CHAPTER -12

2675 Words
"A-Alena? " garalgal ang boses habang sinasambit ni Rodulfo ang pangalan ng kaniyang nag isang anak. Pagka tapos niyang makita ang kwintas na iyon ay itinaas niya ang ang kaniyang tingin sa babaeng umiiyak. "Alena? Kesha---- Sambit ni Rodulfo at binitin Pa ang kaniyang gustong sabihin pagka tapos ay nilingon niya ang kaniyang pamangkin. Naka ngiti naman habang may luha sa matang tumango ng dalawang beses si Kesha, bilang sagot sa kaniyang nag tatanong na tingin. "Ta-tay tatay ko! " sambit ni Alena at mabilis ang naging kilos niya dahilan upang kamuntikan na siyang mahulog sa apat na baitang na hagdan. Nawala sa isip ni Alena na meron palang limang baitang ng hagdan duon at mabuti na lamang ay kaagad siyang nahawakan ni Kiel sa Kaniyang bewang at inalalayan siya nitong maka tayo ng maayos. Habang si Rodulfo naman ay ito na mismo ang pumanhik upang hindi na ulit maulit and kaninang kamuntikang mangyare sa kaniyang anak. "Anak ikaw na nga ba iyan Alena ko? " maluha luhang sambit ni Rodulfo "Tatay buhay po kayo" tanging tugon ni Alena at kaagad na niyakap and kaniyang tatay Rodulfo. Maging ang mga bisitang dumalo sa gabi na iyon ay nahawa rin sa iyakang naganap sa mag-ama. Buong higpit nag yakap ang mga ito pagka tapos ay parang batang humagulgol ng iyak si Alena sa bisig ng kaniyang ama habang siya ay naka yakap parin. Nag hiwalay lamang sila ng yakap ng maka rinig sila ng isang pag sigaw mula sa dereksyon nina Lory at ganuon na lamang ang laking gulat nila ng makitang naka dapa na sa sahig ang Ginang habang ito ay umiiyak at pilit ginagapang ang sarili nito. "Nanay! ,Lory" halos magka sabay na sambit ng mag-ama at mabilis nilang dina luhan ang kawawang si Lory. Umiiyak ito habang pilit ginagalaw ang paralisadong kamay at Binti nito upang haplusin at abutin si Alena na kaagad naman naunawaan ng dalaga kaya mula sa pagkaka hawak ng kaniyang ama sa paralisado niyang ina ay kinuha niya ito pagka tapos ay naupo siya sa bangko na yare sa nara. Naka unan ang ulo ni Lory sa kaniyang braso habang ang katawan nito ay naka yakap sa kaniya, at kung titignan sila sa ganuong pusisyon ay kahit na sino ay maantig lalo na't parang sanggol kung ikalong ni Alena ang kaniyang ina.. Pagka tapos ng pag titipon na iyon. Ay nag si-uwian narin ang mga bisita, maging ang mga Apolo's at ang grupo ni Jessa ay nag paalam narin. Pagka tapos mag pasalamat ni Rodulfo sa mga ito ay umalis narin at tanging sina Kiel at Alena lamang ang naiwan sa Mansyon ng mga Del Castro. Walang pag sidlan ang labis na kasiyahan ni Rodulfo lalo na't si Alena sa gabi na iyon. Halos ayaw na siyang bitawan ng kaniyang ama . At kung hindi Pa nila nakitang naka tulog na pala si Lory ay hindi Pa siya nito bibitawan. "Anak ihahatid kulang sa Kwarto ang nanay mo, Kiel iho naipa handa kona kay Manang ang Kwarto na para sayo. Mag pahinga kana rin" wika ni Rodulfo sa Dalawa "Rodulfo sa bahay muna kami matutulog ngayon gabi ni Kesha. dito rin kami mag bi- Breakfast tomorrow Eleven AM pa ang Flight namin. "Wika ni Rona bago Pa maka talikod si Rodulfo "Sige Ate, nasaan si Kesha? " "Kasama niya si Fego sa Labas" sagot ni Rona pagka tapos ay bumeso ito sa kapatid bago lumapit kay Alena. Yumakap ito sa Dalaga at hinalikan nito sa pisngi si Alena. Pagka tapos ay tumalikod narin ito Tanging Sina Alena at Kiel lamang ang naiwa, matapos silang talikuran ni Rodulfo upang ihatid ang natutulog nitong asawa sa master bedroom. ilang sandaling katahimikan at si Kiel narin ang hindi naka tiis, kaya ito na ang naunang bumasag sa katahimikan "Bakit hindi mo sinabing nakaka alala kana pala? " wika ng binata "Sinabi ko kaya pangalan ng mga magulang ko, nung araw na tanungin ako ni Mam Jessa tungkol sa pangalan ng mga magulag ko" sagot ni Alena "Bakit hindi mo sinabi sa amin na nagka amnesia ka pala? Pangalan lang ng mga magulang mo ang sinabi mo ---- "Hindi mo naman tinanog eh tsaka hindi ko naman alam na may mga alala pala akong naka limutan nuon. " mahinang sagot ng Dalaga. Kina umagahan nagising na lamang si Alena dahil sa mga kamay na humahaplos sa kaniyang mukha. Pag mulat niya ng kaniyang mukha ang isang kamay pala iyon ni Lory dahan dahan lamang iyon at halatang nahihirapan Pa itong igalaw ang sarili. "Magandang umaga nanay" bati niya at hinalikan sa nuo ang Ina. Napansin niyang naka upo lamang ito sa Wheelchair nito habang pilit inaabot ang kaniyang mukha. "Ate pwede muba akong tulungan, ihiga natin siya dito sa kama, gusto Kong maka tabi si Nanay at mayakap habang naka higa kami" wika ni Alena sa Private nurse ni Lory "Oo naman senyorita" sagot nito "Ay ayaw ko niyan ate. Alena nalang po" nahihiyang saad niya na siyang tinanguan naman nito. Pinag tulungan nila ng babaeng Nurse si Lory upang ihiga sa lamang hinihigaan niya pagka tapos a binalingan niya ang babaeng Nurse "Ano pong pangalan mo Ate----- "Marga" sagot nito "Ate Marga, pwede mo napo kaming iwan. Ako na po ang bahala kay nanay" saad niya, pagka tapos ay tumalima naman ang babae at naiwan na silang dalawa ni Lory sa Kwartong kaniyang kina hihigaan. Muli ay napa luha na naman siya sa nakaka awang setwasyon ng kaniyang ina. Nararamdaman niyang pilit itong gumalaw upang harapin siya ,ngunit niyakap na lamang niya ito habang sila ay naka higa "Huwag napo kayong malikot nay, hayaan niyopo munang yakapin ko kayo ng ganito, sobrang na miss na miss kopo kayo " mahinang saad ni Alena at naramdaman na lamang niyang naka tulog na muli ang kaniyang ina marahil ay dahil sa Gamot na pinapainom dito tuwing umaga. At maging siya ay muli na naman siyang naka tulog habang naka yakap parin sa kaniyang ina. At iyon ang tanawin na nakita ni Rodulfo ng mabuksan nito ang Pinto ng silid ni Alena. Naluluha si Rodulfo dahil sa labis na kaligayahan at sa wakas ay kompleto narin ang kaniyang pamilya. Kasama na niya muli ang kaniyang anak at sa nakikita niyang unti unting pag babago ng kaniyang asawa na nuon ay laging naka tulala lamang. LIMANG BUWAN ANG LUMIPAS Lubos ang kasiyahan ng mag-ama na sina Rodulfo at Alena dahil sa unti-unting pag galing ni Lory. Nakaka galaw na ng maayos ang katawan nito at hindi narin ito paralisado, subalit naka upo parin ito sa Wheelchair at hinihintay na lamang nila kung kailan ito makaka lakad. Maayos narin ang pananalita nito kaya magiliw itong Nakaka usap ni Alena. Kumuha si Rodulfo ng mga tao na p'wedeng maka tulong sa kaniyang anak, upang ito ay matuto kung paano kumilos, mag ayos at mag salita ang isang dalagang heredera. Meron rin itong guro upang maturuan rin sa pag babasa at sa pag susulat ang dalaga. Sa limang buwan na pananatili ni Alena sa bago nitong tahanan sa piling ng kaniyang mga magulang ay masasabi ni Kiel na marami ng nag bago sa Dalaga. Paminsan minsan ay dumadalaw sa mansyon ng mga Del Castro si Kiel lalo na't lagi itong hinahanap ni Alena satwing inaabot ng tatlo o limang araw na hindi Nakaka bisita ang binata. Ang akala ng mag-asawang Rodulfo at Lory ay Nobyo na ng kanilang anak si Kiel. Dahil lagi itong nag dadalaga ng mga iba't -ibang, uri ng bulaklak at chocolates, ngunit satwing tatanungin nila si Alena ay tanging kaibigan lamang ang sagot nito. Dahil sa inosenteng isip ay hindi nito maunawaan ang salitang Boyfriend o nobyo. "Ang galing naman, ang bilis mo matuto Alena very good " naka ngiting wika ng Tutor ni Alena. "Talaga po Teacher Zetro magaling po ako?" Naka ngiting tugon ni Alena kaya napangiti naman lalo ang binatang tutor nito. "Yes magaling kana rin mag sulat, very good 'yan basta 'yung mga itinuro ko sa'yo ha palagi mo tatandaan. Bukas ulit Alena kailangan ko ng umuwi"saad Zetro sabay gulo sa buhok ng Alaga "Dapat mobang iganiyan ang student mo?" Malamig na tinig ng isang lalaki ang nag patigil sa Dalawa "Kiel! " masiglang tawag ni Alena ng malingunan niya kung sino ang nag salita. Yumakap kaagad ito sa binata kaya hindi na nito nakita kung pano tignan ng matalim na tingin ni Kiel ang teacher Zetro nito. "Kiel halika dito, tignan mo oh naka pasa ako at magaling nadaw ako mag sulat sabi ni Teacher Zetro ,ang galing galing po niya mag turo" natutuwang saad ng dalaga. Dahilan kaya mapa tiim bagang si Kiel "Aalis ka diba? Umalis kana! " seryosong saad ni Kiel sa lalaki kaya nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. "Ba bye! Teacher Zetro bukas po ulit! " pahabol Pa ng dalaga kaya nginitian na lamang ito ng lalaki. ngunit kaagad rin iyon nawala ng masamang tingin lalo ang ipinukol ni Kiel dito kaya kaagad na itong tumalikod. "Kiel ngumiti ka naman, nagagalit kaba? Bakit ka galit? Masakit ba ang tiyan mo? Nagugutom kaba? Ako kasi gutom na. " magkaka sunod na sabi ng dalaga. Nagulat na lamang ito ng dinalawang habang lamang ni Kiel ang kanilang pagitan pagka tapos ay namalayan na lamang ni Alena na nasa bisig na pala siya ng binata. Yakap yakap na siya nito, kaya napa yakap narin siya pabalik sa binata. "Sa susunod ayaw ko ng makitang ngumi-ngiti ka sa lalaking iyon Alena" seryosong saad ng binata habang mas lalo nito hinigpitan ang pag kakayakap sa Dalaga. "Galit kaba kay Poging teacher --- "Damn! Sinong pogi!? "Naka tiim bagang saad ng binata kasabay ng pagkalas nito sa pagkaka yakap sa dalaga. Hinawakan nito sa magka bilang braso ang dalaga habang walang emotion nitong tinitigan ang kulay kapeng mga Mata ng dalaga. "Si Teacher ----- "No! Don't say that again Alena! Hindi siya pogi! Mas pogi Pa ako duon. Pa'no mong nasasabing pogi 'yon eh mukhang patay na kuko nga itsura ng lalaki na 'yon" saad ng binata at bahagiyan pang naka ngiwi ang mga labi nito. "Ano po ba itsura ng tao na mukhang patay na kuko? " tanong ng dalaga, bigla tuloy itong na Curious kung ano itsura ng isang tao na may mukhang patay na kuko. "Kapag nakita mo itsura ng Teacher mo, ganuon ang itsura ng patay na kuko. Kaya huwag mo siyang tatawagin na pogi dahil mas pogi Pa ako duon " tugon ni Kiel sabay yakap ulit nito sa dalaga. " patingin nga ako ulit ng mga isinulat mo" saad ng binata nang pakawalan na nito ang dalaga. Naupo ito sa sofa pagka tapos ay hinawakan nito sa siko si Alena at imbis na sa Sofa mauupo ang dalaga ay kaagad ito nahila ng binata sa braso pababa sa bewang ng dalaga upang sa kanang hita nito gustong paupuin ang dalaga. "May upuan naman po Kiel, bakit Pa dito mo ako gustong maupo sa Hita mo eh mabigat ako" saad ni Alena Sa kanilang pusisyon ay kung may ibang tao lamang makaka kita sa kanila ay iisipan marahil ng mga ito ay isa silang mag Kasintahan o nag lalambingan na mag-asawa dahil naka yakap ang dalawang braso ng binata sa Bewang ng dalaga ,habang naka upo si Alena sa kanang hita ng binata at hinayaan lamang ni Alena na ipatong ng binata ang ulo nito sa kaniyang balikat "Mas gusto Kong saakin ka naka upo " sagot ng binata at naramdaman na lamang ni Alena ang pag siksik ng mukha ng binata sa kaniyang leeg. "I miss you Alena" bulong ni Kiel sa tapat ng tenga ng dalaga. Na siyang ikina singhap naman ng dalaga. "Namiss rin po kita, ilang araw kana hindi naka dalawang dito " Inosenteng tugon ni Alena habang sinusuklay ng mga Daliri nito ang malambot na buhok ng binata. " Anong shampoo mo Kiel ang lambot naman ng ulo mo " saad ng dalaga Akmang sasagot na sana ang binata nang may biglang tumikhim kaya halos magka sabay silang napa lingon sa pinang galingang nun. " good afternoon Mr Del Castro " bati ni Kiel kay Rodulfo habang hindi parin inaalis ang naka pulupot niyang braso sa bewang ng dalaga. " we need to talk Multivargo, follow me "ani ni Rodulfo sa maotoridad na tinig. "Anak, Alena gising na ang nanay mo puntahan mo muna siya at kakausapin kulang si Kiel iha. "Baling ni Rodulfo sa anak. "Sige po Tatay, Kiel huwag ka muna aalis ha, nag promise ka saakin na sasamahan mo ako maka kita ng Elepante" saad ni Alena ng balingan nito ang binata. Tumango naman ito bilang sagot * Sa loob ng Library seryoso ang anyo ng mukha nang dalawang lalaki habang magka harap ang mga ito. "Multivargo, meron akong gustong malaman at gusto ko ay sagutin mo ng maayos. Bilang Nag iisa Kong anak si Alena at siya lamang ang taga pag mana ko. Ngayon usapang lalaki Kiel, May gusto kaba sa anak ko? Nililigawan moba siya? " seryosong saad ni Rodulfo sa binata. Satwing dinadalaw ng binata si Alena ay nakikita ni Rodulfo ang mga Flowers at Chocolates minsan ay may mga Teddy bear Pa itong binibigay sa kaniyang anak. At minsan rin ay nakikita niya ang minsang pag halik nito sa Nuo at pisngi ni Alena at kanina ay gusto niyang hilain ang kaniyang anak mula sa pagkaka yakap nito sa binata dahil napaka bata Pa nito para sa isang Kiel Multivargo. Alam ni Rodulfo ang lahat ng tungkol sa binata, ang pagiging Babaero nito at maging ang delikado nitong trabaho bilang isang Apolo. " Mr Del Castro, I Love your daughter, alam ko at alam niyo rin ang tungkol sa saakin at hindi ko itatangging naging babaero ako. At aaminin ko ho wala pang ni isang babae ang nag paramdam saakin nito, si Alena palang ho. Please Mr Del Castro sana ay huwag niyo ho akong pag bawalan na mahalin ang inyong anak.---- "But Alena is only Eighteen kumpara sa'yo. napaka bata Pa ni Alena at gusto ko ay maka pag tapos muna siya at matuto sa lahat ng bagay, she's so innocent Multivargo, until now hindi parin ako maka paniwala na dalaga na ang anak ko, para saakin ay siya parin ang anak Kong eight years old na isang linggo kulang naka sama nuon. I hope you understand. Plano ko siyang dalhin sa Singapore kasama si Kesha upang duon maka pag aral ng maayos si Alena. Kung mahal mo ang anak ko, makaka Pag hintay ka. Maka pag tapos lang siya at maging maayos na ay pwede mona siyang pakasalan kapag naka balik siya dito sa tamang Edad at sa tamang panahon " mahabang letaniya ni Rodulfo sa binata na ikina tahimik na lamang nito Walang halos naintindihan si Kiel sa lahat ng sinabi ni Rodulfo, isa lang ang nag sisisigaw sa kaniyang isipan. Ang malamang dadalhil sa Singapore ang Dalaga. At iyon ang hindi niya kaya, hindi niya kayang mapalayo sa kaniya ng matagal ang dalaga baka ilang oras lang ay susundan niya ito sa Singapore. Pagka tapos mag usap ng dalawang lalaki ay nauna ng lumabas ng library ang binata at sa kaniyang pag labas ay nagulat Pa siya ng makitang naka tayo lamang sa labas ng Pinto si Alena, nahalata niya ang bakas na kalungkutan sa magandang mukha nito. "Kiel" mahinang sambit ni Alena sa pangalan ng binata pagka tapos ay yumakap ito kaagad na siyang labis na nag pakirot sa puso ng binata. Umiiyak ang dalaga at mukhang narinig nito ang mga napag usapan nila ng tatay nito. "Ayaw Kong mapa layo sayo mamimiss kita kung matagal kitang hindi makikita. Malulungkot ako ,iiyak ako ng madameng Madame hanggang sa magka sakit ako tapos huhuhu basta ayaw ko ,ayaw Kong mapalayo sayo." Mahinang sambit ng dalaga sa pagitan ng pag iyak nito sa bisig ng binata. " huwag ka ng umiyak, diba gusto mo maka kita ng Elepante ngayon? Ready kana ba dahil aalis na tayo naipag paalam na kita sa tatay mo" pag iiba ng binata sa usapan. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD