"Katulad ng Plano Jessa, kung gusto maki pag laro ni Layla sabayan natin. Kunwaring naniniwala kang siya nga si Alena, ipapain natin siya sa sarili niyang bitag" ani ni Paulo na sinang Ayunan naman ni Kiel
Malaki ang hinala niyang may kinalaman si Layla sa pagka wala ni Alena, kahit gusto na niya itong saktan at patayin ay hindi niya parin magawa lalo na't hindi Pa nila nalalaman kung nasaan si Alena at si Layla lamang ang nakaka alam ruon.
Dalawang araw ng nawawala si Alena kaya hindi halos maka pag pahinga at mapakali si Kiel, sobrang nag aalala na siya sa Dalaga. Buong buhay niya ay kay Alena lamang niya iyon naramdaman. Walang ibang mahalaga sa kaniya kundi ang mga magulang niya at ang kaniyang mga matalik na kaibigan, iyon lang at ngayon nakilala niya si Alena ay masasabi niya Sa kaniyang sarili na si Alena na ang huling babae sa kaniyang buhay. Ngunit ngayon wala na ang kaniyang mga magulang tapos nawawala Pa si Alena ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
" Kiel wala bang CCTV camera sa Room ni Tito? Matagal kona itong gustong sabihin sayo kaso hindi ko matsambahan kung pano ko sasabihin ang hinala ko " ani ni Romuel
"Anong hinala mo? " tugon naman ni Jessa
"Pagka tapos mailibing ni Tito Federik, narinig ko ang mga kasambahay sa Mansyon niyo Kiel nag uusap sila, narinig nila umano na bago namatay ang papa mo nag away muna sila ni Layla dahil nahuli ni tito na may kasamang ibang lalaki ang Step mom mo. I mean si Layla" ani ni Romuel kaya napa tiim bagang na lamang si Kiel
"Hinala korin na may kinalaman ang babae na 'yon" sagot ni Kiel
"Kung ganuon naman pala, bakit nakaka laya payan. Dapat pinaparusahan na natin yan ngayon. " ani naman ni Paulo.
"Kakamatay lang ni Papa Paulo, ano iisipin ng mga Tao kapag nalaman nilang namatay narin si Layla----
"Bakit parang humihina ata ang kokote mo Kiel, wala kabang tiwala sa mga alaga ni kuya Sebastian" ani ni Jessa
Sa Mansyon ng mga Del Castro naka tayo lamang si Layla sa loob ng mansyon habang nililinga niya ang kaniyang mata sa napaka gandang desenyo at mga mamahaling Antigo ruon. Nang may biglang tumikhim mula sa kaniyang likuran.
"Magandang umaga ho" magalang na bati ni Layla sa lalaking satingin niya ay ito na nga ang ama ni Alena dahil may pagkaka hawig dito si Alena sa lalaking kaharap niya
" magandang umaga rin iha, may kailangan kaba? Anong sadya mo dito? " dere deretsong saad ni Rodulfo sa babaeng kaharap
"May naka pag sabi po kasi saakin na may hinahanap po kayong nag nga-ngalang Alena " sagot ni Layla na siyang nag pakuha ng intires ni Rodulfo ng marinig niya ang pangalan ng anak.
"Bakit may alam kaba kung nasaan ang anak ko Ms? " tanong ni Rodulfo
"Ako po kasi si A-Alena" saad ni Layla na siyang nag pagulat kay Rodulfo
"Layla? Anong ginagawa mo dito?" Nag tatakang tanong ni Kesha ng maka lapit ito kasama ng mommy nito na si Rona
"Kesha do you know her? " nag tatakang tanong ni Rodulfo sa pamangkin. Tumango naman ito na siyang ikina putla ni Layla
'Aaargh ano ba itong napa sukan ko, tangna! Hindi panga ako nakaka pag simula mabubuko na kaagad ako. Pesteng Plano to' gigil na saad ng isip ni Layla
"Yes tito, old friend but dikami close" sagot ni Kesha sabay irap nito kay Layla
Oo nga't naging magkaibigan sila nuon, nung girlfriend Pa ito ni Kiel ngunit lahat sila ay nagalit sa ginawa ni Layla, masyadong pakitang tao si Layla kaya hindi ito naging malapit sa kanila ni Vanessa.
"Sinasabi niyang siya raw umano si Alena ko, hmmm what's your name iha? " sabi ni Rodulfo bago bumaling kay Layla
"Layla po ang pangalan niya tito, and don't believe her tito. I know She's a liar! " mataray na sabi ni Kesha
"Kesha stop it! "Saway ni Rona sa anak.
"Tsss wait tatawagan ko si Fego at Kiel tito huwag mong paalisin ang babae nayan, patutunayan ko sa inyong nag sisinungaling Yang B*tch nayan!" Ani ni Kesha sabay kuha sa kaniyang phone.
Kaagad naman nag wala ang buong sistema ni Layla, hindi niya alam kung anong gagawin, sobrang galit na galit siya sa kaniyang sarili dahil hindi man lang niya inisip ang gagawin, nag padalos dalos siya sa planong mag papanggap siya bilang Alena at lalasunin niya ang mga magulang ni Alena para makuha niya ang mga yaman nito. 'Yun ang kaniyang Plano, ngunit mukhang mabubulilyaso na dahil iyon kay Kesha.
*
"Kesha Bakit? " tanong ni Paulo sa kabilang linya, sa pag aakala niyang si Anne ang tumatawag ay kaagad niya iyon sinagot at tinawag pa niya itong sweetypie
"Ew! Kadiri ka Paulo, hindi ko makontak si Kiel nak patay ba ang phone niya? Magka sama ba kayo? " ani ng nasa linya
"Yah why? " tinatamad na sagot ni Paulo
"Paki bigay sa kaniya ang phone gusto ko siyang maka usap" tugon ng dalaga
"Tsssk "asik lang ni Paulo bago iyabot ang aparato sa kaibigan
"Si Kesha gusto kang maka usap" sagot ni Paulo ng tignan siya ni Kiel na may pag tataka
"Kesha" sambit ni Kiel sa kausap
"Pumunta kayo dito sa Del Castro mansyon alam rin ni Jessa kung hindi mopa ito alam. Nandito ang magaling mong Ex, nag papanggap bilang Alena. Pumunta na kayo dito baka maniwala Pa si Tito" ani ng nasa linya na ikina tiim bagang ni Kiel
"Talagang desperada na talaga Yang Layla nayan , lahat gagawin maka angat lang sa buhay " naiiling na sabi ni Pinky. At duon na lamang napag tanto ni Kiel na naka loudspeaker pala kaya narinig ng mga kasama ang mga pinag sasabi ni Kesha.
*
"Mahal nagising na siya" wika ng isang babaeng naulinigan ni Alena sa kaniyang pag pagka mulat.
"Nasaan ako? " mahinang tanong ni Alena sa dalawang tao na mataman lamang naka tingin sa kaniya. Sa palagay niya ay mag asawa ang mga ito.
"Nandito kasa Barangay Pinagpala iha, nakita kana ng asawa ko walang Malay sa dalampasigan, ako nga pala si BetBet at ito naman ang asawa ko si Peng, kumusta may nararamdaman kaba? " wika ng babae sa kaniya na kaagad nakitaan ni Alena ng kabaitan.
"Maayos naman po nauuhaw po ako" aniya, kaya mabilis naman umalis ang asawa nitong lalaki at ilang sigundo lang ay bumalik narin at may dalang isang basong tubig.
"Salamat po" aniya pagka tapos niyang uminom.
"Iha anong pangalan mo at bakit ka napadpad dito? Nalunod kana? " pag uusisa sa kaniya ng lalaki
Muli ay naalala na naman ni Alena ang mga nangyare sa kaniya nung gabing kamuntikan na siyang magahasa kung hindi lang sana siya naka Talon sa tubig. At mabuti na lamang ay magaling siyang lumangoy, ngunit ng mapagod ay hinayaan na lamang niyang mag patangay sa Alon at bahala na kung saan siya dalhin ng agos ng tubig.
"Alena po ang pangalan ko, hmmm malayo poba dito ang San Visente? " aniya, nakita niyang nagka tinginan ang mag-asawa pagka tapos ay sabay na umiling. "Hindi namin iyon alam iha, pero huwag kang mag alala sasamahan ka namin sa Polis station para maka hingi ng tulong, baka hinahanap kana ng mga magulang mo " saad ni aling Bet
*
Sa Mansyon ng mga Del Castro naman ay naunang dumating si Fego kasama sina Josef at Sebastian, sobrang nahihiya at natatakot si Layla sa pwedeng mangyare sa kaniya dahil wala naman siyang nagagawa ay bistado na kaagad siya.
"Iha bakit mo sinasabing ikaw si Alena? Paano mo mapapatunayan 'yon? " saad ni Rodulfo sa mahinahong tinig.
"Dahil-----
"We'll tito tinatanong paba 'yan because of money diba Layla? don't denying oww, hindi pa na One Week nailibing si Tito Federik heto ka ngayon gumagawa ng kalokohan. -----
"Stop it Kesha !" Saway ni Rona Sa anak
"Why mom? She's a gold damn digger---
"Kesha! " saway naman ni Fego
Hindi rin nag tagal ay dumating narin ang Lima sina Kiel, Romuel, Paulo, Pinky at Jessa sa mansyon ng mga Del Castro
"Agent Romano" biglang sabi ni Rodulfo ng makita niya ang kaniyang private investigator nag taka Pa siya kung bakit ito kasama ng mga kaibigan ni Kesha, nang mapansin iyon ni Jessa ay ngumiti ito at ito na ang nag paliwanag kay Rodulfo kung ano ang Konesyon niya sa mga Apolo.
"Ki-kiel" nauutal na sambit ni Layla ng makita nito ang binata
"Hi Layla so nandito kana pala akala ko kami ang pupunta sayo sa Resort diba, hindi kana naka pag hintay" naka ngiting saad ni Jessa na halatang may pang iinis
"Ayaw ko ng maraming discussion dito, dalhin niyo nayan sa Prisinto" seryosong sabi ni Rodulfo sabay baling ng masamang tingin kay Layla
"Ano? Bakit wala naman akong ginagawa ah, ano bang kasalanan ko para dalhin niyo sa prisinto!?" Agad na sabi ni Layla at napa tayo narin ito
"Agent Romano, Apolo's kayo na ang bahala diyan kailangan ko ng bumalik sa Kwarto ng Asawa ko, manang Susan naka handa naba ang pagkain ni Lory? " ani ni Rodulfo sa malakas na tinig
"Oho Sir" sagot ng taga luto ,kaya tumalikod na si Rodulfo sa mga ito upang puntahan ang asawa dahil oras narin para pakainin ito.
//continue