Lumipas ang mga panahon at hindi nga tumuloy si Jef sa Canada para magaral. Dito na lamang siya sa Pinas ulit kumukuha ng master's degree habang nagtatrabaho. Nagtatrabaho siya sa umaga at nagaaral sa gabi. At kung minsa'y napagsasabay niya ang pagaaral habang naka-break lang sa duty kapag kailangan niyang mag-extend ng shift.
Ramdam ni Maddi ang hirap ni Jef pero suportado niya pa rin ito. Habang nagaaral pa rin si Maddi, madalas na silang nawawalan ng oras ni Jef sa isa't isa. Isa o dalawa na lamang na beses sa isang linggo sila magkita. At kung magkausap man thru phone, panandalian na lamang.
(I miss you a lot hon.)
"Me too."-Ramdam ni Maddi ang antok at pagod na sa tono ni Jef. "Go ahead. Have some rest."
(Are you sure?)
"Of course. I'll sleep too. You need to sleep."
(I'll call you tomorrow, okay? I love you.)
Kahit ganito na lamang sila ni Jef magusap, ramdam pa rin ni Maddi ang kilig. "I love you too."
Kinabukasan, maagang lumiban si Maddi sa klase para bisitahin si Jef. Gusto niyang surpresahin ito sa trabaho sa ospital.
Habang hinihintay ni Maddi si Jef sa garden ospital, nagtatanaw-tanaw na muna ito sa paligid.
"Maddi!"-Sigaw ni Jef sa hindi kalayuan habang nananakbo papalapit kay Maddi. Nginitian naman kaagad siya ni Maddi at tumayo.
Biglang niyakap at binuhat ni Jef si Maddi sa sobrang tuwa nitong makita siya.
"Ibaba mo na ako."-Natutuwa din naman si Maddi dahil mukhang nasurpresa niya talaga si Jef.
Ibinaba siya ni Jef at magkaharap ngayon sila.
"I'm so happy seeing you here."-Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi ni Jef.
"Daig ko pa may ka-LDR sa sobrang busy mo. Halos hindi ka na raw umuuwi sabi ni lola. Nagaalala na tuloy ako sa sobrang busy mo."
"I know, and thank you for understanding."-Hinalikan ni Jef si Maddi na tila miss na miss niya talaga ito.
Kumain ang dalawa sa isang restaurant malapit sa ospital at tila sinusulit ang bawat sandali nilang magkasama.
"Sa nurse area ka na yata nakatira. Bakit hindi ka nalang umupa ulit ng apartment malapit dito?"-Suggestion naman ni Maddi.
"You know what, I'm also thinking of that too."-Sabay pisil pa ni Jef sa ilong ni Maddi.
.
.
.
Mabilis lang ang pangyayari at nakalipat na nga si Jef sa condo type apartment na inuupahan niya. Tinulungan naman siya ni Maddi sa paglilipat.
"Hays, this place is perfect"-Naupo sila ng tabi sa sofa habang nakaakbay siya kay Maddi.
"Good thing Ingrid knew someone that has available condo units."
"Kilala niya may-ari nitong condo building?"
"Siguro? Ewan ko dun. May kakilala daw siya na may mga condo. Hindi ko sure if yung mismong may-ari nito? Hindi na ko nagtanong pa."
Tumungo-tungo na lamang si Jef dahil kahit pa exclusive condo unit ang tutuluyan niya, mura lang ang paupa sa kanya nito at in-offer-an pa siya nito ng rent to own.
"Are you hungry?"
Ngumiti lang si Maddi at alam na ni Jef ang gagawin.
Nagluto si Jef ng makakain nilang dalawa sa condo. Mabilis naging komportable ang dalawa sa lugar.
"You know what, this place is really nice."-Komento pa ni Maddi.
"It will be nicer if I'm going home seeing you here all the time."-Pabiro mang sinabi ni Jef, napatigil naman si Maddi sa narinig.
"I can visit you here often after my class or free day."-Si Jef naman ang napatigil sa pagkain at si Maddi naman ang kumain ulit.
Madalas nga bumisita si Maddi sa condo unit ni Jef na halos aakalaing dito rin siya nakatira. Minsan ay nakakatulugan na ni Maddi ang pagiintay kay Jef sa unit. At kapag dumating na si Jef ay doon lamang siya nito sa unit pinapatulog dahil masyado ng gabi para umuwi ito sa dorm niya.
Lumipas ulit ang buwan at tila ganoon na ang set up nila. Hindi rin malaman ni Maddi kung nagsasama na ba sila ni Jef pero hindi ito alam ng pamilya niya kahit pa ng mga kaibigan niya. Ang tanging alam lang ng mga kaibigan niya ay binibisita lang niya si Jef doon.
May mga gamit na rin siya sa condo pati ang ilang uniform niya ay naroon na rin.
"Hindi ka ba uuwi kay lola this sunday?"-Tanong pa ni Maddi kay Jef habang magkatabi sila sa kama at parehong kumakain ng ice cream habang nanonood ng pelikula.
"Probably I will. Sabay na tayo?"
"Oo ba."
.
.
.
Bumisita si Jef kina Maddi bago ito tuluyang umuwi sa lola niya. Tila na-miss rin ng binata ang pamilya ni Maddi.
Hindi na sila sabay bumalik ni Maddi ng Manila dahil kailangang mag-duty ni Jef ng madaling araw sa ospital kaya nauna na ito.
Habang nasa nurse area si Jef, tumawag naman sa kanya ang mommy niya mula Canada.
(How are you, honey? Are you okay there? How's your studies?)-Walang humpay namang tanong sa kanya nito.
"Mom, calm down. Yes, I'm fine. My studies are fine, even my job."
(Job?! What job?!)
"Yes mom, I have a job as a nurse here in the hospital I've been interned."-Sagot pa rin ni Jef habang nagaayos ng sarili dahil malapit na siyang mag-duty.
(What?! Since when?! All I thought is you're just focusing on your studies there?! Pumayag na nga kami na diyan ka muna sa pinas eh!)-Halata sa tono nito ang pagkabigla at inis.
"Mom, calm down. I'm fine. And besides, I really need this job for my experience and expenses. I'm renting to own a condo now. By the help of Maddi's friend."
(Yang Maddi na naman na yan! Siguro pinilit ka talaga niya na diyan nalang sa pinas ano?! Magtrabaho ka na para makapagsama na kayo?! She's just using you, anak!)
"Mom! Stop it! You know Maddi is not that kind of girl!"-Tila nagiba na ang tono ni Jef. "She's helping me a lot to get through this."
(Whatever Jef. I still don't want her for you! How about Janice? Isn't she's the reason why you wanted to become a nurse, right?!)
"Stop it mom! That's nonsense!"
(Bahala ka Jef! You will just gonna suffer with her!)
Ayaw man ni Jef sumama ang loob sa ina niya pero ganun pa rin ang naramdaman niya. Mahal niya talaga si Maddi at ito na ang gusto niyang makasama habang buhay. Nakalimutan na niya ang nakaraan bago pa man niya makilala at mahalin si Maddi. Kaya sigurado siya tuluyang nakapag-move on na mula sa nakaraan niya.
.
.
.
Matapos ang shift ni Jef, umuwi na siya sa condo niya at hindi inaasahan naroon na si Maddi at nagluluto sa kusina.
"You're here? Thought you'd have a patient until 9pm?"-Pagkalapag ng bag ni Jef sa couch at lapit kay Maddi sa kusina.
"I thought so. Pero nag-text sakin na hindi na daw muna siya matutuloy."-Sagot lang ni Maddi habang focus sa paghalo ng niluluto.
Lumipit si Jef sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Tila kinabigla niya ito ng una.
"Ugh! This is heaven. Going home with the one I love after a long tiring day."-Nakapahigapa ang ulo ng Jef sa balikat ni Maddi habang nakayakap sa dalaga.
Nangiti naman din si Maddi sa binata. "Magpalit ka na. Then kain na tayo."
"Dito ka na matulog please?"
Tila napaisip pa si Maddi. "Si - sige."-Hinalikan siya ni Jef sa ulo bago ito umalis.
Napaisip-isip si Maddi, minsan naiilang pa rin siya sa ganitong set up. Although, matagal na siya dito natutulog kasama si Jef ay wala namang nangyayari sa kanilang masama. Alam niyang nirerespeto siya ni Jef kaya mas kampante siyang gawin ito.
.
.
.
Bago pa man matulog sina Maddi at Jef, biglang may tumawag kay Jef kaya lumabas ito saglit sa balcony. Nagtaka naman si Maddi kung sino ito.
Pagkabalik ni Jef, hindi man tinatanong ni Maddi ay nagsalita na kaagad ito.
"Ah, hon. I'm sorry, pinapatawag kasi ako ngayon sa ospital. Kulang daw sila ng nurses na pang graveyard."-Tila nalulungkot din naman si Jef.
"Ganun ba? Ahm, maligo ka na. Ako ng maghahanda ng uniform mo."-Sagot na lamang ni Maddi dito.
Lumapit si Jef kay Maddi at hinalikan ito sa ulo. "You're the best."-At saka dali-daling pumasok sa banyo para maligo.
Pagkalabas ni Jef, nakita niyang sinasampay na ni Maddi ang uniform niya at tila napatigil at ngiti siya. Nai-imagine niya kasing ganito sila kapag magasawa na sila. Sa lahat ng babae, kay Maddi talaga nahulog na ang loob niya. At ito na lamang ang gusto niya makasama habang buhay.
Nilapitan niya si Maddi at niyakap ulit ito mula sa likod. Kinabigla naman ito ulit ng dalaga.
"Oh? Magbihis ka na."
"Sandali lang. Gusto lang kita makasama pa. Mami-miss na naman kita eh."-Paglalambing pa ni Jef rito.
Humarap si Maddi kay Jef na naka-boxer lang at may towel pa sa balikat.
"Magkikita pa tayo mamaya."-Sabay pagsabit ng mga kamay ni Maddi sa balikat ni Jef.
"Pero mas gusto ko sanang kasama kita buong gabi."-Biglang hinalikan ni Jef si Maddi at ganun rin ang dalaga sa kanya.
Dahan-dahan si Maddi napapaatras at tuluyang pumabagsak sa kama. Patuloy lang sila sa paghahalikan ni Jef na tila wala ng kung saan pa ito patutungo.
Bawat halik nila ay tila sabik sa isa't isa. Ang mga hawak at haplos nila na tila ayaw ng may mawala. Dahan-dahang itinataas na ni Jef ang damit ni Maddi at tila wala namang palag ang dalaga.
*kring kring kring
Tumutunog na ang phone ni Jef pero hindi niya ito pinapansin. Nang mapansin na ito ni Maddi, inabot niya ang phone ni Jef kahit pa magkahalikan sila at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Janice
Ang nasa caller ID.
"Hon, wait. Tinatawagan ka na yata sa ospital."-Pagputol ni Maddi.
Napabuntong hininga nalang naman si Jef. Bumangon na ito at inalalayang makatayo din si Maddi sa kama.
Bagsak balikat man, wala na rin naman itong magagawa. "Istorbo naman oh."
Natawa nalang si Maddi kay Jef dahil mukhang dismayado ito sa naudlot na make out nila, at the same nakahinga rin siya ng maluwag dahil hindi na niya namamalayan ang ginagawa niya.
Pagkabihis ni Jef nagpaalam na ito kaagad kay Maddi, halata pa rin masama ang loob nito. "Next time talaga papatayin ko na ang phone ko kapag off duty na ko."
"Okay lang yan. Oh phone mo, Janice nga pala yung tumawag kanina."-Pagkaabot ni Maddi sa phone ni Jef.
Tila natigilan si Jef at inabot kaagad ang phone niya.
"I'll text you."
"Take care."
Hinalikan ni Jef si Maddi sa labi bago ito tuluyang lumabas ng condo. Nagbalik naman ng kwarto si Maddi para matulog pero nangingiti pa rin siya sa mga nangyari.
Handa na ba ako para doon?
Sa isip-isip ng dalaga. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya ngunit hindi rin maiwasang matakot siya.