"Ser---
"Alena I said Kiel, how many times I told you stop----
"Naloko na, kulay itim na dugo ng ilong ko kaka salita mo ng Alien Ser Kiel! " putol ni Alena sa pag sasalita ng binata.
" ilang beses kobang dapat ulitin sayo na Kiel nalang ang itawag mo saakin, huwag ng Sir" mahinang saad ng binata.
Kasalukuyan sila ngayon naka upo sa pabilog na lamesa sa hindi gaanong matao. at tanging sila lamang dalawa ang naroroon sa lamesa na iyon. Hindi Pa naka rating ang mga iba nilang kaibigan at tanging mga bisitang hindi kilala ni Kiel ang mga naroroon kaya pinili na lamang nilang maupo muna sa isang pinaka dulong upuan habang hinihintay nila ang kaniyang mga kaibigan at si Kesha na hindi parin bumababa.
"Ang arte mo, Oo nanga Ser este Giel ey mali, Kiel pala hmm kwan kasi ah eh----
"What? " nag tatakang saad ni Kiel ng mapansing nahihiyang mag salita ang dalaga at hindi narin mapakali ang mga tuhod nito.
"Isang salita Pa ng Alien ipapa inom kona sa'yo itong wiwi ko, aah naiihi ako saan ba dito ang banyo? Bilis samahan mo ako, baka mabasa ang suot Kong mamahaling panty. Gagamitin kopa ito bukas ,ano ba tumayo kana" naka ngiwing saad ni Alena sabay palo sa braso ng binata.
"What gagamitin mopa yan bukas----
"Masyado kang matanong Kiyer ay Giel putik na pangalan to. Kiel! Oo gagamitin kopa bukas dahil meron paitong back to back kaya tumayo kana ,samahan mona ako kung ayaw mong dito ako mag kakalat---aaaah! Ano ba ibaba mo ako!" Saad ng dalaga at bigla na lamang ito napatili ng buhatin siya ng binata mula sa pagkaka upo.
"Huwag kang mag kakalat Alena, sh*t tiisin mo malapit na tayo" nag mamadaling saad ng binata habang buhat nito ang dalaga. Na animoy isang manga-nganak ang kaniyang buhat dahil sa pag mamadali.
Hanggang sa paipasok na niya ito sa Female Restroom ay hindi parin niya binababa si Alena kaya naman ay pinag titinginan siya ng mga babaeng naroroon ang iba ay napaka tili Pa dahil sa gulat.
"Oh ano babantayan mo ako umihi? O ikaw Pa ang mag lilinis saakin? " naka taas kilay na sabi ni Alena ng pati sa Banyo ay pumasok narin si Kiel at ito Pa mismo ang nag paupo sa kaniya sa Toilet
"He'll no! " mabilis na tugon ni Kiel kasabay ng pag iling nito.
"Kung ganon ay lumabas kana. Baka naman gusto mopa pakinggan ang pag ihi ko ----
"Tsssk Naughty! Bilisan mo, hihintayin kita sa labas " wika ng binata at mabilis na itong lumabas ng banyo..
Habang naka pamulsa at hinihintay ni Kiel ang dalaga sa labas ng Pinto ay naagaw ang kaniyang pansin sa mga babaeng masayang nag uusap habang nag lalakad ang mga ito patungo sa gawi niya. kaya napa tuwid siya ng tayo at nginitian niya ang mga ito ng makita siya ng mga ito
"Hi Kiel bakit ka nandito? Nasa kabila ang Men's room ah" wika sa kaniya ni Sharina ang asawa ni Josef
"Hi Ladies, I'm waiting for Alena"sagot niya sa apat na babae. Na sina Sharina, Vanessa, Anne, Jessa
"Oww you're waiting huh, by the way hinahanap ka saamin kanina ni Devin" ani sa kaniya ni Vanessa. Tinanguan niya lang ito at pagka tapos ay umalis narin ang mga ito sa harapan niya upang pumasok sa Female's room. Inabot Pa ng ilang minuto ay namalayan na lamang niyang naka lapit na pala sa kaniya si Devin kasama nito sina Cindy at Kesha
"Kiel nandito kalang pala where's Alena? " wika sa kaniya ni Kesha
"Nasa loob "aniya
"Ah I see, nasa Loob rin sina Vanessa, kaya halikana muna may ipapakita kami sayo ni Romuel" saad sa kaniya ni Kesha sabay kawit nito sa kaniyang braso kaya hindi na siya naka palag pa at nag patangay na lamang
*
"Luh asan na'yun? Sabi niya hihintayin niya ako" bulong ni Alena ng maka labas siya, hindi na niya napansin ang apat na mga babaeng nag re- retouch sa harap ng salamin at ganuo rin siya dahil hindi siya nakilala ng mga ito dahil sa napaka gandang transformation niya. Hindi rin naka tingin sa gawi niya ang apat kaya Hindi siya napansin ng mga ito.
