Chapter 10
>
Pagpasok ko palang ng school ngayon, malungkot dahil hindi ko padin nakikita si Marcus, nasan kaya yun ngayon? Dati rati anjan na siya eh tapos pumapasok nadin siya. Natutuwa na nga mga teachers sakanya eh. Kinakabahan ako baka ang dahilan parin ay yung nangyari kagabi. Sana naman pumasok siya. Nakakamiss si Lovester.
Hindi bali namamayang break namin pupuntahan ko dun siya sa rooftop, 70% ang possibility na nandun siya. Pero habang naglalakad ako dito sa hallway nangyari ang di ko inaasahan si... Oh my! Nahihiya ako dahil dun sa ginawa ko nung isang araw, si Calyx, naglalakad siya habang may kausap sa phone.
Mukhang masaya siya. Suddenly nagkalapitan ang mukha namin, tumigil siya sa paglalakad, napatigil din ako. Kinakabahan ako, baka anung gawin niya. Nawala kasi yung ngiti niya sa labi eh. Tatakbo ba ako? hindi baka lalo akong mapahiya.
"Ikaw yung girl na sunod ng sunod sa amin ng girlfriend ko last time diba?"
"Ah, ako nga."
"Kaya pala, Kaya pala pamilyar ang mukha mo kasi dito kadin pala nag aaral." Kung alam mu lang Calyx unang araw palang sayo na agad ako na starstruck tapos idagdag mupa yung pinulot mo yung mga gamit ko noon nung nadanggil moko. Kaya siguro talagang pamilyar ang mukha ko sakanya.
"Oo, sorry last time ha?"
"Ok. Get lost." tsaka na siya dumiretso sa paglalakad. Napanganga ako dun sa sinabi niya, mukhang mainit nga ang dugo niya sakin. pero kahit ganun siya padin ang my one and only crush ko..
Nagsimula na ang first period namin, mejo boring kasi nag iisa na naman ako. Marcus naman kasi eh..
Nung matapos na yung kabagot na klase. Break na, kaya dali dali akong umakyat patungong rooftop ng school, dahan dahan muna akong pumasok para masigurado ko na nandito nga siya. Pero bigla nalang akong may narinig na naggigitara at kumakanta ng mahina.
Now Playing: Let Her Go by Passenger
?? Well you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missin' home
Only know you love her when you let her go
And you let her go ??
"Wow, ang ganda naman ng
boses niya. Napakamalumanay ang sarap pakinggan." sumilip ako para makumpirma kung si Marcus nga ba to.
?? Staring at the bottom of your glass
Hoping one day you'll make a dream last
But dreams come slow and they go so fast
You see her when you close your eyes
Maybe one day you'll understand why
Everything you touch surely dies
But you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missin' home
Only know you love her when you let her go ??
Hindi ako nagkamali siya nga.
?? Staring at the ceiling in the dark
Same old empty feeling in your heart
'Cause love comes slow and it goes so fast
Well you see her when you fall asleep
But never to touch and never to keep
'Cause you loved her too much
And you dived too deep
Well you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missin' home
Only know you love her when you let her go
And you let her go (oh, oh, ooh, oh no)
And you let her go (oh, oh, ooh, oh no)
Will you let her go? ??
"Ang ganda pala ng boses niya, ang ganda pa nitong kanta." tumigil siya sa pagkanta at pagtugtog at biglang tumingin sakin.
"Ehhh??"
"Sabi ko nga ba ikaw yan, Anong ginagawa mo dito?"
"Ah, hehe pasensiya na, hindi ka kasi pumasok sa klase, kaya di nako nag atubiling pumunta dito, dahil alam ko kasi na nandito ka."
"Okay, so anung gagawin mu jan, hanggang mamaya sisilip ka lang, dito ka."
"ahe, sabi ko nga." tsaka ako lumapit sakanya.
"Sabi mo ayos kana? Halatang hindi pa eh."
"Hindi, ayos lang ako, wag kang mag alala sakin, tinatamad lang talaga akong pumasok ngayon."
"Weh, palusot.com alam ko na dinadamdam mo padin yung nangyari kagabi."
"Tsk, pwede wag munang banggitin yung nangyaring yun."
"Okay, basta pumasok kana. Wag kanang magcutting natutuwa na nga mga teachers sayo eh."
"Papasok naman ako eh, tinatamad lang ako kanina kaya ako pumasok dito."
"Sige basta mamaya pumasok kana, Ang ganda pala ng boses mo no Lovester. Ayiee talented ka pala."
"Nagagandahan kana dun? Ang panget kaya."
"Heh. Nagpapakahumble kapa jan, ang ganda ganda kaya ng boses mo. Magaling kapang mag gitara. Pano ka natuto niyan?"
"Wala. Sarili ko lang."
"Weh?"
"Oo nga."
"di nga?"
"kung ayaw mong maniwala di wag."
"de jok jok lang! Naniniwala nako Lovester, ang galing mo. " napansin kong napangiti siya nung sinabi ko yun.
"Ayiee." tsaka ko siya kinurot sa gilid ng tiyan.
"Ouch! Nanantsing ka!"
"mukha mo! kinurot lang tsansing agad."
"Ikaw, marunong kabang mag gitara?"
"Hindi, pero gusto kong matutunan."
"Eh kumanta marunong ka?"
"Hm. Actually hidden talent ko yan eh, ako lang ang nakakaalam at si mama ang nakakaalam."
"Weh. Talaga? Sample nga.."
"Heh, wag ka nga Lovester nakakahiya.”
"Arte mo, dali na!"
"Ayaw."
"Isa."
"Anla! Bakit ka nagbibilang?"
"Dalawa! pag hindi kapa kumanta, nakikita mo itong butiking to? Kukunin ko to tapos iaacha ko sayo pag di kapa kumanta."
"Hala! Wag!"
"Kaya nga kumanta kana eh! Dalawa't 1/2,"
"Lovester naman eh!"
"Ayaw mo talaga? bibigay ko sayo to? Dalawat't 1/4!"
"Oo na! Sia! Sia! Kakanta na wag mulang ibigay sakin yang butiking yan."
>
Tinakot ko si Sophie na kung di pa siya kumanta ibibigay ko sakanya tong butiking nakadikit sa pader. Pumayag naman siya, kung hindi iaacha ko talaga sakanya to. Napapayag ko siya gusto ko kasing marinig kung maganda "kuno" boses niya..
"Sige go kanta kana"
"Pero wait lovester, duet nalang tayo. Alam mo bang tugtugin yung Heaven? By Boyce Avenue tsaka Megan Nicole?"
Nagulat ako dun, favorite ko yun eh.. "Ahm. Oo"
"Tugtugin mo, duet tayo Lovester."
"Ok sige." pumayag nako dahil alam ko naman ang chords neto.
?? [Sophie]
Oh thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free
Now nothing can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me comin' back for more ??
Nung sinimulan kunang tugtugin talagang nag clean throat pa siya nag ehem ehem pa siya.
Saktong pagkarinig ko palang nung first sentence nung lyrics nung kanta, nagulat na ako.
?? [Marcus]
And baby you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven ??
[Sophie]
Oh once in your life you find someone
Who will turn your world around
Bring you up when you're feelin' down
Now nothin' can change what you mean to me
Oh there's lots that I could say
But just hold me now
'Cause our love will light the way ??
Napakaganda ng boses niya. Di ko akalain na totoo pala ang sinasabi niya, akala ko pa man din nagbibiro lang siya. Ang ganda talaga. Promise natulala nga ako.
Nung turn ko na,nung lalake na yung part, ngumiti lang din siya habang tinititigan ako, Nakaka awkward tuloy..
Nagkantahan lang kami dito, sumaya bigla ang pakiramdam ko, nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan ko tong si Sophie, kung nung dati, ayaw ko sa kanya, nag iba ang lahat ng yun. Ang dali niya naman kasing pakisamahan, cheerful, mabait din, at mukhang caring.
?? [Both]
And baby you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven
[Sophie]
I've been waitin' for so long
For somethin' to arrive
For love to come along
[Marcus]
Now our dreams are comin' true
Through the good times and the bad
I'll be standin' there by you, oh!
[Marcus]
And baby you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
[Sophie]
And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven, heaven
Whoa, oh, oh!
[Marcus]
You're all that I want
You're all that I need
[Sophie] We're in heaven
[Marcus] We're in heaven
[Both] We're in heaven ??
Siya din yung pumilit sakin para lagi ng pumasok, pano kung di ko siya nakilala siguro magpahanggang ngayon katulad padin ako ng dati. Nung matapos na tinukso ko siya.
"Yun na yon? Akala ko pa man din maganda, Ampanget panget pala ng boses mo tapos proud na proud kapa kanina."
"Anung pangit ka jan! Maganda naman eh! Ang sama mo talaga."
"Galit?"
"Hindi."
"Talaga? Bakit ka naka pout?"
"Ewan ko sayo! Akala mu ba ikaw maganda ang boses mo! !"
"Oo, kaw na nga mismong nagsabi."
"Leche ka yabang mo!"
"de joke lang yun, maganda boses mo."
bigla naman siyang ngumiti ulit. At ngumiti din ako.
"Talaga?"
"Oo nga, pwera biro ang ganda pala ng boses mo."
"Thank you Lovester, Kaw din ang ganda din ng boses mo!"
"Thank you din, pareho tayo walang nakakaalam na maganda ang boses natin ako walang ibang nakakaalam kung di si Ynna lang. Ikaw bakit ayaw mong ipakita talent mo."
"Sa totoo niyan gusto ko naman eh dapat nga sasali nga ako sa singing club, pero la eh, ayaw nila."
"Sayang."
"Oo nga eh, pero ikaw ngayon alam muna.Pahiram ng a ng phone mo kukunin ko young number mo.
Binigay ko naman. Tapos di pa nakuntento nagyaya pa syang magselfie.
Tara baba na tayo Lovester." nagyaya na siyang bumaba pero may pumasok sa isip ko naisip ko na takutin muna siya.
"Wait, aayusin ko lang tong gitara ko." hehehe. Buti nakatalikod siya.
"bilisan mo Lovester." kumuha ako ng kapirasong papel at linukot ito at tumayo na at dali daling lumapit sakanya, tas pinasok ko to sakanyang blouse. "Butiki!" bigla naman siyang nagsisigaw ng nagsisigaw!
"Alisin mo! Alisin mo Marcus." tumalon talon siya at nagwala ng nagwala, humiga pa nga siya eh tapos nagwala at sumigaw ng sumigaw. Lumapit ako sakanya para sabihin na di naman yun butiki.
"Uy binibiro lang kita! Hindi naman yun butiki.hahahaha!" tsaka ko pinakita sakanya yung papel. Bigla naman siyang tumigil at kumalma, tsaka niya ko biglang sinapok. At sinabunot at sinakal, napahiga ako tsaka siya umupo sakin, take note hindi sa tiyan, sa sobrang inis niya di na niya na namalayan na sa ibaba kuna siya nakaupo sa alam niyo na nasa pundilyo ko siya nakaupo.
"Walang hiya kang lalaki ka! Alam mu bang muntik na kong himatayin sayo! Akala ko butiki yon! Alam mu bang takot ako sa mga reptiles!" pinagsasakal niya padin ako pero mahina lang. Nung napansin niya na wala akong reaksyon dahil na o awkward ako dahil nakaupo siya sa pundilyo ng pants ko. Napatigil din siya, nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sakin, at dali daling tumayo na para bang walang nangyari, pati nadin ako tumayo na din na parang walang nangyari. Napaka-awkward.
"Bwisit ka talaga! nakakainis kanang magbiro ngayon."
"Ang OA mu naman kasi."
"Siyempre natakot ako! Akala ko totoong butiki yun. Tapos Napaupo pako sa anu mo. Nakakainis ka!"
"tama na nga,halikana baba na tayo." bumaba siya ng napakabilis nauna na siya sakin. Habang pababa ako di ko maiwasang matawa dun sa nangyari kanina kahit naging awkward dahil parang nahawakan niya na yung ano ko. Pero laughtrip talaga. Hahaha! Alam ko na ang panakot sakanya.
>
Naiinis ako! Nakakainis talaga siya." nauna nakong bumaba dahil nasusura ako sa ginawa niya kanina, takutin ba naman ako! Akala ko talaga butiki yon. Tsk! Tapos nakakainis napatungan at naupuan ko yung toot niya. Oh my! Naiinis na Nahihiya ang nararamdaman ko.
"Oi hintay! Galit ka ba?”
"Oo galit ako! Nakakainis ka kasi.”
"Sorry."
"Psh, yung nangyari kanina, wag kanang magpakabagabag dun."
"what do you mean?"
"yung alam muna."
"tsk! Nakakainis ka talaga, kung di moko tinakot di naman mangyayare yon!"
"kaya nga sorry eh, ang tapang mo kasi, amazona kadin pala."
"Ikaw kasi eh. Wag munang uulitin yun sa susunod.
"Tuko naman nextime gusto mo?"
"Subukan mo lang. Kala mo ha di kita gagantihan?"
"Ano namang igaganti mo aber?"
"Basta."
"joke lang lovester, tara na nga!" oh my inakbayan niya ko ulit, nag iiba na talaga samahan namin, nagiging super close na kami. Sumaya ako bigla dahil bestfriend na talaga ang turing niya sakin. Sana si Calyx ganito din. Hindi yung palaging olats echepwera nalang ang nakukuha ko.
Pagpasok palang namin ni Marcus sa classroom pinagtitinginan at pinagtsitsismisan na nila kami.
"Sila ba? Bakit palaging magkasama yang dalawang yan?"
"Oo nga, napansin ko nga din eh."
"Lam niyo mga girls,palagi ko yang nakikitang sabay umuuwi bagay sila no? Hahaharharhar ang dalawang wirdo." Tinignan ko si Marcus na mukhang galit. "Wag mu nalang silang pansinin." Di niya ko pinakinggan lumapit siya don sa fag naming kaklase.
"Oi baklang kabayo kung wala kalang din naman magandang sabihin pwede itikom mu nalang yung malaki mung bunganga."
"Pabayaan mu nalang sila Marcus, di naman totoo mga sinasabi nila.”
"Nakakainis na kasi yung mga yun, lalong lalo na dun sa baklang mukhang janitor fish na yun. Namumuro na sakin yan."
"Tsk, pabayaan mo nalang, ganyan na talaga sila."
Anyway pagkatapos nun dumating na si Miss Turla, masaya siya at di makapaniwala na palagi ng pumapasok sakanya tong pamangkin niya.
///
Nung matapos na ang klase, hindi muna ako kaagad umuwi, dahil magmimeeting pa kasi kami ng mga kaclub ko. Pagkakita ko palang sakanila mukha silang gulat na gulat.
"Ehhh? Hello everyone." *kaway* *kaway*
Hindi sila nagsasalita tulala talaga sila.
"May dumi ba ko sa face?." pagkasabi ko nun dun lang sila natauhan.
"Bakit kayo gulat na gulat?"
"Sure kaba? Dito talaga ang club mo?"
"Oo naman."
"Akalain mo yun, may kaclub tayo na maganda."
"Ang ganda mo kasi miss, tapos sasali ka sa amin. Bakit di nalang iba ang sinalihan mung club."
"Eto nalang kasi ang nangangailangan ng member eh. Ako nga pala si Sophie, Sophie Mencken."
"Wow, pangalan palang ang cute na, half ka pala miss.?"
"Yeah, don't call me miss, Sophie nalang, kaclub ko na kayo from now on. Nice meeting you all guys." lumapit ako sakanila at nakipagshake hands bawat isa sakanila, at ganun din sila nagpakilala din sila sakin.
"Grabe, di kami makapaniwala na may maganda pala kaming kasama. Ang club kasi namin ang pinaka flimflam sa lahat."
"Anu ka ba, wag mu ngang sabihin yan, importante kaya, pano nalang kung wala kayo sinong makakasama ng mga cheerleaders magcheer tuwing may sasalihang laban ang HVA edi ba kayo. To be honest nung una ayaw ko dito , pero ngayon parang gusto na. Ang babait niyo kasing lahat."
"Ang bait mo din kasi. Welcome samin."
"Himala talaga, eh halos kasapi ng club na to ay ang mga potatoes dito sa school, yung mga invisible, di sikat, ordinaryo, walang kwenta sa tingin ng mga ibang students."
Kaparehas ko din naman sila eh. Puro kasi mga nerds halos miyembro nitong banda na to eh.
"Anu ba kayo, kaparehas ko lang kayo, di rin naman ako pansin sa school na to eh."
"Ganun, sa ganda mong yan."
"Oo. Ganun nga."
"May alam kabang tugtugin sa mga instruments na tinutugtog namin?"
"Meron, yung lyre kaso konti lang di man ako mabilis.."
"Guys, what if kung siya nalang ang gawin natin tagahawak ng baton? Palitan na natin si Cindy."
"What do you mean?"
"Ikaw yung nasa unahan pag magpaparade. Bale ikaw nadin yung pang-pronto.."
"Di man ako marunong magbaton eh."
"Di naman yung iniikot ikot katulad sa mga fiesta eh."
"Isa lang siyang pahabang bakal, iaatcha mo tsaka mo lang sasaluhin, dont worry tutulungan ka namin."
Umoo nalang ako,. "Great, that's all, kailangan na nating magpractice dahil malapit na ang Intramurals at malapit nadin ang cheerdance competition kailangan na nating maghanda, pero sa ngayon hanggang dito nalang muna, papatawag nalang namin kayo tuwing may practice na ok, pwede na kayong umuwi." sabi nung tumatayong leader ng banda si Myco.
"Ok babye." nginitian ko sila habang palabas na ako. Masaya naman ako dahil mababait sila. Okay na yun kesa naman siguro sumali ako sa ibang club eh di naman nila ako siguradong itotolerate at papansinin.
--
[ At House ]
Aakyat na sana ako ng kwarto ko upang mag aral, ng biglang nagtext si Marcus, kabibigay lang din ng number niya sakin kanina.
From Lovester:
"Pwede muba akong samahan ngayong gabi?"
Huh? Bakit naman nagyayang magpasama tong lalaking to?
"Bakit? Anung gagawin natin?"
"Basta. Pwede ka ba?" maaga aga pa naman eh.
Sige na nga.
"Sige, Nasaan kaba?"
"Magkita nalang tayo dun sa park."
"Oh sige wait moko jan." agad agad akong nagbihis, at lumabas na pero saktong pagbukas ko palang ng pinto bumuluga naman sakin si mama. Nakauwi na pala siya maaga yata siya ngayon.
"Oh ma, andito ka na pala, buti ang aga mong umuwi ngayon?"
"Maaga kasing natapos yung pinapagawa sakin ng boss ko anak, aalis kaba?"
"Opo sana, kung okay lang, natext ko na po kayo eh. Nagpaalam po ako."
"Di ko pa nakita anak eh, Saan kaba pupunta?"
"Sa kaibigan ko po."
"Anung gagawin niyo?"
"Ewan ko po sakanya, pero promise mama sandali lang ako."
"kumain kana ba niyan?"
"Opo ma."
"sige basta wag kalang masyadong magpagabi."
"okay thanks mama."
"Sige mag ingat ka anak." pagkapayag ni mama, pumunta nako kaagad dun sa park, Ano kayang gustong gawin ni Marcus bakit siya nagyayayang lumabas ngayon?