Ch.18: Dreams from the Past

1603 Words
Kabababa palang ni Maddi sa taxi sa tapat ng condo building ni Jef ng makita niya si Ingrid na sumakay naman sa magarang kotse sa may parking area at kasunod na sumakay ay ang isang matipuno at mukhang kagalang-galang na lalaki at kaagarang umalis ang kotse. Hindi malaman ni Maddi pero kinabahan siya at kaagad na tinawagan si Ingrid. "Grid? Where are you going?! Nakita kitang sumakay ng kotse eh."-Pagaalala naman ni Maddi dito. (Ah, eh.. Ma -may pupuntahang event lang for my project. Alam mo naman.)-Sagot naman ni Ingrid sa kaibigan. "Sino yung lalaking kasama mo?"-Pagusisa pa ni Maddi. (Ah, siya ba? Siya si Mr. Kaur. May-ari niyang condo building. Siya kasi ang subject ko for interviews. Eh may event siyang pupuntahan, kailangan mai-coverage ko rin yun. So, sumama na ko.)-Halata sa boses ni Ingrid ang pagmamadali. "Ganun ba? Magiingat ka ah. Good luck." (You too, Maddi.) Medyo nagtaka si Maddi dahil napakabata naman yata para maging President and CEO ng Mr. Kaur na tinutukoy ni Ingrid na subject niya. Ito rin pala ang sinasabi nitong kakilala niyang may-ari ng condo building na tinutuluyan ni Jef. Umakyat na lamang ng condo unit si Maddi para doon na intayin si Jef.   Sumapit ang hapunan ngunit wala pa si Jef, pagkakaalam niya ay dapat hanggang 7pm lang ito ngayon. Kinuha na niya ang phone niya para tawagan ito pero hindi ito sumasagot. Nagsimula na rin siya magalala at tinawagan na rin ang ospital na pinapasukan. "Ganun po ba? Sige po maraming salamat." Laking taka niya lang dahil 7pm pa nga daw ay nag-out na si Jef. 10pm na ngunit hindi pa ito nakakauwi. Palakad-lakad lang siya condo at panay ang text at tawag kay Jef. Ngunit kahit isa ay wala itong sagot sa kanya. Nakaramdam na rin siya ng inis dahil hindi naman ito ganito noon. Updated ito palagi sa ginagawa niya. Makalipas ng kalahating oras, sa wakas ay nakauwi na si Jef. Nakaupo lang si Maddi sa couch at nakatingin kay Jef na pumasok sa pinto. "Hon? Kumain ka na?"-Pasimpleng tanong nito pero walang imik pa si Maddi. Nilapag ni Jef ang bag niya at nilapitan si Maddi para halikan pero umiwas ng pisngi si Maddi rito. "Saan ka pa galing?"-Diretsong tanong naman ni Maddi. "Ah, sa mall lang. Tumingin-tingin lang ako ng mga gamit pa para dito sa condo."-Sagot naman ni Jef. "Eh bakit hindi ka sumasagot o mag-reply man lang sa mga text at tawag ko?" "I'm on my silent mode. Baka kasi sa ospital yung tumatawag." Umirap at buntong hininga na lamang ang sinagot ni Maddi. "Hon, sorry na please?"-Nagsimulang maglambing naman na si Jef. Lumuhod ito sa tapat ni Maddi habang nakaupo pa rin si Maddi sa couch. Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at hinalikan. "Miss na miss ko tong honey ko eh."-Paghalik-halik pa nito sa kamay ni Maddi Kahit pa natatawa, pinipigilan ito ni Maddi dahil sa kulit din ni Jef. "Sorry na baby ko. Hindi na mauulit promise."-Paghalik pa rin nito sa kamay ni Maddi. Unti-unting umaakyat ang paghalik ni Jef sa braso ni Maddi paakyat sa balikat at leeg kaya hindi na napigilan ni Maddi ang pagtawa dahil sa kiliti. "Sorry na hon.." "Sa uulitin, i-check muna ang phone ah?" "Opo boss.." Matapos nilang kumain ay naghanda na rin sila para matulog. Nasa banyo pa si Jef ng umilaw ang phone niya at nakita ni Maddi. Hindi man niya itensyon pakiaalaman ito pero nasilip niya kung sino ang nag-text. (See you again. Good night.) Hindi maintindihan ni Maddi pero may kakaiba siyang naramdaman sa nabasa niya. Galing din ito sa parehong pangalan na nakita niya noon, kay Janice. Kahit pa puno ng pagtataka, pinili ni Maddi na manahimik na lamang at wag pakialaman ang phone ni Jef. Lumabas na si Jef ng banyo at umarteng normal nalang siya ulit dito. . . .  (Hello? Jef?) Tila nakatulala pa rin si Jef ng marinig ang pamilyar na boses sa phone. (Jef? It's me, Janice!) "I - I know."-Bakas sa boses nito ang pagkabigla. (Thank goodness! Tita Fara gave me your number. How are you?) "Good. I'm good. Ikaw? How are you?" (Getting better. I've heard na ayaw mo pa daw sumunod dito sa Canada. You know, I was waiting you here.) "Ah, Janice.. About that, there's something I need to tell you." (Okay. I'll be home tomorrow. Tell it to me then.) Tila hindi malaman ni Jef ang gagawin sa pagkabigla. Si Janice ang childhood sweetheart niya na pinangakuan niyang susundan sa Canada noong high school palang sila. That was 5 years ago. But things has changed kay Jef simula ng makilala niya si Maddi. Ayaw na niyang mahiwalay sa dalaga. Minahal noon ni Jef si Janice, ngunit nagkahiwalay sila dahil kailangan ng mag-migrate ng pamilya ni Janice sa Canada para na rin sa better medication ng dalaga. Si Janice ay diagnosed ng stage 3 blood cancer noon kaya kailangan din niyang magpagamot roon. Nagkahiwalay sila ngunit ang komunikasyon nila ay nanatili. Pero pagkalipas ng dalawang taon, hindi na nagparamdam si Janice kay Jef dahilan para malungkot ang binata. Pinangako ni Jef na susundan si Janice sa Canada para maalagaan ito. Kaya na rin mas pinili niyang maging nurse kaysa sa maging engineer sana. Ngunit nang hindi na malaman ni Jef kung ano ng lagay ni Janice, nawalan na rin ito ng pagasa. Pinagpatuloy na lamang din niya ang pag-nurse para magbakasakaling mahahanap pa si Janice sa Canada kapag nakarating na siya doon sa tulong din ng mga magulang niya. Ngunit, nagbago ang mga plano ni Jef ng makilala at mahalin na niya si Maddi. Nagbago din ang pananaw niya sa buhay at sa unang pagkakataon, alam niyang ayaw na niyang mahiwalay dito. Hindi niya rin itong magagawang saktan. "Jef!"-Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Janice kay Jef nang makita ito. Pumayag si Jef na makipagkita na kay Janice sa ilang araw na rin nitong pangungulit sa kanya. "Ja - Janice. It's you."-Tila gulat pa ring reaksyon ni Jef ng makita at yakapin siya ni Janice. Ngunit hindi niya ito niyapos. Bumitiw si Janice at magiliw na hinarap si Jef. Halatang na-miss niya ang binata. "I missed you a lot, Jef." "Me - me too." "Okay, I know you're mad at me for not contacting you for the past 3 years but believe me! Hindi ko ginusto yun Jef."-Halos mangilid naman ang luha ni Janice. Pumuwesto muna sila sa isang coffee shop at doon na muling nakapagusap. "Mom and dad doesn't want me to talk or communicate with you anymore. They believe that for the first two years ko na medication doon ay nonsense lang kasi hindi ako focus sa pagpapagaling. Ikaw ang inaalala ko."-Paliwanag pa ni Janice. "You should have told me. I would understand that." Inabot ni Janice ang kamay ni Jef at tila hindi naman makapalag pa si Jef. "I'm really sorry, Jef. But you never be gone in my heart. Ikaw ang dahilan ko para lumaban pa. Ikaw ang dahilan ko para mabuhay pa!"-Sincere namang saad ni Janice kay Jef. "Ah Janice, that's the thing I need to tell you."-Pagbawi ni Jef sa kamay niya. Tila nangungusap naman ang mga mata ni Janice. "I - I can't be with you in Canada." "Bakit? Ayaw mo ba doon? Eh di dito nalang tayo. Hindi na ko babalik ng Canada Jef, magkasama lang tayo!" "No Janice. I can't even be with you anymore."-Hindi malaman ni Jef kung papaano ipapaliwanag kay Janice ang totoo na hindi ito masasaktan. "What?! Dahil ba sa hindi ko pag-contact sayo ng ilang taon?! Ganun nalang yun Jef? Jef, nangako kang sasamahan at aalagaan ako di ba?! Kaya ka nga nag-nurse eh! Para magkasama na tayo sa Canada." "Janice, I have a girlfriend now." "What?"-Halos nangingiyak naman na si Janice. "Yes Janice. We're been together for more than a year. And, I love her so much."-Paliwanag naman din ni Jef. "Jef... You said you love me and you want to be with me. I'm feeling the same way Jef. Kaya ako lumalaban sa Leukemia ko." "I know Janice and I'm really sorry. Maddi changed the way I'm feeling. I was so devastated when you stop talking to me, it took years before I get over on it. But then Maddi came into my life, and she made me feel that I can love and beloved again truthfully." "Jef, she was just your rebound! But I'm here again! Actually, I don't really want to leave you. But we can start over again, Jef. I can wait you until you left her." "I'm so sorry Janice but it will never happen. I can't imagine leaving Maddi."-Sabay tayo na ni Jef at alis. "Jef! Jef!"-Umiiyak na pagtawag ni Janice kay Jef. "Je - uh" "Ay miss?!" Bumalik ng tingin si Jef ngunit nakita niyang nakahandusay na sa sahig si Janice at mukhang nawalan ng malay. "Janice!" Kaagad na sinugod ni Jef si Janice sa ospital at binantayan ito. Hindi naman malaman ni Jef kung sino ang tatawagan para maipagbigay alam ang nangyari kay Janice kaya wala na siyang nagawa kundi samahan ito hanggang sa magising. Kinuha ni Jef ang phone at nakita na ang mga text at tawag ni Maddi. Re-replyan na sana niya ito ngunit bigla namang nagising si Janice na. "Jef? Jef?" "I'm here Janice." Inabot ni Janice ang kamay ni Jef. "Please don't leave me. Stay with me, as you promised." Tumungo na lamang si Jef kay Janice kahit pa labag ito sa kagustuhan niya. Hinatid na muna ni Jef si Janice sa tinutuluyan nitong hotel bago nagmadali makauwi sa condo niya. Paniguradong galit na si Maddi sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD