Sa Mansyon ng Multivargo ,malakas na sampal ang pinaka walan ni Don Federik sa pisngi ni Layla. Sobrang galit na galit ang Don sa Asawa nito dahil nakita nito mismong may kahalikang ibang lalaki si Layla at sa loob Pa mismo ng kaniyang pamamahay
"Federik I'm sorry, please I'm sorry hindi kona uulitin please tama na " umiiyak na pag mamaka-awa ni Layla sa matandang Don
"Isa kang Taksil, hindi ka dapat kaawaan punyeta ka! kailan mopa ako iniiputan sa ulo?! " tiim bagang saad ng Don sabay sabunot sa buhok ni Layla pagka tapos ay hinawakan nito ng madiin sa panga ang babae
"Federik please nasasak---ahhh tamana! " muling hiyaw ni Layla ng sampalin ulit ulit ito ng Don
"Ibinagay ko saiyo lahat ng Luho mo Layla, pera, bahay, Kotse, alahas at pati itong Resort ay hinayaan Kong pakelaman mo dahil ang akala ko ay isa kang matinong babae, pero p*tang*na! Ilang lalaki na ha? Habang wala ako dito sa Resort ilang lalaki na ang kumakama sayong p*tang*na ka!" Muling sigaw ni Federik pagka tapos ay bigla na lamang ito napa hawak sa dibdib, dahil inatake na naman ito ng sakit sa puso
Akmang pupunta na ang don sa kaniyang Gamot ng mabilis siyang naunahan ni Layla at dimapot nito ang gamot pagka tapos ay inilayo sa matanda
"Akin na ang ga-mot ko! " nahihirapang saad ng Don
"Hindi, hahayaan kitang mamatay matanda ka! Pagka tapos mo akong pasakitan at mahuli mo akong may ibang lalaki ,akala mo hahayaan Kong mabuhay ka at ano? Tatanggalan mo ako ng mana mo. Oo Federik pera lang kaya kita pinakasalan at alam mobang hindi naman kita minahal. Dahil mas mahal ko talaga ang Anak mo " naka ngising saad ni Layla sa Don na siyang ikina gulat nito.
"Oh nagulat ka? Oo Federik dati Kong naging Boyfriend si Kiel pero ayaw niya akong pakasalan at ipinag palit niya ako sa iba, kaya ikaw ang pinuntirya ko para maka ahon sa pusali at mas lalo akong mapa lapit kay Kiel pag pinakasalan mo ako. At heto ,nag tagumpay nga ako" dugtong pani Layla
"At teka bago ka malagutan ng hiniga, gusto Kong malaman mona hindi lang ang Driver mo ang naging lalaki ko dito sa San Martin halos lahat ng tauhan, mahina ka kasi palibhasa apoy lupa at matanda kana" saad Pa ng babae at tuluyan ng bumagsak sa Sahig ang Don dahil sa sobrang paninikip ng kaniyang dibdib. ilang sandali muna tinitigan ni Layla ang wala ng buhay na matanda pagka tapos ay nag sisisigaw ito
"Ahhh Help, tulong, Tulong!, Darling wake up help! " malakas na sigaw ni Layla sa loob ng mansyon kaya nag sipasukan ang mga kasambahay maging ang mga Armadong tauhan ng Don.
"Jusko! Don Federik! " bulalas ng Mayordoma. Ang siyang nag alaga kay Kiel mag mula ng bagong silang Pa ito at sobrang tagal na nito naninilbihan sa mga Multivargo bagong kasal Pa lamang ang mga magulang ni Kiel ay naroroon na si Manang Yuda
"Vin dahil niyo ang Don sa Hospital bills! " saad Pa ni manang Yuda
Habang nag kakagulo sa Mansyon ng mga Multivargo ,ay masaya namang nag sasabuyan ng tubig sina Alena at Kiel, kahit ilang araw Pa lamang silang magka kilala ay naka gaanan na ng loob ang bawat isa sa kanilang dalawang. para kay Alena ay matalik na silang magkaibigan ng binata ,habang si Kiel naman ay hindi niya mabigyan ng pangalan ang kakaibang nararamdaman niya satwing kasama niya ang dalaga
Katulad na lamang Kaninang kumakain sila ng mangga kasama si Romuel ay nag paalam sa kaniya ang dalaga na aalis na ito at mag hahanap umano ito ng trabaho, kahit alam niyang napaka imposible nitong maka hanap ng trabaho lalo na't halatang wala man lang itong alam, maliban sa pag sisid sa ilalim ng dagat. Kaya Kaagad siyang tumutol sa sinabi nito at inalok na lamang niya ang dalaga na sakaniya na lamang ito mag trabaho bilang kasambahay niya. Upang lagi niya ito maka sama at makita.
"Kiel patagalan tayo sa ilalim ng tubig ano game kaba? "Saad ni Alena kaya sandaling kunwaring nag isip muna ang binata bago tumango. "Ano naman ang magiging kapalit kapag nanalo ako? " ani ng binata habang siningkitan nito ng mata ang dalaga
"Kailangan ba talagang may kapalit? " anang dalaga at ngumuso na naman ito
"Tigilan muyan" seryosong saad ni Kiel ,nag taka naman ang dalaga "ang alin? "Naka kunot nuong tanong ng dalaga pagka tapos ay mas tinulisan Pa nito ang pagkaka nguso habang inipon naman nito ang hangin sa magka bilang pisngi nito. Kaya mas lalong bumilog ang mukha nito lalo na ang matambok nitong pisngi.
"Stop pouting your lips Alena! " tiim bagang saad ni Kiel habang pinipigilan na lamang niya ang kaniyang sarili na huwag halikan ang mapang akit na mapupulang labi ng dalaga
"Pinag sasabi mo? Nag salita ka na naman ng Alien " naka ingos na wika ng dalaga
"Yang ginagawa mo, itigil moyan dahil baka hindi ako maka pag pigil ay hahalikan talaga kita" saad ni Kiel na ikina laki naman ng mata ni Alena
"Ahhh! Manyak manyak, ayaw kona maligo diyan kana nga "namumulang sabi ni Alena at nag madali na itong umahon sa Tubig.
"Alena I'm haha come here baby girl I'm just kidding " natatawang saad ng binata, natawa siya dahil sa inakto ni Alena haloy mag kulay kamatis na ang magka bila nitong pisngi..
"He Alien! "Malakas na sabi ni Alena habang naka simangot parin
" senyorito may tawag ho para sa inyo"humahangos na sabi ng isang dalagitang kasambahay habang hawak nito sa kanang kamay ang Cordless phone ng bahay
"Sige Shen iwan mulang diyan sa lamesa thankyou "sagot ng binata pagka tapos ay umahon narin ito at dinampot ang Puting twalya, pagka tapos ay idinikit na niya ang aparato sa kaniyang tenga
"Hello ----
" senyorito iho, ang Papa mo----
"Nana bakit po? What about dad? -----
"Nasa hospital kami iho isinugod namin ang papa mo ,kaya pumunta kana dito bilisan mo" umiiyak na sabi ng kaniyang Nana Yuda.
"Kiel saan ka pupunta? Hindi paba tayo kakain? ----
"Samahan mo ako" putol ng binata sa pag tatanong ng dalaga.
"Nana ano pong nangyare? " humahangos na tanong ni Kiel ng maka rating sil ng Hospital, nadatnan niyang umiiyak ang mga kasambahay ganuon narin si Layla.
"Iho, ang Don..... Ang Papa mo wala na" umiiyak na sabi ni Manang Yuda at napa yakap ito sa natitigilang binata.
Naka tulala lamang habang pilit iniintindi ng isip ni Kiel ang masamang balitang sinabi sa kaniya ng Mayordoma
"Si... Si Papa" sambit ng binata at iyun lang ay nag landasan na ang mga luha sa kaniyang pisngi.
"Giel---
"Damn it's Kiel not Giel Alena! Who's that fvcking Giel" sigaw ng binata na ikina gulat ni Alena.
"Sorry hindi ko sinasadya" mabilis na sabi ni Kiel ng makita niya ang takot sa mata ni Alena dahil sa kaniyang pag sigaw. Ganuon siya satwing galit o inaatake siya ng emotion ay ayaw niyang tinatanong siya o kinakausap dahil kahit wala naman kasalanan 'yung tao ay napapag buntungan niya ng Galit o sama ng Loob.
Kaagad niyang niyakap ang natatakot na si Alena at hindi naman ito tumutol bagkus ay yumakap rin ito pabalik "ayus lang po hindi ko naman naintindihan eh, pero sa susunod pag sumigaw kapo mag Tagalog kana ha, Hind ko naiintindihan eh, para kapag nag Tagalog ka edi makikipag sigawan rin ako, hindi lang naman ikaw ang marunong sumigaw eh, kaya wag kana pong umiyak " mahabang saad ni Alena habang inaalo niya ang likod ng binatang naka yakap parin sa kaniya.
"Kiel" anang pamilyar na tinig ng babae kaya napa hiwalay ng yakap si Kiel kay Alena
"You! Anong ginawa mo sa Papa ko! " tiim bagang saad ni Kiel at sinakal nito sa leeg ang dating kasintahan
"Kiel nasasaktan ako" nahihirapang saad ni Layla
"Kiel huwag masakit 'yan wag mo siyang sakalin baka mabilaukan siya tapos mamatay rin " saad ni Alena
"Iho tama na yan walang may gusto sa nangyare, inatake sa puso ang Don iho" awat naman ni Manang Yuda
"Giel este Kiel bitiwan mo siya! Ang sama sama mo pala ,nanakit ka hindi na kita kaibigan " huling sabi ni Alena at sa pag kakataon na iyon ay napa lakas na ang boses niya pagka tapos ay tumalikod na ito upang umalis ruon . Halatang naiinis na ito kaya nabitawan ni Kiel si Layla. At sinundan nito si Alena
"Alena Wait! ----
"Tagalugin mo sabi " inis na tugon ni Alena habang patuloy parin sa pag lalakad at hindi man lang nito nilingon ang binata.
"Hintayin mo ako"ulit ni Kiel
"Ayoko, bilisan mo nalang hmmm bahala ka sa buhay mo" saad ng dalaga at bigla naman siyang napa hinto ng maalalang namatayan pala ang binata.
"Oh bakit ka huminto? " saad ni Kiel ng maka lapit na ito sa dalaga
"Bati na pala tayo, basta hindi kana magagalit ulit ha, natatakot ako sayo eh" tugon ni Alena at yumakap ito sa binata. Lumaki siya walang nagagalit at sumisigaw sa kaniya, bagkus ay lumaki siyang puno ng pag mamahal at napa lambing sa kaniya ng dalawang matandang nag palaki sa kaniya. Kaya natakot siya ng masigawan siya ni Kiel dahil unang beses iyon na may taong sumigaw at nagalit sa kaniya.
Ilang araw ang lumipas puno ng pag dadalamhati ang lahat ng tauhan at nakaka kilala kay Don Federik sa Gabi ng huling lamay nito. Napaka buti ng Don sa lahat ng mga nasasakupan nito, hindi rin ito madamot at bagkus ay marami na itong natulungan na mahihirap sa lugar ng San Martino. Napalingon ang lahat ng mga taong nakikiramay ng makita nilang magkaka sunod pumasok ang Walong makikisig at nag gwa-gwapuhang mga kalalakihan at bawat isa sa mga ito ay may mga kasamang magagandang babae. Habang sa labas naman ay napuno ng mga Tauhan ng mga bisitang bagong dating lamang
"Nana Yuda sino po sila? " nag tatakang saad ni Alena sa mayordoma, habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa mga bagong dating
"Sila ang mga kaibigan ni Seryorito Kiel iha, taga maynila 'yan sila. "Sagot ng nito
"Ah napaka guwapo naman nila at ang gaganda ng mga kasama nilang babae" manghang saad niya
Nakita niyang nilapitan ng mga ito si Kiel at nakita rin niyang nagkamayan ang mga ito. Pagka tapos ay napansin niyang saglit na luminga linga si Kiel at halatang may hinahanap ito at ng mag tama ang kanilang mata ay tumango ito ng dalawang beses na may pag anyaya kaya tumalima naman siya, lumapit siya sa mga ito at ipakilala siya ng binata hindi bilang isang kasambahay kundi bilang isang kaibigan .
"Alena sila ang mga kaibigan ko. Si Paulo, Sebastian,Josef, Mike, Fego at kilala mona ito si Romuel ,heto naman ang mga asawa't girlfriend nila, sina Anne, Vanessa, Sharina at sina Cindy and Kesha naman ang girlfriend nitong dalawa" pag papakilala ni Kiel sabay turo sa dalawang lalaking nag nga-ngalang Mike at Fego
'Ah ibig sabihin si Ser Romuel lang ang walang Partner dito, baka ako na 'yun hahahha ang harot ko' tili ng isip ni Alena. Tumango naman siya sa mga ito at ngumiti ng matamis sa mga nag gagandahang babae na nasa Harapan niya
"ilang taon kana Alena? " tanong sa kaniya ng nag nga- ngalang Vanessa, halata niyang ito at ang asawa nito ang naka edad na sa lahat ng mga kaibigan ni Kiel na ipina kilala sa kaniya
"Eighteen napo" magalang niyang sagot.
"Nako akala ko nasa 22 to 24 na siya, ang tangkad niya kase at wow mas pa kaysa saakin " saad naman ng nag nga-ngalang Sharina habang naka tingin ito sa kaniyang Dibdib.
'Aba wala pang b*a yan mga Ate, natural na natural payan Original walang halong keme-keme' wika ng isipan ni Alena.
"Bakit po ilang taon napo ba kayo? " lakas loob niyang tanong sa mga ito.
"We'll siguro ay sa loob na tayo mag usap-usap" ani naman ni Kiel
"Pano ang mga bisita sa labas? " tanong ng dalaga
"Nasa Labas rin sina manang at Layla. Gusto muna namin itong masolo si Kiel ilang weeks narin itong hindi nag pakita saamin. " wika naman ni Paulo habang kaakbay nito ang asawa.
"Let's go Alena, gusto Karin namin maka kwentuhan napaka pretty mo naman baby Girl " saad ni Kesha sabay hakbay nito kay Alena, kasing tangkad lamang sila nito. Lihim naman natuwa si Alena dahil sa pag tawag nito sa kaniya ng Baby Girl
"Ano po 'yung Pretty? " wika ni Alena habang nauuna silang dalawang ni Kesha paakiyat sa Second-floor ng Multivargo Mansyon.
"Seriously hindi mo Alam? " maang naman wika ni Vanesaa
"Maganda" bulong sa kaniya ni Kesha
"Tssak masyado kang Feeling Close Kesha, kung maka hakbay ka naman dyan kay Alena ----
Hindi na naituloy ni Cindy ang kaniyang sasabihin ng mag salita si Kesha " asusss nag seselos na naman ang Bestfriend ko" saad ni Kesha
"Alena nag aaral kapaba? " tanong ni Anne, nang maka upo na silang lahat sa Malaking sala sa pangalawang palapag ng Bahay.
Umiling naman ang dalaga pagka tapos ay malungkot na ngumiti. "Hindi po, at hindi Pa po ako nakaka punta ng paaralan, gusto korin pong matuto mag sulat at mag basa " mahinang sagot ni Alena na ikina antig ng puso ng mga ito lalo na si Vanessa.
"Kung papag aralin kita sa maynila papayag kaba? "Wika ni Vanessa, nanlaki naman ang Mata ni Alena dahil sa narinig "talaga po makaka pag aral po ako? Pero paano po si Sir Giel este sir Kiel? Ayaw kopo siyang iwan, wala na po ang tatay niya tapos hindi papo sila magka sundo ni Mam Layla" sagot ni Alena. Kaya nagka tinginan ang mga ito pagka tapos ay nabaling ang tingin ng mga ito kay Kiel
"Kiel, narinig mo 'yun kung ayaw ka niyang iwan ,ikaw ang gumawa ng paraan upang maka pag aral siya, sayang siya kung wala man lang alam " wika ni Vanessa kaya pasimple na lamang tumango ang binata habang ito ay seryoso parin.
Para naman lumutang sa alapaap si Alena dahil sa mga sinabi ni Vanessa pagka tapos ay hindi na niya napigilang yakapin ito. "Maraming salamat po" maluha luhang saad niya.
"Ate Vanessa nalang itatawag mo saakin ganuon narin sa kanila" sagot ni Vanessa sabay baling nito sa mga kasamang babae.
"Bakit po pala ate? Hindi ba po pwedeng Madam? At ilang taon napo ba kayo? " pag uusisa niya
"I'm thirty-four "sagot ni Vanessa
"I'm Twenty-six "si Cindy
"I'm twenty-seven "si Kesha
"I'm twenty-three "si Sharina
"Ako naman twenty-four " naka ngiting saad ni Anne.
"Hmm yung Number lang po naintindihan ko, ano po 'yung I'm? " naka kunot nuong saad ni Alena sa Tonong kainosentehan.
Magakka sabay naman napa maang ang mga ito. "I'm? It means -----
"Para po kayong si Ser Kiel nag sasalita ng Alien hindi kopo maintindihan " putol ni Alena sa sasabihin ni Cindy
"I'm ,ang ibig sabihin nun ay AKO" wika sa kaniya ni Anne.
Pagka tapos ng kwentuhan nila ay pinag pahinga narin ni Kiel ang kaniyang mga kaibigan sa mga kwartong ipina handa niya para sa mga ito. Bumaba narin si Alena upang tumulong sa mga nag aasekaso para sa mga nakiki ramay.
"Hoy Boba, kumuha kanga ng cold water para sa amin ng kaibigan ko" mataray na utos ni Layla sa Dalaga ng dumaan ito sa kanilang harapan. Mahina lamang iyon sapat lang upang marinig ni Alena.
"Ako po ba inuutusan niyo Mam? " tanong niya habang naka turo Pa siya sa kaniyang sarili
"Tsssk boba talaga"bulong ni layla ngunit naulinigan parin iyon ni Alena
'Tsssk akala ko mabait, napaka bait niyang tignan pero ang sama pala niya 'wika ng isip ni Alena
"Ano tinitingin tingin mo diyan? Kumuha kana! " mahina ngunit madiig saad ni Layla sa kaniya
"Hindi po Boba pangalan ko Mam, kaya akala kopo hindi po ako ang inuutusan niyo po" magalang na tugon ni Alena dito na ikina taas naman ng kilay ni Layla
"Bakit sino paba ang boba dito? " ani ni Layla
"Ikaw po" sagot ni Alena
//continue