Gabi na ng maka uwi si Kiel sa bahay ng kaniyang mga Magulang, sumalubong sa kaniya ang katahimikan ng paligid at halatang natutulog narin ang mga katiwala at mga kasambahay nila ruon. Tinungo niya ang Bar Area kung saan naka lagay ang mga ibat't-ibang klase ng mga mamahaling alak nila ruon. Hindi naman siya nakaka inom ng alak at nakaka ilang sigundo sa kaniyang kina uupuan ng maka tanggap siya ng tawag mula sa unknown number
"Hello" aniya ng sagutin niya ang tawag
"Ito ho ba si Mr Kiel Multivargo? " tugon ng isang lalaki na nasa linya
"Who's this? " tinatamad niyang tanong habang naka kunot nuo na.
"I'm PO2 Captain Legaspi ng San Antonio ,kayo ho ang sinabing pangalan ni Ms Alena na pwede naming matawagan-----
"Alena? Kasama niyo si Alena? "Putol ni Kiel sa sasabihin Pa ng nasa linya, kahit nag tataka siya kung paano nalaman ng mga ito ang kaniyang phone number ay hindi na iyon mahalaga sa kaniya, dahil natuon lamang ang kaniyang atensyon sa babaeng binanggit nito.
"Ser Giel este Kiel ,ako po ito si Alena Ser ----
"God Alena, Where are you Baby----
"Alien na naman, oh kausapin muna po si Poging Pulis kayo na ang mag usap, hindi naman kita maintindihan eh" putol ni Alena sa kaniyang sasabihin. Mayamaya lang ay narinig na niya ang tinig ng isang lalaki na kaniyang kausap niya
"Sabihin mo saakin kung nasaan 'yan pupunta ako" ani ni Kiel at pagka tapos sabihin ng nasa linya ang Eksaktong Adress ng lugar ay mabilis niyang nilisan ang bahay at nag madali na niyang tinungo ang kaniyang sasakiyan pagka tapos ay tinawagan niya si Paulo upang hiramin ang isang Helicopter nito dahil Aabutin Pa siya ng bukas kung mag bibyahe Pa siya gamit ang kaniyang Kotse.
*
"Pag babayaran mo ito kiel, pinabayaan mo akong makulong dito p'wes, oras na maka laya ako dito bukas ay humanda kayo ng Bobang Alena na iyon! Babalikan ko kayo! "Galit na wika ng kalooban ni Layla habang naka siksik at yakap niya ang kaniyang tuhod sa isang sulok ng Selda.
Alas-Otso ng Gabi ng maka rating si Kiel sa Polis station ng San Antonio Barangay Pinagpala, humahangos Pa siya ng maka pasok ruon. At nang mapadako ang kaniyang tingin sa isang babaeng naka talikod at sa pag aakalang si Alena iyon ay kaagad niya 'yon niyakap kaya nagulat naman ang babaeng naka talikod na basta basta nalang niyakap ng binata.
"Alena I'm so scared akala ko napano kana" bulong niya sa babae habang naka yakap parin.
"Ser Kiel? " ani ng pamilyar na tinig na nag mumula sa kaniyang likuran. Kaya kaagad siyang napa kunot nuo dahil kakaiba ang amoy ng niyakap niya at duon na lamang niya napansin na hindi pala si Alena ang taong niyakap niya at ng mapa harap siya sa taong nag salita mula sakaniyang likuran ay mabilis naman niya nilongon ang taong naka talikod kanina na pinag kamalan niyang si Alena
"Ay pogi" sambit ng baklang niyakap niya kanina sa pag aakalang si Alena iyon
"Ser Kiel bakit kapo naka yakap sa kaniya? " inusenteng tanong ni Alena sa kaniya.
"Huh? Hmmm akala ko kasi ikaw siya" nauutal pang sagot ni Kiel
"Pogi libre ako baka ----
"Shut up! ,Let's go Alena" saad ni Kiel sabay hila sa kamay ng dalaga
"Teka lang sandali mag pasalamat muna tayo duon kay poging Pulis at kila Aling BetBet"pigil ni Alena sa binata
Pagka tapos mag pasalamat at mag iwan ng sapat na Halaga ang binata sa Mag-asawang tumulong kay Alena ay nilisan na nila ang lugar. At dahil gabi narin naman ay naka tulog na si Alena sa kaniyang mga bisig
Kina umagahan, nagising si Alena sa isang hindi pamilyar na silid. Kulay itim lahat ng nasa paligid maging ang kama na kaniyang hinihigaan ay kulay itim rin.
"Good morning Alena" naka ngiting bati ni Kiel sa kaniya ng maka pasok ito habang walang suot na pang itaas. Kaya nag taka ang dalaga
"Bakit po wala kang damit? Naiinitan kapo ba? "Saad ng dalaga, ngumiti naman ang binata pagka tapos ay umiling ito.
"Nag practice lang, maligo kana dahil sa labas tayo mag-aalmusal" ani ng binata at hindi na naka pag usisa pa si Alena dahil nag tungo na ang binata sa banyo upang maligo narin.
"Labas na naman" naka busangot na sabi Alena.
"Akala koba sa labas tayo mag-aalmusal bakit dito tayo pumunta? " nag tatakang tanong ni Alena ng makarating na sila sa Multivargo mansyon.
Hindi nalamang sinagot ni Kiel ang nagtataka paring dalaga. Bumaba na siya ng kotse pagka tapos ay pumaikot ito sa kabilang Pinto upang pag buksan ang dalaga.
"Hi Alena how are you pretty lady? " naka ngiting sabi ni Kesha ng mapalingon ito sa kanila. Tumayo ito at sinalubong nito ng yakap si Alena
"Tagalog po" mahinang bulong ni Alena na ikina tampal naman ni Kesha sa kaniyang nuo.
"Kumusta ka? "Anito
"Maganda ganda parin po" naka ngiting sagot ni Alena pagka tapos ay umabresete ito sa kaniyang braso at niyaya na siya nito sa mga kasamang prenteng naka upo lamang habang nasa kaniya lamang naka tuon ang pansin ng mga tao ruon sa loob ng malawak na sala.
Nag tataka Pa si Alena kung bakit may mga tao ruon na hindi niya kilala maliban na lamang sa tatlong babae na nakita na niya at nakilala nung gabi ng lamay ni Don Federik. Sina Kesha, Cindy at Sharina at sina Romuel at Josef naman ang natatandaan niyang pangalan ng dalawang lalaki na katabi nina Sharina. Pero ang dalawa pang babae ruon ay hindi Pa niya kilala kaya nahihiya siyang ngumiti sa mga ito.
"Alena sila sina Jessa at pinky isa silang NBI Agent" saad ni Kesha sa kaniya ng maka upo na siya sa tabi ni kiel
"Magandang umaga ho" nahihiyang bati ni Alena sa Dalawang babae.
"Hi Alena, kumusta kana? nabalitaan namin ang nangyare sayo. Huwag kang mag ala-ala nahuli na namin ang dalawang lalaki na gumawa'nun sayo" wika ng Babaeng nag nga-ngalang Jessa na ikina gulat naman ng dalaga
"Talaga po? Nasa'n po sila ngayon? "
"Nasa kulungan na sila" sagot naman ng katabi nitong nag nga-ngalang pinky.
"Alena may mga itatanong lang kami sayo at gusto namin ay pawang katotohanan lamang ang mga isasagot mo saamin" mahinahong saad ni Jessa.
"Hindi po ako sinungaling Ma'am sabi ng lola ko masama daw po 'yun at nakaka haba po ng ilong kapag nag sisinungaling, mahaba napo ang ilong ko kaya ayaw kona pong dagdagan "sagot ni Alena na ikina ngiti naman ng kausap.
"Good, hmmm ilang taon kana Alena? " saad ni Jessa
"Eighteen po" sagot ng dalaga
"Nabanggit saamin ni Kiel na ang Lolo't-lola mo lamang ang nag lalaki sayo tama ba? " pag uusisa naman ni Pinky na tinguan naman ng Dalaga "opo" sagot ni Alena
"Alam moba pangalan ng mga magulang mo? " ani ni Jessa na ikina tahimik naman ni Alena. Pagka tapos ay dahan-dahan napa yuko ang dalaga at kasabay ng pag tango nito ng dalawang beses ang pag daloy naman ng mga luha niya.
Nung gabing tumalon siya sa Tubig dagat upang maka takas sa kamay ng dalawang lalaking dumukot sa kaniya ay habang lumalangoy siya sa kadiliman ng gabi at sa ilalim ng tubig ay ang kasabay ng mga ala-alang bumabalik sa kaniya. At nang magising siya sa Bahay ng Mag-asawang Betbet at Peng sa Barangay Pinagpala ay malinaw na sakaniya ang lahat kung bakit siya napadpad sa San Martin.
*
"Tsssk bakit ang tagal niyo? "Inis na sabi ni Layla sa kaniyang kaibigan at sa Abogadong kasama nito.
"Siyempre inasekaso pa namin ang pag piyansa sayo Sissy" sagot ng kaniyang kaibigan.
"Congratulation Ms Layla, madaling napiyansahan ang kaso mo dahil hindi naman iyon mabigat" wika ng abogadong nakuha ng kaniyang kaibigan, pinakulong lamang siya ni Mr Rodulfo dahil sa kaniyang pag sisinungaling
"Ohh saan ka ngayon pupunta Sissy? " tanong sa kaniya ni Flower
"Duon parin sa Mansyon, may karapan parin ako duon dahil ako parin si Mrs Multivargo"sagot ni Layla
"Pero paano ang Ex mo? Papayag bayun na bumalik ka ng Mansyon? " saad nito
"Tsssk asawa parin ako ni Federik kaya wala siyang magagawa dahil naka lagay sa last will testament ng punyetang matanda na 'yon. ay mawawalan lang ako ng karapatan sa mansyon na 'yon kapag naka pag asawa ulit ako, so habang single Pa ako ay may karapatan parin ako duon" sagot ni Layla
"May mga bisita ata ang Stepson mo Sissy" wika ni Flower ng maka rating na sila sa tapat ng Multivargo Mansyon, napansin nila kaagad ang apat na magkaka sunod na mamahaling sasakyan sa Garahe at naisip na niyang baka ang mga kaibigan ni Kiel ang dumating
"Layla, papasok paba tayo? Siguro mamaya nalang tayo bumalik dito, kapag naka alis na ang mga bisita ng Ex mo" saad ni Flower
"No ,papasok tayo para makita natin kung pa'no ma suprise ang mga mukha nila kapag nakita nila akong naka laya na. " sagot niya at hindi nga siya nagka mali dahil halatang nagulat ang mga ito ng makita siyang papasok ng mansyon.
"Layla!" Naka kunot nuong sambit ni Kiel habang nag tatagis ang magka bilang panga nito dahil sa naramdamang galit na umahon sa kaniya ng makita nito si Layla. Ang pinag hihinalaan nilang may kinalaman sa pagka matay ni Don Federik.
"Hello Everyone----
Biglang natigilan si Layla ng mapadako ang kaniyang tingin sa babaeng akala niyang namatay na.
'Mga walang silbi talaga, akala koba wala na dito sa San Martin ang boba na Alena nayan!'galit na sabi ng kalooban niya.
//continue