Nag patuloy na siya sa pag lakad habang hinahanap ng kaniyang paningin si Kiel. Nang may bigla siyang maka salubong na isang ginang na naka sakay sa Wheelchair habang tulak-tulak iyon ng isang babae ,at kung hindi siya nag kakamali ay patungo ang mga iyon sa Comfort Room. Patuloy parin siya sa pag lakad at ng maka tapat na niya ang mga ito ay nginitian lamang siya ng Babaeng nag babantay sa ginang at ginantihan naman niya iyon ng isang matamis na ngiti pagka tapos ay hindi na niya nagawang huminto Pa dahil nag patuloy narin ang mga ito. Subalit sakaniyang pag lalakad ay bigla siyang napa hinto at mabilis na napa lingon sa dalawang tao na papalayo at tanging likod lamang ng babae ang kaniyang nakita.
"Nanay"mahinang sambit niya ng mag laro sa kaniyang isipan ang mukha ng ginang na nasa Wheelchair kahit sobrang pumayat at pumuti iyon ay hindi maipag kakaila na iyon ang nanay Lory niya.
Matapos bumalik ng mga ala-ala ni Alena sa Barangay Pinagpala nung magising siya ay ang buong akala niya ay nasawi na ang kaniyang nanay Lory at Tatay Rodulfo sa nangyareng trahedya sa kanila nuon. "Nanay"maluha luhang sambit niya hanggang sa mawala na ang mga ito sa kaniyang paningin.
"Alena "
Naagaw ang kaniyang pansin sa babaeng nag salita mula sa kaniyang likuran, nilingon niya ito pagka tapos ay nginitian rin ng makilala niya ito.
"Ms Pinky kayo po pala" aniya, at kahit anong tago niya sa kaniyang emotion ay hindi parin iyon naka ligtas sa babaeng kaharap
"are you crying? " nag aalalang saad nito
"Tagalog po Ms Pinky wala po tayo sa kabilang plaeta" aniya na ikina ngiti nito.
"Umiiyak kaba? " anito
Umiling nama siya pag katapos ay pina sigla niya ang kaniyang boses dito "nako hindi po, napuwing lang po ako kanina"sagot niya
"Ahh ganuon ba, tara sabay na tayo. Nasa Garden Area sila Kiel kung siya ang hinahanap mo"anito kaya tumango na lamang siya bilang pag sang ayon.
" hi Alena, wow you look fvcking elegant gorgeous tonight ---aray ano ba boss kiel! " saad ng isang lalaki na hindi naman kilala ng dalaga. Ngunit napangiti naman siya ng makita niya kung paano ito batukan ni Kiel at ang sama ng tingin nito sa lalaking binatukan.
" hi I'm Rayan "saad ng lalaki na binatukan ni Kiel ng maka lapit sila sa mga ito.
" I'm Marco"saad naman ng lalaking katabi ng nag nga-ngalang Rayan..
"I'm Jayson Ms Beautiful " saad naman ng lalaking katabi ni Paulo
"Magandang gabi sa inyo" naka ngiti lamang niyang sabi sa tatlo at hindi na niya tinanggap ang pakiki pag kamay ng mga ito dahil ang sama ng tingin na ipinukol sa kaniya ni Kiel.
"Mukhang nag kakatuwaan kayo dito ah, hindi ba kayo papasok sa loob? Kesha kompleto naba lahat ng mga bisita mo? " ani ng isang lalaki na kakalapit lamang sa kanila.
Naka tayo lamang sina Alena habang napapa gitnaan siya Nina Pinky at Cindy. kaharap nila ang buong mag kakaibigan na Otso Apolo's maging ang mga Partners ng mga ito ay naroroon rin. sila-sila lamang na mag kakakilala sa kumpulan na iyon habang ang ibang bisita naman ni Kesha na hindi naman nila kilala o kaibigan ay may sari sariling ka grupo at mga kasama.
