"Oh naka laya kana pala, akala ko hindi mona babawasan ang perang minana mo kay Don Federik para lang pang piyansa" sarkastikong saad ni Kesha
"Bakit ba kasing naisipan pang mag panggap eh ayan tuloy nagka record tuloy "naiiling namang saad ni Pinky
Pinaikot na lamang ni Layla ang kaniyang Eyeballs sa mga ito pagka tapos ay nag patuloy na siya sa pag lakad kasunod ang kaibigan nitong si Flower ng biglang mag salita si Kiel kaya napa hinto sila sa pag hakbang.
"Ipina lipat kona sa number two Goes room ang mga gamit mo, dahil ipina sirado kona ang Master bedroom "malamig na sabi ni Kiel na ikina harap naman ni Layla.
"Bakit mo iyon ginawa? Kwarto namin iyon ng Papa mo! "Saad ni Layla at halata sa boses nito ang pinipigilang galit.
"Kwarto iyon ng mga magulang ko baka nakaka limutan mo. Kung ayaw mo sa Gues room duon ka sa mga Koral ng kabayo" saad ng binata kaya wala ng nagawa si Layla kundi ang mag tungo na lamang sa pangalawang gues room kasunod nito ang kaibigan.
"Aaargh bwisit, bwisit! May araw rin kayo, panalo kayo ngayon pero sa susunod ay hindi na ulit kayo makaka tawa o maka ngiti kapag ako naman ang nag higanti " mahina ngunit puno ng puot ang bawat bigkas ni Layla sa kaniyang mga sinabi.
" Sissy iyon pala ang Alena? Grabe napaka bata niyang tignan, kaya naman pala ayaw maniwala ni Mr Del Castro sa mga kasinungalingan mong ikaw si Alena. Dahil napaka layo ng tanda mo sa kaniya sissy--aray bakit ba!? " saad ni Flower at kaagad ito napa daing ng bigla itong batukan ni Layla.
"Sinasabi mong matanda na ako?" Naka taas kilay na sabi ni Layla sa kaibigan
"Hindi naman Sissy, kasi naman mukhang twenty Pa lamang si Alena ,tapos ikaw mag twenty-seven kana diba?" Tugon nito
'Oo nga naman bakit pala hindi ko naisip iyon bago ako nag punta sa mga Del Castro. Alam Kong eighteen palang si Alena, tapos ako mag Twenty-seven na. Pero hindi naman halata ah mukha parin akong teenager ' saad ng isip ni Layla
"So anong next plan mo? " pag uusisa ng kaibigan
"Wala muna sa ngayon, palalamigin ko muna ang setwasyun bago ako aatake sa kanila. Pero kailangan Kong mapa lapit ulit kay Kiel, napapansin kung nagkaka gusto na siya sa Alena na iyon at 'yon ang hindi pwedeng mangyare dahil Akin lang si Kiel" tugon ni Layla at nag palit na ito ng maiisuot sa harapan ng kaibigan.
*
Matulin lumipas ang mga oras hanggang sa Sumapit na ang gabi ng party ni Kesha. Kasalukuyang inaayusan ng dalawang make-up artist si Alena at ang isang bakla naman ay inaayusan ang kaniyang mahabang buhok.
"Perfect! ,Gash ito na ata ang may pinaka magandang mukhang naayusan ko sa talambuhay ko "saad ng isang baklang nag ayos kay Alena.
"Malamang puro mga Old Woman lang naman inaayusan mo eh." Wika ng isang babae na kasalukuyang nag lalagay ng red lipstick kay Alena.
"Mga ate naiilang po ako" mahinang saad ni Alena sa Tatlong nag aayos sa kaniya.
"Bakit ka naman naiilang Gorgeous young lady napaka ganda mo kaya hindi ka dapat mailang diba Mars" wika ng isang bakla na katatapos lamang mag ayos sa buhok ng dalaga.
"Big Check kung ganyan lang sana ako kaganda nako, ako na ata ang pinaka maswerteng Vakley "tugon naman ng pangalawang bakla.
"Nangarap na naman" naiiling namang saad ng isang babae.
Natigil lamang ang mga ito ng biglang pumasok si Kiel
"Finish? "Sambit ng binata kaya bahag'yan pang nagulat ang isang matabang bakla
"Yes Sir" sagot ng Tatlo pagka tapos ay pina harap na ng mga ito si Alena na siyang nag pabilis sa t***k ng puso ng binata. Biglang nag Slow-motion ang pag harap ng dalaga sa kaniyang paningin kaya sa kaniyang pagka tulala ay hindi na niya narinig ang mga papuri ng Tatlo kay Alena.
"Oh naka tulala na si Sir kiel " naka ngiting wika ng isang bakla
"Luh Ser ang laway niyo po tumutulo " wika ni Alena sabay hawak sa panga ng binata. Na siyang ikina pukaw nito.
"Ha? " wala sa Sariling sambit ng binata habang naka tulala parin sa Dalaga.
"Sir Kiel masyado naba maganda si Alena para matrulaley?" Tudyo Pa ng isang bakla
"Huy Ser anong nangyayare po sa inyo? Naistatwa kapo" wika ng dalaga sabay pitik sa ilong ng binata dahilan upang mapa balik sa katinuan ang binata.
"Sir saan napo kayo napadpad? " wika ng isang bakla sa binata
"What do you mean? " naka kunot nuo namang tugon ni Kiel
"Ang layo po kasi ng narating ng isip mo natulala kapo agad" sagot ng pangalawang bakla habang halatang kinikilig ang mga ito.
Habang minamasdan ni Kiel si Alena mula ulo hanggang paa ay hindi niya mapigilang mapa lunok ng sariling laway. Sobrang ganda at Sexy nito sa suot na Strapless high slit velvet red maxi evening dress. Ang nuong mahaba at twid na tuwid na makintab nitong buhok ay ngayon ay halatang pinag usayan talaga ng Hairstylist na kaniyang kinuha para sa dalaga. Naka Princess ponytail lamang ito at hinayaang may bumagsak na ilang hibla ng buhok sa gilid ng mukga nito.
"You look stunning, elegant and Gorgeous woman in my eyes young lady" mahina ngunit puno ng paghangang wika ng binata pagka tapos ay dahan dahan itong lumapit kay Alena "napaka ganda mo" bulong ng binata sa pagitan ng tenga ni Alena kaya biglang napa singhap ang dalaga ng maramdaman nito ang manit na hininga ng binata na tumama sa kaniyang leeg.
"Damn! parang nag bago na tuloy ang isip ko, ikulong nalang kaya kita dito sa bahay para walang ibang maka kita sayo" seryosong saad ni Kiel na siyang ikina kilig ng tatlong tao sa likod ng Dalaga.
"Wala akong kasalanan bakit mo ako ikukulong? " inosenteng tugon ni Alena.
"Dahil napaka ganda mo lalo na dyan sa suot mo, damn You look so arrrgh let's go baka hindi ako maka pag pigil" tiim bagang saad ni Kiel ngunit hindi na niya napigilang halikan sa nuo ang dalaga. Patunay lang na nirerespeto niya ito.
"Hindi ko naman kasalanan kung bakit kuripot sa Tela ang gumawa nitong suot ko. Nag titipid sigiro kaya hindi na tinapos, oh tignan mo kitang kita ang kili-kili ko dito. Baka mapasmado ako nito kapag natuyuam ako ng pawis "ani ni Alena na siyang nag pangiti sa Binata
"My innocent gorgeous lady" mahinang sambit ni Kiel pagka tapos ay hinawakan na nito sa siko ang dalaga upang alalayan na sa pag labas ng bigla silang pigilan ng isang make-up artist
"Wait Ms Alena isuot mo ito" pahabol Pa ng isang bakla sabay abot nito ng Six inches high heels na siyang nag pangiwi sa dalaga.
"Baka hindi na ako maka lakad pag 'yan ang sinuot ko. Ang taas niyan hindi ako marunong pano gumamit niyan " wika ni Alena kahit aminin man niya ay sobra siyang nagandahan ruon.
"Damn sino ba ang pumili niyan? Palitan niyo" tiim bagang saad ni Kiel ng mapa tingin ito sa Heels na ipapagamit sa Dalaga. Kahit siya ay ayaw niyang mag suot ng ganuon si Alena dahil baka masapawan Pa siyo nito sa tangkad pag iyon ang ginamit ng dalaga. Five feet and seven inches si alena at pano Pa kaya pag nag suot ito ng high heels, samantala siya ay 6'4 lamang.
"May napili ako kanina, sandali " agad na sabi ni Alena sabay hanap ng kaniyang tingin sa kaninang natipuhan niyang sandal sa isang Dosenang shoes na kaniyang pag pipilian.
"A-ha, nakita rin kita " naka ngiting sabi ni Alena ng makita niya ang kaniyang hinahanap, isa iyong red platform sandal na may apat na inch lamang na sa tingin ni Alena ay makakaya niya iyon gamitin.
"Oh diba katerno na Pa ng suot ko ang kulay" naka ngiting wika ni Alena.
"Oh bakit natahim kayo pangit ba? "Aniya ng mapansing naka ngiti lamang ang mga ito sa kaniya.
Halos mag kakasabay namang Umiling ang apat pagka tapos naka ngiti siyang pinuri ng mga ito. "Mas lalong naging Elegant tignan ang suot mo sa pinili mong shoes Ms Alena" saad ng Babae sa kaniya.
"Oo nga Mam sana all nalang kami" saad naman ng isang bakla
"Baka mas lalong mainLove na niyan si Sir Kiel Mam Alena" tugon Pa ng pangalawang bakla na siyang labis na nag pakulay kamatis sa kaniyang pisngi.
"Hala nag Blush siya" mag kakasabay na sabi ni Ng tatlo habang nag kakatuwaan ang mga ito at kilig na kilig. Samantala si Alena naman ay hindi niya gaanong nauunawaan ang mga sinasabi ng tatlo at ng makitang nag kakatuwaan ang mga ito ay naisip niyang pangit siya at hindi bagay sa kaniya ang kaniyang suot kaya siya siya pinag tutuksuan ng mga ito. kaya nangilid ang kaniyang mga luha. Na siyang nag pakunot nuo naman kay Kiel
"Alena bakit? " nag tatakang tanong ni Kiel habang hawak nito sa magka bilang pisngi ang dalaga
"Tumingin ka saakin my Alena, anong problema? "Buong suyong saad ng binata at konting galaw lang ay magkaka halikan na sila dahil sa lapit ng kanilang mukha
"Naduduling po ako Ser Kiel lumayo kapo ng konti para matignan kopo kayo ng maayos" mahinang sagot ni Alena
"Aheem sorry, anong problema mo bakit ka naiiyak? " ulit ng binata habang hawak na nito sa magka bilang balikat ang dalaga
"Baka po kasi hindi bagay saakin itong suot ko kaya kayo naka ngiti na parang aso. Ang lapad ng ngiti niyo eh labas pati gilagid " mahinang saad ni Alena siyang labis na nag pangiti sa Binata
" ikaw ang pinaka maganda sa paningin ko kaya huwag kanang malungkot okey" mahinang saad ng binata pagka tapos ay niyakap nito ang dalaga upang pagaanin ang loob nito.
"Talaga po? " mahinang sambit ni Alena habang ang tatlo naman ay sobrang kinikilig na
"Oo, nasabi ko nabang ayaw na kitang ilabas dahil ayaw Kong may Ibang maka kita sa ganda at sexy mong iyan? Gusto ko ang mga mata kulang ang makaka kita sayo sa ganyang ayos Alena."tugon ng binata pagka tapos ay humiwalay ito sa Dalaga sa pagkaka yakap
"Pero hindi pwede dahil baka hanapin ka ni Kesha at magalit iyon pag hindi kita pinasama. Let's ko dahil baka hindi ako maka pag pigil " saad ni Kiel pagka tapos ay hinalikan nito sa nuo ang dalaga tanda ng pag respeto niya dito.
"Kiyaa! Sana all, Ms. Alena masyadong mahaba ang buhok mo natapakan ko tuloy, ikaw naman kasi Cheera bakit mo hindi itinali lahat ang buhok ni Ms Alena" wika ng isang babae na nag ayos sa Dalaga
Nag tataka namang nilingon ito ni Alena "hanggang Tiyan lang po ang buhok ko ate, baka po 'Yang buhok niyo po and natatapan niyo po, gupit gupit din po kasi pag may time " saad ni Alena pagka tapos ay hinawak na siya ni Kiel sa Bewang upang alalayan sa pag lakad hanggang sa maka rating sila sa Del Castro Mansyon ay todo alalay parin si Kiel
*
Walang ka alam-alam si Rodulfo na may hinandang supresa ang kaniyang pamangkin na si Kesha maging ang mga kaibigan nito para sa kaniya. Ang gabi na iyon ay hindi lang basta-basta party ni Kesha kundi kasama na ang big surprise ng mga ito para sa butihing tiyuhin.
"Hi Tito, nasa kwarto po ba si Tita Lory? " wika ni Kesha ng maka lapit ito sa kaniyang tiyuhin katabi ng kaniyang mommy Rona.
"Yes iha, by the way congratulations iha I'm so very proud of you Kesha manang mana ka talaga sa mommy mo" naka ngiting sabi ni Rodulfo sa dalaga.
Ang party na iyon ay hinanda talaga ni Rona para sa kaniyang anak na napiling Top 1 model ng South Asia kasabay ng pagiging CEO nito sa bagong business na itinayo nito na may dalawamput Lamang buildings.
"Thank-you so much tito. Pupuntahan kulang po si Tita" tugon ni Kesha sa mga ito pagka tapos ay bumeso muna siya sa ina at sa tiyuhin.
"Tita how are you po? Si Kesha po ito tita" saad ng dalaga pagka tapos ay lumuhod ito upang ipantay ang sarili sa ginang na naka tulalang naka upo lamang sa Wheelchair
"Tita nahanap napo namin ang pinsan ko, nahanap napo namin si Alena. Kaya gumaling napo kayo tita para maging happy family napo tayong lahat dito sa Mansyon" wika Pa ni Kesha, naramdaman niyang bahagiyan pang gumalaw ang paralisadong kamay ng ginang pagka tapos ay nagulat Pa siya ng dahan dahan itong mag salita
"A-le-na" mahinang sambit ni Lory na siyang nag palaki sa mata ng dalaga. Pagka tapos ay naka ngiti niyang niyakap ang kawawang tiyahin.
"Opo tita. Mamaya po ay nandito napo si Alena " maluha luhang sabi ni Kesha" pagka tapos ay niyakap ulit ang ginang.
*
"Kiel! " napa hinto sina Kiel at Alena sa pag lakad sa Red carpet ng mansyon ng may biglang tumawag sa pangalan ng binata. Bahagyan pang nagulat ang binata ng may biglang gumulat sa kaniya mula sa kaniyang likod
"I miss you kiel kiel" ani ng isang babae sabay yakap sa kaniya mula sa likod
"Devin? Oh brat dumating kana pala, I miss you too " naka ngiting tugon ni Kiel ng makilala niya ang babaeng yumakap sa kaniya. Si Devin ang kaniyang matalik na kaibigan at isa rin ito sa sumusuporta sa Otso Apolo, isa itong Assassin at Mafia Member kaya masasabi niyang hindi rin ito basta bastang babae Lang.
"By the way Devin, meet my Girl Alena, Alena siya si Devin ang Spoiled brat Kong kababata" naka ngiting wika ng binata. Nahihiya namang tinanggap ni Alena ang pakikipag kamay ng babaeng kaharap kahit sa loob loob ng kaniyang puso ay naka ramdam siya ng kakaibang kirot ng makitang may ibang yumakap sa binata.
//continue