Dalawang buwan ang lumipas simula ng magsimula si Jef sa panliligaw kay Maddi. Hindi na rin nila pansin ang paglipas ng panahon sa bilis ng mga naganap. Mula sa pagtanggap ng pamilya ni Maddi kay Jef at gayun din ang mga kaibigan nito.
Madalas magkasama ang dalawa at kahit pa busy ang isa't isa, nakakagawa pa rin sila ng paraan para makapagkita o usap man lang.
Since graduating student na si Jef, mas naging busy ito pero gumagawa pa rin siya ng paraan para mapasaya si Maddi. Marami siyang naiisip na pakulo na hindi naman inaasahan ng dalaga.
(Happy Valentines Day Maddi, sorry if I can't make it today. I promise to make it up to you tomorrow.)
Yan na lamang ang text ni Jef kay Maddi. Dismayado man ang dalaga, inintindi na lamang niya dahil alam niyang busy talaga ito sa ngayon at ayaw naman niyang makasagabal.
Balak ko pa naman na siyang sagutin na ngayon...
Yan ang sa isip-isip ni Maddi pero mukhang maatrado pa.
(Ano Madz? Saan ang date niyo?)-Tanong ni Natalie sa kabilang linya.
"Wala eh. Busy siya today. He can't make it na yata."-Halata sa boses ni Maddi ang panghihinayang.
(Ay ganun ba? Sayang naman. Ibibigay ko nalang sana sa inyo itong two tickets ko sa Ocean Park.)
"Sa Ocean Park? Oh eh bakit hindi mo gamitin?"
(Ah eh, the truth is, hindi na kami matutuloy ng ka-date ko.)
"Ka-date mo? May dini-date ka na?!"
(Ah, eh hindi naman talagang dini-date. Ngayon lang. Kaso nagkansela siya eh. So useless na itong ticket, ngayong Valentines day lang kasi ang validation.)
"Ganun ba? Eh di bigay mo nalang dun sa dalawa."
(Si Ingrid, nagkukulong lang naman yun sa bahay. Alam mo na, bitter sa valentines. Si Reign hindi pa sumasagot eh. Pero tatawagan ko ulit.)
"Sige, salamat nalang Natz."
(Bye Maddi)
Napabuntong hininga nalang na malalim si Maddi habang nagla-lunch mag-isa sa canteen nila.
Tinitingnan nalang niya ang mga couples na pumapaligid sa kanya. Damang-dama ang Valentines sa paligid pero mag-isa siya ngayon.
Kinuha niya ang phone niya para silipin, ngunit wala man lang kahit isang text mula kay Jef. Marahil busy talaga ito sa ospital na pinapasukan bilang intern at volunteer nurse.
Lumipas ang araw at natapos ang klase niya. Bumalik siya ng dorm at tila pati si Dana na roommate niya ay wala pa. May date siguro. Sinubukan niyang tawagan ang mga kaibigan ngunit wala siyang nakausap kahit na isa sa mga ito. Sina Reign at Natalie ay hindi sumasagot, habang si Ingid naman ay natutulog.
Malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa niya habang nakahiga sa kama niya at nakatingin sa kawalan.
*ting!
Nang biglang may nag-text sa kanya at dali-dali niya itong tiningnan sa baka sakaling mula ito kay Jef.
(I'll be home late.)
Text mula kay Dana.
Dahil wala na rin naman siyang gagawin, hindi na rin niya namalayang nakatulog na pala siya.
.
.
.
Nagising si Maddi sa ingay ng tunog ng phone niya.
"Hello?"-Namumukat pa ito.
(Hello Madz? Where are you?)-Tila nagmamadaling tanong ni Ingrid pagkasagot ni Maddi ng phone.
"Sa dorm lang, bakit?"
(Nasiraan daw si Natalie sa may Lawton, malapit sa Rizal Park. Can you pick her? Ikaw ng pinakamalapit eh.)
"Ah sure. Magbibihis lang kamo ako."
Kaagad na kumilos si Maddi para puntahan si Natalie. Sinusubukan niyang kontakin ang kaibigan pero hindi na ito ma-contact. Marahil lowbatt na ito.
Nang makarating siya sa park, damang-dama sa lugar ang ambiance ng Valentines. Mas maraming magkasintahan ang mga naroon at nagdi-date. Ang ayos ng paligid ay nakakainganiyo din. Naalala niya tuloy si Jef.
Hinanap niya kaagad ang Japanese Garden dahil naroon daw ito ayon kay Ingrid.
Nang makita niya ay pumasok na siya roon at hinanap si Natalie. Hindi kagaya sa parke, kakaunti lang ang taong naroon.
Habang naglalakad siya pathwalk patungong gitna, nagliwanag ang daanan patungo roon at nagmadali naman siya sa paglalakad.
Nakita na roon si Natalie na nakaupo ngunit nakatalikod sa kanya.
"Natz?"-Paghawak niya sa balikat nito at tila nataranta naman ito bago siya harapin.
"Ah, Maddi. Thank God you're here."-Halatado sa boses nito ang panginginig.
"Are you alright? Where's your car?"
"Napa-tow ko na para madala sa mekaniko. Tumirik na naman kasi."
Naupo si Maddi sa tabi ni Natalie at ngayo'y nakaharap sila pareho sa magandang tanawin ng hardin na may samu't saring mga halaman at bulaklak mula sa pavilion.
"Ang lungkot naman ng valentine’s natin."-Panimula pa ni Natalie.
"Malungkot? Bakit naman?"
"Ikaw, busy si Jef. Ako, hindi sinipot ng ka-date."
"Eh teka, sino ba yang ka-date mo dapat na yan ah? At ikaw pa talaga hindi sinipot?"
"Wala. Random guy lang sa school. Emergency daw kasi."
"Yun naman pala eh. May reason naman. Malay mo bumawi sa susunod."
"Nako, ayoko na! Bahala na siya!"
Tumunog naman bigla ang phone ulit ni Maddi at nakita niyang si Reign ito.
"Oh Rei --"
(Maddi, Maddi?! Please help me!)-Humahangos naman ito.
"Reign? What's going on?!"-Bigla siyang kinabahan sa tono ni Reign na tila takot na takot. Napatingin naman sa kanya si Natalie.
(Si -- si ano kasi --)
"Reign, where are you?!"
(I'm here in Manila Doctors Hospitals.)
"What are you doing there?"
(Basta! Can you pick me up here? And please don't call my mom.)
Kaagad din naman nagtungo sina Maddi at Natalie sa sinabing ospital ni Reign at hinanap na nila ito roon.
"Reign!"-Sigaw ni Natalie
"Guys! Thank God!"-Tila nangangamba pa rin ito.
"What happened to you?"-Pagaalala pa ni Maddi
"Wala naman. Okay lang ako. Pero kasi - si Carl kasi --"-Tila hindi naman mairi si Reign.
"Si Carl?!"-Sabay pang tanong nila Natalie at Maddi
"Oo. Natuklaw siya ng nakawalang ahas sa Ocean Park at --"
"Magkasama kayo sa Ocean Park?!"-Sabay ulit na tanong ng dalawa.
"Oo, pay attention guys. Natuklaw siya ng venomous snake at bigla na lang siyang nahimatay at hindi ko alam kung sino kokontakin sa pamilya niya."-Natataranta pa rin si Reign at natatakot.
"Shh, he'll be fine."-Natalie
"Maybe I'll call Jef so he could contact his --"-Maddi
"No need!"
Napalingon silang lahat sa nagsalita.
"Jef?!"-Natalie
Nagkatinginan naman sina Maddi at Jef.
"I saw two of you running here, kaya nagmadali akong sundan kayo."-Jef
Dito sa ospital na ito pumapasok si Jef bilang volunteer nurse.
Pinagmasdan ito ni Maddi at halatang pagod ito at humahangos rin.
"What happened?"-Jef
"Si Carl daw, natuklaw ng ahas."-Natalie
"What?! Where is he?!"-Jef
"Nasa E.R na."-Reign
Naupo naman silang lahat sa waiting area habang hindi pa lumalabas ang doktor man lang ni Carl.
"Are you okay?"-Tanong ni Jef kay Maddi kaya napatingin ito rito.
Ngumiti naman si Maddi at tumungo dito. "I'm fine. Ikaw ba? Mukha pagod na pagod ka na."
"Ah, don't worry about me."-Hinawakan ni Jef ang kamay ni Maddi. "I'm happy to see you."
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas doon si Carl na naka-wheelchair na tinutulak ng nurse.
"Carl? Pare!"
Paglapit naman din ng lahat sa kay Carl.
"Are you okay now?"-Tila nagaalangan namang tanong ni Reign dito.
"He's safe now. But he needs to admit here for some examinations. We need to test if the medicines given to him are effective within 24hours."-Sagot pa ng nurse sa kanila at diniretso na si Carl sa private room.
"What happened ba ha? Paano siya natuklaw? At bakit kayo ang magkasama? Akala ko si Ingrid ang aayain mo kaya sayo ko binigay ang tickets."-Sunod-sunod namang tanong ni Natalie.
"Inaya ko siya pero ayaw niya eh. Iba talaga ang trip ng babaeng yun. Ayoko namang si Celedine dahil impakta yun kaya ako nalang magisang nagpunta sa Ocean Park. Tapos pagkadating ko doon, bigla nalang akong hinarang ng mokong na yun sa entrance palang. Naka-check in daw siya sa Hotel H20 dahil may photoshoot siya."-Kwento pa ni Reign
"Tapos nag-date na kayo?"-Natalie
"Hindi kami magka-date noh! Sinusundan-sundan niya kasi ako kaya kami nagkasabay! Ang kulit-kulit!"-Depensa pa ni Reign
"Eh papaano siya natuklaw?"-Maddi
"Nasa Reptile at Amphibian world kami sa Ocean Park. Sa mga naka-aquarium na ahas, palaka at kung ano pang nandoon. Tapos tumitingin-tingin lang naman kami ng bigla nalang siyang napasigaw saglit at ayun na! Bigla nalang siyang bumagsak sa akin."
Tinawagan na ni Jef ang pamilya ni Carl at papunta na ito roon. Medyo lumalalim na ang gabi at pagod na rin silang lahat.
"Magta-taxi nalang kami ni Reign. Jef, ikaw ng bahala kay Maddi ah?"-Natalie
"Oo. Ingat kayo."
Sumakay na ng taxi ang dalawa at nagpaiwan pa sina Jef at Maddi sa ospital para intayin ang mga magulang ni Carl.
"Are you sure you wanna stay here to wait?"-Tanong naman ni Jef kay Maddi na ngayon nasa kwarto na sila ni Carl na natutulog naman na.
"Okay lang ako. Mas kailangan mo ng pahinga."
Lumapit si Jef kay Maddi sa sofa at naupo katabi niya.
"Okay na ko nung makita kita."-Sabay ngiti pa nito.
"Bolero."-Nagpipigil naman ng ngiti o kilig si Maddi.
Nahiga si Jef at ginawa niya unan ang mga hita ni Maddi. Napatingin lang naman si Maddi kay Jef.
"Hay, best place."-Sabay tingala at pagngiti nito kay Maddi.
Hinawi-hawi naman ni Maddi ang buhok ni Jef na naaamoy pa rin niya ang bango ng ulo nito.
"But I rather be in a park now and having a picnic time with you."
"Okay lang yun. Ang importante gumaling na muna si Carl."
Kinuha ni Jef ang kamay ni Maddi at hinalikan ito. "Thanks for understanding Maddi."
Tila kinabigla pa rin ito ni Maddi. "Ah, ano ka ba? Wala lang yun kumpara sa mga nagawa mo para sa akin."
"Kaya love na love kita eh."
At tila nag-init ang tainga ni Maddi at may kung anong kuryenteng dumaloy sa dibdib niya. "Ah, eh.."
Natawa naman si Jef at pinisil ang pisngi ni Maddi. "Ang cute mo pa rin talaga kapag nagba-blush."-Pangaasar nito.
"Ah, huh? Ako? Na - nagba-blush?!"
"At kapag nauutal sa kaba.
"Tumigil ka nga di--"
"Carl? Anak?!"
Natigil ang paglalambingan ng dalawa ng biglang pumasok ang mama ni Carl na halatang humahangos at nagaalala. Bumangon din naman si Jef kaagad.
"Tita, good evening po."-Pagmano pa ni Jef.
"Anong nangyari Jef? Bakit siya natuklaw ng ahas?!"
"Aksidente po ang lahat tita."
Naikwento naman na ni Jef sa mama ni Carl ang lahat. Balak nito magdemanda sa Ocean Park at sa talent management ni Carl dahil sa pagpapabaya ng mga ito.
"Sige na hijo, ako ng bahala sa anak ko. Umuwi na kayo nitong girlfriend mong si Maddi."
Magsasalita pa sana sila para kontrahin ang sinabi ng mama ni Carl pero nagpigil nalang din sila ng ngiti.
"Sige po tita, mauna na po kami."
"Thank you so much sa inyo."
Nagtungo na ng parking ang dalawa na halatang pagod na rin. Maghahating gabi na rin kasi.
"Ihahatid na kita para makapagpahinga ka na."
Pinagbuksan pa ni Jef ng pintuan ng sasakyan si Maddi pero hindi pa niya ito sinara. Kinuha niya ang dalawang kamay ni Maddi at napaharap naman ito sa kanya.
Nginingitian lang ni Jef si Maddi habang diretsong nakatingin rito.
"Ah, okay ka lang ba? Akala ko hahatid mo na ako?"-Natatawa na lamang si Maddi sa inaasal ni Jef.
"Akala ko pangit na ang valentines ko kasi hindi kita nakita. Pero hindi rin pala."-Saad pa ni Jef sa dalaga.
"Valentines lang yan. Isang araw lang yan. Eh pwede naman tayong magkasama araw-araw eh."-Hindi rin alam ni Maddi kung bakit niya nasabi ito.
"Sabagay. But still, I want to make it special. Let's go!"
Sinara na ni Jef ang pinto ng kotse at sumakay na din siya.
"Where are we going?"-Pagtataka naman ni Maddi rito.
"Ihahatid ka na."-Nakangiti namang sagot ni Jef.
Tila nadismaya naman si Maddi dahil akala niya kung saan pa siya dadalahin ni Jef.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa school ni Maddi, sa loob kasi ng compound ng school niya ang dorm niya.
Nagparada lang ng kotse si Jef at sinamahan na siya nitong maglakad papunta ng dorm building niya.
"Ginabi ka na tuloy masyado."-Saad pa ni Jef habang naglalakad sila sa medyo madilim na kalsada.
"Huwag mo na akong alalahanin, ikaw nga itong pagod na, puyat pa."
"Ikaw ang wag magalala, kaya ko ang sarili ko. Para sa future natin."-Sabay kindat pa kay Maddi.
"Sira.."-At hindi na napigilan ni Maddi na mangiti sa kilig.
Nang makarating sila sa tapat ng building ng dorm ni Maddi ay huminto sila saglit. Hinawakan ni Jef ang dalawang kamay ni Maddi at tumingin sa dalaga.
"Thank you for this chance Maddi. I never thought I would love again truthfully."-Seryosong saad naman ni Jef rito.
"What do you mean?"
"I love you.."-Diretsong saad ni Jef kay Maddi habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.
Hindi naman malaman ni Maddi ang sasabihin. Natutulala siya sa pagkabigla sa narinig. Gustuhin man niyang sumagot pero tila napako ang dila niya at hindi man lang siya makapagsalita o makagalaw man lang. Bumilis na rin ang t***k ng puso niya at nakikipaghabulan na siya ng hininga.
"You don't have to answer anything. It's not a question. I said it because I mean it. And I will prove it to you."-Hinalikan ni Jef ang dalawang kamay ni Maddi with all his love and respect.
Hinaplos naman ni Maddi ang pisngi ni Jef saka pinisil ito ng bahagya.
"I will be sad if you will stop spoiling me."
"I'm not spoiling you. I'm just doing what I think it needs to do."
"And I can't you enough for that."
Lumapit si Maddi at hinalikan si Jef sa pisngi.
"Good night Jef."-Dahan-dahan itong umalis.
"Go - good - night."
Hindi naman makapaniwala si Jef sa ginawa ni Maddi. Mas lalo siyang nabuhayan dahil roon.