Chapter 3
"You know na ba the latest news about Calyx Martinez?"
"What?”
"Alam mo ba na matiyagang kinocourt niya padin si Brianna until now?"
"psh yan lang ba ang ibabalita mo? Parang hindi kana nasanay, you know Calyx about his persistency naman diba, ganun niya kamahal si Brianna."
"Nakakainis naman kasi yung Brianna na yun, what the heck she want to do with Calyx? Bakit di niya to masagot sagot, she's so arte naman si Calyx na nga nagkocourt to her ayaw niya pa eh tiba tiba siya don."
"Yeah, true! she's so arte, kung sakin siya nag court di ko na siya papahirapan ng ganun."
Napatakip ako ng bibig, dahil nagulat ako sa mga nalaman ko, nandito kasi ako ngayon sa Locker room, linalagay ang mga gamit ko sa locker ko, ng bigla kong narinig ang dalawang babaeng nag uusap na to, nadinig ko lahat yun, yung pag uusap nila about kay Calyx, so Brianna pala ang name nung girl na, hindi malayo na siya yung nakita ko kahapon na kasama ni Calyx? yung nag aaral sa Elizabethon High! So hindi niya pa pala ito girlfriend, nililigawan palang! Matagal niya na din pala itong nililigawan pero di parin sinasagot, mehehe!
Buti naman, sana wag niya ng sagutin , bastedin nalang niya sana siya, para akin nalang siya. Chos ko lang yun siyempre! Pero siguro sasagutin niya din naman niya to, di naman siya magapapaligaw ng matagal kung di niya to sasagutin diba?
Lumabas na ko ng locker room, break pala namin ngayon, naisip ko na pumunta muna sa cafe para kumain muna, as usual na mag isa.
Wala parin kasi akong kaibigan, hindi ako pansin ng mga classmates ko, bago lang kasi ako sa school na to diba?, pero sanay nadin naman ako.
kinakausap lang nila ko kapag may kailangan sila, isa akong dakilang utusan tapos binubully pa, pag di ko sila sinunod sasaktan nila ako, ganun sila. Simula nung malaman na ni mama yon pinalipat na niya ko dito, wala din naman pinagbago.
"Ate ten pieces siomai nga with sweet and sour sauce."
"Any drink miss?"
"Give me a soda nalang."
"Ate itatake out ko pala ang order ko."
"Okay miss no problem, just wait a minute."
"Okay thanks."
Napagdesisyonan ko na i take out nalang ang oorderin ko, dahil ayokong kumain dito dahil mukha akong tangang emo, walang kasama. Eh halos yata ng mga nakikita ko dito kasa kasama nila ang mga barkada nila.
"This is your order miss."
"Thank you." inabot na sakin ni ate yung order kong siomai, kinuha ko ito tsaka umalis na, problema ko saan kaya ako kakain nito?
Sa room kaya? Tch, di pala pwede dun, aha! alam kuna!pumanik ako ng hagdan, pumunta ako sa rooftop, perfect place to, hehe ang lakas ng trip ko no?
Kakain na nga lang dito pa sa rooftop. Haha umupo ako dun sa parteng nakasilong, nag indian seat tsaka ko binuksan tong binili kong pagkain.
Habang masaya akong kumakain enjoy na enjoy dito sa paglamon ng mga siomai napalingon ako dun sa bandang leftside ng rooftop, May nakita akong paang gumagalaw galaw, mukhang nakahiga ang may ari ng paa na to, Huh? May tao?
Lumapit ako ng bahagya, may nakaharang kasi na pader eh, maliit na part ito ng rooftop, sumilip ako ng bahagya at nagulat ako, May tao nga! Lalake na busy'ng busy na nag sa soundtrip naka earphone pa siya. Pero namumukhaan ko siya?
Hm, napatigil siya bigla sa pagkanta dahil nakita niya ko, bigla nalang siyang tumayo at tinanggal ang dalawang earphone sa magkabilang tenga niya. Gulat na gulat siya. "What the hell are you doing here?!"
"Ehhr, sayo ba to? Di ko nga alam na may tao pala dito eh."
Nung matagal tagal ko na siyang nakita, bigla ko nalang naalala si kuya bait, kamukha niya itong lalaking to! Nung tumagal pa napagtanto ko na siya nga ito hindi ako nagkakamali!
"IKAW?”
“Anong ako?" tsaka niya tinuro ang sarili niya.
"Ikaw! Ikaw si kuya , yung tumulong sakin kagabe, hindi muba ako nakikilala, ang weird mu naman tinulungan moko tas di moko nakikilala!.."
Nag tsk, lang siya tapos umiling iling na waring walang pakyalam, tsaka humiga ulit.
"Uy! Yun lang ang reaksyon mo? Salamat sa pagligtas mu sa kin kagabi ha?"
"Nakilala mu pa talaga ako?"
"Oo naman!"
"Bakit ka nga pala nandito? Teritoryo ko to ."
"teritoryo? Kaw ba nagpagawa nito, di naman ikaw ang may ari ng school na to ah. Wala lang pumunta ako dito para kumain sana."
"Eh bakit dito pa? Bat di ka nalang dun sa cafe kumain."
"Ayoko dun, wala kasi akong kasama, bakit ikaw bakit ka nandito, bakit mag isa kadin?"
"wala lang din, masarap kasing mapag isa."
"wala kabang kaibigan dito?"
"wala, ayoko ng maingay kasi."
"parehas pala tayo, eh bat di ka maghanap na kaibigan na tahimik?"
"Ayoko nga diba! Gusto ko mag isa lang. Pwede ba umalis kana dito, inaabala moko, peaceful na nga, you ruined pa."
"Ang sungit mo! Anu nga palang pangalan mo kuya?"
"wag mu nga akong makuya kuya jan hindi kita kapatid, wag munang alamin. Okay?”
tsk ang sungit naman pala neto akala ko pa man din mabait siya.
"taray mo! Masama bang magtanong?"
"okay, pag sinabi ko ba pangalan ko titigil kana sa pagtatanong at aalis na at di na muling babalik pa dito? Ok sige my name is Marcus de Leon, now this is time for you to get out!"
"Ang sungit sungit mu naman, gusto ko lang naman makipagkilala sayo."
"I'm not interested to you."
"Eh bakit moko tinulungan kagabe?"
"Tanga kaba? Ikaw ba pag nakakita ka ng tao na kailangan ng tulong, magdadalawang isip ka pa ba na tulungan ito. Eh diba nirerape ka, kaya kita tinulungan."
"ganun? Pero salamat huh? Pero bakit ka naman tumakbo bigla nun?"
"Actually napadaan lang ako don, iba talaga ang dapat pupuntahan ko, kaso ayun nakita kita kaya tinulungan muna kita, nung nakita kong kaya muna, nung nilabanan muna yung lalake iniwan na kita, kaya ayun tumakbo ako kasi may pupuntahan pa ako. Kailangan na kasi talaga"
"Ang gulo mo!"
"ewan ko sayo wag ka nalang kasing magtanong! Umalis kana nga."
hinigit niya ko tsaka pinagtulukan palabas dun sa rooftop..
"Anu ba! Eto na aalis na! Pero sabihin mo muna kung anong year kana?"
"wag kanang madaming tanong. Shoo! Shoo!"
nakakabanas naman tong lalaking to, akala ko pa naman mabait, napakasungit niya pala..
"eto na aalis na, pero salamat talaga kahapon ha!"
"Oo na! Oo na! Sia! Sia! Wag munakong guguluhin pa ulit dito sa secret base ko!."
pumasok na siya ulit dun sa rooftop, at ako naiwan dito sa hagdanan, grabe yung lalaking yun.
nag ring na ang bell hudyat na tapos na ang break namin, wala bang balak pumasok yun? Yung lesheng Marcus na yon, I wonder bakit kaya siya ganun? Ang weird niya gusto niya palaging mag isa, tapos kasisimula palang ng klase nag kacutting na agad siya, pano kaya yun nakapasa last school year? Nagmadali akong bumaba para pumasok na ulit sa klase namin, pagkarating ko sa room, buti wala pa kaming teacher kaya dali dali akong umupo na dun sa arm chair ko.
Nung dumating na si Ma'am nagsitahimakan ang lahat mejo terror kasi itong si Ms. Turla, nag check muna siya ng attendance. "de Leon Marcus" tahimik ang lahat dahil walang bumigkas ng present.
So ibig sabihin classmate ko yong Marcus na yon! Bat hanggang ngayon di padin siya pumapasok?, siya pala yung laging binabanggit ng mga teachers na hindi pa daw pumapasok pero nakikita nilang pakalat kalat sa campus, "hay Mr. de Leon humanda ka talaga pag pumasok ka na. May nakakita ba kay Mr. de Leon sa inyo kanina? O alam kung nasan man siya ngayon?!" nanahimik ang lahat walang may alam, o ayaw lang talaga nilang magsalita, eh kung sabihin ko kaya na alam ko kung nasan siya? Tama,! Nagtaas ako ng kamay, "Yes? Miss Mencken." "Ahm, Ma'am alam ko po kasi kung nasan si Mr. De Leon." "Oh, where is he? Would you mind to call him for me? Para maturuan ko ng leksyon, ang sutil kong pamangkin na yon, naku talaga! Kung di ko lang siya pamangkin, matagal na sigurado siyang pinatalsik dito sa school na to!"
"Eh???" So pamangkin pala siya ni miss Turla.?
"So miss Mencken pwede mubang ituro sakin kung nasan si Marcus? Samahan na kita puntahan natin siya, para makatikim siya sakin."
Bahala na, kahit anung gawin man sakin nun, dahil panigurado akong mababratatatat ako dun dahil tinuro ko kung nasan siya, mali naman kasi ang ginagawa niya.
"Sige po"
Dinala ko si Mrs. Turla dito sa rooftop. "Ah so dito pala nagtatago ang gunggong na yon ha? Humanda talaga siya."
Nung nakarating na kami dun sa kinaroroonan niya. "ayun po siya ma'am" sabay turo sakanya. Tapos bigla niya nalang tong nilusob at piningot pingot. Oh no. Patay talaga ako dito kay kuya.
Change of Point of View
Marcus de Leon //
Payapa na sana ang pakiramdam ko ngayon ng biglang dumating si tita kasama yung babae kanina? Wtf? Wag niyang sabihin na sinumbong niya ko! Naku naman! Tumayo ako, saktong pagtayo ko palang nilusob na kaagad ako ni tita saka pinagpipingot. "aray! aray!" ouch, matatanggal yata tenga ko dito, "diba nag promise ka sa mga magulang mo na mag aaral kana ng mabuti eh ano to ha! Kasisimula palang ng klase hindi kana agad pumapasok, lintik kang bata ka oh, halika nga dito, bumaba ka!"
"Anu ba auntie, teka lang, pwede bang bitawan mu muna ang pagpingot sakin nasasaktan ako! Aray!"
"eh bakit ba kasi ayaw mung pumasok?! Isusumbong na talaga kita sa mom and dad mo tignan mu man."
"auntie naman, wag! Nakakapasa naman ako diba, diba! kahit madalas akong di pumapasok!"
"pwede ba Marcus, wag mung ipagmalaki na kahit palagi kang nakakapasa kahit di ka pumapasok, iba parin kung nandun ka, estudyante ka, hindi ka tambay!"
buti naman inalis na niya kamay sa tenga ko.
"auntie wag muna ngayon please, tinatamad ako promise nextime papasok na talaga ako."
"Anung nextime, ngayon na. Miss Mencken, come here.."
tinawag niya yong babae, eto panigurado ang nagsumbong kung nasan ako, siya lang naman ang nakakaalam, humanda ka talaga sa kin babae ka.
"Come here tulungan moko na ibaba natin tong lalaking to."
"Auntie!!! Anu ba." hinigit nila akong dalawa, hawak hawak nila ang kabilaang kamay ko, pinagtutulungan nila ko, para bumaba pero ayaw ko, dahil tinatamad ako! Nakakapasa naman ako eh kahit di ako pumapasok madalas, mataas parin ang nakukuha kong score kapag nagtetest kami, alam ko na din naman ang pinag aaralan namin, nag se self study ako lagi pag nasa rooftop ako, kaya why I should bother myself to go with that f.cking classroom, napakaingay ng mga tao dun! Tama kayo akala niyo lang na di ako nag aaral kasi di ako pumapasok, pero wrong, nag seself study ako, hindi naman sa nagmamayabang pero matalino ako, kaya hindi nila ako maibagsak, kahit na sobrang nagtataka ang mga teachers kung bakit daw di naman akon laging pumapasok pero halos perfect padin ang mga nakukuha kong score tuwing exam, kaya nga kahit ganun, nasa first section padin ako, di naman nila ako pwedeng ibagsak dahil attendance lang naman ang problema ko, ayos naman ang mga score ko palagi. Ayoko lang kasi sa room na yun.
Nung nasa kalagitnaan na kami ng hagdan, nagpumiglas ako kaya nawala ang paghawak nila sakin ng mahigpit. Hinarapan ko yung babaeng sumbungera. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!!!"
"tama lang yung ginawa ko no."
"talagang sumasagot ka pa ha." patakbo na sana siya pero bigla ko siyang hinigit. Nahawakan ko ang isa niyang kamay. "humanda ka talaga sakin."
sasakalin ko na sana siya, pero di naman yung totoo yung mahina lang,sapat lang na matakot siya at madala pero bigla na niya lang akong kinagat ng pagkasakit sakit.!
"ARAY!!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit ng pagkakakagat niya, bigla nalang siyang tumakbo pababa, eto namang tita ko naiwan dun, na tawag ng tawag sa amin, hinabol ko siya pero napakabilis ng walanghiyang babaeng ito. Habol ako ng habol sakanya good thing bigla siyang nadapa, mwahaha buti sayo' ang bilis ng karma,! lumapit ako sakanya. Di siya makagalaw, pumikit siya saka sinabing, "Sorry na po talaga boss, sorry, sorry"
"gagawin ko lahat ng gusto mo wag mulang akong saktan please!"
"Ang tapang mo no. Para kang aso ang sakit mung mangagat, tignan munga kinagat mo oh, look! Namaga oh! Oh!"
"sorry na please, natakot lang kasi ako sayo kanina."
nanggagalaiti talaga ako gusto ko siyang sakalin pero pinipigil ko lang ang sarili ko dahil babae siya. Tumayo nako, tumayo nadin siya
"kung di kalang babae, kanina pa kita sinaktan!"
nag pout lang siya. "mali naman kasi ang ginagawa mo, gusto lang kitang tulungan, dapat kasi pumapasok ka parin kahit good palagi ang mga grades mo."
"Anu bang pakyalam mo sa buhay ko ah!" sasapukin ko na sana siya pero biglang dumating si tita. "Marcus stop it!" pinigil niya ko tsaka muling piningot papasok sa classroom. Nakakainis!