Nasa gawing likod ni Vanessa ang isang lalaking nag salita na siyang umagaw ng kanilang pansin.
"Good evening tito, Good evening Mr Del Castro " Bati ng mga kasama sa lalaking nag salita kanina. ang iba ay naki pag kamay ang iba naman ay bumeso dito. Nanatili lamang naka tayo si Alena at hindi niya rin makita ang mukha ng lalaking tinawag ni Kesha na tito dahil naka harang sina Paulo at Fego dito.
" hello Everyone good evening" ani ng tinig ang siyang nag pahinto sa lahat ng mga taong naroroon at napa tuon lahat ng pansin sa babaeng nag salita na may hawak na mikropono. Ngumiti muna ito at bago nag patuloy
"thank-you sa lahat ng pumunta sa gabi na ito, specially to my Friends, My boyfriend , relatives thank-you again but this night ay hindi lang po ito para saakin kundi para rin sa pinaka mamahal Kong tito Rodulfo and for my tita Lory "ani ni Kesha habang naka ngiti.
"Tito I just wanna to say thank-you for everything kayo ang tumayong daddy ko at sobra akong nag papasalamat sa kabutihan niyo po saakin kaya ngayon gabi ay hayaan niyo po akong kayo naman ni tita ang pasasayahin namin. This night tito I have a big surprise for you and tita Lory, at this time ay magiging masaya na po kayo " wika ni Kesha na siyang nag patahimik sa lahat ng mga naroroon.
"Kiel dalhin mona siya dito" saad ni Kesha kaya nagulat na lamang si Alena ng hawakan siya sa siko ni Kiel at dinala sa harapan ng mga tao katabi ni Kesha.
Habang si Rodulfo naman ay naguguluhan sa pakulo ng kaniyang pamangkin. Katabi na nito ang asawang paralisado ngunit ganuon na lamang ang gulat ni Rodulfo ng makitang tahimik na umiiyak ang kaniyang asawa habang ito ay naka tingin sa tatlong tao na nasa Harapan.
"Mahal bakit, nurse bakit umiiyak ang asawa ko" mahina ngunit tarantang tanong ni Rodulfo sa babaeng palaging kasama ni Lory
"A-le-na"sambit ni Lory sa pagitan ng pag iyak nito kay napa luhod na si Rodulfo sa harapan ng asawa upang patahanin ito sa pag iyak. Ngunit naagaw na naman ang kaniyang pansin ng mag salita muli ang kaniyang pamangkin sa Harapan.
"Tito Rodulfo, Tita Lory, Mommy Rona... Nahanap napo namin siya" naka ngiti ngunit naluluhang saad ni Kesha. Sobrang masaya siya para sa kawawang Tiyahin at sa butihing tiyuhin. At dahil sa narinig ay Napa tayo narin si Rodulfo kasabay ng pag lakas nang iyak ni Lory
Habang si Alena naman napa luha narin nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang mga magulang kahit naguguluhan parin sa mga nangyayare sa paligid ay nauunawaan naman niya ngayon na buhay nga ang kaniyang mga magulang.
"Kesha? " nag tatakang sambit ni Rodulfo sa pamangkin habang dahan dahan itong nag lalakad sa harapan. Pagka tapos ay natuon naman ang kaniyang pansin sa babaeng katabi ni Kiel Multivargo. Umiiyak ang babae habang naka tingin ito sa kaniya ang dalawang palad nito ay naka takip sa bibig nito at halatang pinipigilan ang pag lakad ng pag iyak nito.
"Ta-tay! " hagulgol ni Alena habang tinatakpan niya ng kaniyang palad ang kaniyang bibig, hindi mawari ni Alena ang nararamdamang kasiyahan dahil ngayon ay nakikita niya sa kaniyang harapan ang Tatay Rodulfo niya.
Habang si Rodulfo naman ay mabilis ang bawat agos ng kaniyang mga luha habang naka tingin sa dalagitang humahagulgol. ngunit ang mas lalong nag paagos sa kaniyang mga luha ay ng makita niya ang kwintas na may naka ukit na ?????
//continue