Pagka uwi nina Alena at Kiel sa bahay ay hindi rin nag tagal si Kiel dahil may kung sinong tumawag dito, kaya sinabihan na lamang niya ang dalaga na baka gagabihin ito ng uwi.
Kasalukuyang inaayos ni Alena ang mga gamit na pinamili sa kaniya ng binata nang may biglang mag Doorbell kaya napa hinto siya sa kaniyang ginagawa. Upang tignan kung sino ang nag do-doorbell sa labas.
"Hi Alena can I talk to you? " ani ni Layla ng mapag buksan ito ni Alena ng Pinto.
"Pinag sasabi mo? " naka kunot nuong tanong ni Alena dahil hindi niya ito naintindihan
"Ay boba kanga pala, oppps! Sorry hmmm p'wede ba kitang maka usap? " naka taas kilay na sabi ni Layla sa kaniya.
"Magkaibigan ba tayo? Hindi ako nakikipag usap sa kampon ni Santanas" ani ni Alena at ginaya rin niya ang style ni Layla, tinaasan niya rin ito ng kilay.
'Aba akala mo ha, ikaw lang ang marunong mag pataas ng kilay, tsssk burahin ko kaya 'Yang peke mong kilay na halatang iginuhit lang ng uling' ani ng isipan ni Alena
Lihim namang nabwisit si Layla sa sinagot sa kaniya ni Alena, ngunit ng maalala niya ang kaniyang sadiya ruon ay nag kunwari siyang mabait kay Alena, ngumiti muna siya at hiwakan ang mga kamay nito
"Alena, nandito ako para maki pag kaibigan sayo, napansin ko kasing wala kapang kaibigan dito----
"Nagkakamali kapo Mam Layla, halos lahat po ng mga tao dito mga kaibigan kona po" putol ni Alena sa sasabihin ng babaeng kaharap, aminado siyang mang-mang siya ngunit marunong siya maki ramdam sa mga taong nakaka harap niya.
Habang naka titig si Layla sa babaeng kaharap ay biglang napa dako ang kaniyang tingin sa Kwintas na suot ni Alena, biglang nanlaki ang kaniyang mata. Dahil marunong siyang kumilatis ng mga alahas kaya hindi siya pwedeng magka mali. Alam niyang isang mamahaling kwintas ang suot ni Alena, ayon narin sa maliliit na diyamanteng naka palibot sa pangalan nito.
"Ang ganda naman ng kwintas mo pwede kobang mahawakan? " naka ngiting sabi ni Layla ngunit ng akmang hahawakan niya iyon ay biglang pinalo ni Alena ang kaniyang kamay.
"Huwag mong hawakan, pasensya napo pero hindi po ako nakiki pag kaibigan sa kaaway ni Ser Kiel "ani ni Alena at isinirado na niya ang Pinto.
"Aaargh bwisit! May araw karing boba ka! " inis na sabi ni Layla at padabog na umalis ..
*
"Jessa anong meron? Bakit gusto mo akong maka usap? " tanong ni Kiel ng maka upo na ito sa harapan ng Agent na naging kaibigan narin niya lalo na't matalik itong kaibigan ni Vanessa
"Galing ako sa Resort niyo at may hinahanap akong babae. Pero si Layla ang nakita ko duon at hindi ko nagustuhan ang timbre ng pananalita niya" tugon ni Jessa pagka tapos ay humigop ito ng kape.
"Why? Sinong hinahanap mo? " nag tatakang tanong ni Kiel
"May hinahanap akong nag nga-ngalang Alena, pero sinabi saakin ni Layla ay siya raw umano si Alena, is that true? " sagot ni Jessa na ikina kunot nuo naman ng binata
"Ofcourse not! You know her right? Pina imbistigahan kona siya nuon sayo kaya alam mo ang totoo" saad ni Kiel
Nung magka relasyon Pa lamang sila ni Layla at mag away sila dahil sa pamimilit nitong mag pakasal, ay si Jessa ang inutusan niyang imbistigahan ito. At duon niya nalaman ang true identity ni Layla ang background nito mula pagka bata at tungkol sa mga magulang nito ay tanging sila lamang ni Jessa ang nakaka alam. Hindi niya iyon nabanggit sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang pag tawanan siya ng mga ito lalo na't naisahan siya ng isang p********e na babae.
"Yah, kaya nga hindi kaagad ako naniwala sa mga sinabi niyang siya si Alena ang babaeng hinahanap ko. " kibit balikat na sagot ni Jessa
" pwede kubang malaman bakit mo hinahanap ang nag nga-ngalang Alena? " naka kunot nuong tanong ni Kiel, na curious siya sa takbo ng usapan nila lalo na't tungkol iyon sa babaeng kasama niya sa kaniyang pamamahay
"Siya ang mission ko, sasabihin kona sayo dahil isang kang Apolo at baka matulungan mo ako "seryosong saad ni Jessa sa walang emotion na mukha. Nang makita niyang tahimik lamang ang binata at halatang nag hihintay lamang ito ay nag patuloy si Jessa.
"Siya ang nawawalang anak ni Mr Del Castro ang Del Castro Group, alam mo 'yun diba ang tito ni Kesha " saad ni Jessa ang siyang nag pagulat kay Kiel.
"You Damn Kidding me right? " naiiling saad ni Kiel
Hindi siya maka paniwala sa mga nalaman, ang isang Alena na mang-mang ay isa palang Heredera.
" I'm serious Multivargo, kaya kung may alam ka say it para matapos na itong mission ko. Gusto ko nang mag bakasyon kasama ng mag-ama ko, nag tatampo na saakin ang inaanak mo"saad ni Jessa at ang tinutukoy nito ay ang mag-ama niyang sina Jego at Diana.
"Nag tatrabaho siya saakin. Pero nakaka siguro kabang siyanga ang Alena na hinahanap mo? " ani ni Kiel
"Kaya nga gusto ko siyang makita, dahil may mga itatanong ako at may gusto akong malaman. Bago ko kumpermahin na siya ngaba ang hinahanap ko" sagot ni Jessa
*
"Kesha bakit hindi nalang sa House mo ang party bakit duon Pa sa bahay ng tito mo? " tanong ni Sharina habang nag babalat ng orange fruit
" 'yun ang kagustuhan nina mommy at Tito Rodulfo eh " kibit balikat na sagot ni Kesha
*
"Doggo may ipapagawa ako sayo, babayaran kita ng malaking halaga pag nagawa mo ng malinis ang ipag uutos ko sayo " ani ni Layla sa lalaking kaharap.
"Oo naman madam basta ikaw at sa usapang pera ay wala tayong problema" kumpyansadong sagot ng lalaki.
"Kilala mo naman si Alena diba? Gusto ko iligpit mo siya o bahala kana kung anong gagawin basta mawala lang siya dito sa San Martino at San Visente. " ani ni Layla sabay hithit nito ng sigarilyo.
"Areglado madam" naka ngising sagot ni Doggo.
*
Sa sementeryo naka ngiting nililinisan ni Alena ang puntod ng kaniyang Lolo Tasyo at Lola Flora, tuwing sabado ay dumadalaw siya ruon kapag wala sa bahay si Kiel, wala naman siyang maka kwentuhan kaya kinakausap na lamang niya ang libingan ng kaniyang lolo ag lola sa twing dumadalaw siya ruon.
"Lola, lolo may trabaho napo ako, ng tatrabaho po ako sa anak ni Don Federik. Alam niyo po lola ang bait bait po niya kaso may lahing alien po, nag sasalita po siya ng hindi ko maintindihan tapos po lola, may magandang balita po ako higit Pa po sa may trabaho na ako ay makaka pag aral napo ako, tutulungan po ako ng mga kaibigan ni Ser Kiel" naka ngiting pag kukwento ni Alena sa puntod ng mga ito.
Pagka tapos niyang manatili ng mahigit isang oras duon ay nag paalam narin siya upang bumalik na sa bahay ng binata, lalo na nang maisip niyang malapit ng umuwi ang binata dahil hapon narin.
Habang nag lalakad siya ay makanta kanta Pa siya ng may biglang huminto na isang itim na sasakiyan sa kaniyang harapan at lumabas ruon ang dalawang lalaki na naka takip ang mga mukha kaya hindi niya makita ang mga mukha nito.
"Hep hep hep sino po kayo?----emmm" hindi na naituloy ni Alena ang kaniyang sasabihin ng biglang takpan ng isang lalaki ang kaniyang bibig at nalanghap niya ang isang kakaibang amoy sa telang pinantakip sa kaniya, dahilan upang siya ay mawalan ng Malay.
*
Pabalik balik ang lakad ni Kiel sa loob ng sala, parito't paruon ang ginagawa nito kaya hindi na naka pag pigil sina Paulo at Romuel ay sininta na siya ng mga ito.
Tinawagan niya ang dalawan upang papuntahin ruon lalo na't naroroon rin si Jessa kasama ng kaibigan nitong si Pinky. Upang maka usap at makita ng mga ito si Alena. Ngunit dalawang oras na ay wala paring Alenang dumarating.
"Ano ba Kiel nakaka hilo kana, maupo kanga" ani ni Paulo
"Wala bang dalang Cellphone si Alena? Tawagan mo kung meron" saad naman ni Romuel
"May alam kaba na pwede niyang puntahan? " wika ni Pinky kaya napa isip naman si Kiel at nang maisip niya kung saan posibleng pumunta si Alena ay walang lingon likod ay nag madali siyang umalis at iniwan niya ang mga kasama .ngunit sumunod rin ang mga ito sa kaniya
Subalit ganuon na lamang ang panlulumo ni Kiel ng makitang walang tao sa sementeryo ngunit naagaw ang kaniyang pansin sa isang tsinelas na naiwan sa gilid ng kalsada. Nilapitan niya iyon at pinulot
"Damn Alena where are you" tiim bagang saad ni Kiel ng matukoy niya kung kanino iyon. Kay Alena iyon at naalala niyang siya pa ang pumili niyon.
"Bakit Brad? " tanong ni Romuel ng maka lapit ito
"Nasa panganib si Alena" tugon niya.
*
Nagising si Alena sa isang napaka dilim na lugar, at nakaka rinig rin siya ng tawanan ng dalawang tao kaya kaagad siyang napa mulat ng mata at ganuon na lamang ang laking gulat niya ng makita kung nasaan siya. Naka sakay siya sa isang Bangkang De Motor kasama ng dalawang lalaki, sobrang dilim narin at tanging maliit na Flashlight lamang ng isang lalaki ang nag sisilbing ilaw sa kadiliman ng gabi. Napag tanto niya kung sisigaw siya ay walang makaka rinig sa kaniya dahil nasa kalagitnaan na sila ng Dagat
"Sino kayo! Anong kailangan niyo saakin? " natatakot na sabi ni Alena sa dalawang lalaki, tumawa lang ang mga ito at dahan dahan lumalapit sa kaniya ang isang lalaki at ganuon na lamang ang laking gulat niya ng maaninag niya ang mukha nito.
"Doggi" nanginginig niyang sambit
"Doggo hindi hindi Doggi! "Pag tatama nito
"Ganuon parin 'yon Doggi ang arte mo, pangalan lang e kailangan pang gandahan e mukha namang duling na galunggong---aray! " saad ni Alena at bigla siyang napa daing ng sampalin siya ng Lalaki
"Malakas ang loob mo ha. Sige tignan natin kung saan aabot yang tapang mo Alena pagka tapos ka namin pag sawaan ay papatayin ka namin bago ihulog dito sa tubig para mapag piyestahan naman ng mga panting yang kasexyhan mo " saad ng lalaki sa kaniya na ikina putla niya.
" mga Demonyo! " sigaw niya sa mga ito habang napapaiyak na dahil sa sobrang takot.
"Lumayo ka huwag kang lalapit, huhu maawa po kayo wala po akong ginawang kasalanan sa inyo po" hindi na napigilan ni Alena ang mapa luha dahil sa Sobrang takot sa mga ito. At dahil naka tutok lamang sa kaniya ang Flashlight ng lalaki ay mas lalo Pa ito nag laway ng makitang walang suot na b*a ang dalaga at dahil naka palda ito ay nakikita rin nila ang mapuputi nitong mga hita
"Wow kulay pula pare! " ani ng isang lalaki ng mapa tingin ito sa gitna ni Alena, kulay pula ang suot na panty ni Alena kaya kaagad iyon naunawaan ng dalaga pagka tapos ay mabilis niyang inayos ang kaniyang palda.
"Huwag niyo kukunin ang panty ko, mahal ito sa Mall Pa ito binili ni Ser Kiel. Wag lumayo ka lola lolo " parang batang sabi ni Alena at napa saklolo na lamang siya sa namayapa niyang mga abuwelo't abuwela.
"Namatay na ang mga tinatawag mo Alena. Pano kapa nila matutulungan e mga matatanda na mga 'yon" naka tawang saad ni Doggo
"Mumultuhin nila kayo. Pag sinaktan niyo ako" ani ni Alena sa pagitan ng pag hikbi.
"Pare simulan na natin baka abutin tayo ng umaga dito. Hanapin Pa ako ni Misis " saad naman ng isang lalaki na kasama ni Doggo.
"Sige mauuna na ako pare" sagot ni Doggo at tumingin ito sa kaniya na puno ng pagnanasa. Kaya
Sa sobrang takot ni Alena ay wala na siyang naisip na pwedeng gawin kundi ang tumalon nalang at lumangoy ng matagal palayo sa kinaroroonan ng dalawa. At ganuon nanga and ginawa niya, bago Pa siya madaganan ni Doggo ay sinipa niya muna ito bago tumalon sa tubig.
//continue