Ch.12: The Courting Game

2001 Words
Third Person's POV~ Habang kumakain ang apat na dilag sa isang coffee shop na kanilang bagong pinuntahan, tila si Maddi lang ang lutang ang pagiisip sa pinaguusapan nila. Habang ang tatlo ay tila hindi nauubusan ng kwetuhan, si Maddi naman ay hindi sila pinapansin. "Di ba Maddi?"-Pagtugon ni Natalie kay Maddi na akala niya ay kasali pa sa usapan nila. Pero nakatingin pa rin sa malalim si Maddi at tila nangingiti pa. Nilabas ni Reign ang cellphone at kinuhaan pa si Maddi. "Madz? Kailan ka pa natutong mag-drugs?"-Sabay hawak pa ni Ingid sa braso ni Maddi. "Uh-hah?!"-Tila naman nabigla si Maddi sa pagtawag ng pansin ng tatlo sa kanya. "Kanina ka pa namin tinatawag pero para kang sabog?"-Pagtataka na rin ni Natalie "Si Jef yan, ang harot ng ngiti niya oh?"-Sabay tingin pa ni Reign sa cellphone niyang pinangkuha kay Maddi. "Is it?"-Ingrid Tila gusto mang itago ni Maddi ang nararamdaman pero alam niyang hindi niya kakayanin yun dahil kukulitin siya ng tatlo hanggan sa umamin siya. "Well -- technically --" "Truthfully!"-Sabay sabay pang saad ng tatlo. "Alright, yeah? It's Jef."-Sagot pa ni Maddi na nagpipigil ngumiti at kiligin. "Ehh? Inaya ka ba niyang mag-date ulit?"-Natalie "Well, kinda like that. Unexpectedly." "So kailan ulit? Para mapaghandaan natin ulit!"-Excited pang saad ni Ingrid. "Ahm.. Well, it happened." "What?!"-Sigaw pa ng tatlo na tila nagulat sa narinig. "Nagkita kasi kami sa bus nung nakaraang araw, tapos bigla nalang niya akong hinatak pababa ng bus. Nasa amusement park na pala kami. Tapos yun na."-Pabilis lang niyang paliwanag. "Anong yun na?! Kwento ka pa dali!"-Sabay sabay pang sigaw ng tatlo na tila nagkaroon ng interes at mas naging excited sa mga sasabihing kwento ni Maddi. "Saan kayo kumain?"-Reign "Nag-rides ba kayo?"-Natalie "Nag-kiss na ba kayo?"-Ingrid "Wait, wait! Ganito kasi yan." Wala naman ding ibang magagawa si Maddi kundi ikwento na sa kanila ang lahat at totoong nangyari. Pero sa totoo lang, gusto niya rin i-share sa mga kaibigan ang pinakamagandang gabi ng buhay niya na hinding-hindi niya malilimutan. Kinuwento niya ang mga detalye ng nangyari ng gabi na iyon from bottom to the top haggang sa -- "Pagkatapos ka niyang ihatid sa dorm niyo, ano na?"-Natalie "Nag-kiss kayo?"-Reign "Hindi. Walang ganun. Pero kasi --" "Ano?!"-Tila naaatat naman yung tatlo. "Tinanong niya ako kung -- kung pwede daw ba siyang manligaw." "Ahh..." Tila bago kay Maddi ang reaksyon ng tatlo sa kanya. Ine-expect niyang magwawala na ang mga ito sa nalaman. Pero maya-maya pa ay tumayo ang mga ito at sinundan niya lang niya ng tingin. "Waaaaahhhh!!!!!" Biglang parang mga sinaniban ang mga ito dahil nagtitili sa tuwa at nagtatalon. "Sabi na eh."-Natawa na lamang siya kahit pa mukhang papahuli na ng may-ari ng coffee shop silang apat sa panggugulo. "Omg! I can't believe that we succeed! Magkaka-love life na ang best friend natin! Grabe!"-Kunwari pang nagpupunas ng luha si Ingrid sa tuwa. "Oo nga eh! Successful lahat ng plano!"-Nagtatatalon pa ring sabi ni Natalie. "Konting push pa, woah! Amen!"-Tila parang nanalo naman sa lotto si Reign. "At hindi na rin ako magtataka kung bigla tayong ipadampot dito. Maupo na nga kayo!"-Natatawang suway naman ni Maddi sa mga kaibigan. "Pero Madz, seriously? He asked you talaga na manligaw na?!"-Reign "Kasasabi nga lang di ba?!"-Natalie "Ewan ko, parang ang bilis ng mga pangyayari eh."-Maddi "Pero teka? For sure namang may pagasa na siya sayo, pero dapat play hard to get ka muna! Enjoyin mo ang panliligaw muna niya!"-Ingrid "What do you mean?"-Maddi "Well, well, well.."-At inilabas naman ni Ingrid ang journal notebook niya."These are the things he must do before you say I do!" "I do? Kasal kaagad?"-Pinagtinginan lang siya nila Ingrid at Natalie ng masama. "First, he must take you out on your ideal date without telling him what is it like."-Ingrid "He did. And unexpectedly."-Maddi "Okay, check! Second, he must always hatid and sundo you on school or work." "Always? Paano kung may klase pa siya or whatsoever?"-Natalie "Well, let’s say at least most of the time."-Ingrid -------------------------------------------------- Maddi's POV~ Second sa list daw ni Ingrid ang paghatid sundo ni Jef sa akin without asking him. It should be automatic na. We'll see. "Nako.. Male-late na ko.." "Madz, mauna na ko ah! May quiz pa kami eh."-Dana said, my roommate. "Sure!" Hindi ko kasi mahanap ang notebook ko. Kailangan ko yun para makapag-review din eh. Hays Nang finally mahanap ko na, nanakbo na ko pababa at baka tuluyan na kong ma-late, pero biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko muna. "Hello?" (Good morning.) "Who's -- Jef?" (Yes.) "Oh I'm sorry, hindi ko napansin. Good morning."-I'm talking to him while fast walking going to my classroom. (It's okay. Are you at your class?) "I'm on my way na." (Ahm, I just called to ask you if -- if we can have a dinner later? Susunduin kita.) "Ah, eh.."-Malapit na pala ako sa classroom. "Ah, sure. 5pm out ko." (Great! I'll see you later. I miss you.) Bigla naman ako napatigil naman akong bigla sa tapat ng pinto. "See you later." Ewan ko ba pero gusto kong humiyaw. Pero kailangan pigilan. Conceal don't feel, don't let him know Maddi. ------------------------------------------------- Third Person's POV~ Madalas ng lumalabas para mag-date sina Maddi at Jef. Madalas dinner time, pero may mga pagkakataong sinusurpresa ni Jef si Maddi sa school nito at sabay silang nagla-lunch. "Oh Jef?! You're here?"-Pagkabilang salubong ni Maddi pagkakita kay Jef sa gate ng kanilang college building. "Lunch?"-Sabay abot pa kay Maddi isang piraso ng rosas. Napadaan naman si Dana mula sa likod ni Maddi at siniko ito ng bahagya bago ngitian si Jef at lagpasan sila. Isang matamis na ngiti lang ang naisagot ni Maddi pagkaabot ng bulaklak mula kay Jef. Madalas na rin sila kumain sa seafood restaurant na una nilang pinagkainan noong una silang nakapag-date. Kapag weekend o holiday, bago umuwi ng kani-kanilang tahanan, nagdi-date muna ang dalawa. "Nabanggit ko na nga pala kay lola ang tungkol sa atin."-Saad ni Jef bago habang nagmamaneho. "Talaga? Hindi ba't parang -- parang nakakahiya naman." "Bakit naman? Natuwa pa nga siya eh. Kailan ka daw ulit bibisita."-Nakangiti lang ito sa dalaga habang sinusulyap-sulyapan. "Ahm, titingnan ko." "Hindi naman kailangang as soonest eh." "Gu - gusto ka rin sana makilala, I mean maka-bonding man lang ng mga kaibigan ko."-Nahihiya namang saad nito kay Jef. Matagal na kasing kinukulit ng tatlo si Maddi na ipakilala sa kanila ng pormal si Jef bilang manliligaw niya. "Talaga? Pwede ko bang isama si Carl?" "Ah, oo naman." "This weekend?" "Sure." Makulit din si Jef pero ito na yata ang pinaka-romantic na tao na nakilala ni Maddi. Kapag busy sila sa studies nila at hindi makapagkita, pinapadalahan siya ni Jef ng mga bulaklak at chocolates sa dorm nila. "Oh! For Miss Maddi Arevallo, from your loverboy!"-Pagkasara ni Dana ng pintuan ng kwarto nila at abot kay Maddi ng bouquet of flowers at maliit na basket na puno ng chocolates. Parehong nagre-review silang dalawa dahil midterms na. "Sa akin?"-Pagkaabot kay Maddi ay kinuha at binasa naman niya kaagad ang notes dito. (Midterms about to come. Don't think of me too much. I don't want you to put Madison Alejandro instead of Arevallo on your test papers. Good luck. Love, Jef) Hindi makapaniwala si Maddi sa mga natanggap at nabasa niya. Imbes na mainis, kinilig pa siya lalo. Natatawa man siya dahil kilig na kilig din si Dana para sa kanya. Hinagisan naman din niya ito ng chocolate bar. Hindi namamalayan ni Maddi na unti-unti na rin nahuhulog ang loob niya kay Jef dahil palagi siyang napapasaya nito. Hindi kailangang magpanggap kapag kasama ito. May mga bagay na ginagawa si Jef para sa kanya na hinding-hindi niya inaasahan. Pati na rin ng sabay nilang pagkanta ng mga kanta sa kotse ni Jef. Pagtawag sa kanya nito araw-araw, pati na rin ang mga sweet messages nito sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi naiba si Jef sa mga kaibigan niya dahil napakanatural at masiyahin nito. "Finally Jef, we meet you again."-Bati ni Ingrid pagkadating ng sabay nila Maddi at Jef sa isang coffee shop. "Sorry guys, kanina pa ba kayo?"-Bati ni Maddi sa mga kaibigan pagkadating sa tagpuan nila. "No, it's okay."-Natalie Naupo silang lahat sa isang malaking round table. "Let's order na!"-Reign "Jef!" Sabay-sabay naman silang napatingin sa tumawag kay Jef. Laking gulat lang ni Reign na si Carl ito. "Sorry I'm late. Ang hirap tumakas eh."-Bati naman din ni Carl ng makalapit sa mga ito. "Dito ka na Carl"-Umusog naman si Jef, at naupo sa pagitan nila Jef at Reign. Mukha namang pinagsakluban ng langit at lupa ang dalaga. "The hell you're doing here?!"-Reign "To see you.."-Sabay ngiti at kindat nito kay Reign para inisin at inirapan naman siya nito. "Wag kang didikit sa akin ah, sisipain ko mukha mo!"-Reign "How will I gonna touch your hand?" Tawang-tawa naman silang dalawa sa bangayan nila Reign at Carl. Halos nawala na ang atensyon nila kina Jef at Maddi. Pero nag-enjoy naman silang lahat sa bonding nila. Nag-offer si Jef na ihatid na silang lahat pero may dalang kotse si Natalie kaya ito na lamang maghahatid kina Ingrid at Reign. "Hoy Reign! Dun ka kay Carl sumakay!"-Biro pa ni Natalie. "Ayoko nga! Mahawa pa ko ng kapangitan niyan! Saka kung ano pang gawin sa akin niyan noh! Mukhang hindi pagkakatiwalaan!"-Pagmamaktol pa ni Reign. "Wow? Ganda ka? Chusi pa toh!"-Sagot pa ni Carl rito. "Aba't talagang --"-Aamba na sana ito pero inawat na sila ni Maddi. "Hahaha tara na nga! Para mas makapag-bonding pa yung lovebirds oh!"-Sabay sakay na nila Ingrid at Reign sa kotse ni Natalie at ito ang magda-drive. Dumila pa si Reign kay Carl bago makaalis ang kotse nila. "Bye Maddi!" "Ingat kayo!"-Pagpapaalam naman na ni Maddi sa mga kaibigan. Napatingin naman din sina Jef at Maddi kay Carl na nagme-make face sa kaaalis lang na kotse ni Natalie. "I won't surprise one day, you'll be obsess with her."-Komento naman ni Jef "Kadiri ka pare! Tss!"-Sabay walk out nito at sakay sa kotse niya. Nagtawanan nalang sila Jef at Maddi. . . . Pagkadating sa bahay ni Maddi, pumarada si Jef sa tabi at bumaba kaagad para mapagbuksan si Maddi ng pintuan. Inalalayan niya rin ito. Naglakad sila hanggang sa tapat ng bahay nila Maddi. "Thank you nga pala ah."-Pagkahinto nila at magkaharap. "No need to thank me. I'm so happy to be with you and with your friends as well." "Magugulo at maiingay lang mga yun pero mababait yun. At tingin ko, gusto ka nila." "Talaga? So does mean -- dagdag pogi points na rin yun?"-Biro pa nito. "Uh? Ganun? Pogi points talaga?"-Natatawa namang sagot ni Maddi. Or more like kinikilig. "Syempre. Approved na ko sa friends mo eh." "Ewan ko sayo!" Hinawakan ni Jef ang dalawang dalawang kamay ni Maddi at tiningnan niya ito ng diretso sa mata. "I'm not in a hurry Madz, but I'll prove to you that I'm worth the try. And I know that you are worth it too."-Hinalikan niya ang dalawang kamay nito na tila ikinabigla at tulala ng dalaga. "Good night Maddi." "Go - goo - good night." Umalis na si Jef pero hanggang sa mawala na sa paningin niya ang kotse nito ay hindi pa rin siya makagalaw sa kinakatayuan niya. Tila minumuni-muni niya ang lahat ng mga nangyari sa araw na ito. "In love na ba ako?" Tila naguguluhan pa siya sa nararamdaman pero isa lang ang alam niya. Masaya siya rito. . . .  (You home?) Text ni Maddi kay Jef at ilang minuto lang ay bigla itong tumawag sa kanya kaya bigla siyang nataranta. "Hello?" (Yes, I'm home.) "At tumawag ka pa talaga ah?" (Because I want to hear your voice.) "Sira. Matulog ka na." (I just got here in my bed.) "Eh di magpahinga ka na."-Pigil na pigil naman ang kilig niya. (Well, I just want to hear your voice before I'll sleep.) "Well you heard me, then let's sleep then." Pero ang paguusap nila sa telepono ay tumagal pa ng mahigit isang oras bago pa sila tuluyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD