"Ano?! Seryoso ka ba diyan Natalie?!"-Sigaw pa ni Reign na hindi makapaniwala.
"I wish I was just joking."-Mukha namang pinagsakluban ng langit at lupa si Natalie.
"Arranged marriage?! Pfft! Hello? 21st century na!"-Sarcastic namang saad ni Ingrid.
"Natz, baka naman may paraan pa? Kausapin mo si tita. Baka makumbinsi niya pa ang daddy mo."-Pagdamay din ni Maddi sa kaibigan.
"I tried Maddi. I cried in front of them. I begged them. But they didn't listen to me."
"Eh di makipagtanan ka nalang!"-Reign
Tiningnan naman ng masama nina Ingrid at Maddi si Reign.
"I would agree on that."-Halos bulong lang ni Natalie.
"Natz, don't lose hope. You still have time. Sabi mo naman di ba kapag naging nurse ka na? So does mean, after grad at after mo pang makapasa ng board mo ikaw ipakakasal."-Maddi
"Oo nga! From that time, dapat makahanap ka na ng magtatanan sayo, ganun ba?!"-Ingrid
Naguguluhan man si Natalie, dama naman nito ang concern ng mga kaibigan niya sa kanya.
.
.
(Madz, pwede ka ba mamaya?)-Ingrid
"Bakit?"
(Pupunta ako ng Shangri-La mamaya. May i-interview-hin akong foreign business man doon. Pagkatapos nun free na ko all day. Meet tayo?)
"Sure. Just let me know what time."
(Okay sige. Bye!)
Pagkababa palang ng phone niya may tumawag na kaagad doon.
"Oh Grace? Napatawag ka?"
(Ate! Si papa! Inatake ng high blood niya eh.)-Tila na tataranta namang saad ni Grace sa kapatid.
"Oh? Kamusta si papa? Dinala niyo ba sa ospital?!"-Halos may pagpa-panic na sa tinig ni Maddi.
(Oo. Naisugod na ni mama. Pero hindi pa sila nakakabalik eh.)
"Ganun ba? Uuwi nalang ako!"
Pagkatapos ng klase niya ay kaagad naghanda si Maddi para umuwi. Tinawagan na lamang niya si Ingrid na hindi na sila makakapagkita dahil sa nangyari sa papa niya.
Tinext niya rin si Jef na mauuna na siyang umuwi at hindi na niya ito maiintay pang matapos sa duty para sana sabay silang umuwi.
.
.
.
Sa bus palang ay hindi na mapakali si Maddi. Balak sana niyang dumiretso sa ospital na pinagdalahan sa papa niya pero nag-text ang kapatid niya na nakauwi na ito ng ligtas. Nabawasan naman ang pangamba niya.
"Ah miss? May nakaupo?"-Paglapit sa kanya ng isang babae
"Wala po."-Inalis niya ang bag sa bakanteng upuan at doon naupo ang dalaga.
Nang makarating siya sa kanilang tahanan, tila tahimik ang lahat. Tila walang tao sa loob.
"Ma? Pa? Grace?!"-Sigaw pa niya pagkapasok. Nilibot niya buong ibaba ng bahay pero wala ni isang miyembro ng pamilya niya ang naroon. Dumiretso siya sa kwarto ng mga magulang at baka sakaling naroon ang mga ito.
"Papa? Mama?"-Pagpasok niya ay wala ang mga ito roon.
"Grace?!"-Wala rin ang kapatid sa kwarto nito. Dumiretso na lamang muna siya sa kwarto niya para maibaba ang mga gamit niya bago ipagpatuloy ang paghahanap. Nangangamba siyang baka naisugod ulit ang papa niya sa ospital.
Pagpasok niya ng kwarto niya at pagbukas ng ilaw, tumambad kaagad sa kanya ang pamilya niya.
"Tadah!"-Magiliw pang pagsalubong ng mga ito. Kapansin-pansin rin ang ayos ng kwarto niya, may mga nakalutang na mga lobo sa kisame at puno ng rose petals ang sahig.
"Papa? Okay ka na?"-Takang tanong pa ni Maddi.
"Nako! Okay naman talaga yang papa mo. Gusto ka lang talagang umuwi!"-Sagot naman ng mama niya.
"Bakit?"-Hindi naman maipinta sa itsura ni Maddi ang pagtataka sa mga nangyayari.
Ngumuso naman ang mama ni Maddi mula sa likuran niya.
"Hi?"
Halos mapabalikwas naman ang dalaga. "Jef?! A - ano ito?!"
Inabot naman ni Jef ang bouquet of flowers at kinuha naman ito ni Maddi.
"Ah, eh.. I just want to surprise you here. Pero kasi sina tito nakaisip ng dahilan para mapauwi ka kaagad."-Napapakamot pa ito ng ulo.
"Si papa yun ate."
"So set up lang ang atake mo papa?"
"Ah eh, kasi --"-Halatang nagpapanggap nga lang ang papa niya. Hindi naman niya malaman kung maiinis ba siya o matutuwa sa nalaman. Pero hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.
"And you agreed naman?"-Pagbaling niya ulit kay Jef.
"I didn't! At first. But then tito said, there's no way na daw kaya --"
"Huwag ka ng magalit kay Jef. Kami talaga may pakulo nito. Nagpaalam naman na siya sa amin at - at pumayag naman na kami. Kaya heto, tinulungan na namin siya."-Sabat pa ng mama ni Maddi.
"Unbelievable! Tara na sa baba."
"Ah wait Maddi."-Paghawak pa ni Jef sa kamay ni Maddi para pigilan ito. Nagtaka naman ang dalaga. "Ahm, I - I just want to ask you something."
Bigla naman nilabas ng mama at kapatid nito ang isang banner. Halos hindi mapigilan ang kilig sa mga ito.
I love you Maddi, will you be my girlfriend?
Halos napako na naman ang dila ni Maddi sa nakikita ngayon. Tila natulala na naman siya.
"I hope you are decided now, and I promise you won't regret it."-Lumuhod si Jef at lalong kinilig si Grace at ang mama nila.
Habang hawak ni Jef ang dalawang kamay ni Maddi, nakatingala siya rito at taimtim na nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Madison, will you be my girlfriend?"
Halos mangilid ang luha sa mga mata ni Maddi. Nakatulala lang siya kay Jef na nagiintay ng sagot niya.
Napatingin siya sa pamilya niya na mukhang kinukumbinsi siyang sagutin na ang binata.
Halos mangiyak na siya sa tuwa sa sobrang pagka-overwhelm sa nangyayari.
"Ah, ah.."-Tumungo-tungo si Maddi dahil nangingiyak na siya sa tuwa. "Of course, I would love to be your girlfriend."
Bigla naman siyang niyakap ni Jef ng mahigpit at hinalikan sa ulo nito.
"Yehey! Whoa!"-Biglang nagpaulan ng confetti at petals ang papa ni Maddi habang magkayakap naman sila ni Jef. Hindi naman maitago ng dalaga ang saya.
"Thank you Maddi. You have no idea how much you making me happy."
"No, you have no idea how much you making me feel so happy everyday day."-At niyakap muli ni Jef si Maddi.
Hinarap ulit ni Jef si habang hawak nito ang kamay. "Let's go?"
"Where?"
"You will know."
Napatingin naman si Maddi sa pamilya niya at mukhang payag ang mga ito na sumama na siya.
Sumama si Maddi kay Jef at sumakay sila ng kotse. Kahit pa kulitin ni Maddi si Jef kung saan sila pupunta, hindi naman siya sinasagot ng binata.
"Please? Kahit clue lang."-Pagmamaktol na ni Maddi
Kinuha ni Jef ang kamay ni Maddi at hinalikan ito. "Just in a minute, hon."
Tila may kung anong kumuryente kay Maddi ng marinig ang endearment ni Jef sa kanya kaya natahimik nalang siya.
Nakarating sila ng amusement park kung saan sila unang nakapag-date. Laking tuwa naman din ni Maddi.
"Dito?"-Natutuwa namang tanong pa ni Maddi at nginitian lang siya ni Jef.
"Shall we?"-Inabot pa ni Jef ang kamay kay Maddi at humawak rin naman na sa kanya ang dalaga.
Nagtungo sila sa loob ng amusement at nagtungo sa lahat ng rides na ginawa nila roon. Pero this time, may nagsasaya sila ngayong officially na silang dalawa.
Sumakay sila ng Carousel na kung noon ay magkahiwalay pa sila, ngayon ay magkatabi na. Umaarte naman si Jef na parang bata at natatawa nalang si Maddi sa kanya.
Sumakay ulit sila sa Love Tunnel na mukhang mas maganda pa ngayon. Habang namamangha si Maddi sa paligid, nakatingin lang sa kanya si Jef at mukhang mas namamangha ito sa dalaga.
"Thanks for everything, Jef."-Saad pa ni Maddi habang naglalakad nalang sila ni Jef sa park at magkahawak ng kamay.
"Pleasure is mine."-Hinalikan naman ni Jef ang hawak niyang kamay ni Maddi.
Huminto sila sa paglalakad at hinaplos ni Maddi ang pisngi ni Jef. Hinawakan naman ni Jef ang kamay ni Maddi habang nakadampi pa ito sa pisngi niya.
"I love you, Maddi."
"I love you too."-At lumapit si Maddi kay Jef.
Unti-unti pa silang naglapit hanggang sa nagdikit na ang kanilang mga mukha.
Nagngitian pa sila bago tuluyang nagdampi ang kanilang mga labi. It was a sweet soft kiss.
.
.
.
"Kyaaah!!!"
"Grabe! I'm so happy for you Maddi!!!"-Tili pa ng mga kaibigan niya pagkasabi niya sa mga ito na sila na ni Jef at kung papaano nito pinaghandaan bago siya napasagot.
"Oo nga! Talagang ganyang lalaki ang hahanapin ko rin! All check eh! From Batanes to Jolo!"-Ingrid
"Sana talaga si Jef na! Wag ka ng magpapalit!"-Natalie
"Haha ano ba kayo? We're just new. I'm still starting to adjust myself na may boyfriend na pala ako."-Hindi naman na naitago ni Maddi ang saya sa pagkukwento sa mga kaibigan.
"Dapat lang na masanay ka na. Pero Madz, wag kang makakalimot ah. Baka naman mas madalas na kayo magkasama ni Jef niyan kaysa sa amin."-Reign
"Oo naman. Kung okay lang sa inyo, gusto nga rin sumama ni Jef minsan eh."-Maddi
"Si Jef lang! Wag na yung Carl na yun! Napakadisgrasiyador nun eh!"-Irita pang saad ni Reign
"Eh ikaw Natalie, kamusta ka naman?"-Ingrid
"Ganun pa rin. But, I want you to meet someone."-Natalie
"Yung bethored mo?"-Reign
"Hindi. Si - si Vince."-Natalie
"Vince?!"-Takang tanong pa ng tatlo.
Tumungo naman si Natalie.
"Who's that?!"-Ingrid
"Yung childhood bestie ko dati na kinukwento ko sa inyo."-Natalie
"Nagkita na ulit kayo?! Akala ko ba --"-Reign
"Oo! Pero basta guys please, wag na wag niyong mababanggit muna yung tungkol sa arrange marriage ko ah?"-Natalie
"He doesn't know yet?"-Maddi
"May balak naman akong sabihin eh. I mean, Vince and I are very close ever since. And now we met again, parang may something in him that I can't say. But I enjoy his company."-Natalie
"Parang M.U?"-Maddi
"Magulong usapan!"-Sagot pa ni Ingrid.
"Mukhang unggoy! Hahaha"-Biglang pangaasar pa ni Reign at napatingin sa kanya ng masama si Natalie.
"Do you like him?"-Maddi
"No! I mean, I don't know."-Natahimik naman si Natalie.
"M.U nga. Mahirap Umasa sa wala. Hindi ka rin sigurado sa feelings niya sayo noh?"-Ingrid
Nag-nod lang naman si Natalie sa kanila.
"Don't worry Natz, you'll find it soon."-Maddi
.
.
.
Nang sumunod na linggo ay nagkita-kita ulit silang magkakaibigan at this time, kasama ulit si Jef. Ngayon din ang araw na papakilala na ni Natalie si Vince, ang childhood best friend niya.
"Teka, paano nga pala kayo ulit nagkita Natz?"-Reign
Nagkatinginan pa sina Vince at Natalie.
"Ahm, sa --"-Natalie
"Nabundol niya ako sa kalsada."-Biglang pagsingit ni Vince sa usapan nila.
"What?!"-Tila kinabigla ng lahat.
"It wasn't my fault. Bigla kasing nag-stop light at nung pagkahinto ko saktong tumatakbo siya sa daan kaya ayun!"-Paliwanag pa ni Natalie.
"Ahh.."
Nagkatinginan at ngitian naman sina Natalie at Vince na sa unang tingin ay mukhang babagay sila.
Bukod sa matangkad at gwapo ito, scholar din ito sa isang private school.
"I didn't recognize him at first kasi naman dati ang pandak at super payat niya!"-Natatawa pang kwento ni Natalie.
"Ako rin naman eh. Dati kasi sobrang liit mo rin at ang cute mo pero ngayon --"-Napatigil naman si Vince habang nakatingin kay Natalie.
"Ano?!"-Napatingin din si Natalie kay Vince.
"Ang liit mo pa rin. But you look diffirent. I mean, in good way."
"Ang sabihin mo, hindi ka makapaniwalang naging dyosa na ko ngayon! Hahaha."-Natalie
Nagtawanan din naman silang lahat.
"Sabi na nga ba't nandito ulit kayo eh!"
Napabalikwas naman ang lahat ng makita si Carl.
"Ikaw?! Hindi ka naman invited dito ah?! Friends ka ba naming?"-Pang-ookray na naman ni Reign sa pagdating ni Carl.
"Carl? Are you okay now?"-Maddi
"Oh yes! Ako pa!"
Nagapir naman sina Jef at Carl bago naupo si Carl sa tabi ni Jef. Pumagitan na naman siya kina Reign at Jef.
Biglang natahimik si Ingrid at masama ang tingin sa kanila.
"Ganun? Dalahan pala ng partner ngayon? Hindi man lang ako na-inform?!"-Sarcastic pa nitong saad sa kanila habang nag-sip sa frappe niya.
"Nako Ingrid, hindi sa ganun."-Pagpapaliwanag pa ni Maddi.
"Vince is just my friend."-Depensa naman ni Natalie.
"Wala akong partner noh! Assuming lang 'tong unggoy na 'toh!"-Dagdag pa ni Reign.
Paliwanag pa ng tatlo kay Ingrid dahil ito lang ang walang kapareha.
Tiningnan lang ulit sila ng masama ni Ingrid sabay irap pa sa mga ito pero mukha na itong tigreng magbubuga ng apoy.
"Ingrid babes, don't worry. Makakahanap ka rin ng prince charming mo. Maganda ka, sexy at matalino. Siguradong maraming naghahabol sa'yo diyan. Hindi gaya ng iba diyan! Feelingera lang!"-Pagtapon pa ng tingin ni Carl kay Reign.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Reign.
"Tse!"-Sabay irap pa kay Carl nila Reign at Ingrid.
"Yun na nga eh. Wala man lang nagtatangka!"-Ingrid
"Okay nga lang yan. Yung iba rin naman diyan eh!"-Pagtukoy ulit ni Carl kay Reign.
"Isa pang pagpaparinig mo, kamandag na ng kamao ko tatama sayo!"-Pagbabanta pa ni Reign at nagtawanan naman sila maliban kay Reign at Ingrid.
Inakbayan naman ni Jef si Maddi at tinabunan naman sila ng masamang tingin ni Ingrid. Inangat naman kaagad ni Jef ang braso niya kay Maddi na parang walang nangyari. Natawa nalang si Maddi sa dalawa.