Chapter 9
>
Eto ako ngayong abala sa pag iispy kay Marcus, naglalakad siya at ako eto parang tangang ewan na sunod ng sunod tas patigil tigil, tapos biglang magtatago, baka kasi lumingon siya sa likod na di malabong mangyari diba? Edi mahuhuli ako kung ganun man,
Hanggang sa nakita ko siyang sumakay ng taxi. "Oh No maiiwan ako kailangan ko siyang masundan!" at buti naman meron din agad akong naparang taxi. Agad agad ko itong pinara. "Manong, sundin niyo po yung taxing yun oh." sabay turo dun sa taxing sinasakayan ni Marcus. "Okay miss"
"Sige po, pakibilisan lang kailangan ko lang po kasi yung mahabol." binilisan naman ni Manong ang pagdadrive, bali saktong magkalapit lang taxing sinasakyan ko at taxing sinasakyan ni Marcus. At nung tumigil na yung taxing sinasakyan niya pumara nadin ako.. Siyempre di muna ako lumabas baka kasi makita niya ko, pumasok siya dun sa isang flower shop! "Emegerd, mukhang manliligaw siya ah.!"
Inabot ko na yung bayad tsaka bumaba na nung taxi. Hindi nako pumasok dun sa pinasukan niyang flower shop, mahirap na baka kasi madakip niya ko. Magagalit na naman yun. Matiyaga lang akong nagmamachag dito sa labas at tinitignan ang bawat tao na palabas. Salamin naman kasi yung pinto kaya makikita kaagad kung sino ang taong palabas. Nung nakita ko si Marcus na palabas na dali dali akong nagtago. Oh my ! May dala dala siyang boquet of flowers ngayon, Ang ganda! Kanino niya kaya balak ibigay to, dun siguro sa nabanggit niyang girl kanina na nakababatang kapatid lang daw ang turing sakanya. Kawawa naman tong si Marcus mukhang gusto niya yun. Kaso siya talagang hanggang doon lang siguro ang turing niya dito kay Marcus. Gusto ko siyang tulungan pero dapat makilala ko muna yung girl na yon.
Anyway patuloy lang ako sa pagsunod sakanya hanggang sa pumanta siya dito sa isang park, "Ang gara ah, ang gara naman ng meeting place nila.”
Bakit kaya dito ang rendezvous nila? Nagtatago lang ako dito habang pinapanuod siya, umupo siya dun sa isang bench at parang mejo balisa he keeps on fidgeting, kinakabahan siguro siya kung dadating ba yung girl o hindi? Sana nga dumating kawawa naman kasi si Marcus kung nagkataon na hindi siya sumipot. Tingin lang siya ng tingin sa watch niya. Tapos tatayo maglalakad tapos uupo ulit tapos, tatayo at maglalakad ulit. Anu ba Marcus, ako tong nahihilo sayo eh. Kahit nga ako inip na inip na eh. Ang tagal naman kasi nung babae 7 na ng gabi wala padin siya, nawala na tuloy ang mga tao dito sa park. Sana nga sumipot naman siya... Nang mejo tumagal tagal na sa wakas! Dumating nadin yung girl! After 32 years.
halata ngang hindi siya interesado kay Marcus, kung interesado naman kasi talaga siya. Pupunta naman siya on time. Naawa lang siguro kay Marcus, naisip niya siguro na baka naghihintay padin siya which is na di malabong gawin ni Marcus mahal niya eh. Lumapit ako ng bahagya sakanila dun sa may bandang likuran nila para kahit papano may marinig naman ako sa pag uusapan nila. Bahala na, chismosa na kung chismosa.
>
"Buti dumating ka." hahalikan ko na sana siya sa pisngi pero bigla niya kong pinigilan, umilag siya. "Please Marcus Stop it."
"Ah okay, para sayo pala." inabot ko sakanya yung flowers na binili ko kanina.
"Para saan to?" inaabot ko sakanya ngunit hindi niya to kinuha, tinignan niya lang.
"Para sayo. Ayaw mu ba?"
"Bat may pabulaklak ka pang nalalaman. Anu ba kasi magtatapat ka na naman ng nararamdaman mo kaya ka pumunta dito, Marcus listen, naaawa nako sayo, actually wala nakong balak siputin ka ngayon eh, kaso kilala kita, sigurado kong maghihintay ka, Ilang beses ku bang sasabihin sayo, na kapatid lang ang turing ko sayo. Ayaw kitang saktan pero. Paulit ulit nalang kasi. Talagang kapatid lang ang turing ko sayo." Hindi ako makasagot sa sinabi niya, eh ano pa ngang masasabi ko, eh wala pa man nga akong nasasabi, Nireject na niya agad ako, ang sakit lang ayaw niya talaga sakin.
"Hindi na ba pwedeng magbago yun Ynna? Mahal kita. . "
"Marcus, Mahal din naman kita, kaso kapatid lang ang turing ko sayo. Masaya naman tayo diba kahit ganun lang."
"Ayaw muba dahil matanda ka sakin ng limang taon?"
"Hindi yun ganun Marcus, Wala talaga akong nararandaman sayo." Ang sakit, parang piniga ang puso ko pagkasabi niya nun, Ilang beses nakong nareject pero eto parin ako hindi padin sumusuko, Mahal ko siya. Kahit alam ko na awa lang kaya sinisipot niya padin ako. Explain lang siya ng explain pero di ko yun pinakikinggan kinukulit ko parin siya, pero nagpapasalamat padin ako dahil di niya parin ako iniiwasan, dapat ko na bang itigil to? Pero ayaw ko eh. Masakit. Kinuha niya yung flowers pero biglang binalik niya ulit to sakin.
"May ibang mas deserve sa pagmamahal mo Marcus. Yung mahal mo siya at mahal ka niya at hindi ako yun kaya tanggapin mo nalang ha. May ibang laman ang puso ko, kaya sana maintindihan mo, High School ka palang, madami kapang mahahanap na iba. Gwapo ka, matalino, marunong kumanta, madiskarte, nasayo na ang lahat. Pero last na to ah, pag di kaparin tumigil, hindi na kita susuputin sa susunod at baka hindi narin kita kausapin." Naramdaman kong pumatak ang mainit na luha sa king mga mata. Ayaw niya talaga. Ang sakit. Sh.t! Hindi ako makapag salita diretso lang ang tingin ko sakanya habang umiiyak, may iba pala siyang gusto..
"Promise me, last na to, magkaibigan padin tayo wag kang mag alala." tsaka niya hinawakan ang mukha ko.
"Tsaka may sasabihin ako sayo Marcus, malapit nadin akong umalis dito sa Pilipinas, pupunta nako ng Canada para doon na magtrabaho." Nagulat ako dun, "Huh, aalis ka?"
"Oo, kaya itigil muna to ha, wag kading umiyak, hindi pa naman end of the world eh. Promise me may mahahanap kapang iba. Sige alis nako gabi na eh. Alis kana din, gabi na, baka hinahanap kana sa inyo."
"No sige umalis kana." hinawakan niya yung mukha ko tsaka niya ko hinalikan sa noo.
"Paalam baby boy." Talagang hanggang nakababatang kapatid lang ang turing niya sakin.. Umalis na siya at ako naiwan dito na shocked, ang sakit, kung yung dati natitiis kupa pero yung ngayon mas lalong naging masakit, kasi reject na reject talaga ako, ayaw niya talaga akong maging boyfriend. Napaupo ako ulit dito sa isang bench, nakapanlalambot, aalis nadin pala siya, tapos nagpaalam na tapos may iba siyang gusto! Lalong bumilis ang pag agos ng luha sa mga mata ko, iyak lang ako ng iyak, ang sakit kasi. Pero bigla nalang may tumabi sakin. Sino to?
>
Aww, parang nanlambot ako sa mga nakita at narinig ko at the same time naawa, ang masungit at emo na si Marcus, umiiyak, kawawa siya. Kaya siguro palagi itong Emo dahil palagi siyang basted. Hindi mo naman masisisi yung girl dahil wala naman kasi talaga siyang nararamdaman para dito kay Marcus kapatid lang talaga ang turing niya dito. Lumapit ako sakanya, bahala na kung mabigla at magalit man siya, wala akong pake dahil alam ko na kailangan niya ng taong masasandalan ngayon, wala naman kasi siyang kaibigan na pwedeng gumawa nun kung hindi lang yung babae kanina, sad dahil siya yung dahilan. At ako lang ang masasabing kaclose niya.
"Uyy, tahan na." mukhang gulat na gulat siya pagkakita niya sakin at dali dali niyang pinunasan ang mga luha niya sakanyang mga mata.
"Bakit andito ka? Wag mung sabihing sinundan moko?"
"Ganun na nga."
"Alam mo kaya ka napapahamak dahil sa ugali mung ganyan eh. Bakit mu naman ako sinundan!"
"Marcus sorry na, mabuti nga na nasundan kita eh, kailangan mo kasi ng masasandalan ngayon. Brokenhearted ka eh.."
"So narinig mo ang lahat?"
matagal muna bago ako sumagot. "Hm. Oo. Ayos kalang ba?"
"Hindi."
"Okay lang yan, tama naman yung sinabi niya eh. Madami kapang mahahanap."
"Psh! Yeah. Yeah. It's Okay! Because it's not happening to you!" galit siya sakin eto na nga ba ang sinasabi ko.
"Sorry." tsaka ko siya yinakap, mukhang nagulat siya.
"Alam kong kailangan mo to, kaibigan mu naman na ako diba? Alam ko masakit. Sige lang umiyak kapa."
"Bitawan muna nga ako." bumitaw ako sakanya at tumingala, tumingala ako dahil ang tangkad niya kasi, "Ayos kana?"
"Mejo."
"Gusto mubang mawala yang sakit na nararamdaman mo?"
"Pano naman?"
"Kumain kanang ice cream."
"Tsk, ano ako bata? Kakain lang ng ice cream mawawala na lahat ng sakit."
"Seriously, effective siya, ganun yung ginagawa ko pag depressed ako eh, nakakagaan kasi sa pakiramdam, eventually ok kana pagkatapos mong kumain."
"Ewan ko sayo,."
"Tch, tara try natin kasi!" hinigit ko siya sa kamay. "Hoy Anu ba! Bitawan mu nga ko."
"Tara bili tayo Ice cream, don't worry libre ko. Wag kanang maarte."
eventually wala na din siyang nagawa kung hindi ang sumunod, pumasok kami sa 7-11 para dun bumili, "Anong gusto mong flavor."
"Wala akong gusto.”
"to naman! Libre ko na nga ayaw mupa, eto nalang!" tsaka ko kinuha tong chocolate flavor ganun nadin yung kinuha ko para sakin. "Eto nalang ha?"
"Psh, Bahala ka.." pumunta nako dun sa counter para bayaran na pagkatapos kong barayan, yayain ko na sana siyang lumabas pero bigla niyang sinabi na.
"Wait, dito muna tayo."
"Bakit?"
"Gusto kong kumain."
"Ano naman ang kakainin mo?"
"Edi pagkain, dami jan oh!"
"Pano tong ice cream?."
"Problema ba yan edi kainin din."
"Sige na nga." pumasok kami ulit dun sa loob, kumuha siya ng cup noodles, "Anong gusto mong flavor?"
"Ahm beef nalang." tsaka niya kinuha yung beef flavor.
-----
Umupo na kami dito para kumain ng binili naming cup noodles. Kakain na sana siya pero pinigil ko siya.
"Wait, pano tong ice cream?"
"Mamaya nalang yan."
"Edi matutunaw, kainin muna natin bago ang noodles tignan mu oh, malambot na."
"Tsk, sige na nga." binuksan na namin yung ice cream namin, nakakadalawang scoop palang yata ako pero siya dami na niyang nakain.
"Anu ba, dahan dahanin mu naman."
"Dami mu talagang arte, ayokong kinokonti konti ang pagkain eh, para ka talagang bata."
Tsk, mga lalaki talaga ang bilis bilis kumain.
"So pano pala kayo nagkakilala nung girl. Anu kasi Name niya?"
"Ayaw ko ngang sabihin. Ynna name niya."
"Nice, infairness ang ganda niya ah. Bakit ayaw mu namang sabihin! Nakakainis ka naman eh. Kaibigan naman kita diba?"
"Ok sige sasabihin ko na, pero wag kanang matanong pagkatapos nito, nakilala ko siya dahil katrabaho niya yung kuya ko. Tapos palagi siyang na sa amin, kaibigan din kasi siya ni Kuya, kaya naging kaclose ko siya, pero bigla nalang nag iba feelings ko sakanya, nagustuhan ko siya, dahil kasi lahat ng hinahanap ko sa babae nasakanya na, maganda siya, matalino, mabait, mahinhin pa siya, nagtry akong aminin sakanya ang tunay na nararamdaman ko, pero wala, ayaw niya talaga, kaibigan lang at nakakabatang kapatid lang ang turing niya sakin!."
"Gusto mu ba kausapin ko siya."
"Yun yung wag na wag mong gagawin, as if naman kung may magagawa kung kausapin mu man siya, tignan munga panay ang reject niya sakin."
"Parehas pala tayo."
"Pano naman tayo naging parehas?"
"Kasi lagi din akong nirereject ni Calyx."
"Ai sus, magkaiba naman yun, pagpapantasya lang naman yung sayo."
"Napakasama mo talaga."
"Kumain na nga tayo, di na to masarap pag lumamig na to."
"Ok, seafood yang sayo, favorite muba ang mga seafoods?"
"Yep."
"Ano ang pinakafavorite mong seafood?"
"Hm, lobster."
"Ang sosyal mu naman!"
"Eh yun ang gusto ko eh, dami mung tanong, ewan ko ba, bat ako pumayag makipagkaibigan sayo in the first place ayaw ko sa isang tulad mong madaldal."
"Natamaan ka kasi sa alindog ko."
"Alindog your face.”
"Tsk, mabait naman ako ah, pasalamat ka nga naging kaibigan moko eh."
"Mas pasalamat ka dahil naging kaibigan moko."
"Ewan ko sayo, gusto mubang mag Call Sign tayo?"
"Ano naman yun?" confused na tanong niya.
"C.S stands for Call Sign, endearment ba."
"Anu ka, girlfriend ba kita?"
"Naku naman, mag jowa lang ba pwede mag ka endearment?"
"Oo."
"Hindi kaya. Sige na mag endearment na tayo para may tawagan na tayo."
"Pang mag friends lang naman eh, hindi naman yung tulad ng magjowa."
"Hay nako! Mga kacornihan mu talaga, isip bata! Sige na nga, kaw mag isip, total ikaw naman naka isip niyang endearment thingy na yan!"
"Phare? Gusto mu ba yon?"
"Yak, i dont , pang tambay yun eh."
"How about Pards, and Mars."
"Anu tayo magkumpadre? At magkumare. Ayaw ko yan."
"Ang arte mo." napatingin ako sa kinakain niyang noodles at bigla akong may naisip. "Aha! Alam ko na! Lovester nalang, parang lobster,total mahilig ka naman sa lobster."
"Ang baduy mo. Ok sige push mu yan! Lovester nalang."
"Yehey! Thank you Lovester!."
Pagkatapos naming kumain ng noodles napagdesisyunan namin na umuwi na, baka kasi andun na si mama sa bahay di parin ako nakakauwi at nakakapagluto. Kaya nagpaalam nako. "Sige bye na Lovester kitakits bukas pumasok ka ha."
Nung nagpaalam nako parang lumungkot yung mukha niya. Pano na niyan? Malungkot na naman siya panigurado. Lumapit ako sakanya. "Wag mo munang masyadong isipin yung kanina lovester."
"Ok, thank you sa oras kahit sinundan mulang ako."
"Nakakainis ka. Di mu man ginagamit yung Lovester."
"Aish,, ok sige, babye na Lovester."
"Yan, very good sige bye din."
Ang saya ng araw na to na malungkot at the same time dahil nakakaawa si Marcus, sigurado akong emo na naman yan, kaya kailangan palagi ko siyang pasayahin para kahit papano makapag move on siya kay Ynna.