulog kagabi."mahina niyang sabi. "ANOOO!"sigaw niya na gulat na gulat. "Kaharap mo lang ako makasigaw ka wagas nakakabingi!"Sabi niya at agad naupo sa plastic na upuan sa harap ng lamesa sa kusina nila. "Bakit sa hospital ka natulog? Magkwento ka. Masyado mo akong pinag alala bruha ka!" "Sana talaga nagpahintay na lang ako kina Rosey at Jela noong tinanong nila ako kung hintayin nila ako. Sana hindi nangyari iyon sakin. Sana hindi ko naranasan ang ganoong paghihirap at sana hindi ko naranasan ang nasuntok at nasampal. Kilala mo ako wala akong kaaway na kahit na sino. Wala akong sinasaktan at inaagrabyadong tao. Hindi ako mapagpatol. Alam mo iyan!"umiiyak na siya. "Kaya ba may pasa ka sa pisngi at sugat na naman sa labi mo? Akala ko kinagat ka na naman ni Sir Waylen at may kasamang pananakit sa'yo. May pasa kapa sa braso mo."nag-aalala parin nitong sabi sa'kin. Umiling na naman siya. "Hindi. Siya ang nagligtas sa'kin. Pero imbes na maawa siya sakin hindi mas nagalit pa siya noong sinundo niya ako sa hospital at hinatid dito. Ang dami niyang paninisi sakin."malungkot niyang sabi. "Siya ang nagligtas sayo? Paano?"curious na naman ang kaibigan niya. "'Yong number na binigay ni Sir Nathan de coco sakin kay Sir Waylen pala iyon. Kaya iyon ang tinawagan ko. Naistorbo ko siya kaya galit na galit sa akin."yumuko siya ng maalala na naman ang narinig ko. "At ngayon Nathan de coco na ang tawag mo kay Sir Nathan."tumawa ito. "Hilig mo talaga magbansag ng kung ano-anong pangalan e, 'no!" "Kahit sa pamamagitan man lang ng pag-iiba ko ng pangalan nila doon lang ako makaganti at mailabas ang inis sa kanila."simangot niya. "Okay! So, balik tayo sa nangyari sa'yo. Anong eksaktong nangyari?"usisa pa nito. "Paglabas ko ng toilet may tumakip sa bunganga ko. Hindi ko makita ang mga iyon dahil nasa likuran ko sila. Nanlaban ako pero sinuntok ang tiyan ko at sinampal ako ng pagkalakas lakas na halos mabali na ang leeg ko. Tapos kinaladkad nila ako pababa ng hagdan at kinulong ako sa mabaho at maduming kwarto. Akala ko katapusan ko na dahil pakiramdam ko wala na akong pag asa na makaligtas doon hanggang sa maalala ko na nasa dibdib ko 'yong cellphone ko. Ang una kong nasa isip ay si Nathan de Coco, Sabi niya sa'kin itago ko daw 'yong number na binigay sakin para pag may mangyari na masama sakin tatawagan ko ang number na binigay niya. Pero kay Sir Waylen pala iyong number."mahaba niyang salaysay. "Ang sobrang ikinatakot ko ay ang mga pagkagat sakin ng mga daga. Akala ko katapusan ko na talaga. Sobrang natakot ako. Kapag hindi ako gumalaw lalapitan nila ako. Hindi ko alam kung bakit nakikita nila ako eh, ang dilim naman ng kwartong iyon. Sumakit na lang ang lalamunan ko kakasigaw dahil sa mga dagang iyon."sobrang naawa siya sa sarili noong gabi na iyon. Nangiwi naman ito sa kwento ko. Niyakap siya ng kaibigan. "Pasalamat na lang tayo at ligtas kana. Salamat na rin kay Nata de coco dahil binigyan ka ng number, dahil kapag ako ang tinawagan mo baka bukas patay kana sa loob at pinapak ka na ng mga daga eh hindi pa kita natulungan."alo niya sakin. Kumalas siya ng maalalang hindi pa ito pumapasok ng trabaho. Late na siya. "Hindi ka ba papasok anong oras na?"pag iiba niya sa usapan nila. "Mag absent ako ngayon dahil sa pag-aalala sa'yo. Hindi ako mapakali kanina pa dahil hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Pero thanks God walang masamang nangyari sa'yo at ligtas kana." Nasa boses talaga nito ang pag-aalala sakin. At naappreciate ko iyon ng sobra. "Thank you at sorry dahil pati Ikaw na damay at nag alala pa sakin. Hindi yata ako nababagay dito sa Manila. Mag abroad na lang kaya ako?"tanong niya sa kaibigan. "Wag mo naman akong Iwan dito. Magpapakasal pa ako kailangan nandito ka katulong ka sa kasal ko."hagikhik nito. "Abay mas maganda sabihin dahil iyon naman talaga ang Tagalog ng bridesmaid. Abay na babae. Wag mo akong gawing katulong mo!"natatawa na niyang sabi. "Oo na nga lang! Pero kinikilig ako ang sweet din pala ng mokong na iyon. Sana gano'n din si Sir Waylen sa'yo!"bungisngis naman nito. "Sira! Wag muna ako idamay may fiancee na iyong tao."simangot niya. "Ito naman nagbibiro lang eh."Tumayo na ito at nagtungo sa kalan. "Anong gusto mo palang kainin. Kumain ka ba sa hospital bago ka umuwi dito?"tanong ng kaibagan. "Hindi eh. Pagkadating ni Sir Waylen, umalis kami agad sa hospital. Wala man lang katamis tamis sa katawan. Puro na lang kaalatan ang meron siya. Biruin mo pagpasok palang niya sa loob ng kwarto ko nagsungit siya agad. Makabulyaw wagas!"simangot niya. "Hayaan mo na at least niligtas ka niya. Kaya dapat grateful ka parin kay Boss."Sabi naman ng kaibigan. Alam naman niya iyon. Umasa lang kasi siya na pakitunguhan siya ng maayos dahil sa nangyari. Kung tutuusin nga hinila niya dahil sa lalaking iyon kaya nagawa nilang akong ikulong. Narinig ko kasing sabi ng Isa na nilalandi ko si Sir Waylen. Sana talaga itigil na nito ang paglapit sakin. Baka sa susunod p*****n na nila ako..Nako Jesus Christ wag naman po sana. *** Balik trabaho na siya at hindi naman daw siya nahawaan ng bacteria o virus ng mga daga. Salamat Jesus Christ. Pagkakita sakin ng dalawa kong kaibigan sa department namin ay agad nila akong niyakap. "Pinag-alala mo kami ng husto. Dibale natanggal at nakulong na ang gumawa ng masama sayo."yakap ni Rosey sakin. "Oo. Dapat lang naman iyon. Wala ka naman ginagawang masama sa kanila pero ginawan ka nila ng masama."dagdag pa ni Jela. "Paano niyo nalaman iyan?"takang tanong niya. "Binalita ng manager natin noong Isang araw pa!"si Jela. "Dapat talaga hinintay ka namin noong gabing iyon. Hindi sana kami nakampanting safe ka doon dahil nasa loob naman tayo ng Mall. Pero kahit pala dito may mga nagkalat na masasamang loob din pala."Sabi ni Rosey "Kaya dapat wag kang mag-isa na lalabas o mamasyal mas maganda iyong may kasama ka parin."dagdag pa nila. "Salamat sa inyo at sorry dahil pati kayo napag-alala ko din. Tara na sa department natin."sabi na lang niya para matapos na ang drama. Gusto ko na kasing kalimutan ang nangyaring iyon sakin. Kapag palagi ko lang iyon iisipin baka mabaliw na ako. Kaya kailangan ng libangan para mawaglit ang masamang nangyaring iyon sakin. Hindi dapat ako magpatalo sa takot walang mangyayari sakin kapag mas inaalala ko ang mga bagay-bagay na nakakastress sakin. Magpokos na lang ako sa trabaho ko at ang goal na gusto ko ang pamilya ko at kay Jesus Christ. Isima na rin ang totoong mga kaibagan ko. Medyo tahimik ngayon Ang mga chismosang mga katrabaho niya at wala silang imik at tahimik lang sila pero ang mga mata naman nila ang gumagana ngayon. Gaya ng lagi niyang ginagawa ay hindi niya pinapansin ang mga ito at dedma lang siya. Iwas gulo at away. Pasalamat din siya dahil walang Panis na Ulam ang nagroronda ngayon. Sabi ng kaibigan kong si Wenneth kanina may mga meeting daw ito sa iba't ibang branch ng Mall dahil na din sa insedenteng nangyari daw sakin at ayaw na nitong maulit pa iyon. Nakichismis na naman ito kay manager Leila, panigurado. Sa labas ng Mall siya kumain sa may park garden sa likod ng Mall. Tinuro sa'kin ito ni Wenneth noong Isang araw. Hindi pa niya kasi nalilibot itong Mall na ito. At hindi niya alam na may park garden dito. Noong nagtanong ako dahil ayaw na muna niyang magtambay sa taas natatakot pa siyang mag-isa na pumunta doon. At least dito madami ang tumatambay. Ang ganda din pala dito mahangin at maganda, maaliwalas sa paningin, malinis super greeny Ang ganda ng pagkakagawa at pagkakaayos ng mga halaman at mga Bermuda grass. May mga family din na kumakain at nagtatambay doon mga nakalatag ng mga banig na plastic. Hindi naman daw bawal iyon. Para daw 'yon sa mga gustong mag unwind dito at magrelax may mga upuan at lamesa pa. Nagkalat din sa gilid ang mga pahabang upuan. Malawak dito at ang ganda magpapicture. Pero iyon nga lang walang camera ang cellphone ko. Magkakaroon din ako next time. Sa ngayon ipapadala ko na lang muna kay nanay ang perang napanalunan niya sa pa-raffle nila noong anniversary ng Cromwel Mall, para masimulan na ni Nanay ang magtayo ng munting tindahan. Ang kapatid na lang niya ang maglakad sa bir para sa business permit ni mother. Salamat Jesus Christ talaga at ako ang nabunot. Pumwesto siya sa medyo gilid na upuan at doon kumain. Habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa playground ng pambata. Ang sarap maging bata. Noong mga bata pa kaming magkakapatid sa bukid na kami madalas maglaro ng mga kapatid ko. Sa Silong ng mayabong puno ng acacia kapag tanghali at pag sumapit na ng dapit hapon balik ulit kami sa pagbubunot ng damo sa tanim namin na mais. Kahit ganoon ay masaya parin ang kabataan namin. Hindi man kami namulat sa mga mararangyang laruan damit at sapatos ay ayos lang dahil masaya naman kami sa anong meron kami sa buhay. At meron kaming mapagmahal na mga magulang. Kaya gagawin niya ang lahat mapabuti lang ang pamilya ko. Tapos na siyang kumain ng may tumabi sa upuan niya. Hindi niya ito pinansin dahil nakatingin siya sa mga batang naglalaro. Pati siya napapangiti sa mga hagikhikan ng mga bata. Ang cute nila. "Ahemm...."bigla siyang napalingon. Nang makita na si Nathan de Coco ay sumimangot siya. "Aren't you happy to see me?"nakangiti nitong tanong. "Kumusta ka?" "Nakakainis ka! May pafriend friend ka pang nalalaman diyan! Iba naman pala iyong number na binigay mo. Pinagkamalan pa kitang sinungaling hindi pala Ikaw 'yong may ari ng number na tinawagan ko!"simangot niya. Humalaklak ito. Kaya hinampas niya ito sa balikat at pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Nabitin mo pa siya diba?"halakhak na naman nito. Napanganga naman siya sa sinabi nito. Bahagyan pa siyang pinamulahan. Kaya agad siyang tumalikod dito. Mas lalo naman itong humalaklak ng makitang namula siya. Mapang asar din ito eh. "Nakakainis ka naman kasi. Malay ko bang nag-uungulan sila ng babaeng kasama niya. Akala ko pa naman nadisgrasiya din ito dahil umuungol. Hindi naman pala."inis niyang sabi. Humagalpak na naman ito ng tawa. Hinarap niya ito at isanamaan ng tingin. "Pahamak kang Nathan de Coco ka!"sikmat niya. Napatigil ito sa tinawag ko sa kaniya. "Hoy Dora, Wag mo akong gawin nata de coco. Hindi ako pang fruit salad o pang halo-halo. Inosenti pa ako!"natatawang pakli nito. "Wala akong paki!"sabay tingin sa phone niya. May ilang minuto pa bago matapos ang breaktime niya. "Why don't you want to buy a new phone?"agad na tanong ni Nathan. "Wala pa ako pera sa ngayon. Tsaka pwede pa naman itong phone ko ang importante lang naman sakin ay ang matawagan ko ang pamilya ko sa probinsiya."baliwalang sabi niya. Maayos pa naman ang cellphone ko ah. Bago pa nga ang casing nito. Tsaka matibay at maayos pa naman. Hindi nakakahiyang gumamit ng cellphone na ganito. Nawala lang ito sa uso pero hindi ibig sabihin na nakakahiyang gumamit nito. Minsan nang sumikat at milyon ang bayad ng cellphone na ito. Kaya bakit ko ikakahiya. "I have my old phone in my condo later ibibigay ko sa'yo. Hindi ko na iyon ginagamit masasayang lang naman doon."Sabi nito. "Nako wag na utang na loob ko pa iyon sa'yo. Itago mo nalang."tanggi niya. "I insist! Kesa masayang. Kung ayaw mo gamitin ipamigay mo na lang sa mga kapatid mo. May kapatid ka naman siguro ano?"tanong nito. Tumango lang siya. Bahala na kung maalala niyang ibigay ide thank you. Kapag hindi thanks narin at least nag-offer ng cellphone pero name nga lang hindi actual cellphone. Sa loob-loob niya. "Oras labas mo mamaya para ipasuyo ko kay guard para hindi ka pagchismisan ng katrabaho mo. I know you don't like gossiping especially if this is about you. I understand."Sabi nito. "Nine o'clock. Salamat pero baka malaman ni Sir Waylen, magagalit na naman iyon sakin."nag-aalala niyang sabi. "Hayaan mo ang lalaking grumpy na iyon. At saka malalaman niya kapag sasabihin natin na dalawa."tawa nito. Kaya natawa na din siya. Tama naman ito. Hindi nito malalaman kung hindi namin sasabihin sakanya. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil tapos na ang break time ko. Tumayo na din ito at sabay na kaming pumasok sa Mall. Hindi nila napansin ang taong nakamasid sa kanila dahil masaya silang nagkwekwentuhan. Ayaw daw nito sa tawag kung Nathan de Coco. Dahil para lang daw sa babaeng pinakamamahal niya ang katawan nito. Natawa ako na lang ako sa pinagsasabi. Hindi porke Nathan de coco na ay kakainin na siya ng mga tao. Baliw lang din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD