CHAPTER -6

2196 Words
"Tsss akala mo naman kung sinong maganda e kina ganda lang naman niya ang pinturang nasa mukha niya" inis na bulong ni Alena ng maka pasok na siya sa loob. Muntik na siyang awayin kanina ni Layla kung hindi lang sana lumapit sa kaniya si Kiel at ang binata ang nag utos sa kaniya na ipag timpla niya ito ng kape na kaagad naman niyang sinunod.. Kinabukasan ,pagka tapos mailibing si Don Federik ay katulad ng inaasahan ay nasa Library na silang Apat, ang Family lawyer ng Multivargo na si attorney Michael Gomez, Si Manang Yudo katabi nito si Kiel habang nasa kabilang upuan naman si Layla. At Halos mag wala ito ng matapos basahin ng Attorney ang Last will and Testament of Don Federik Multivargo "Two hundred million lang!? Hindi pwede attorney, baka nag kakamali kalang attorney basahin mo ulit! " galit na sabi ni Layla dahil hindi niya matanggap na sa lahat ng pinlano niya ay iyon lamang ang iniwang pamana sa kaniya ng Don. Lahat ng kayaman ng Don ay inilipat nito lahat sa nag iisa niyang anak na si Kiel, mag mula ng mag umpisa itong mag hinala na may ibang lalaki si Layla. Habang si Manang Yuda naman ay Limang Million kasama na ang bahay ng mga Multivargo sa San Hines ,bilang pasasalamat nito sa babaeng nag alaga kay Kiel mula pagka bata. "Hindi! Hindi ako makaka payag, asawa ako bakit, ako ang pinaka konting nakuha, ikaw Kiel may kinalaman ka siguro dito! " galit na sabi ni Layla ng balingan nito ang binata "Mabuti nga pinamanahan kapa, kung ako lang ang masusunod, kahit sentimo wala akong ibibigay sayo" sagot ni Kiel pagka tapos ay tumayo na ito upang maki pag kamay sa Abogado "thanyou Attorney " kaniya pagka tapos ay tumalikod na ito kasunod si Manang Yuda. * "Hi Alena "naka ngiting sabi ni Kesha ng mapag buksan ito ng pinto ni Alena "Ate Kesha, tuloy po kayo si Ser Kiel po ba sad'ya niyo po? Hindi Pa po siya nakaka uwi, nasa Resort po siya" wika ni Alena, Umiling naman ang babae pagka tapos ay naka ngiti itong may inabot sa kaniya. "Ah no Alena nag kita na kami ni Kiel kanina, ikaw talaga ang sadya ko dito para ibigay ito." Tugon ni Kesha "Ano po ito? Para saan? " nag tatakang tanong niya ng tanggapin ang inabot sa kaniya ng babae "invitation para sa Party ko gusto ko pumunta ka. Binigyan kona rin si Kiel kanina" sagot nito * "Pinky mag hiwalay kaya tayo, sa San Martino ako ikaw naman sa San Visente, " wika ni Agent 88 sa kaniyang kasama. Napuntahan na nila ang mga malalapit na isla kung saan naganap ang sinabugan ng ereplanong tukoy sa kanila ni Mr Del Castro. "Bright idea partner sige" sagot ng kasama . Nasa San Martino na si Jessa at kasalukuyan siyang nag tatanong sa mga tao ruon ,sabay pakita ng isang larawan ng batang babae na kanilang hinahanap na sa tansya niya ay dalagita na ito ngayon. Marami na siyang napag tanungan ngunit isang babae ang nag pakuha sa kaniyang pansin dahil sa sinagot nito. "Oo si Alena 'yan Mam, nako napaka gandang bata, madalas po 'Yan pumupunta saakin at lagi ko siya pinapahiram ng Tsinelas satwing pupunta siya dito" wika ng isang matandang babae na napag tanungan niya "Sigurado po kayo Manang kilala niyo ang batang ito? Pero dalaga na po siya ngayon" paninigurado paniya "Oo naman kilala ko yan at natatandaan kopa si Alena nung bata Pa siya lagi siya sinasama dito ng Lola Flora niya" sagot nito at duon na naniwala si Jessa. "Saan kopo siya mahahanap manang may cellphone number kapo ba niya? " aniya "Nako wala iha, tsaka hindi iyon marunong gumamit ng selpon iha"saad Pa nito "Ganun po ba? Saan kopo ba siya pwedeng mahanap? " aniya "Sa Pamilya Multivargo ata siya ngayon, nag tatrabaho siya sa anak ni Don Federik bakit niyo po ba siya hinahanap? " naka kunot nuong saad nito "Kapatid po ako nag nanay niya kaya hinahanap kopo ang pamangkin ko dahil matagal na siyang hinahanap ng kapatid ko" pag sisinungaling niya Natuwa naman ito sa kaniyang sinagot pagka tapos ay nag paalam narin siya dito ,habang nasa sasakiyan ay iniisip niya ang sinabi sa kaniya ng matanda kanina. "Multivargo? Saan konga ba iyon narinig? " tanong ni Jessa sa kaniyang sarili. Alam niyang kilala niya ang apelyedo na iyon at hindi niya mawari kung saan nga ba niya iyon narinig. Dinampot niya ang kaniyang phone at tinawagan niya ang kaniyang kaibigan "Hello pinky anong balita? " aniya "Negative part" sagot nito at iyon lang ay pinatay na niya ang tawag. Pupuntahan niya ang sinabi sa kaniya ng matanda kanina ang kinaroroonan ng pamilya Multivargo kung saan niya makikita si Alena. * "Oh ano na Girl anong plano mo ngayon? " tanong Flower ang Bestfriend ni Layla, kasalukuyan sila ngayon sa resto bar ng Resort at duon binubuhos ni Layla ang kaniyang galit "Buwisit ano pangaba, kailangan Kong makuha ulit si Kiel kailangan mapa amo ko siya ulit, hindi pwedeng mag hirap ulit ako, ayaw ko ng bumalik sa putikan. Punyetang buhay to oh akala ko mapapa saakin na lahat ng yaman ni Federik dahil asawa na niya ako, pero tangna! Bago pala siya namatay binago na niya ang last Will niya at iyon ang hindi ko nalaman."nang gagalaiti sa galit niyang saad, narinig niya nuon si Federik kausap si Attorney Michael at pinag uusapan nila ang mga ari-arian ng Don, ganuon na lamang ang laking tuwa niya ng marinig na lahat ng kayamanan ni Federik ay maiiwan sa kaniya bilang isang butihing asawa nito at tanging mga naiwan naman ng naunang asawa nito ang para kay Kiel. Kaya ganuon na lamang ang panggagalaiti niya dahil hindi man lang niya nalaman na binago pala iyon lahat ng Don. "Ma'am may bisita pong nag hahanap kay Don"wika ng isang katiwala na kakalapit lamang sa kanila. Nagka tinginan naman sina Layla at Flower bago nagkibit balikat at tumayo na upang puntahan ang taong nag hahanap sa kaniyang namatay na asawa Habang seryoso lamang na naka upo si Jessa at hinihintay niya ang asawa umano ng Don ay bigla siyang napa tayo ng mapansin niya ang dalawang babaeng papalapit sa kaniya. "Layla?! " gulat na sabi ni Jessa ng makita niya ang pamilyar na babaeng papalapit sa gawi niya "Hi Jessa, ikaw pala.. Hmmm hinahanap mo raw ang asawa ko? Ohh I'm sorry kahapon Pa siya nailibing" parang balewalang saad ni Layla "Asawa? " hindi maka paniwalang sambit ni Jessa. Sa pagkaka alam niya ay dating Girlfriend ito ni Kiel at lagi nila itong nakaka sama satwing may kasiyahan ang mga kaibigan ng binata o okasyon sa mga ito. "Yes Jessa hindi mo alam? Two months na, napang asawa ko ang Papa ni Kiel. Hahaha gulat ka no, we'll siguro nga ay si Federik talaga ang naka tadhana bilang First Husband ko pero malungkot lang dahil kaagad rin siyang pumanaw " wika ni Layla at sinadya Pa nitong palungkutin ang boses sa huling tinuran nito. Nagulat man sa mga nalaman ay hindi na iyon ipina halata ni Jessa dahil hindi naman ito ang kaniyang sadya. At duon na lamang niya naalala na isang Multivargo pala si Kiel 'Bakit ko ba 'yun naka limutan' wika ng isipan niya. "Bakit kanga pala napa rito Jessa, vacation or binibisita mo kami dito.--- ay oo nga pala si Federik ang sinadya mo dito. " "May kilala kabang Alena? " deretsang sagot ni Jessa. Ayaw na niyang maki pag kwentuhan rito lalo na't nasa Trabaho Pa siya at hindi iyon ang oras para sa mga walang kwentang usapan. "Alena... Hmmm why? " nag tatakang tanong ni Layla "Just answer me may kilala kabang Alena? " pag uulit niya "Hindi kita sasagutin kung hindi mo sasabihin at Malay mo makaka tulong ako, Kaso bayan? " anito Bumuntong hininga naman si Jessa at sinabi dito ang kaniyang sadya. Pero hindi niya sinabi ang tungkol sa pagka tao ni Alena. Binanggit niya lang na hinahanap niya si Alena dahil pinapahanap ito ng tunay na magulang ni Alena. "Talaga? Why hmmm rich ba ang parents ni Alena para kunin kang taga hanap niya, hindi naman siguro iyon poor dahil wala silang pambayad sa mga agent na katulad mo" naka taas kilay na sabi ni Layla. "Sagutin mo nalang ko Layla" naiinip na sabi ni Jessa at hindi na niya sinagot ang sinabi nito " edi wala kang makukuhang sagot saakin kung hindi mo sasabihin " sagot ni Layla "Kung wala akong mapapala sayo ay kay Kiel ako pupunta---- "No, actually I'm Alena talaga pero binago kulang ang tunay na pangalan ko" mabilis na sagot ni Layla at halatang hindi Pa nito pinag iisipan ang kaniyang mga sinabi. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Jessa pagka tapos ay tumayo na ito "kung ikaw nga si Alena, babalikan kita bukas at may mga itatanong kami sayo para makumpirmang ikaw nga si Alena. Pero sinasabi ko sayo Layla, hindi ako basta basta nalilinlang " iyon lang at tumalikod na siya Naiwan namang natitigilan si Layla. "Aahrg ano ba itong pinasok ko? Anong kagagahan naman iyong sinabi kona ako si Alena. Pero paano nga kung mayaman nga ang mga magulang ng bobang Alena nayon. Bahala na sinimulan kona ito kaya ituloy kona ang pag papanggap tutal wala naman silang alam tungkol saakin maliban lang sa naging Girlfriend ako nuon ng kaibigan nilang si Kiel. " bulong ni Layla habang nilalaro niya ang kaniyang kuko. * "Alena huwag kanang mag luto sa labas tayo kakain, mamimili tayo ng mga gamit mo at isusuot mo sa Party ni Kesha" wika ni Kiel sa dalaga. "Ngayon naba? " tugon ng dalaga "Yup kaya bumalik kana sa Kwarto mo at mag suot ka ng - nang b*a" nahihirapang saad ni Kiel sa dalaga. "Ano po iyung Yap? Yip-yap yun diba katulad ng chi-chiryang binili ko kanina, tsaka pwede naman pong lumabas ako ng hindi naka b*a, mas sanay napo ako at nasisikipan po ako " inosenteng tugon ni Alena kaya lihim na lamang napapa mura si Kiel dahil satwing kaharap niya ang dalaga ay parang gusto niya itong kuyumusin ng halik at parusahan ito sa kaniyang kwarto "Damn this is B*llshit! " mahinang saad ni Kiel ng maramdaman na naman niya ang paninikip ng kaniyang pantalon. Sobra na siyang pinapahirapan ng dalaga, hindi ito nag susuot ng b*a lalo na't ang hinahanap nito ay ang mahiwagang b*a ng lola nito na ibinigay Pa iyon, binilihan niya rin ito ng limang dosenang panty ngunit, sinabi sa kaniya ng dalaga na minsan lamang ito nag susuot ng panty dahil kumakati raw umano ang singit nito. Kaya naman ay umiiwas na lamang siya satwing magkaka lapit sila ng dalaga upang mapigilan niya ang kaniyang sarili. Napaka bata Pa ni Alena kumpara sa kaniya na lumagpas na sa Kalendaryo "Mag suot ka ng b*a dahil sa Mall tayo pupunta, tanggalin molang kapag naka uwi na tayo mamaya. "Saad ni Kiel habang hindi naka tingin sa dalaga. "Bakit ba kasi puro masisikip ang mga pinamiling b*a para saakin. Hindi ako maka hinga para akong sinasakal pero----- "Mag bihis kana dahil aalis na tayo " iyon lamang at tumalikod na ang binata. "Ano ba 'yan kainis naman, ano bang problema niya kung Hindi ako mag b*a. Bahala siya basta ayaw ko, ayaw ko" bulong ni Alena pagka tapos ay tinungo na niya ang kaniyang silid at nag bihis narin siya ng crochet Croptop habang naka partner naman iyon sa denim jeans na may butas butas Pa iyon sa pagitan ng tuhod niya, binigay Pa sa kaniya iyon ni Kesha nung huling dalawa nito ruon. Hinayaan na lamang niyang naka lugay ang kaniyang mahabang buhok pagka tapos ay wala na siyang nilagay sa kaniyang mukha dahil natural ng maputi ang kaniyang mukha at mapula ang kaniyang labi. Habang pababa na ang dalaga ay kasabay na pag indayog ng malulusog at malaki nitong hinaharap na siyang ikina lunok naman ng sariling laway ni Kiel. "I told you Alena--- "Alien na naman" agad na sabi ni Alena sa pag rereklamo ng binata "Sabi ko sayo mag b*a ka" nag pipigil na sabi ni Kiel kasabay ng pag iwas nito ng tingin sa dalaga. "Ang arte mo bagay naman ah, oh bakit hindi naman ako nilalamig ah, tirik na tirik ang araw pag susuotin mo ako ng Jacket " saad ni Alena ng bigla na lamang isuot sa kaniya ng binata ang hinubad nitong itim na Jacket "Tsssk kung ayaw mong ikaw ang patirikin ko ay huwag ka ng umangal " mahinang bulong ni Kiel "May sinasabi kapo? " ani ng dalaga pagka tapos ay napa simangot na lamang ito nang mapansing tanging mukha niya lamang ang nakikita dahil nilagyan Pa siya nito ng bucket hat sa ulo "Para naman akong turon nito Ser, sobrang balot na balot ako, ang init init sa labas eh" pag rereklamo ng dalaga " dapat lang 'yan dahil wala kang suot na b*a mas nag iinit ako kung hahayaan kitang naka ganyan lang"naka ismid na tugon ni Kiel at hininaan nanito ang huling sinabi kaya hindi na iyon na unawaan ng dalaga //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD