Chapter 5

1627 Words
Chapter 5 > "Ano dito na ba ang bahay mo?" "Oo  pakibukas nalang yung gate." Binuksan niya na yung gate at pumasok na kami sa loob ng bahay namin, Namin? Pangit naman pakinggan parang bahay nga namin dalawa to, I mean bahay namin ni Mama. Hindi muna kami pumasok sa loob, dito muna kami sa terrace dahil basang basa kasi kami. Biglang nagsimula na syang bumabing  na siya nilalamig na talaga siguro ito. "Ayos ka lang ba?" "Ayos lang ako wag mokong intindihin, Ikaw ayos kalang ba? Kumusta na yang binti mo? Masakit pa ba?" "Tignan muna ang bait bait mu pala, wag kana kasing magsungit ganyan ka nalang kasi palagi, please.  "Pwede ba, yung tanong ko yung sagutin mo." "Hm, oo parang may naipit yata na ugat tas tong binti ko, mahapdi padin dahil sa gasgas." "Patingin nga." lumapit siya sakin tsaka lumuhod, hinawakan niya ang paa ko tsaka ito hinilot. "Aray!” "dinadahan dahan ko na nga eh." "Ang sakit kaya.” "tiisin mo, kailangan itong mahilot, tignan mu nga mejo namamaga na oh." tama siya mejo namamaga na nga, mali kasi ang pagkatilapon ko kanina eh kaya siguro ganto para akong natapilok. Patuloy lang siya sa paghilot nito. Hanggang parang gumaan na ang pakiramdam ko nawala na ng bahagya yung sakit. "Marunong kaba talagang manghilot? Para kasing nawawala na ang sakit. Ang galing mo, pwede kanang manghihilot! Joke.” "Ewan ko sayo.”  "joke lang yun." "may yelo ba kayo, ice bag pati alcohol meron ba kayo?" "oo sa loob din, dun sa may medicine cabinet." "Teja..Anong ginagawa mo! Bakit ka naghuhubad?" bigla nalang niya kasing hinubad uniform niya. "siyempre kailangan kung pumasok sa loob para kumuha ng yelo, ice bag, alcohol bulak, at twalya. Gusto mubang basang basa sa loob niyo kung di ko huhubarin ang basa kong uniform." "oo na, oo na, dali na pumasok kana!" pumasok naman na siya sa loob, pero shemaii, di ko maiwasang di mapatingin sa kanyang mga pandesal, grabe parang uminit bigla. Lecheng lalaking to. Dali dali naman siyang bumalik na may dala dalang twalya, alcohol, bulak, yelo at ice bag, hinagis niya sakin yung twalya at ikinuskos ko naman ito sa mukha ko, basang basa padin kasi ako tapos di parin nakakapagpalit. Di kasi ako makatayo, makatayo na sana ako pagkatapos nito. Muli siyang lumuhod at pinatungan ng ice bag yung parteng masakit. "salamat huh?" hindi man siya sumasagot. Bakit ganito to pag pinapasalamatan mo di siya nagwewelcome, no problem, wala yun, or whatsoever. Ayaw niya kayang pinapasalamatan siya? So weird.  "Ayan ayos na ba? Masakit pa ba? Try mu ngang tumayo?" tumayo ako para itry kung di na nga ito masakit at kung kaya kunang maglakad, sobrang gulat ko nawala na yung sakit at nakakalakad nadin ako, hindi na yung katulad kanina sobrang sakit talaga. "may naipit nga sigurong ugat, umupo ka ulit gamutin natin yang gasgas mo." "Huwag na Ayoko! Mahapdi kaya iyan.” "tsk, arte mo dalian muna wag kanang magpapilit, di bagay sayo.” "psh oo na! Basta dahan dahan lang, wag mung pakadiin." umupo ulit ako, na kinakabahan kasi panigurado ako na sobrang hapdi neto.  Pumikit ako naghahanda sa hapdi. "Dumilat ka nga, para kang tanga di ka naman mamatay, pagkatapos ng hapding yun, wala na.” "Ewan ko sayo. Sakalin kita eh.” kumuha siya ng konting bulak at linagyan ng alcohol. Pumikit ako dahil dinadampi niya na ito sa sugat ko. "Aw..” saktong pagdampi palang nung bulak sa sugat ko sumigaw na ko.. "Napakahapdi..” dinampi niya ulit, dinampi niya ng napakadaming beses upang linisin ito. "Ouch” "Daig mo pa  ang nanganganak." "kung sayo nangyari to, kala mo di ka masasaktan! Sobrang hapdi kaya." "mahapadi, pero kailangan tiisin, pero di naman ganyan ka OA tulad mo. Ayan! Ayos na ba?" "Oo mahapdi padin ng konti pero ayos na, teka lang pasok lang ako. Magbibihis lang ako." papasok na sana ako sa loob, pero sumasama siya. "teka san ka pupunta?” "Sa loob." "wag mung sabihing may balak kang silipin ako." "baliw! ASA ka na bobosohin kita. papasok ako para labhan tong damit ko." "Sabi ko nga. sige pagkatapos mo isampay mu nalang dun, tas buksan mo yung electric fan para tumuyo agad. Paghahanap na din kita ng pwedeng isuot. Hintayin mu lang ako." "Ok." tipid na sagot niya. Tapos pumasok na kami sa loob ako pumunta sa kwarto ko, siya ewan ko kung san niya balak labhan yun. Hahaha may sabon panlaba naman dun sa banyo. Pagkatapos kong magbihis naghalungkat ako ng mga damit, pinaghahanap ko si Marcus ng pwedeng maisuot. Good thing nakahanap ako, tshirt siya at short nung pinsan ko. Naiwan niya to, nung nagbakasyon siya dito sa min, mukhang kasya naman kay Marcus to, maliit lang ng konti tong tshirt, pero pwede na sandali lang naman niyang isusuot, problema pano ang underwear?  Wala kaming brief .dahil pareho kaming panty user ni mama siyempre, wala akong kapatid na lalake, panty nalang kaya? lumang bacon Panty ni mama? kasya niya siguro yon. Hahaha! Joke. Bahala na siya. Basta importante may tshirt na at short. Lumabas nako ng kwarto ko, at nakita ko siya sa sala na nagpapatuyo ng buhok, pati nadin yung mga nilabhan niyang uniform.  Nalaglag panga ko, kulang nalang malaglag ito sa sahig dahil kasi naman! Kasi naman ang hot niya! Tapos idagdag mu pa yung patuyo ng buhok effect with matching pagkuskos pa ng basang buhok. Shemay yummy! De joke. ang manyak mo sophie! Erase.erase.erase lumapit ako sakanya.. "eto oh. Isuot mu muna to para hindi ka nakatopless, para di karin lamigin." "Kanino to?" "sa pinsan ko, wag kang mag alala malinis yan." "thank you." mahinang sinabi niya. Natuwa ako dun marunong ng mag thank you itong si sungit. "ano nga ulit?" nilakasan ko talaga ang boses ko. "sabi ko thank you." "ano nga ulit?" inulit ko ulit para inisin siya. "BALIW!" "Sige magbihis kana dun sa banyo. Pero wait , underwear sorry kung wala akong maipahiram. " "okay lang." "okay sige na magpalit kana." pumasok na siya sa banyo para makapagpalit na. At ako eto nakangiti ng malapad sagad hanggang bumbunan dahil ang saya kasi. Lagi kong savior si Marcus regardless sa pagsusungit niya, mabait padin siya. After sana nito maging magkaibigan na kami. Pumunta muna ako sa kusina upang magluto na. Gabi nadin pala. Tapos malakas padin ang ulan sa labas. Nakakainis bagyo ba yan ? Wagas kasi eh ayaw tumila. Nagsaing muna ko. "tapos nako." lumabas na si Marcus galing banyo at nakapagpalit na to.. "ah okay, kung gusto mo dun ka muna sa sala, manuod ka muna ng TV kung gusto mo." "No. I will help you." "wag na kaya ko to." "tutulong nga ako sabi eh." "ok. Sige na nga!" siya yung humiwa nung manok, at ako naman naghihiwa ng ingredients para sa lulutuin naming calderetang manok. Di ko maiwasang maimagine na sigurado ako na magiging maswerte ang magiging asawa nitong si Marcus balang araw, ang galing niya kasi, mukhang magaling sa gawaing bahay, sa paggamot, mukha siyang madiskarte. Nasesense ko sakanya. And most for all gwapo siya. I admit it gwapo siya. Oo, sobrang matipuno, sobrang tangkad, maputi, tas ang ganda ng mga mata. Basta pogi. Period. Pero mas pogi padin si Calyx ko.  "Oy anong ningingiti ngiti mu jan?" anu ba yan, napansin niya pala ako, iniimagine ko kasi si Calyx. "ah wala, wala, tapos na ba ang paghiwa mo?" "yep." "sige tara na iluto na natin." Nagluto lang kami, tumatawa nadin si Marcus sa wakas, napatawa ko na din siya. Tawang tawa siya dun sa joke ko. Mokong to. Sobrang luma na nun. Tawa padin ng tawa. Pero natutuwa din ako kasi hindi na siya masyadong nagsusungit. Haha mabait naman talaga siya. Namimili lang talaga siya ng pakikisamahan. At ako nagtagumpay dun dahil masasabi ko na close na kami kahit papano. "Bakit wala ka palang kaibigan Marcus?" "Wala lang, ayoko lang. . Gusto ko pang mapag isa kaysa sa may kaibigan." "Ganun ang sarap kaya ng may kaibigan. Ako nga kagusto kong magkaroon ng kaibigan, pero walang may gustong makipagkaibigan sakin." "Bakit? Sa daldal mong yan wala kang kaibigan?." "Oo nga eh, eversince bata palang ako I'm just like a potato you know, no one likes me. binubully din ako nung dun pako nag aaral dun sa dati kong school before Happy Valley Academy." "Ah kaya ka pinalipat? Pero may pinagbago ba?" "yun nga eh. Pero atleast wala ng bumubully sakin mejo ikaw. Haha pero para parin akong invisible, sa totoo nga niyan ikaw palang ang unang nakausap ko simula nung pumasok ako sa HVA eh pasungit pa, hindi pa maganda. Ang sungit mo kasi. So tinatanong ko sayo ngayon pwede na ba tayong maging mag kaibigan? Ang totoo niyan gusto talaga kitang maging kaibigan." "Huh ? Bakit naman ako." "kasi feeling ko mabait ka." bigla naman siyang namula parang naflattered at nahiya tas umiwas siya ng tingin. Sabi ko na mabait to eh. "uyy, tumataba ang puso!" "tumigil ka nga!" "so magkaibigan na tayo?" "pag iisipan ko." "haist naman! Bat pag iisipan mupa! Ang arte mo ako na nga ang nakikipagkaibigan eh! Dali na wag munang pag isipan." "Okay siya, siya, pero sa isang kondisyon?" "Ano naman yun?" "wag kanang masyadong makulit, nakakairita kasi minsan eh." "nakakairita ba ko?” "Oo." "sige babawasan ko na." "wag mung bawasan, gawin muna." "anong gusto mo, tumahimik din ako katulad mo? Ang boring naman non.” "Hindi ko naman sinabi na tumahimik ka ng tuluyan." "kahit bawasan mulang ang pagiging madada mo , makulit at exagg." "okay pipilitin ko, pero magkaibigan na tayo." "Oo na! Yan na naman nagsisimula na naman . Tignan muna nga yung niluluto mo. !" "Oo na sige, friends?" "Okay friends." "May kaibigan nadim ako sa wakas.." tinaas ko yung dalawang kamay ko na galak na galak tuwang tuwa kasi ako na sa wakas may kaibigan nadin ako. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Natahimik naman siya bigla. Naging awkward tuloy. Bumitaw ulit ako sa pagyakap. "ah hehe natuwa lang kasi ako tara kain na tayo.." "Ah sige." Pagkatapos naming kumain nagpaalam na siyang umuwi dahil gabi na. Pumayag naman ako mejo tuyo nadin naman yung uniform niya kaya naisuot na niya to. Pinahiram ko din siya ng payong. "Babye, Ingat Marcus!" tinaas niya lamang ang kanan niyang kamay tapos umalis na. Habang papasok ako di ko maiwasang di ngumiti dahil sa wakas magkaibigan nadin kami. sabi ko na nga ba. Mabait talaga si Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD