1
***From the Naughty Author---"Please read po! I'm pretty sure you'll love it!Thank you"
Buddy,bhest,fren etc.Pero paano na lang kung nainlove ka sa best friend mo?Anong gagawin mo?Kaya mo ba siyang mahalin kung wala naman siyang damdamin para sayo?
Ako nga pala si Allycia Courtney Canter.Isang senior high school student. Half Filipino at half American ang Papa ko. Kaya kahit papaano may dugo pa rin akong Kano.Sixteen years old at isang simpleng babae lang naman na matatawag.Wala namang interesting sa akin maliban sa komplikado kong nararamdaman sa aking best friend.Kung bakit ba naman kasi sa dami nang lalaki sa mundo, sa best friend ko pa ako nagkagusto.Nakakainis pero wala akong magagawa,eh. Anyway, ito ang kuwento ko tungkol sa Best Friend ko na True love ko...
**************************************************************************
SINADYA ko talagang puntahan si Drew sa bahay nila ngayon. Pagkatapos ng klase nang hapon ay dito na agad ako dumiretso sa bahay nila. Nag-aalala na kasi ako sa kanya. Halos mag-iisang linggo na din kasi siyang hindi pumapasok sa school. Kapag tinetext o tinatawagan ko siya hindi rin naman sumasagot. Nagsimula siyang maging ganu'n pagkatapos mailibing ng nobya niyang si Celine. Marahil hindi pa rin nito matanggap ang maagang pagkamatay ng nobya kaya ganu'n. Biglaan din kasi ang pangyayaring 'yon. Halos lahat nga hindi rin makapaniwala sa nangyari sa kanya. Hanggang ngayon ang hirap pa ring mag-sink in sa utak.
Namatay si Celine sa isang car accident. Galing ito sa birthday ng pinsan niya. Nakainom na pero pinilit pa niyang magdrive. Kahit anong pigil sa kanya, ayaw paawat. Nasa impluwensya na kasi nang alak kaya matigas na ang ulo. Kaya ayun nangyari ang nakakapangilabot na aksidente sa kanya. Nawalan ng preno ang minamaneho nitong kotse at bumangga 'yon sa makakasalubong nitong sasakyan. Ni hindi na nga siya nagawang maitakbo pa sa ospital ng mga sandaling iyon. Patay na siya agad pagkatapos ng aksidenteng nangyari. Bali ang leeg niya at halos hindi na makilala ang mukha sa dami nang sugat na gawa nang basag na salamin ng sasakyan niya. Sobrang nakakatakot ang nangyari sa kanya. Kinikilabutan pa rin ako tuwing naaalala ko.
Nakakaawa siya kasi ang bata pa niyang namatay. Kung tutuusin ang dami pang puwedeng mangyari sa buhay niya. Sayang kasi maaga siyang kinuha. Pero hanggang doon na lang talaga siguro ang buhay niya.
Noong una halos hindi ko rin matanggap.Ilang gabi din akong umiyak.Mahalaga si Celine sa akin hindi dahil mahal siya ni Drew. Pinsan ko siya at kahit hindi kami naging gaanong close ay masasabi kong mahalaga pa rin siya sa akin. Pero lately unti-unti ko na ring natanggap ang kamatayan niya.Ganu'n talaga ang buhay,eh. Kailangang tanggapin kung ano 'yong reyalidad.Lahat naman tayo mamamatay 'di ba?Nagkataon lang na nauna si Celine. Ou maraming naapektuhan sa nangyari. Pero hindi naman nangangahulugan 'yon na hindi na rin tayo magpapatuloy sa buhay natin. Isa pa'y hindi pa katapusan ng mundo. Kaya huwag nating ikulong yong sarili natin at gawing malungkot yong buhay natin dahil lang may taong nawala sa atin.
"Nay,nandyan po ba si Drew ngayon?"tanong ko sa matandang katiwala nila na tiyempong nagtatapon ng basura sa labas ng bahay.
"Ikaw pala, Allycia. Buti naman naalala mo pang dumalaw. Matagal na nu'ng huli kang pumunta dito,ah,"sabi nitong itinigil pansamantala ang ginagawa at humarap sa akin. Kitang-kita sa mukha nito na masaya ito dahil muli akong nakita.
"Pasensiya na po,nay. Naging busy lang po sa school kaya hindi na po ako halos makadalaw." Pero ang totoo nu'n umiiwas lang talaga ako kina Drew at Celine nung mga panahong 'yon. Madalas kasi silang magkasama at laging kina Drew sila nakatamabay na dalawa. Alangan namang makisingit pa ako sa kanila. Maya ako pa ang pagsimulan ng away nila. Best friend lang ako kaya alam ko naman kung anong limitasyon ko.Tiga suporta lang ako , tiga alalay ganun. Ano pa nga bang role ko kundi yon lag naman talaga di ba?
Huminga ako ng malalim.
Halos isang taon na din nung huli akong pumunta dito. Kaya tuloy parang nakakapanibago din. Mula nung magkaroon ng gf si Drew, ang laki nang ipinagbago niya. Ayaw kong aminin pero parang nakalimutan na niya ako. Na may best frined siya. Kay Celine na kasi halos umikot ang buhay niya.
Halos hindi ko na nga rin siya nakakasama. Nagbabatian lang pero hanggang dun na lang yon. Kahit sa school, minsan na lang din kaming magpansinan. Ang akward din kasi lalo na kapag kasama nito si Celine. Hindi kami close nun kaya iniiwasan ko talaga siya. Medyo masungit din kasi ito at may pagkaselosa. Ayaw niyang may umaaligid na babae kay Drew. Kaya naman bantay sarado siya sa nobyo niya. Natatakot maagaw ng iba,e. Ako naman pinili ko na lang ang dumistansya para makaiwas sa g**o at hindi rin mapagdiskitahan ni Celine.
"Ay, ganoon ba,"napapatangong sabi nito."Nasa kuwarto niya si Drew."
"Kamusta naman po siya?" medyo concern kong tanong.
Napakamot ito ng ulo."Ayun laging nagkukulong sa kuwarto.Ang masama halos hindi na kumakain.Natatakot nga ako para sa batang 'yon, eh. Madalas naaabutan kong nakatulala sa kuwarto niya."
Mas lalo akong kinabahan sa narinig. Ano bang balak ni Drew sa buhay niya? Magpakamatay? Akala ba niya matutuwa si Celine sa pinaggagawa niya sa sarili niya ngayon?
"Tingin ko apektado pa rin po siya sa nangyari kay Celine. Baka nahirapang mag move on,"sabi ko na lang.
"Subukan mo ngang kausapin anak at baka sayo makinig ang batang iyon. Aba, eh, hindi rin kasi ako sanay na nakikita siyang nagkakaganoon. Ako'y nalulungkot. Alam mo naman parang tunay ko nang anak kung ituring ang batang yon."
Bakas sa mukha na matanda ang matinding pag-aalala. Sabagay hindi na ako nagtaka.Siya kasi ang halos nag-alaga at nagpalaki kay Drew mula pa noong bata ito. Kaya alam ko kung gaano kahalaga ito sa kanya.Tulad ko siguradong sobra din itong nasasaktan sa nangyayari sa buhay ni Drew ngayon. Kung bakit ba naman kasi yong taong yon hindi ayusin anng buhay. Masyadong nagpaapekto sa nangyari.
Hindi ka maawa sa pinaggagawa niya sa buhay niya. Maiinis ka lang.
"Opo, nay, susubukan ko po." Ngumiti ako sa matanda.
"Sana nga makinig sayo,"malungkot na sabi nito. "Puntahan mo na lang doon sa kuwarto niya."
"Sige po, Nay,"paalam ko bago ako pumasok sa loob ng bahay. Mabilis akong umakyat sa ikalawang palapag at pinuntahan ang kuwarto ni Drew. Naabutan kong sarado ang pinto kaya minabuti kong kumatok muna. Pero nakailang katok na ako sa pintuan ay wala pa ding nagbubukas.
"Drew, nandyan ka ba?Si Allycia ito," malakas kong sabi, Nagbabakasakaling marinig niya ako. Pero wala pa din. Hindi pa rin ito nagbubukas ng pinto.
Sinubukan kong pihitin ang door knob. Bukas namn pala!
Huminga ako nang malalim bago ipinasyang buksan ang kuwarto ni Drew.
Medyo madilim sa loob ng pumasok ako. Kulob din ang kuwarto kaya hindi rin maganda yong amoy. Tapos nakapatay din kasi ang aircon. Ang tanging liwanag na pumapasok sa loob ng kuwarto ay nagmumula sa isang bintanang nakabukas. Ang ibang mga bintana ay sarado pa at hindi pa nakataas ang mga kurtina.
Hinanap ng mga mata ko si Drew. At parang nalaglag ang puso ko ng makita siya. Nakaupo siya sa kama at inaaawit isang hindi pamilyar na kanta habang tumutugtog ng gitara. Mababakas ang sobrang kalugkutan sa mukha nito habang kumakanta.
***
Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand...
Tahimik lang ako habang pinapakinggan siyang kumakanta. I feel his pain sa bawat lyrics ng kantang inaawit nito. Huh? He's still grieving. I had no idea na ganito niya pala kamahal si Celine. Sa kubling bahagi nang puso ko, may kurot akong naramdaman. Masakit kayang makita yong taong mahal mo na may mahal na iba.
Naiinggit ako kay Celine sa totoo lang. Hindi ko dapat ito nararamdaman pero talagang hindi ko maiwasan.