Chapter 4
>
"Ikaw kasalanan mo to!" dinuro duro ako ni Marcus, galit na galit talaga siya, dahil nga sa isinumbong ko siya, para siyang tiger, ganun ba talaga siya? sobrang nawiwirduhan lang talaga ako dito sa lalaking ito, ayaw niyang pumasok, madalang lang talaga kung pumasok siya, Ngunit nakakapasa parin. Kaloka. tapos nasa first section pa siya ha, ang galing talaga, pano pa kaya kung laging pumapasok ito, malamang sa malamang kasama siya sa mga honor students.
wala kanang magagawa ngayon, kailangan muna talagang pumasok, dahil binalaan kana ni Ms Turla na kapag di kapa pumasok isusumbong kana talaga niya sa dad mo, pasalamat ka nga dapat kay Ms. Turla eh, kung ako siya matagal na kitang sinumbong, laki pala ng takot mo sa daddy mo.."
"May araw ka din sakin."
"Edi gawin mo kung anu mang gusto mo. Isusumbong naman kita kay Ms. Turla."
"Can you please manahimik kana ok?" inismid ko lamang siya. Magkatabi kasi kami ngayon, dito siya pinaupo ni Ms Turla dahil wala nadin kasing bakanteng upuan, tapos isa pang dahilan, para mabantayan ko daw siya.
Habang nag didiscuss ang teacher namin, pasimple ko siyang pinagmamasdan, kung sa tingin niyo type ko siya, hindi, malabo hindi siya yung tipo ko,masyado kasi siyang tahimik,tahimik na masungit pero mabait din naman,ang gulo kaya nga gusto ko siyang makilala pa ng husto. kahit mukhang ayaw niyang makipagclose sa akin.
Napakatahimik lang talaga niya, halos hindi nagsasalita pero makikita mo sakanya na nakikinig naman siya , tapos nung nagpaseatwork teacher namin,naperfect niya ito, nakakabilib talaga.
///
Uwian na ngayon, nagsisiuwian na ang mga estudyante at ako naman tumambay muna dito sa isang bench malapit sa room ni Calyx, kailangan ko siyang masilip man lang, dahil buong araw ko siyang hindi nasilayan, nagmarka na kasi talaga ang mukha niya sa akin.
"Oo na, tawagin niyo na po akong stalker, but not the creepy one, ginagawa ko lang to, dahil wala lang, crush ko siya”
Ano ba yan, ang tagal niya, hindi kaya umalis na siya? Hindi naman sana.” Mga 25 minutes na yata akong naghihintay dito pero, wala padin siya, Pinagtitinginan na nila ko, paubos nadin ang mga estudyante, ang ginawa ko nalang, tulad ng palagi kong ginagawa tinatakpan ko ang mukha ko ng libro, na waring ako ay nagbabasa. Lumipas ang isang oras matiyaga lang akong naghihintay, pero nung lumaon lumabas din siya! Bigla akong nabuhayan. At napangiti ng malapad, tumigil na naman yata ang mundo ko, dahil titig na titig na naman ako sakanya. Parang may mga anghel na kumakanta sa paligid ko. Halleluja ! Ang gwapo niya Shet! Worth it ang paghihintay ko,.
Kaya pala! Kaya pala hindi siya kaagad lumabas kasi nag basketball muna siguro siya. Iba ang kanyang nilabasan eh, lumabas siya galing dun sa gymnasium, pawis na pawis siya pero hindi ito dahilan para makapagpapangit, mapag mukha siya haggard bagkus lalo pa siyang naging hot.
Kahit ganun man, okay lang yun. Sulit ang paghihintay ko. Hehe lumapit ako dun sa lugar niya kanina, pinuntahan ko yung trash can na pinagtapunan ng kanyang ininom na tubig, tumingin tingin mu na ako sa paligid. Nakakahiya naman kasi kung makikita nila akong namumulot ng basura sa trash can diba? Ano nalang iisipin nila sakin? Basurerang frog?
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.
Buti walang nakatingin banda dito, pagkatapos kong lumingon lingon pasimple kong kinuha yung bottled water na tinapon ni Calyx tsaka ko ito dali daling ipinasok sa aking bag.
Ang saya ko galing sakanya to. It's a treasure! Kailangan ko itong maitago, ididisplay ko talaga ito sa kwarto ko pagkauwing pagkauwi ko, Tumakbo ako ng patalon talon! tsaka nako lumabas ng school, para makauwi na.
Palabas na sana ako pero bigla na namang bumuhos ang malakas na ulan! Shemay naman. Buti nalang may dala dala na kong payong nadala nadin kasi ako nung nakaraan, nung first day of school. Linabas ko yung payong ko mula sa bag ko tsaka ito binuksan, at nagsimula ng maglakad habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Mejo mabagal akong maglakad ngayon dahil nga sa umuulan, pero di kalayuan nakita ko si Marcus na naglalakad basang basa siya ng ulan. Uh oh. Kawawa naman. Wala siyang payong, basang basa na siya, sigurado din akong nilalamig nadin yan ngayon. Pinuntahan ko siya, una kasi siya sa akin naglalakad habang nasa likod niya ko, isinilong ko siya aking payong na siyang ikinagulat naman niya, bigla siyang tumigil sa paglalakad at ako naman pumunta banda sa gilid niya para siya ay payungan, kawawa kasi para siyang basang sisiw. "Ikaw na naman sumbungera?! Sinusundan mo ba ‘ko?”
"hindi kita sinusundan no, ang totoo niyan pauwi na talaga ako, pero nakita kita na naglalakad, may balak ka bang magkasakit? Bakit di ka muna sumilong man lang muna, kesa nilusob mo ang malakas na ulan. ."
"Paki mo ba." tsaka siya dumiretso muli sa paglalakad.
Ibang klase talaga.! Hinabol ko siyang muli. "Alam mo ang arte mo! Ikaw na nga tong pinapayungan ko ayaw mupa, naaawa lang naman ako sayo baka kasi magkasakit ka."
"Mukha ba akong kaawa awa? Porke nabasa ako ng ulan? Tsaka anu pang sense ng pagpapayong mu sakin, eh nabasa nadin naman ako, ang tanga mo, umalis kana nga. Naiimbyerna ako sayo pag nagsasalita ka.”
"Alam mo di kita maintindihan.”
"Ako na nga ang nagmamagandang loob tapos ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganyan. Ang arte mo tsong! Bahala ka nga sa buhay mo." umatras ako sakanya at hinayaan ng maglakad ng diretcho. "
Ang arte.
"Pag hindi siya nakapasok bukas lam na. Nagkasakit na yan for sure."
Palakad na sana ako ulit pero bigla na lamang isang kotseng sobrang bilis kung magpatakbo napakabalasubas. Beep! Beep! Sa sobrang bilis naasagi niya ko! na dahilan ng pagkakatilapon ko sa daan at pagkakaligo ko ng putik.
"BWISET NA KOTSE KA! KUNG GUSTO MUNG MANDAMAY NG PAGPAPAKAMATAY MO IKAW NALANG!" galit na galit na sigaw ko dun sa balasubas na driver nung kotseng yun. Naiiyak ako dahil di ako makatayo, walanjo, ampupu naman di man lang ako tinulungan, ang masama pa di ko nakita ang plate number nung kotse, kaya gusto ko mang ireport yung ginawa niya, wala din. “Aray!" sinubukan kong tumayo pero wala, hindi talaga kaya napaupo ulit ako, nagkasira sira din yung payong ko buti nalang iniwan ko ang mga gamit ko sa locker ko. makakarma ka din kung sino ka man. nakita ko ang binti ko may gasgas ito, kaya pala parang may mahapdi. Pano na to? Pano ako makakauwi? "Anybody there?! Help please!"
lumingon ako sa likod ko at sobrang ikinagulat ko ng bumuluga sa kin si Marcus.
"Ehhh?"
"Tsk, nakita ko ang nangyari sayo, antanga mu naman nakita muna may balasubas na nagmamaneho, hindi kapa tumabi. Tignan mo tuloy nangyari sayo."
"Bakit kung makapagsalita ka parang ako pa ang may kasalan, eh ikaw na nga tong mismong nagsabi na nakita mo ang nangyare. Kung maingat lang siya sa pagdadrive hindi mangyayari sakin to!"
"shunga ka lang talaga. Ayos ka lang ba?"
"mukha ba akong ayos? Kita munang di ako makatayo."
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa bigla na lang niya akong binuhat, "huh? san moko dadalhin??"
"edi sa bahay mo! Ituro mu nalang sakin kung saan."
"oh okay. Maraming salamat huh?"
Nagpasalamat ako, pero parang kinausap ko lang ang hangin at ulan no comment lamang siya. Habang diretso sa paglalakad, napangiti nalang ako. Etong lalaking to nagsusungit sungitan pero sapalagay ko may pusong mamon din naman siya, tinulungan niya ko muli pangalawang beses na pagtulong niya sakin to. Napangiti nalang ako, eto kami ngayon basang basa sa ulan, walang masisilungan walang malalapitan, echos, kanta yun diba? XD naglalakad kami, ay hindi pala ako naglalakad siya lang pala. Binubuhat niya lang pala ako. Tinuturo ko lang sakanya ang daan papunta sa min, diretso lang naman eh.
Narealize ko na, pano kung di niya ko tinulungan nung muntik nakong marape siguro baliw nako ngayon. Tapos pano kung di rin niya ko tinulungan ngayon? Siguro mamumutla nako dun wala padin tutulong sakin. Mabait siya at the same time masungit. Pero nakikita ko sakanya na mabait talaga siyang tao. gusto ko talaga siyang maging kaibigan, sana naman wag na siyang magsungit.