Hindi ko inaasahan na maglalabas si Sanches… I mean, Ezekiel, ng secret niya sa akin. Despite his intimidating and snobbish facade, a dark and painful past was hiding. Iyon siguro ang nasi-sense ko sa kanya dati pa kaya hirap akong pagkatiwalaan siya. Pero ngayon, mas naiintindihan ko na siya. Masaya akong pinili niyang mag-open up sa ‘kin. But I felt bad about what he’d gone through. Nakatayo pa rin kami sa balcony habang nakatanaw sa beach. The view was majestic and calm, but deep within his tone, a gloomy aura was creeping in his system. “S-so, ilang taon ka when that happened?” lakas-loob kong tanong. “Pitong taon ako n’yon.” I frowned. “Gano’n kabata?” He nodded and took a deep breath. “Lagi namang binubugbog ng tatay ko ang nanay ko. Pero ang gabing iyon ang pinakamalala…” I

